webnovel

WORKS

FEIBULOUS WORKS

Feibulous · Urban
Not enough ratings
17 Chs

Chapter 2 - Care

SUMAKAY si Angel sa sasakyan ni Gavin.

"Hindi ka man lang nagdalawang-isip na sumakay. Paano kung dalhin kita sa masukal na lugar at gahasain kita?" tudyo nito.

Nilingon niya ito. "You'll never do it."

Nagsimulang umandar ang kotse nito. "Bakit naman?"

"Because, I know you can't. I feel that you are a nice guy."

Napangiti ito ng matamis sa mga napuna niya. "At kung sakali na may gagawin ka sa akin. Sigurado na hindi ka na aabutin ng bukas."

Tumawa ang lalaki. Para kasi iyong pagbabanta na labas sa ilong niya kahit pa nga nagsasabi siya ng totoo.

Ilang saglit lang ay nasa parking na sila ng mall. Bumaba rin ito at sumabay sa kanya.

"Where are you going?" nagtatakang tanong niya dito.

"Sasamahan ka. Sabi mo nga kapag may nangyaring masama sa iyo, hindi na ako aabutin ng bukas. Kung may mangyayaring masama sa iyo, ako na agad ang unang suspek dahil ako ang nagsakay sa iyo sa tapat ng school," paliwanag nito.

"Wala ka bang lalakarin na iba?"

"Nababagot lang ako sa school kaya ako lumabas. Tutal baguhan ka pa lang naman dito sa lugar ako na lang ang sasama sa iyo."

Hinayaan niya na lang ito. Kakailanganin niya rin naman kasi talaga ng kasama at may libre pa na maghahatid sa kanya pabalik sa LIU. Namili siya ng kumot, unan, lamp, ilaw, kurtina at mga dekorasyon. Hangers ng mga damit niya at kung ano pa.

Inusisa siya nito ng mga kung anong bagay habang namimili. Tulad na lang ng kung ano ang course niya? kung ano ang mga tipikal na ginagawa niya? Kung anong extra curricular activities ang sasalihan niya sa school? at kung ano pa. Para itong nag-iinterview ng bagong aplikante.

"Haay, iisipin ko na may crush ka sa akin dahil sa mga tanong mo," sabi niya dito.

Napangiti naman ito. "To be honest, wala kasi akong masyadong kaibigan sa school at ikaw pa lang ang una."

Kumunot ang noo niya. Nasabi na nito na apat na taon na ito sa school kaya hindi niya sineryoso ang sinabi nito. Malamang ay ginu-goodtime siya ng lalaki. Nasabi sa kanya ng tatlong chipmunks na kilala si Gavin sa school. Hindi ito pangit at may pagka korean idol vibe kaya alam niya na popular ito sa school ng LIU.

At kapag popular ka, marami ang may nais na makipagkaibigan sa iyo.

Inabot na sila ng ilang oras bago siya nito naihatid sa tapat ng gate ng ladies dorm.

"Pasensya ka na, hindi kita matutulungan na maiakyat ang mga gamit mo sa dorm. Binuksan nito likod ng kotse nito at inilabas ang napakaraming box at paper bags.

"Angel!" malakas na tawag sa kanya. Napalingon siya at nakita si Khalid na papalapit.

"Where the hell did you go?! Kanina pa ako tawag ng tawag, halos ikutin ko na ang buong siyudad sa paghanap sa 'yo!"

Napangiwi siya. Napagalitan pa siya nito sa harap ng bago niyang kaibigan na si Gavin. Nakayuko lang siya habang tinatanggap ang sermon ni Khalid sa kanya.

Nakatingin naman si Gavin sa kanilang dalawa habang pinagagalitan siya nito. Parang malinis na papel ang mukha nito na walang bahid ng kahit anong emosyon.

Itinago siya ni Khalid sa likuran nito laban kay Gavin nang mapansin nito ang lalaki. "Why are you here?! Umalis ka na dito sa tapat ng ladies dorm at baka kung ano pa ang isipin ng mga tao dito."

Marahas nito na isinara ang trunk ng kotse saka umikot patungong driver seat. Umikot siya sa pagkakaharang ni Khalid at hinabol niya si Gavin bago ito sumakay. "Hey Gavin!"

Napasipa na lang si Khalid sa semento nang makita ang ginawa niya.

"I'm sorry. Mainit lang ang ulo ni Khalid. Salamat sa pagsama mo sa akin ha." tahimik lang ang lalaki kaya napangiwi siya. Tuluyan na itong pumasok sa sasakyan nito at pinaandar palayo ang kotse.

Tinitigan niya nang masama si Khalid nang mawala sa paningin niya ang sasakyan ni Gavin.

