Blake Elton is a tall-dark and handsome ,good catch na kung iisipin bukod kasi sa good looks nito ay mapagmahal na anak at kapatid din siya,napakatalino rin nito at sobrang gentleman kung kaya't napakaraming babae sa university ang naiinlove sa kanya,,at isa na rito si Fiona na lihim na umiibig sa binata,pagkatapos ng graduation nila ay nawalan na rin sya ng balita sa binata,ngunit pinaglaruan sila ng tadhana dahil nagtagpo ang kanilang landas ng magtrabaho bilang manager si Blake sa Kompanyang pagmamay ari ngayon ng Dalaga,pinahirapan niya ng husto ang binata at lahat ng iutos nya'y tinatalima naman nito ng walang angal,ginagawa niya ito upang mas madalas na masilayan ang binata,ibalik kaya ni Blake ang pagmamahal niya rito ?o mapopoot ito sa kanya sa lihim ng kahapon na hindi sinasadyang Isa siya sa Dahilan
EPILOGUE
Napaigik si Fiona sa sakit ng kanyang likod ng bigla na lamang siya nitong ibinalibag sa kama.Nagulat siya sa ginawi bigla ng asawa niya.Kakatapos lang ng kasal nila at ngayon sana ang Honeymoon nila na matagal na niyang inaasam,ngayon niya rin nais na sabihin ang sorpresa sana niya para dito.
"Let's do this ! you fucking liar!"nanindig ang balahibo niya sa buong katawan ng marinig ang salitang niyon, animo'y mabangis na Leon ito at handa siya nitong saktan anumang oras.
Nagsumiksik siya sa uluhan ng kama at namaluktot dahil sa takot ,tiningnan niya ang lalaking minamahal niyang nasa harapan niya,ang mga mata nito ay nagaapoy sa galit na hindi niya malaman kung bakit.Kanina sa kasal nila ay nakangiti naman ito sa kanya at hinahalikan pa siya .
Hinawakan nito ang baba niya na halos bumaon roon ang mga kuko nito
"You know what Fiona you'll regret for being a big liar , I'll make you and your family pay for what you did to my father!" namumula ang mga mata nito sa galit sa kanya.
Bigla nitong hinatak ang wedding gown niya kaya't napunit iyon,ginutay gutay nito ang bawat hibla ng damit kahit nasasaktan at umiiyak na siya ay wala itong pakialam.
Hinalikan siya nito ng marahas,kahit dumugo na ang labi niya'y hindi pa rin ito tumutigil,Inihiga siya nito ng pilit, He entered her without any care if she's hurt.
Inulos siya ng inulos ni Blake ng paulit ulit sa iba ibang posisyon , pakiramdam ni Fiona'y rinerape na siya ni Blake ,hindi na ito ang Blake na minahal niya,Hindi na ito yung Blake na laging mahinahon at pasensyoso.Pinatuwad siya nito and started fucking her hard,napupugto ang hininga niya sa tuwing umuulos ito ng malakas ,tumutulo ang luha niya ngunit ayaw niyang magprotesta.Natuklasan na pala nito ang lihim niya.Wala siyang magagawa kundi tanggapin ang parusa nito dahil kasalanan din niya talaga.
"Sana makabawas ito sa galit mo Babe"aniya sa isip.
"Ohhh!!Fuck!"ungol nito
naramdaman niya ang mainit na likidong pumuno sa puson niya.
He pulled out his cock and went straight to the Comfort Room without looking at her.
Naisubsob niya ang muka sa palad, nakahubo't hubad siya at masakit ang katawan sa ginawa ng asawa niya sa kanya.
"I'm sorry for making you feel this pain my love" aniya sa sarili habang hinahawak hinihimas ang kanyang puson.Nang makita niya si Blake na palabas na ng CR ay nagsumiksik siya sa gilid,unang beses niyang maranasan ang ganoong ugali ng ng asawa kaya't pakiramdam niya'y pag lumapit ito ay baka saktan siya ulit nito.
