webnovel

Love You Until I Die [Tagalog Short Story]

Author: Rosebelt25
สมัยใหม่
Completed · 21.9K Views
  • 4 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

Nang dahil sa pandemic ng covid-19 magbabago ang buhay ni Rex, simula noong magpansinan sila ni Rod sa kanilang dormitoryo. Marami na ang nangyari hanggang sa may hindi inaasahan pagkakataon na hindi niya namamalayan.....

Tags
2 tags
Chapter 1Chapter 1

SIMULA nang pinatupad ng presidente ang Enchanced Community Quarantine dahil sa banta ng COVID-19 ay mahigit walong araw nang hindi lumalabas ng bahay si Rex Berzosa. Dala na rin ng takot dahil sa ayaw niya mahawaan at magkasakit. At dahil wala na siyang makain, kinakailangan na niyang lumabas ng bahay.

Palabas na siya ng bahay nang mapansin niya sa sala na abala si Rod Pillar sa pagcecellphone. Matagal na niya itong kasama sa dormitoryo ngunit ni minsan ay hindi pa sila nagkikibuan na dalawa. Magkabukod ang kanilang pagkain pero sa mga kagamitan ay nagsheshare silang dalawa. Magkaiba rin ang kanilang trabaho kaya hindi sila masyadong nakakapag-usap, kung meron man ay yung unang beses pa lamang sila nagkapag-usap nang magpakilala sila sa isa't isa na magkasama silang dalawa sa iisang bubong tapos hindi na iyon nasundan pa. Lalo na't lockdown ngayon parang gusto niya itong kausapin dahil sa kawalang magawa.

Humugot na lang siya ng hininga at inayos ang suot niyang face mask bago siya tuluyan makalabas ng bahay. Nagsimula na siyang maglakad dahil sa lockdown at walang mga sasakyan, mabuti't malapit lang ang South Supermaket kung kaya't hindi na niya kailangan maglakad ng mahaba. Kaso matinding init naman ang kalaban niya hindi siya nakapagdala ng payong. Nakalimutan niya kaya napakamot na lang tuloy siya sa kanyang ulo. Ngunit hindi niya inaasahan na papayungan siya ni.... Rod. Kaya napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ito na gulat ang ekspresyon.

"Nawalan na rin ako ng stocks," ani Rod. Dahilan para matauhan siya. "Halika! Sabay na tayo!" Dugtong na alok pa nito. Agad siyang napaiwas ng tingin nang magtama ang kanilang mata.

"Ah, sige" maikling tugon niya.

Iyon ang ikalawang beses na pag-uusap nilang dalawa kahit na maikli lang iyon.

Sabay silang dalawa naglakad ng hindi na naman nagkikibuan at nang makarating tumambad sa kanila ang pagkahaba-habang pila sa labas ng South Supermarket. Kaya no choice, kundi ang pumila. Maghintay at pahabain ang pasensya. Dalawang metro ang distansya niya kay Rod, pinauna niya kasi ito sa pila. Pagkatapos ng mahabang pila ay sa wakas makakapamili na siya ng pagkain.

Tapos na siya magbayad sa cashier at bitbit na niya ngayon ang dalawang plastic bag ng South. Pagkalabas niya sa exit ng Supermarket ay nakita niya si Rod na nag-aantay sa may gilid. Ang akala niya ay tuluyan na itong nakauwi dahil nakita niyang lumabas ito ng Supermarket matapos nito makapamili ng sarili nitong pagkain. Iyon pala ay hindi niya inaasahan na hihintayin siya nito.

"Dapat hindi mo na ako hinintay." Sambit niya nang makalapit siya kay Rod.

"Walang problema sakin," tugon nito. "Kasama kita dapat lang na hintayin kita." Dagdag pa nito at ngumiti.

Nagkibit-balikat na lang siya, pagkatapos ay sabay ulit silang naglakad pauwi.

Nang sumapit ang dapit hapon, napagpasyahan niyang lumabas ng kwarto dahil balak niyang magluto ng hapunan. Agad siyang dumiretso sa kusina ngunit natigilan siya nang mapansin niyang naghahain ng dalawang putahe si Rod bukod sa kanin.