"What? Don't tell me sumama ka sa lalaking iyon?" usisa nito.

"Yes! Sumama ako sa kanya. Nagmagandang loob na nga ang tao na tulungan ako. He is my first ever friend. Why are you so unreasonable? Hindi man lang ako nakapagpasalamat ng maayos." Inis na nilapitan niya ang mga gamit niya.

"Huwag ka nang sasama sa kanya sa susunod. That would be the last, okay?" sabi nito na dinampot ang magkapatong na kahon.

Tiningnan niya ito ng masama pero hindi siya sumagot. Kinuha niya ang mga natirang bag at pumasok siya sa loob ng gate ng dorm nang nakasimangot.

"I will help you," sabi nito na sumunod sa kanya.

Tuloy-tuloy siya sa paglakad at hindi ito pinapansin.

Kung tutuusin ay namiss niya ang lalaki dahil may limang buwan din silang hindi nagkita. Ang huli ay nang nagkita sila nito sa Japan para mamasyal kasama ang iba pa nilang kaibigan.

Napapansin naman ng iba pang babaeng estudyante si Khalid. Unang beses kasi nito na pumasok sa dorm kaya naging atensyon tuloy sa mga mata nito si Angel dahil siya ang kasama nito.

Binuksan niya ang kwarto nang nakasunod pa rin ito sa kanya. Napangiwi siya nang makita na may mga nakadungaw na ulo ng ibang estudyante sa kanila.

"Bawal ka yata dito," sabi niya kay Khalid.

"I don't care. Move!" bitbit ang mga kahon ay nilagpasan siya nito at tumuloy sa loob ng kwarto.

Bumuga ito ng hangin nang makita ang ayos ng kwarto niya. "So ito ang dahilan kung bakit ka lumabas?" tanong nito nang nakacross ang mga braso.

"Yes! I told you na ngayon ang dating ko hindi ba? Mabuti pa ang tatlo chipmunks nakita ako at na-welcome ako nang maayos," reklamo niya dito.

"Hindi mo kasi sinabi na ngayon ang dating mo. Inaya ako ng isang kaibigan na mamili rin kaya nawala sa isip ko."

Sumimangot siya. Kinuha niya na lang ang cellphone niya na nananatiling nakasaksak. Nakita niya na may 147 missed calls at mahigit singkwenta na messages ang nasa inbox niya at lahat ay galing kay Khalid.

Gaano katindi ang pag-aalala nito sa kanya?

Dahil sa ginawa nito ay sige na nga at pinapatawad niya na ito.

KITA ni Angel ang malaking pagkakaiba ni Khalid sa pisikal nitong anyo ngayon kumpara noon.

Hindi nalalayo ang taas nito kay Gavin na anim na talampakan at mahigit. Kaya naman parang halos kili-kili lang siya nito. Hindi rin nalalayo ang sukat ng dalawa. Hindi tulad ng daddy nito na si Cally, alon-alon ang buhok nito ngunit dark brown. His eyes are black na nakuha nito kay Prin.

Sa tagal nilang magkakilala, ngayon lang niya nasuri ng mabuti ang lalaki.

"Are you done looking at me?" nakataas ang kilay nito at nakahalukipkip habang nakatingin sa kanya.

Umasim ang mukha ni Angel. Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nakatingin dito kaya nag-isip siya ng idadahilan. Baka kasi katakot-takot na tudyo na naman ang ibigay nito.

"Hindi ko lang kasi akalain na daig mo pa ang magulang ko sa paghanap sa akin ng sobra. Seriously, 147 missed calls?"

"Syempre, mahirap na. Baka kasi akalain ng mga tao dito ay isa kang pusang naliligaw o napabayaan. Isa pa, ayaw kong magpaliwanag kay tita Bella kung sakali na tuluyan kang mawala. Baka sabihin ng mommy mo na hindi ako magaling na host."

Sumimangot siya lalo sa sinabi nito.

"May mga napansin akong nabago sa iyo," sabi niya dito.

"Tulad ng alin?" Kinuha nito ang cellphone at sinuri ang sarili sa screen.

"Mas lumitaw ang pinaghalo-halo mo'ng dugo. African na lang ang kulang, mukha ka na'ng united nation."

Lumapit ito at pinisil siya sa magkabilang pisngi. "Ganyan ba ang kailangan mo'ng sabihin sa akin matapos mo akong hindi makita ng ilang buwan?"

Mabilis siyang nagreklamo dahil sa ginawa nito.

"Aw! Masakit!" Hinimas niya ang pisngi na mabilis na namula dahil sa ginawa nito.

"Ang cute cute kasi ng baby Angel." Inipit naman nito ang nguso niya.

"Tss! I wonder if you'll do that in front of other students," hamon niya dito.