Lumabas ito ng Condo ng walang paalam,naiwan siyang nakatulala sa kawalan."Sana bumalik siya sa dati,Sana pala sinabi ko nalang sa kanya ang totoo.."I'm sorry Blake" tuloy tuloy na daloy ng luha niya.
2 Years ago...
CHAPTER 1
Sa tinagal tagal ko nang tambay dito sa Bahay pakiramdam ko ay inuugat na ang mga paa ko kasama na ang isipan ko.Ako nga pala si Blake Elton,Graduate ng Business Administration sa isang kilalang University,kasabay ng paggraduate ko ay ang pagguho rin ng mundo namin ni Mam..
"Anak bilisan mo na jan mahuhuli na tayo ",
"opo Ma,saglit nalang to",wika ko habang binubuklat buklat ang mga pahina ng Speech na aking Bibitawan mamaya sa Graduation Ceremony.
"Aba'y bakit ba yan parin hawak mo Hindi mo parin ba kabisado ang speech mo?",wika nya ng diko namalayang pumasok na pala sya sa kwarto ko at talagang nakabihis na sya ,makikita mong paalis na talaga base sa hitsura,may sukbit narin syang bag .
"Ma naman,wala pa nga si Papa ,hindi naman tayo pwede umalis nang wala pa sya",
"Susunod nalang daw Papa mo dahil trapik sa nadaan nyang kalye,bilis na't kumilos kana",
Tumalima naman ako , isinuot ko na ang Uniform ko at binitbit na palabas ng kwarto ang Togang inarkila ng School namin para sa graduation day namin,naabutan ko naman si Mama na may kausap sa cellphone at mukang seryoso ang pinaguusapan nila base sa reaksyon ng muka ni Mama..
Kinuha ko ang sapatos na bagong bili sakin ng bunso kong kapatid na si Kyle bilang regalo sakin ngayong mahalagang araw,umupo ako sa tapat ni Mama habang nag susuot ng sapatos,napatingin ako kay Mama nang bigla nalang itong humikbi..
"Bakit Ma? ,wag mo sabihing poging-pogi ka na naman sa anak mo," nagbibiro kong wika dahil mukang may seryoso itong balita nalaman base sa kinilos nito..
"Ang Papa mo Blake",lumuluha niyang sambit,"nabangga ng rumaragasang truck habang pauwi dito base sa mga rumesponde dead on arrival sya pagdating sa Ospital,yun ang sabi ng tumawag sakin ngayon mula sa Ospital "
Para akong nabingi sa sinabi ni Mama,may hindi ako maipaliwanag na kirot Sa kaibuturan ko sa balitang natanggap nya,,Para akong kinakapos ng hangin at animo'y pinipiga ang Puso ko,namanhid ang mga kamay at paa ko na hindi ko namalayang bumagsak na ang sapatos na sanay isusuot ko sa paa ,
"Mauna kana sa School Blake ,susunod ako pupuntahan ko lang si Papa mo,papapuntahin ko ang Tita Jana mo para Syang umattend sa Graduation mo"hilam ng luha ang mga mata ni Mama,hindi ko mawari ang sasabihin ko pakiramdam ko'y naumid ang dila ko..
Habang nasa byahe kami ni Tita Jana ay lumilipad ang isip ko,napakasakit ng nararamdaman ko pero walang lumalabas na luha sa akin,hindi ko mawari ang nararamdaman ko , pakiramdam ko'y nakalutang ako at lahat ng nadadaanan nami'y hindi ko nakikita,
"Magpakatatag ka Blake,kailangan ka ng Mama mo at ng kapatid mo "wika ni tita habang nakatutok ang mga mata sa harapan,hindi man nya ipakita alam kong napakasakit din nito sa kanya bilang Kapatid ni Papa,
Pagdating namin sa School ay sinalubong ako ni Fiona ,CumLaude ng aming paraalan
"Hi ,Blake kumusta kinakabahan kaba?,ako kase mejo kinakabahan grabe ang bilis ng panahon Graduation Day na,samantalang parang kelan lang ay pinaguusapan namin ni Danna ang gagawin at aapplayan namin after Graduation natin"sabi nitong tuloy-tuloy.