"Huwag ka na magluto," wika nito. Na siyang pinagtaka niya. "Sakto, lumabas ka. Hindi na kita kailangan puntahan pa sa kwarto mo."

"Bakit nagluto ka pa? Sana hinayaan mo na lang ako na makapagluto ng sarili ko!" Giit niya.

Saglit hindi umimik ang kasama niya pero kalaunan ay nagsalita ito. "Sa tagal natin magkasama sa iisang bubong, gusto ko lang makipagkaibigan sa'yo." Turan sa kanya ni Rod.

Kung sabagay tama nga naman ito. Kanina gusto niya ito makausap ngunit hindi siya nagkaroon nang lakas ng loob, marahil inisip niya na baka hindi siya nito papansinin.

Imbis na magsalita ay umupo na lang siya na ikinatuwa ng kasama niya.

"Sabi na eh, hindi mo ko tatanggihan." Natatawang sambit sa kanya ni Rod.

"Masarap ka ba magluto?" Paninigurado niya.

"Syempre, isa akong chef sa pinagtatrabahuan ko!" Proud na sagot nito.

Marahan tumango-tango siya't ningitian niya si Rod na mas lalong ikinatuwa ulit nito. Pagkatapos ay nagsimula na silang kumain na sinabayan pa ng pagkukwento ni Rod. Halos patungkol lang naman iyon sa mga pagsubok na naranasan nito sa buhay noon, at kung minsan sinisingit pa nito ang mga ibang walang makabuluhan na bagay.

Tanging maikling tugon lamang ang kinokomento niya dahil natuklasan niya na madaldal pala ito. Inisip niya na hindi siya maboboring kung noon pa man kinaibigan na niya ito. Nang matapos kumain, napagpasyahan nilang manuod ng movie. Una nilang napanood ay Action iyon kasi ang gusto niya. Matapos ang unang movie. Sinunod nila ang pangalawa, iyon ay ang Romance. Ayon sa nalaman niya mahilig ito manuod ng movie na may love story. Kahit ayaw niya ng love story tiniis na lamang niya panuorin ang gusto ni Rod.

"Bakit gusto mo ang love story?" Tanong niya nang wala pa sa kalahati ang pinapanuod nila. "Pangbabae lang 'yan ang mga ganyang palabas!" dugtong pa niya.

"Ang sarap kaya manuod ng Romance lalo na't tungkol sa pagmamahal," sagot nito habang nakatuon ang mga mata nito sa screen. "Ibig sabihin, marunong ka magmahal kaya ginusto mo."

"Anong ibig mong sabihin?" Napakunot-noo siya.

"Nevermind," sagot uli nito. "By the way, kaanu-ano mo nga pala ang mga Berzosa? Ka-apelyido mo kasi ang Mayor natin eh!"

Saglit siyang natigilan sa tanong nito pero kalaunan agad siyang nabalik sa huwisyo. "Hindi ko sila kamag-anak," tugon niya sabay tayo, ngunit bigla siyang hinawakan ni Rod sa wrist dahilan para matigilan siya't mapatingin doon sa wrist na hawak nito. "Matutulog na ko." Pagdadahilan niya kahit alam niyang hindi ito nagtatanong.

Bigla kasi siya nakaramdam ng hindi maganda kung kaya't gusto niya munang magpahinga at mapag-isa.

"Ah.. ganon ba," sabay bitiw nito sa kamay niya. "S-Sige, ako na lang ang magtatapos nito."

Ang tinutukoy ng kasama niya ay yung pinapanuod nilang movie. Walang salitang naglakad siya pabalik sa kwarto niya at umupo sa kama na tila problemado. Sa totoo lang hindi niya inaasahan na tatanungin siya ni Rod ng ganon, sabagay wala naman itong alam kaya hahayaan na lang niya muna ito. Bumuntong hininga siya upang pakalmahin ang inis na nararamdaman niya sa sarili, pagkatapos niyon ay humiga na siya't natulog na.