Kilala niya si Khalid. Sigurado siya na seryoso ang pagkatao nito sa labas at hindi gagawa ng mga ganitong klase ng aksyon. 'Yung sasabihan siya ng cute at pipisilin ang mga pisngi niya. Alam niya na abot hanggang langit ang ego nito at taas ng tingin sa sarili.

"I won't dare. Kaya nga you should be grateful. Nakita mo na ang lahat sa akin."

Pareho sila ng school na pinasukan noong elementary sila hanggang grade 4. Hindi sila pinaghiwalay ng mga magulang nila dahil hindi madaling kaibigan-in si Khalid. Matalim kung tumingin ito noon at wala itong sinasanto kahit sa mga guro nila. He speaks what is in his mind. Kaya naman walang nagawa ang Tita Prin niya kung hindi makiusap na pagsamahin silang dalawa sa school.

They have been living together for a couple of years in the same room. School, bahay at kung saan pa. They are like brothers. Kaya naman sanay na siya dito at ganoon din ito sa kanya.

Naghiwalay lang sila sampung taon ang nakaraan nang mamatay si Cloud Han. Matapos iyon, isang buwan lang ang lumipas at sumunod si Ginny Lopez sa asawa nito.

Kinailangang lumipat ng buong pamilya ni Khalid sa Europe simula noon kaya matagal silang hindi nagkasama.

Kaya naman laking pasasalamat niya nang biglang lumitaw ang LIU at si Khalid ang nangangasiwa dito. Siya naman ngayon ang nakiusap dito na tulungan siya sa aralin.

Inilabas niya sa box ang mga gamit na pinamili. "Who is Gavin? Bakit parang may bad blood kayong dalawa?" usisa niya dito.

"Long story. Ayoko nang makita na kasama mo siya ulit, Maliwanag? Anyway, sigurado ka ba na gusto mong ayusin ang kwarto na ito ngayon? Malapit na mag-alas diyes," sabi nito na sinilip ang relo sa braso.

Nag-isip si Angel ng gagawin. Ramdam na ramdam niya na ang pagod dahil galing pa siya ng ibang bansa. Tapos ay dumeretso siya agad dito. Magbe-bente kwatro oras na siyang gising. Kung aayusin niya pa ang gamit niya ngayon, hindi niya alam kung anong oras siya matatapos dahil parang malinis na papel ang kwarto niya. Sobrang plain.

Kasalanan din naman ito ni Khalid. Hindi kasi nito inasikaso ang paglipat niya sa school na iyon at lahat ay personal niyang inasikaso sa maghapon.

"Mabuti pa ay sumama ka muna sa akin sa White Castle." Hindi na nito hinintay pa ang sasabihin niya at hinila na lang siya nito palabas ng dorm.

Wala nang lakas si Angel na makipagtalo dito kaya naman pumayag na lang siya. Inisip niya na aayusin na lang niya sa kinabukasan ang lahat ng gamit.

Ilang minuto rin ang layo ng school sa white castle kaya naman nakatulog si Angel sa sasakyan ni Khalid. Hindi na rin niya alam na binuhat siya nito at walang plano na gisingin siya.

NAKAKUNOT ang noo ng mga kasama ni Khalid sa bahay nang makita ng mga ito na may bitbit siyang babae na pumasok hanggang kwarto niya.

Naiwan kasi siya dito sa Pilipinas at tanging black guards at mga kasambahay ang kasama niya.

Nasa abroad ang Mommy, Daddy niya at ang dalawa niya pang kapatid na parehas bata pa. Sampung taon ang agwat nila ng sumunod sa kanya na lalaki rin, Pilot ang pangalan, siyam na taon ito ngayon; limang taon naman sa ngayon ang bunso nila na babae, si Perri.

Hinayaan niya na lang si Angel na matulog nang kasama niya sa kwarto. Hindi na siya nag-abala pa na magrequest na maghanda ng iba pa dahil sanay na sila sa isa't-isa.

Maayos na inilapag niya si Angel sa kama. Kita niya ang kapaguran sa mukha nito kaya naman hindi na siya nag-abala na gisingin ito. Tinanggal niya lang ang sapatos nito saka ito tinabihan sa pagtulog.

Ramdam ni Angel na may nakayakap sa kanya paggising niya kinabukasan. Inangat niya ang paningin at bumungad sa kanya ang natutulog na si Khalid.

Bumubuga pa ito ng hangin sa noo niya indikasyon ng malalim nitong pagtulog. Tila may pumipitik sa dibdib niya na kakaiba habang nakatingin dito sa malapitan.

Kakaiba sa kanya ang bagay na iyon kaya naman binigyan niya ito ng headbutt.