Simpleng make up lang Suot nito sa muka pero hindi maitatangging napakaganda nya talaga kahit siguro walang make up na ilagay.Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy ako sa isang bakanteng upuan,si tita naman ay sa likurang bahagi na nakalaan para sa Parents sit,hindi pa naman nagsisimula ang Graduation Ceremony kaya karamihan sa mga studyante ay nagkwekwentuhan pa at ang iba naman ay nagseselfie kasama ang mga kaibigan at kaklase,Hindi ko namalayang lumapit sakin si Fiona
"Uyy Blake,suplado mo ha,"hindi ko siya pinansin at itinuon ko ang tingin sa Stage,gusto ko nang matapos tong Ceremony at nang makasunod na ako kay Mama sa Ospital , pakiramdam ko'y napakabagal ng oras sa mga sandaling iyon.
"Alam mo Blake nakita ko si Cassy, andun sya sa gilid may kausap na Hot na Guy,napakagwapo nya"rinig kong sabi niya kahit diko sya pinapansin ay tinutuloy tuloy niya parin ang pagkwekwento.
"Hindi mo ba sya lalapitan"bahala ka kapag maunahan ka ng iba magsisisi ka.
Tiningnan ko lamang sya ng mataman,sa sandaling iyon ay napatitig din sya saking mga mata,diko alam kung namalikmata lang ako dahil napansin kong namula ang magkabilang pisngi neto o dahil lamang sa make up nya,ibinalik ko ang tingin sa harap at naramdaman ko ang pagalis nito sa tabi ko,nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nagpaypay ito pakiwari mo'y init na init samantalang napakalamig naman ng loob ng stadium..
Nagsimula na ang seremonya at isa-isa nang tinawag ang mga Studyante para tanggapin ang kani kanilang Diploma,sa Huli ay ang talumpati ko para sa mga magsisipagtapos.Habang nagsasalita ako ay hindi ko napigilan ang mapaluha,dahil ang tagumpay na iaalay ko sana sa mga magulang ko ay hindi nila makikita dahil wala sila ngayon sa tabi ko,umiiyak ako hindi dahil sa saya na nakamit kong karangalan kundi dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon,nagiyakan narin ang mga kamag aral ko at mga magulang na naroroon,siguro'y dahil narin sa kagalakan na nararamdaman nila ngayon para sa kani kanilang mga sarili.
Pagkatapos ng Speech ay bumaba na ako ng Stage at niyakap ko isa isa ang aking mga Professors at nagpasalamat,pumunta ako sa gawi ni Tita para yayain na syang umalis doon at pumunta na ng Ospital,sinundan naman ako ng tingin nina Fiona at Danna na kapwa nagtaka siguro sa mga kinikilos ko ngayon..
Pagdating ng Ospital ay nakita ko si Mama na nakikipag usap sa Information Desk,paglapit namin ay namumugto ang mga mata nito at ang kanina'y napakaayos nitong buhok ay magulo na,
"Nasaan si Papa Ma?"
