Tinawagan ni Kuya Coco si Ate Demy. Ang sabi nya ay nasa 4th floor sya ng mall malapit sa office nila Kuya Coco. May mga kasama rin sya doon pero hindi sila makaalis sa kinaroroonan nila dahil may mga kasama silang bata at maraming mga infected ang pagala-gala sa labas.
Sinend nya sa amin ang address at kung saang parte sya ng mall napunta.
"Mag-iingat kayo mga anak." Sabi ni Mama saka humalik sa pisngi namin ni Kuya Cole (oo, sumama si Kuya Cole dahil ayaw daw nyang madehado kami kung sakaling may humarang sa amin), Kuya Chito (para day may maiiwan sa sasakyan kapag kailangan naming bumaba), at Kuya Coco.
Kasama naming lumabas ng bahay si Tito Jim. Siya ang magsasara ng tarangkahan sa sandaling makalabas ang sasakyan. Napatingin kami sa nagmamadaling makalapit na si Mang Fred.
Mayroon siyang tuyong mga bahid ng dugo sa mukha at maputi ang kaniyang mata na para bang may catarata, pero malala. Ang ekspresyon ng mukha niya ay parang asong ulol na anytime ay aatakihin ka. Wala ang isang parte ng pisngi niya at may natapyas ring parte sa may pagitan ng leeg at balikat niya.
"Kuya Fred, I give you mercy." Gamit ang palakol ay iwinasiwas ni Tito Jim ang talim nito. Nalaglag ang naputol na ulo ni Mang Fred sa lupa.(Author's Note: The term "I give you mercy" was from Z Nation. A TV show in America mainly about zombies; and the show comes right after another TV show called Black Summer.)
Napahiyaw ako sa nakita ko dahil hindi naman tayo sanay makakita ng ganoong eksena sa araw-araw hindi ba?
Dumuwal si Kuya Coco at nagmadali na kaming umalis nang sabihin ni Tito Jim na umalis na kami at siya na raw ang bahalang maglibing kay Mang Fred.
Si Kuya Cole ang nagda-drive at si Kuya Chito sa tabi nya. Kami naman ni Kuya Coco ang nasa likuran nila.
Walang nagsasalita sa amin ni isa. Tahimik lang naming binabaybay ang daan papunta sa mall kung saan namin susunduin si Ate Demy.
"Kaylangan lakasan nyo ang loob at sikmura nyo. Marami pa tayong kakaharaping mga ganyan kaya dapat matatag tayo." Sabi ni Kuya Cole habang nagda-drive. Tumango naman kaming tatlo.
Hindi pa kami nakakalabas ng baranggay namin ay mayroon nang mga infected ang nagkalat sa daan. "Kuya, 3 o'clock." Isang babae ang nakahiga sa daan at nakataas ang mga kamay. Wala na ang kanang hita nito at puro dugo ang daan.
Iniwasan ni Kuya Cole ang babae at patuloy lang nagdrive. "Tang ina kasing mga drug addict na 'yan. Nagkalat pa ng virus nila. Hindi na lang mga nagtago sa lungga." Sabi ni Kuya Chito.
"Ni hindi ko lubos maisip na magkakatotoo pala ang zombie apocalypse eh." Sabi naman ni Kuya Cole.
Patuloy lang silang nag-usap ni Kuya Chito doon habang tahimik lang kami ni Kuya Coco dito sa likod.
"Pucha." Tahimik na napamura si Kuya Coco habang nakatingin sa harap ng sasakyan.
"Oh, shit." Sabay na sabi nina Kuya Cole at Kuya Chito.
Mga ilang kilometro mula sa sasakyan namin ay ang nagkakagulong mga tao. Hinahabol at inaatake ng mga infected ang hindi. Wala kang ibang maririnig kung hindi ang iyak ng paghingi ng tulong ng mga tao at ang mala-hayop na ungol ng mga infected.
"No wonder walang dumating sa pa-welcome event ni Steve Hawking sa mga time travelers noon sa University of Cambridge." I said to myself.
