December 29, 2019
It is day 2 of the plague, and a lot have happened.
Ligtas na nakauwi sila Tito Jim kasama ang mga pamangkin ko at pati na rin ang mga kuya ko. Maraming mga magulang ang naapektuhan ng pandemya at ang ilan sa mga bata ay hindi pa nasusundo kaya't nababahala ang paaralan.
Hindi matukoy ng pamahalaan kung saan nanggaling ang droga at kung bakit tila isa itong uri ng rabies. Dumidikit ang cells ng isang rabid na taong gumagamit ng Flakka sa mga healthy cells ng isang taong nakagat niya. Sa oras na makagat ka ng isang taong infected ay bibilang ka lamang ng ilang minuto bago ka tuluyang mawalan ng pang-amoy, panlasa, pakiramdam, at pagkabulag o kawalan ng paningin. Tanging pandinig lamang ang iyong magagamit.
Pinapalakas nito ang sensasyon ng tenga sa kahit na anong tunog. At bukod sa pandinig, ay tanging ang utak na lamang ang nagpapagalaw sa mga ito. Unang inaatake ng virus ang puso ng isang taong infected at pinapabagal ang pagtibok nito hanggang sa mawalan na nga ng buhay ang isang tao. Hindi na muling titibok pa ang kanilang puso.
Kaya't tulad ng sa mga napapanood natin sa sinehan o sa telebisyon, ang pinakamabisang puntiryahin ay ang ulo. Sa oras na mabigyan mo ng matinding damage ang ulo ng isang rabid na tao; o zombie kung tawagin sa mga libro at palabas, ay kusa mo itong mapapatay. Instant kill kumbaga.
Iyon ay kung matibay ang sikmura mo.
Kahit papaano ay tao pa rin daw sila sabi ni Mama. Ayaw nyang pumatay ng tao. Ayoko rin naman, pero paano na lang kung isa sa amin ang mangailangan ng tulong? Paano kung isa sa amin ang malagay sa peligro?
"Hindi sasapat sa isang buwan ang pagkain natin dito." Sabi ni Mama na pabalik-balik sa paglalakad habang kaming lahat ay nakaupo rito sa sala.
Minabuti naming maglaan ng tig-iisang panangga bawat isang tao. Ang dalawang pamangkin ko lang ang wala, dahil masyado pa silang bata para sa mga ganitong delikadong bagay.
Ang problema namin ay wala ni isa man sa amin ang may baril. Maganda sana iyon dahil malayuan ang sakop ng pagtira. Hindi tulad ng kutsilyo, karit, pala, at asarol na meron kami.
"Nagkakagulo na nga sa bayan. Ni hindi kami makababa para mamili o kumuha ng pagkain sa mga supermarket o grocery." Sabi ni Kuya Coco. Nakasuot pa rin siya ng damit pantrabaho sa bangko.
"Paano kung kailangan na nating umalis dito? Saan tayo pupunta? Maraming kailangang gawin." Sabi naman ni Kuya Chito na lalakad-lakad na rin at hindi mapakali dahil sa sitwasyon.
"Bago tayo mag-isip ng kung ano, kailangan muna nating harangan ang mga bintana at pinto. Sigurado ka bang naisara mo ang gate, Chito?" Tanong ni Kuya Cole habang nakasilip sa binta ng sala. Mula sa bintana na ito ay matatanaw mo ang gate papasok sa bahay namin.
"Oo, naisara ko 'yon. Hindi ko lang alam kung naikandado ko." Tugon ni Kuya Chito.