"sa morge anak"umiiyak nitong sagot,
Kaagad naman syang inalalayan ni Tita dahil para itong matutumba,ako nama'y tumungo sa Morge ,halos ayaw nang humakbang ng mga paa ko papasok pagkabukas ng lalaking namamahala dito.Nilapitan nito ang isang bangkay na nakatakip ng puting tela,at tinawag ako nito na lumapit
"handa kanaba iho"tanong niya sakin,
"Oo" kahit sa totoo lang pakiramdam ko ay hindi talaga. Binuksan niya ang puting tela na nakatakip sa ulo ni Papa ,Animo'y nandilim ang paningin ko panandalian,gustong lumabas ng luha ko ngunit parang ayaw,hindi ko mawari ang gagawin ,sumigaw ako ng malakas habang nakakuyom ang aking mga kamao ,sa wakas ay tumulo ng kusa ang luha ko na kanina ay hindi ko alam kung bakit ayaw lumabas,
"Papa,paano na kami nila Mama bakit mo kami iniwan,nangako ako sayo na bibilhan kita ng bagong sasakyan pag nakahanap ako ng trabaho pagkagraduate.Ipapasyal ko pa kayo ni Mama sa mga gusto mong puntahan.Pa,paano ko magagawa yun kung wala kana,kayo ni Mama inspirasyon ko kaya ako nagsumikap sa pag aaral.Papa,please sabihin mong panaginip lang to at hindi to totoo,ito yung araw na pinakahihintay natin bakit ngayon mo pa kami nilisan,huhuhu"-------end of flashback
Ipinilig ni Blake ang ulo sa ala-alang iyon ng kahapon mula kase ng pangyayaring yun ay nawalan na sya ng gana sa buhay.Ang Papa nya na sobrang bait at maka Dyos ay siya pang nawala sa mundo,naglakad sya patungo sa Cr at naghilamos,nagsuot sya ng Tshirt at lumabas ng kwarto.Tumungo siya sa kusina para maghanda ng almusal para sa kapatid nyang si Kyle ,mula ng mawala ang kanilang Ama ay nangibang bansa ang Mama nila at duon muna ito nanirahan sa kapatid nito dahil naging tulala na ito makalipas na ilibing ang Ama,hindi na ito nakakausap at bigla bigla nalang iiyak.Kaya't napagpasyahan ng Tita Thelma nya na kuhain muna ito at ipagamot doon ,pumayag naman silang magkapatid dahil naawa na rin sila sa kalagayan ng kanilang Ina.
Nagsangag sya ng kanin at nagprito ng sunnyside up,isa sa paborito ng kapatid nya,nasa Second year College lamang ito at kumukuha ng kursong Abogasya ,madalas na itong puyat dahil sa nalalapit na namang mid terms exam neto,tinawag nya ito at nang hindi pa ito lumalabas sa kaniyang kwarto ay pinuntahan nya ito at niyugyog,"Baby girl ni kuya gising na," di parin ito kumikilos dahil sa mabini nito paghinga alam niyang tulog na tulog pa ito,pinisil nya ang pisngi nito at kiniliti
"Baby girl gising na ,may sunny side up akong ginawa para sayo" pagkasabi nun ay nagmulat ito ng mga mata at isinuot ang salamin na nasa bedside table nito.
"Talaga kuya may sunnyside up kang niluto,yey" parang bata netong wika,natawa naman si Blake sa inasal ng kapatid na itinaas pa ang dalawang kamay sa tuwa.
"oo kaya bumangon ka na dyan kung hindi ay ipapaubos ko kay Misty yang ulam mo", anas nya habang natatawang lumabas ng kwarto,sumunod namn ito sa kaniya makalipas ang ilang minuto ,nakaligo na ito at nakabihis.
"Nga pala Kyle , I'll fetch you later ,magmomotor nalang ako at samahan moko bumili ng formal attire" kaagad namang napaangat ang muka ng kapatid nya.
" Bakit kuya mag aapply kana?" pagtataka netong tanong.
"opo kaya samahan mo ako mamaya at old fashion clothes na ang alam ko , di ako updated sa mga damit ngayon alam mo naman naburo ako dito sa bahay for a year" mahabang litanya nya.
" sige kuya I'll just call you kapag malapit na mag uwian"
Pagkatpos mag almusal at makaalis ang kapatid nya ay sinimulan na niyang hugasan ang pinagkainan nilang dalawa,maya maya ay nagscroll sya sa computer ng mga Hirings na Kompanya para sa Posisyong gusto nyang applayan,kaagad namang naagaw ang pansin nya ng isang Kompanya na maganda ang pasahod at incentives kaya't kaagad nyang pinasahan ito ng Resume na ginawa nya kagabi.