MGA sumunod na araw naging magclose na sila ni Rod. Sabay na silang nag-aagahan, mananghalian at maghapunan, di tulad noon na kanya-kanya sila ng kain. Dahil lockdown napagpasyahan din nila na maglinis ng bahay tutal wala naman silang gaanong ginagawa. Nang matapos maglinis nakangiting tinignan nila ang loob ng bahay tsaka sila nag-apir.

Sa totoo lang ngayon lang niya naranasan na mas masaya pala kapag may katulong ka sa paglilinis. Minsan kasi siya ang gumagawa niyon pagkagaling niya sa work.

"Rex, laro tayo?" Aya ni Rod sa kanya.

Nasa sala sila nakaupo at nagpapahinga.

"Ano bang klaseng laro ang gusto mo?" Tanong niya dito.

"Truth or Dare!" Sagot nito. Natawa siya sa tinugon ng kasama niya.

"Seriously? Eh, pangbabae lang 'yan!"

"Di kaya, mapababae at lalaki pwedeng maglaro!" Apila pa nito. "At isa pa kahit sino pwede!" Dugtong anito.

Humugot siya ng hininga. "Okay, sige. Papayag ako." Pagsang-ayon niya sa gusto ng kasama niya.

"Yes!" Masiglang sambit nito na ikinatawa niya. "Mamaya after magdinner maglalaro tayo!"

"Okay" ani niya.

Lumipas ang ilang oras.. At ngayon nagsisimula na sila maglaro. Siya ang nagparaya na ito ang unang magspin ng bote, at nang tumapat sa ibang direksyon muling pinaikot ulit ang bote. Tumapat 'yon sa kanya.

"Truth or Dare?" Agad na tanong nito sa kanya.

Sandali siyang nag-isip. "Truth" Sagot niya.

"Sige, magtatanong ako," anito na tinanguan niya lang. "May naging karelasyon kana ba?"

"Since birth, wala." Tugon niya.

"Edi, maganda NGSB ka pala!" Komento nito. Tumatawa pa.

Napasimangot siya sa sinabi nito. Ano naman kung NGSB siya? Hindi pa niya kasi nahahanap ang babaeng nararapat para sa kanya, kaya hahayaan niya ang puso niya na tumibok ito sa taong nararapat na mamahalin niya.

Siya naman ngayon ang nagspin ng bote, tumapat iyon kay Rod na kinangiti niya.

"Truth," mabilis na sambit nito bago pa siya makapagtanong.

Napabuga siya ng hangin, "Bakla ka ba?" Walang alinlangan na tanong niya.

Napansin niya na natigilan ito at hindi agad naka-imik pero kalaunan ay nagsalita ito.

"Oo, bakla ako," pag-amin nito. Na siyang ikinatigil niya. "At aaminin ko, nagkakagusto na ko sa'yo." Dugtong anito, dahilan para mapakunot noo siya't paningkitan niya ito ng mata.

"Anong sinabi mo?" Hindi makapaniwalang turan niya. "May gusto ka sakin?" Sarkastikong tanong niya.

Dahan-dahan tumango si Rod, hudyat na totoo ang sinasabi nito.

"Oh, Jesus!" Singhap niya.

Inis na tumayo siya't iniwan niya si Rod sa sala. Pumunta siya ng kusina para uminom ng tubig at nang malagok na niya lahat, saka siya nagbuntong hininga. Hindi kasi siya makapaniwala na totoo pala ang hinala niya kay Rod. Sa itsura kasi nito hindi halatang may pagka-gay ito.

"Sorry, hindi ko sinasadya," rinig niyang sambit nito mula sa kanyang likuran. "Matagal na kitang pinagpapantasya ngunit ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap at makasama ka ng ganito, yung masaya tayo." Malumanay na sabi nito.

Mabilis siyang pumihit paharap dito dahil sa sinabi ni Rod. "Matatanggap ko ang pagkatao mo, ngunit hindi ko kayang ibigay ang pagmamahal na hinahangad mo!" Seryosong sambit niya. Saka siya dumiretso sa kwarto niya at padabog na sinara ang pinto.

_____

~shitloccah

You May Also Like