webnovel

WORKS

FEIBULOUS WORKS

Feibulous · Urbano
Classificações insuficientes
17 Chs

THOUSAND MORNINGS WITH YOU

RATING: 16+

TEEN, ROMANCE

Lumaki si Angel at Khalid na parang magkapatid ang turingan sa isa't isa. They spent thousands of mornings together.

Hindi nila alam ang tunay na ibig sabihin ng pag-ibig at pagmamahal para sa isang tao kung hindi dumating sa eksena sa buhay nila si Muriel at Gavin.

She hurt him and he hurt her.

*****

LAST DAY of Summer.

Nagre-ready na ang lahat para sa pagsisimula ng klase. Malaki ang pagkakabukas ng bakal na gate ng LIU or kilala bilang Lloyd International University.

Matatagpuan ang eskwelahan sa kalapit na probinsya ng Maynila. Mga sampung taon pa lang siguro ang school sa bagong lokasyon nito na dati ay nasa Maunlad Province.

Isa-isang nagsisidatingan ang mga estudyante mula sa iba't-ibang lugar. Lively ang paligid dahil nagkakamustahan ang lahat.

Isang babae na nasa edad disi-nuebe ang bumaba sa hindi magarbong sasakyan. Si Angel Jang.

Simula airport ay dumiretso na siya sa university na iyon. Ayaw niya na kasing mag-aksaya pa ng oras. Tutuloy sana siya sa white castle pero mas pinili niya na dumiretso na sa school para magkaroon siya agad ng mga kakilala o kaibigan.

Nahihirapan siya sa pag-arkila ng taxi o grab car dahil dumating siya sa Pilipinas ng rush hour. Alas dose ng gabi ang flight niya kaya naman umaga siya nakarating sa airport.

Mabuti na lamang at may napakiusapan siya na traveler na patungo lang din sa parehas na probinsiya.

Nakasabay niya ang isang solo traveler na babae na nagmula pa sa Korea.

Sa eroplano pa lang ay naka-kwentuhan niya na ito. Nagkataon naman na sinundo ito ng nobyo nito kaya inaya na siyang makisabay.

Narito siya sa bansa dahil magpapaturo siya ng aralin kay Khalid. Nasa 2nd Year College siya at ito naman ay sa 3rd year.

Mas advance sa kanya ang lalaki dahil di hamak na mas matalino ito sa kanya kahit pa nga parehas sila ng birthday.

Sa telepono pa lang ay nakakausap niya na ito. He invited her to be at this university at magpunta nga dito sa Pilipinas para magpatuloy ng college.

He said it was fun to be here.

Having the thought na nandito ang lalaki, sige na nga at pagbibigyan niya ito.

Pinakuha sa kanya ang business course dahil wala namang ibang magmamana ng Chen at Jang businesses kun'di silang dalawa ni Ruru, ang pinsan niya na mas bata sa kanya ng apat na taon.

Bahagya na siyang pinagpapawisan dahil alas diyes na ng umaga.

Hila ang lavander na kulay ng bagahe, pumasok siya sa loob at sinimulan na hanapin si Khalid. Nalowbat na kasi ang cellphone niya at hindi niya alam kung saan hahanapin ang lalaki.

Kapansin-pansin si Angel ng ibang estudyante dahil kakaiba ang awra niya. Tila kasing puti ng bigas ang balat niya na para bang hindi naaarawan. Sobrang smooth pa na parang sa model ng mga lotion.

She is wearing a red bucket hat with a small ribbon on the side. Her dress flows like an ocean. Umaabot iyon hanggang binti. Her face was small and everything in it was perfect.

Kung mayroon mang maipipintas sa kanya, iyon ay ang height niyang 5'1. Madalas na mapagkamalan siyang fifteen dahil sa liit niya.

Malayu-layo na rin ang nalalakad niya nang may humarang sa kanyang tatlong lalaki. "Hello."

Kumunot ang noo niya. Hindi naman niya kilala ang mga ito kaya hinila niya ang bagahe patungo sa gilid ng mga ito at pinilit na iniwasan ang tatlo.

Ngunit humarang muli ang tatlong lalaki nang makarating siya sa gilid. Hindi na siya nakatiis kaya pinameywangan niya ang tatlong dugyot sa paningin niya.

"Hindi ako nakikipag-usap sa mga amoy-putok na katulad n'yo. Layas!" singhal niya.

Sabay-sabay na lihim na inamoy ng tatlo ang kili-kili ng mga ito.