"Ang pinakamaganda nating gawin ay mag-ipon ng tubig. Batsa, timba, drum, mga basyong bote at galon ng tubig, kahit ano, basta malinis at pwedeng paglagyan ng tubig na maiinom. Kanya-kanya muna tayong hanap at pagkatapos ay magkita-kita ulit tayo dito sa sala para pag-usapan ang susunod na gagawin natin. Habang nag-iigib tayo ay i-charge nyo na lahat ng mga gamit or device na magagamit natin. Cellphones, powerbank, rechargeable flashlights, yung mga rechargeable fans nila Timothy, radyo, lahat ng pwedeng i-charge na makakatulong sa atin, i-charge nyo na ngayon habang nag-iigib tayo. Kita-kita tayo dito after mapuno lahat ng lalagyan. Let's go." Suhestyon ko na sinunod naman nila. Kailangan ay kumalma kaming lahat, kung hindi ay pare-parehas kaming mamamatay sa kinakaharap naming pandemyang ito.
Nang matapos ang pag-charge at paglalagay ng tubig ay nagkita-kita kaming muli sa sala.
"Ano na next?" Tanong ni Kuya Chito habang inaalog-along ang tuhod. Lahat kami ay anxious na. Pero kailangang manatiling matatag, lalo na at may dalawang bata kaming kasama.
Nag-isip ako saglit. Kahit ang utak ko ay naba-blangko na. "Next ay pumunta kayo sa mga kwarto ninyo at manguha ng isang bag pack. Isa lang. Yung kahit mapuno ay madaling dalhin at kaya nyo. Maglagay kayo sa loob ng mga damit na pwedeng ipamalit. Huwag marami ang ilagay ninyo. Yung sakto lang para hindi mabigat at makapaglagay pa tayo ng iba. Lahat lang ng mahalaga ang ilalagay natin, okay? Tito Jim, ikaw na ang bahala sa mga dadalhin ni Tim, at ako na ang bahala kay Ara. Ilagay nyo na rin ang lahat ng mahahalagang papeles sa isang Ziploc bag." Inabot ko ang plastic bag na nasa counter ng kusina at binigya sila ng tig-iisa. "Birth Certificates, ID, Lahat ng mga gamit na hindi pwedeng mabasa, ilagay nyo dyan. Lahat lang ng mahahalaga ha. At please, maging aware tayo sa paligid. Baka mamaya ay may zombie sa malapit, hindi pa natin alam. Go."
Inilagay ko sa bag ang tatlong piraso ng t-shirt ko na nirolyo para magkasya sa bag ko, isang sweater jacket, mga underwears, pantalon, at pajama. Naglagay rin ako ng pera sa bulsa ng mga ito bago ko irolyo. Ilang ID rin ang inilagay ko sa Ziploc bag, dalawang ballpen, passport, tissue, wipes, alcohol, it isang 1 litre bottle ng tubig na inigiban ko kanina. Gayundin naman ang ginawa ko kay Ara.
Nang matapos ako sa bag namin ni Ara ay nanguha ako ng isang malaking duffel bag. Isa-isa ko silang pinuntahan sa mga kwarto nila at pinaglagay ng tigdadalawang set ng damit nila sa bag at ilan pang mga mahahalagang gamit.
Nang matapos ay nagtulong-tulong kami sa pag-bubukod ng mga de lata, noodles, at ilan pang pagkain na mayroon kaming stock sa bahay.
Napagkasunduang ang mga madaling masira o mapanis na pagkain muna ang una naming kakainin. Aabot hanggang sa ikatlong linggo ang pagkain namin.
Pagkatapos ay pinagtulungan nila kuya at Tito Jim ang paglalagay ng mga harang na plyboard ang mga bintana. Mahirap na at baka kung sino ang pumasok na lang bigla at basagin ang mga bintana.
Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto nang may biglang kumalabog.
Dahan-dahang lumapit si Kuya Cole sa bintana sa tabi ng pinto. Hinawi niya ng kaunti ang kurtina para silipin kung sino o ano ang kumakalabog doon.
Sumenyas siya sa amin na tumahimik at dahan-dahang lumayo sa bintana. Binuhat niya ang isang single-seater sofa para iharang sa pinto.
"Ano yung kumakalabog sa labas, Kuya?" Pabulong kong tanong kay Kuya Cole. Lahat kami ay nakayuko, malayo sa pintuan.