"Weh? May dumating ba?" Tanong naman ni Kuya Chito.
"Wala. No one came. It's either hindi totoo ang time travel, or naubos na ang sangkatauhan dahil sa pandemyang ito."
Pinaandar nang muli ni Kuya Cole ang sasakyan. "We have to live. Kailangan sama-sama lang tayo palagi." Sabi nya.
"Chito, kaya mong mag-isa dito mamaya?" Tanong ni Kuya Cole sa kanya.
"Oo." Sagot ni Kuya Chito.
"Okay, good. Habang nasa taas kami, hayaan mo lang na nakabukas ang engine ng sasakyan at i-lock mo lahat ng pinto. Para pagbaba namin mamaya, sisibat na kaagad tayo. Kuha mo?" Paalala ni Kuya Cole kay Kuya Chito.
Nakarating kami sa mall at sa bungad pa lang nito ay may mga nagkalat nang zombies. May security guards, office workers, traffic aides, halu-halo ang mga taong noo'y propesyonal na namumuhay, ngayon ay tila mga asong ulol, mga mortal na wala nang buhay.
"Ready na kayo?" Tanong sa amin ni Kuya Cole.
Tumango kami at nagmadaling pumasok sa loob ng mall. Si Kuya Cole at Kuya Coco ang nangunguna at ako sa likuran nila.
Sumenyas si Kuya Coco sa hagdan na katabi ng elevator. Hindi mo aasahan ang elevator sa ganitong panahon. Maaari lang namin itong ikapahamak kaya't nagdecide kaming umakyat gamit ang hagdanan.
Napatingin ako sa pader kung saan nakasulat ang number 2. Ayos, nasa ikalawang palapag na kami ngayon. Nawala ang paningin ko sa numerong nakasulat nang marinig ko ang pagwasiwas ni Kuya Cole ng itak sa ulo ng isang lalaking zombie. May kagat siya sa kanang balikat at puro dugo ang puting t-shirt nito.
Mabilis na sinipa ni Kuya Cole ang lalaki habang binubunot ang itak na nakabaon sa gitna ng ulo nito. "Tara, bilisan nyo."
Mabilis naming tinahak ang ikaapat na palapag ngunit sa bilog na salamin pa lamang ng pinto ay makikita mo na ang sandamukal na mga zombie na lalakad-lakad habang nakatanaw sa kung saan.
Huminga ako ng malalim at napapikit. Gayun din sila Kuya at ramdam ang kaba naming tatlo nang mapalingon ang isang lalaking tumutulo pa ang laway at nagmamadaling tumakbo palapit sa amin.
Humigpit pang lalo ang hawak ko sa kitchen knife na dala ko. "Ihanda nyo ang mga sarili nyo. Claire, kaya mo?" Tanong ni Kuya sa akin saka ako tumango. Maraming zombies ang tumatakbo palapit sa amin.
Nang itulak ng mga ito ang two-way door ng hagdan ay nagsimula na kaming magpaka-action stars nila Kuya.
Gamit ang kutsilyong hawak ko ay dali-dali kong ginilitan ang leeg ng isang saleslady na gustong kumagat sa akin. Wa epek. Minadali ko ang kilos saka itinarak sa bungo nito ang kutsilyong hawak ko. Tumaob ang zombie saleslady at dumaloy ang maitim na kulay ng dugo sa maputing tiles ng mall.
Tumingin ako kina Kuya na busy sa pagpatay sa mga zombies. Maya-maya pa ay isang zombie guard naman ang papalapit sa akin. Sa paglaslas ng kutsilyo na hawak ko sa pisngi niya ay parang wala lang iyon sa zombie na 'to.
Itinusok ko ang talim ng kutsilyo sa lalamunan niya saka ito mabilis na binunot at ibinaon sa bumbunan ng zombie guard. Bumagsak ito sa lapag at dumaloy ang pulang likido roon.
Talaga nga namang effective ang headshot o ang blunt force sa head kesa sa ibang parte ng katawan. Tried and tested. Thanks, The Walking Dead.