"We are good," sabi ng isa.

"Gan'to na lang, ituro n'yo sa akin kung saan ko makikita si Khalid Matsui Han. Tapos bibigyan ko kayo ng pambili ng deodorant. Ayos na ba iyon? May pera na kayo, makakasama n'yo pa ang magandang tulad ko."

Namula ang tatlong teenager sa pagpapahiya niya. Pero nagsink-in sa utak ng mga ito na hinahanap niya sa Khalid.

"Kilala mo si Master Khalid?" tanong ng isa.

"Yes." Saka siya tumango. "Kilala n'yo siya?"

"Kilala namin!"

"G*go. Walang hindi nakakakilala kay Master Khalid dito. Unggoy!" Binatukan pa nito ang naunang nagsalita.

"Oo nga!"

Umiikot ang mata niya. "Bring me to Khalid. Nauubusan na ko ng pasensya sa inyo ha. Hindi ko na matiis ang amoy n'yo. Please lang..." inipit niya ang ilong na para bang hindi na niya masikmura ang amoy ng tatlong lalaki.

"Aba't!" Aambahan siya ng suntok ng isa ngunit pinigilan ng dalawang kasama nito.

Napapaisip siya. Kung tutuusin ay ayaw niyang gumawa ng drama sa iskul na iyon lalo at bagong salta lang siya. Hindi pa nga siya nagkakaroon ng kaibigan, mapapatrobol na agad siya

Nabigla na lang si Angel nang may humila sa kanya at pinrotektahan siya laban sa tatlong lalaki. Likod nito ang humarap sa kanya at natakpan nito ang tatlong unggoy sa mga mata niya.

Nagpasalamat siya dahil sa wakas ay ligtas na ang pang-amoy niya laban sa tatlo.

"Hey kayong tatlo! Nakakita na naman kayo ng biktima n'yo! Isusumbong ko kayo sa Dean!" singhal ng lalaki.

Umismid ang tatlo saka nakanguso na umalis.

Pinagmasdan ni Angel ang likod ng lalaking nagligtas sa kanya. Matangkad ito kumpara sa height niya na five-one lang. Sa tingin niya ay naglalaro sa anim na talampakan at isa ang lalaki. Mas napabilib si Angel sa glass skin ng lalaki na halos walang makitang pores sa mukha nito.

Akala niya ay sa Korea lang may ganoon, kahit pala dito ay may lalaki rin na tila Korean idol dahil sa kapogian.

"Hi! New student?" Bati nito.

"Yes. By the way, I'm Angel."

"Gavin."

"Oh! Hi Gavin! Bago lang kasi ako. Pwede mo bang ituro kung saan ko mahahanap si Khalid Matsui Han?" tanong niya. Feeling niya ay magkaka-stiff-neck siya sa kakatingala sa lalaki.

Hindi nakaligtas sa kanya ang pagsingkit ng mata nito.

"YOU KNOW Khalid?" tanong ni Gavin kay Angel. Hindi niya alam kung bakit matalim ang mga mata nito.

"Yes. He's my--"

"Angel!" Isang sigaw mula sa bungad ang pumutol sa sasabihin niya sana dito. Umaliwalas ang mukha niya nang makita si Alvin, Simon at Theodore. Ang triplets ni Matthew na tinatawag nila dating Popoy Muymoy at Kukoy.

"Ahh!!!!" Masayang hiyaw niya nang makita ang tatlo sa school na iyon.

Tumakbo siya patungo sa mga ito at niyakap ang tatlo na halos walang makitang pagkakaiba sa mga mukha ng mga ito.

"Oh my gosh boys! I miss you!" Panay ang talon niya dahil sa sobrang kasiyahan.

"We miss you too! Bakit nandito ka?" Naguguluhan na tanong ni Simon.

Kita niya ang maliit na hiwa sa noo nito kaya alam niyang si Simon ang lalaki. Tumama kasi ang noo nito sa kanto ng aparador. Nahulog ang salamin ng bagay na iyon at tumama ang isang halos kasing laki ng daliri ng nabasag na salamin sa noo ng lalaki. Dahil maliit pa ito nang mangyari iyon, malalim ang sugat na natamo nito.

Makukulit kasi ang mga ito dati pero ang napagalitan ng sobra ni Donna ay si Matthew dahil naging pabaya ito.