"Wait." Bulong ni Kuya pabalik. Kumuha pa siya ng ilang gamit na mabibigat para iharang pa sa pinto. Nang masigurado niyang ligtas na at hindi na kaagad mabubuksan ang pinto ay lumapit siya sa amin. "Si Mang Fred. Nahawaan na rin ng virus."
Napa-antanda si Mama at nagdasal. Mabait si Mang Fred at kinagigiliwan ng lahat dahil siya ay mabiro at kaibigan ng lahat, mapa-matanda man o bata.
"Chito, sabi mo isinara mo ang gate, bakit may nakapasok?" Tanong ni Kuya Coco kay Kuya Chito na nananahimik sa isang tabi. Hindi niya pinansin si Kuya Coco at mukhang may iniisip ng malalim si Kuya Chito.
Oras na ng hapunan. Nagluto si Mama ng adobong manok para maging ulam na namin hanggang bukas. Hindi kasi madaling mapanis ang adobo at malamang ay medyo matagal pa bago mawalan ng kuryente. Pinakuluan na rin niya ang baboy at manok na nasa freezer para iniinit na lang kung kakain na at madaling rekaduhan.
Kinabukasan ay napanood namin sa balitang ang CDC mula sa USA, ay nagpadala ng ilang samples ng vaccine para sa zombie outbreak na ito. Hindi lang pala sa Pilipinas nagkaroon ng ganitong pandemya, kung hindi sa buong mundo. Mayroon ring mga lugar na hindi apektado ng ganitong virus ngunit hindi pa tukoy kung saan ang mga lugar na ito.
Ang isa pang nakagigimbal na aming napanood ay ang nasabing virus na nagmula sa isang ipinagbabawal na gamot ay maaari ring maipasa sa mga hayop; o mula hayop sa tao. Tulad na lamang ng Ebola, HIV/AIDS, Bubonic Plague, at iba pa.
Hindi pa matukoy ng mga siyentipiko kung isa ba itong uri ng terorismo o aksidenteng kumalat lamang ang virus na ito.
Kasalukuyang ZR-Flu1 ang tawag sa virus na ito. Sa oras na makagat ka o madapuan ng laway ng isang infected sa isang open wound, ay maaari mo itong ikamatay sa loob lamang ng ilang minuto, at lakaring muli ang lupa na parang isang patay na muling nabuhay.
ZR-Flu1 ang short term ng mga biologists sa virus na Zombie Rabid Influenza 1. Ang mga sintomas nito ay ang pagdurugo ng mata, ilong, bibig, at tenga; pagkabulol; pagsakit ng matindi ng iyong ulo; pagsusuka; pagkukumbulsyon; at matinding pagkagutom.
Tahimik ang buong baranggay ng gabing iyon. Ngunit kahit ganoon katahimik ang gabi ay hindi kami makakampante kahit sa pag-idlip.
Una sa lahat ay ang mga taong sapilitang pumapasok sa mga bahay-bahay upang manguha ng pagkain o anumang supplies na maaari nilang magamit.
Isang beses nang may nagtangkang manloob sa bahay namin kaya't napagdesisyunan naming may dalawang gising para magbantay sa bahay at sa ilang mga nagpapahinga.
Kami ni Kuya Coco ang bantay ngayon. Katutulog lang ni Kuya Cole at Kuya Chito, nasa sala sila ngayon, kasama namin ni Kuya Coco. Sila Mama naman ay nasa kani-kanila nang mga kwarto at nagpapahinga.
"Para tayong nasa The Walking Dead." Sabi ni Kuya Coco na nagtapon ng Jack. Kasalukuyan kaming nagto-tong its. Paborito naming laro sa baraha.
"Chow." Lapag ko ng dalawang Jack na baraha. "Oo nga no. Iniisip ko pa lang na mawawalan tayo ng pagkain, kinakabahan na 'ko." Ilang beses nang sumasagi sa utak ko ang ganoong sitwasyon. Paano kung maubusan kami ng supply at kailangang may lumabas sa amin ng bahay at dumiskarte?