Ilan pang mga zombies ang naitaob namin saka naubos ang mga zombies na nakikita namin. Swerte. Kinuha namin ang mga baril ng mga gwardya pati na rin ang mga flashlights. Kinuha rin ni Kuya Coco ang mga posas na nasa tagiliran ng mga ito.
"Aanhin mo 'yang mga 'yan Kuya?" Tanong ko kay Kuya Coco.
"Malay mo may mapaggamitan tayo." Sabi nya habang nagkibit-balikat.
Mabilis kaming kumilos papunta sa loob ng shop kung saan naroon sina Ate Demy.
Tatlo na lang silang natira doon. Isang babaeng kaedaran ni Mama, isang lalaking kaedaran ni Kuya Cole, at si Ate Demy. Napatingin ako sa kamay ng lalaki at sa damit na puti nito na may bahid ng dugo. Nagkatinginan kami kaya mabilis kong iniwas ang paningin ko sa kanya.
"Akala ko ba ay may mga bata kayong kasama?" Tanong ni Kuya Coco kay Ate Demy.
"Meron..." nangangatog na sabi nya, "k-kaso kinagat sila nung nanay nila."
"Nasaan sila ngayon? Wala akong natatandaan na may nakita tayong mga bata sa may hagdan?" Sabi ni Kuya Cole saka ako hinawakan sa braso at nire-ready ang sarili sa kung anumang mangyayari.
Napalingon kaming lahat sa tunog na nanggaling sa katabing clothing store.
Tumayo ang lalaking kasama ni Ate Demy saka naman sya hinawakan sa dulo ng damit ng babaeng kasama rin nila. "It's fine, Ma. I can handle this." Englisero. Pasikat.
Dahan-dahan syang lumapit sa salamin na pinto ng KPOP merchandise shop na kung saan nasa loob kami, para tignan ang commotion sa labas.
"Looters."
Sa oras na sinabi nya iyon ay parang may bumbilyang umilaw sa tuktok ng ulo naming magkapatid ni Kuya Cole. Ilang powerbanks, mini fans, at batteries rin ang nakuha namin mula sa store. Nakakuha rin sina Kuya Coco at Ate Demy ng cotton blankets na may cartoon characters tulad ng We Bare Bears at Pororo.
"Gusto nyo po bang sumama sa amin?" Tanong ni Kuya Cole sa mag-ina.
Tumingin muna ang ina sa anak saka sabay silang tumango at nanguha ng tig-isa nilang bag.
Papalabas na kami ng store nang biglang may humarang na lalaking may dala-dalang grass cutter.
Natawa ako dahil same choice of weapon sila ni Kuya Coco.
"Anong tinatawa-tawa mo?" Galit na turan nito.
Kumunot ang noo ko. Magsasalita na sana ako nang unahan ako ni Kuya Cole. "Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko, pre. Hindi nakainom ng gamot." Pagpapagaan ni Kuya sa sitwasyon.
Tumawa ang lalaki na parang nakakaloko saka kami tinignan isa-isa. Napansin kong nagtagal ang tingin niya sa amin ni Ate Demy saka nag-smirk na akala mo ay ikinagwapo ng pangit niyang mukha. "Barter tayo. Pagkain, baril at bala, kapalit ng mga babae nyo."
Humigpit ang hawak ni Kuya sa braso ko. Kinakabahan ako. Sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay halos mabingi ako rito.
"Hindi magandang biro yan, pre." Natatawang sabi ni Kuya Cole.
"Hindi ako nagbibiro pre. Nalimas na namin ang tindahan ng baril doon sa Roman Highway. Wala na kayong makukuhang ganito rito." Mayabang na sabi nung isang ogag na kasama niya.
"Sa tingin mo ba ay ipagkakanulo namin ang kapatid ko at ang syota ko sa inyo? Gaano kayo ka-confident?" Inis na turan ni Kuya Coco.
"Eh tarantado naman pala 'to eh!" Inilabas ng lalaki ang baril niya saka kami pinaputukan. Nagulat na lang ako dahil may humatak sa damit ko sa likuran at nakaiwas kami sa mga bala ng baril ng nababaliw na lalaki.