Si Theodore naman ay nakilala niya dahil sa berde nitong bag. Siya ang may regalo ng bag na iyon nitong nakaraang pasko. Samantalang si Alvin ay namukhaan niya dahil sa gold frame na salamin nito. Tulad ng Daddy ng mga ito, malabo rin ang mata ng lalaki dahil sa kakababad sa screen ng computer.

"Syempre dahil namiss ko kayo." Tinuro niya isa-isa ang tatlo, "Simon… Theodore… Alvin."

"Wow! Angel ka nga talaga. Himala at hindi ka nagkamali,"puna ni Theodore.

"Pwede ko ba naman kayong kalimutan, mga brothers ko kayo. Saan pala ako tutuloy? Nasaan si Khalid?" tanong niya.

Bigla niyang naalala si Gavin, nilingon niya ang lalaking nagligtas sa kanya pero hindi niya na ito nakita sa kung saan ito nakatayo kanina. Nagkibit-balikat na lang siya. Sigurado naman siya na makikita niya pa ang lalaki sa loob ng school na iyon.

"You are looking for Gavin?" Puna ni Alvin.

"You know him?" tanong niya.

"Walang hindi nakakakilala sa kanya dito sa school," makahulugan na sagot naman ni Theodore.

Napatango siya. "Saan ang dorm ko?" tanong niya sa mga ito. Napapagod na rin kasi talaga siya.

Nagkatinginan ang tatlong lalaki. "Hindi namin alam 'e."

Sumimangot siya sa narinig.

"But that doesn't mean we aren't able to help."

Sinamahan siya ng tatlo sa registration office. Nakahawak siya sa magkabilang braso ni Simon at Theodore. Si Alvin naman ang may hila ng travelling bag niya. Mas matanda siya sa mga ito ng isang taon.

Lumipas man ang mga taon ay hindi nawawala ang bonding niya sa mga ito dahil taon-taon ay sabay nilang pinagdiriwang ang kaarawan nila ni Khalid.

Nakuha niya ang schedule niya sa school registration office at binigyan siya nito ng pass para magpunta sa administration office naman ng ladies dormitory.

Masakit na ang paa niya sa kalalakad. Malaking school kasi ang LIU.

"Dito na lang ako," paalam niya sa tatlong lalaki sa gate ng ladies dorm.

"Just call us kung sakaling magkaroon ka ng problema," ani Alvin. Tumango na lang siya.

ISANG regular ng kwarto ang ibinigay sa kanya ng administration. Sa 4th floor siya tutuloy. Ibinigay sa kanya ang rules sa school at dorm na 'yon. Bawal ang maingay. Bawal ang makalat at lalong bawal malate pagkatapos ng curfew.

Alas diyes lang dapat ng gabi ay nakabalik na ang lahat sa dormitoryo.

Kakaunti pa lang ang mga estudyante sa building. Tulad ng sabi sa kanya ay tahimik kahit ang mga pasilyo. Binuksan niya ang pintuan ng dorm na naka-assign sa kanya.

Bahagya siyang nadismaya nang walang dekorasyon at plain ang kwarto.

Isang single bed ang kama na walang bedsheet. Wala siyang unan at walang kahit na anong gamit; tulad ng table o upuan. Tanging kama lang at ang kabinet na lalagyan ng mga damit ang laman ng kwarto.

Mukhang kakailanganin niya na mamili para sa kwarto na 'yon.

Kasalanan rin naman niya dahil hindi siya nakapagsabi kay Khalid na tutuloy siya sa school sa araw na iyon.

Nagcharge siya ng cellphone habang inaalisan ng alikabok ang kwarto. Nagpunas lang siya ng katawan tapos ay nagpalit ng damit para lumabas muli.

Nagdadalawang-isip siya kung dadalhin ang cellphone o iiwan na lang para icharge sa kwarto na iyon at magkaroon iyon ng baterya. Mas pinili niya ang una.

Tanging sling bag lang na may mga personal niyang gamit ang bitbit niya palabas muli ng dorm.

Nag-aabang siya ng taxi para magpahatid sa pinakamalapit na mall nang may humintong kotse sa tapat niya. Simple lang iyon at hindi pansinin. Nakita niya si Gavin sa driver seat, ang lalaking unang nakilala niya sa eskwelahan ng LIU.

"May pupuntahan ka?"

Ramdam ni Angel na walang gagawin sa kanya ang lalaki kaya naman sinubukan niyang makiusap.

"Hello. Pwede ba ako sumabay? Pahatid ako sa mall." Bahagya siyang nakayuko para makita ito.

"Sure. Pasok ka."