Nag inat siya saglit at nagsimula nang linisin ang buong bahay,sinimulan niya sa kwarto ng kapatid dahil sa totoo lang parang hindi babae ang namamalagi dito,mas malinis pa nga kung tutuusin ang kwarto niya kesa dito.Sinimulan nyang ayusin ang kobre kama at pinagpag ang mga unan nito,pinunasan niya ang study table nito at computer set,isinalansan niya ang mga libro at mga kagamitan nito sa school na nagkalat kung saan saan ,nagvacuum rin sya sa loob ng kwarto neto at isinunod naman nya ang cr . Nagkalat ang mga kagamitan nito na pang cr sa lababo kaya isina ayos nya ang mga ito,kinuskus nya ang tiles ng cr at toilet bowl,nang makontento na sya ay lumabas na sya ng kwarto.
Sinimulan nyang linisin ang sala,pagkatapos ay kinuha nya ang maruruming damit nila ni Kyle,isinalang nya ang mga yun sa automatic washing machine at nang napatingin siya sa wall clock ay nagulat siya dahil quarter to 11 na,kaya't nagsaing na sya at kumuha ng karne sa ref.
"Karne ng baboy nalang pala ang natitira mamaya ay mamamalengke narin kami" naiwika nya,hiniwa nya ang karne at hinugasan at pati narin ang mga sangkap na gagamitin nya.Pagkatapos ay niluto na nya ang sinigang na naisipan nyang putahe,habang hindi pa kumukulo ang kanyang niluluto ay binalikan na nya ang kanyang sinalang sa automatic washing machine at inihanger ang mga ito.Pagkatapos ay itinuloy na nya ang pagluluto,nang makaluto ay kumain narin sya ng pananghalian at hinugasan ang pinagkainan,inilista na rin nya ang mga bibilhin para mamaya.Nanlalagkit na ang katawan niya dahil ginawang paglilinis kaya't nag pasya na siyang maligo na
Habang naliligo ay naramdaman nya ang pagkislot ng ibaba nya at napakunot noo nalang,never pa kase nyang naranasan ang sex sa tanang buhay niya,e paano nga naman siya makakaranas noon e never din naman siyang nagkagirlfriend,Tinapos nalang niya ang paliligo at nagbihis na ,pumunta siya sa Gym na malapit lang sa kanila kahit naman kase nakakulong sya sa bahay ay physically fit parin sya at katunayan ay may six pack abs sya,lumapit siya sa treadmill at sinimulan nyang kumilos dito,napansin niya ang ilang kababaihan na nakatigil sa ginagawa at nakatingin sa kanya,sanay na sya sa ganoong mga tingin dahil kahit noong nasa College ay Heartthrob sya sa school,"tsk" naiiling nalang niyamg sambit.
" Oh my Dear mabuti at nabisita ka dito after a week" napatigil naman siya nang lumapit ang may ari ng Gym na iyon,kilala na rin sya neto dahil simula ng dito sya pumupunta ay dumami rin ang customers neto lalo na mga babae ,dahil inaabangan sya ng mga ito tuwing pupunta sya,inabutan sya neto ng bottled water at binuksan pa para sa kanya,
"Thanks Ainie" wika niya,,maganda ang hubog ng katawan ni Ainie ,alam nyang may gusto ito sa kanya base sa mga tinginan neto,nginitian sya neto.
"Alam mo Dear dapat ay lagi kang lumabas sayang ang kagwapuhan mo kung buburuhin mo lang sa bahay nyo",hindi naman niya pinansin ang sinabi neto at sa halip ay nagpatuloy sa ginagawa.Makalipas ang isa't kalahating oras ay tumigil sya at umupo sa bench,habang nagpupunas ng pawisang katawan ay may lumapit sa kanya
"Ehem,"na akla mo'y may nakabara talaga sa lalamunan neto