"Chow. Sapaw." Naglapag si Kuya Coco ng tatlong King at sinapawan ng 5 of Spades ang mga baraha kong may 6, 7, at 8 of Spades. "Kapag nasa ganoong sitwasyon na tayo, syempre kaming mga Kuya mo at si Tito Jim ang mamomroblema para doon."
"Iniisip ko lang naman. Syempre kailangan ko ring tumulong. Ayoko namang maging pabigat lang." Sabi ko saka bumunot ng isang baraha. "Kuya, nasaan kaya si Ate Demy?" Tanong ko kay Kuya. Si Ate Demy kasi yung long time best friend/ girlfriend ni Kuya Coco. Napamahal na rin kasi sa amin si Ate Demy.
"Hindi ka naman pabigat. Walang pabigat dito. Wala sa bokabolaryo nating mga Gonzales ang salitang pabigat. O tong its na. Talo ka." Inirapan ko sya dahil Alas na lang ang baraha ko. Nasa kanya pala yung tatlo. "Si Ate Demy mo, malakas 'yon. Nararamdaman kong magkikita pa kami kahit sa ganitong sitwasyon. Nagkausap kami kanina via Messenger. Mabuti na lang may internet at kuryente pa din 'no?"
"Isa pa ba?" Tanong ko saka muling binalasa ang set ng baraha. "Hindi ba walang kasama si Ate Demy sa dorm? Bakit 'di natin sya sunduin? Try lang natin. Mahirap ang walang kasama."
"Papayag kaya si Tito Jim?" Tanong ni Kuya Coco.
"Oo naman. Bukas, gusto mo samahan kita?" Tumango naman siya at ngumiti sa akin.
"May naisip ako, Claire." Napatingin ako kay Kuya. Inayos ko ang mga baraha ko saka sya muling nagsalita. "What if, habang nasa labas tayo bukas, maghanap na rin tayo ng supplies at kung suswertihin ay baka makakuha pa tayo ng mga baril?"
"Oo nga eh. Hindi kasi katulad ng sa mga Western TV shows about sa zombies ano? Na may mga baril na sila na naka-ready. Kaya ayokong nanonood ng mga palabas sa TV at pelikula eh."
"Basta bukas, gagawin natin lahat ng makakaya natin. Sure ka ba na gusto mong sumama?" Nag-aala si Kuya pero gusto kong malaman nila na kaya ko ang sarili ko mag-isa.
"Kaya ko ang sarili ko, Kuya."
"Good. Bukas 7 am. O, talo ka na naman."
Inis kong ibinagsak ang barahang hawak ko. Pangalawang talo ko na 'to ha. Sana naman bukas ay hindi kami malasin 'pag labas namin ni Kuya.
"Kape?" Tanog ni Kuya. Tumango ako at nagcheck ng social media.
*Help! Hindi kami makalabas ng building. A lot of Zs are idling at the hallways! Somebody help us!*
Nabasa ko ang post ni Selena--high school classmate ko noon, sa Facebook. So, marami pala ang stranded? Hindi sila makalabas ng building. Ang post ay 12 hours ago pa at hindi na online si Selena. Kamusta kaya sila doon?
Pagbalik ni Kuya Coco ay dala-dala na niya ang kapeng pinatimpla ko.
"Nagcheck rin ako sa social media. Nakakatakot ang mga videos sa news feed ko. Ang sabi pa nung isa, you have to hit them or shoot them at the head. Doon daw kasi namamalagi ang virus. Kinakain ng virus ang brain cells mo, causing the jerkings and a lot of the symptoms to occur."
"Sa ulo? Wow, so tama pala ang tactics sa TV at movies?" Now we know.
"Yup. So remember to always hit them at the head. Destroy the brain before we became the undead."
Wow, si Kuya. English 'yon. "Nosebleed." Binatukan ako ni Kuya Coco at umupo sa tabi ko.
"Tara, Call Of Duty, Battle Royal tayo para praktisado para bukas." Pagyaya ni Kuya Coco, na sinang-ayunan ko naman para mawala ang antok at boredom.