"Give me your gun." Nagulat ako dito sa lalaking kasama ni Ate Demy dahil bigla-bigla na lang bumubulong dito sa likuran ko. Ang awkward nga lang ng pwesto namin dahil nakayakap sya sa bewang ko habang nakatalikod ako sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang hininga nya sa batok ko at bigla akong nahiya dahil baka nakita nya ang pagtaas ng balahibo ko.
Dali-dali kong ibinigay ang baril na nakuha ko sa gwardya kanina at iniabot sa kanya.
Tumayo siya at isa-isang pinaputukan ang mga lalaking nag-aamok.
Parang eksena sa pelikula na isa-isang tumumba ang mga lalaking kanina lamang ay akala mo mga action star kung umariba.
Tumingin ang lalaki sa gawi namin ng mama nya saka itinapon ang baril sa lapag.
"Wow." Wala sa sariling nasabi ko. Tumingin sa akin ang lalaki at nag-smirk na para bang sinasabi nyang 'Did you see that?'. Medyo nakakainis pero totoo. Ang astig nya sa part na 'yon kaso ang yabang talaga.
"Past time kasi ng anak ko na 'yan ang airsoft. Lalo na kapag walang flight at long weekends." Sabi ng babae na nasa tabi ko.
Hindi na ako nagsalita. Tinawag ako ni Kuya para tulungan siyang kuhanin ang dalawang bag na dala ng mga looters kanina.
"Where are we going? Our house will be safer. Kami lang ni mama ang nakatira roon." Presinta nya. "I'm Luke, by the way." Pakilala naman nya, offering his hand for a handshake to Kuya Cole.
Kuya shaked his hand, "Cole. Ito si Claire, si Coco naman 'yong kasama ni Demy. May bahay rin kami which we think is the best place for us too. Saan ba ang bahay ninyo?"
"We live at Altierra Residences. Kakaunti pa lang kaming nakatira sa subdivision. I'm pretty sure wala pang masyadong infected sa part na iyon."
Medyo tempting ang offer nila dahil unang una ay hindi sasapat ang pagkain namin para sa aming lahat. Pangalawa ay hindi safe ang lugar namin dahil maraming magkakatabing bahay at at risk ang lugar namin sa mga looters na tulad namin ay maaaring naghahanap rin ng maiimbak na pagkain at ilang kagamitan.
"Kakausapin muna namin si mama at yung tito namin." Sabi ni Kuya Coco habang hawak sa kamay si Ate Demy na lumapit sa amin.
"Okay. Susundan namin kayo. I'll take my car in case hindi nyo alam ang daan papunta sa bahay." Inilabas ni Luke ang susi ng sasakyan. "Come on, Ma."
Hawak ang mga baril, ay tila mga batang scouts kami na naglalakad papunta sa hagdan kung saan kami nanggaling kanina.
Napagpasyahan naming dumiretso na sila Kuya Coco at Ate Demy sa sasakyan habang kami naman ni Kuya Cole ang kukuha ng ilang loots and supplies para sa aming lahat.
Kasama namin sina Luke at ang mama nya sa loob ng supermarket. Nagkakagulo na rin dito habang busy ang lahat na manguha ng mga de lata, tubig, at mga pagkain na maaaring iimbak.
Kanya-kanya kaming silid sa bag ng mga pagkain, napkins, at kung anu-ano pa. Nang malapit na kaming makalabas sa exit ng supermarket ay may batang zombie na humarang sa daraanan namin.
Umungol ang bata at matalim ang titig sa amin.
"I give you mercy." Pinaputukan ni Luke ang noo ng bata gamit ang baril na may improvised silencer. Binalutan niya ng makapal na bandage ang dulo ng pistol na hawak nya.
Impresive.
Hindi matiim ng mama nya ang nakitang ginawa ng anak. Nagsuka muna ito sa tabi bago kami nagpatuloy sa pagbaba sa first floor kung saan naghihintay sa harap ng mall sina Kuya Chito, Kuya Coco, at Ate Demy.