"Hindi mo na kailangang humingi ng tawad. Hindi mo naman ako responsibilidad." Pagtutol ni Lin Che.
"Hindi, asawa kita." Pahayag ni Gu Jingze.
Bumilis ang tibok ng puso ni Lin Che. Nilingon siya nito nang walang ekspresyon sa mukha, at parang mapupuno naman ng samu't-saring emosyon ang kanyang puso.
Sinabi nito na asawa siya nito…
Kaagad niya namang inilayo ang tingin dahil ayaw niyang makaharap ang mapang-akit nitong mukha.
Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa bahay.
Magkasunod sila na pumasok sa loob. Inutusan naman ni Gu Jingze ang isang katulong, "Bigyan mo nga ng gamot ang iyong Madam."
Napalingon si Lin Che. Sinabi ni Gu Jingze, "May sipon ka pa. Uminom ka muna ng gamot bago ka matulog ngayon."
Sa kwarto, umupo si Lin Che sa gilid ng kama. Kinuha ni Gu Jingze ang gamot at pinalabas na ang katulong. Sinabi nito kay Lin Che, "Buksan mo ang iyong bibig."
Sumagot si Lin Che, "Okay na nga ako, promise. Hindi ko na kailangan pang uminom ng gamot."
Sumimangot si Gu Jingze, "Buksan mo ang iyong bibig. Be a good girl."
Ang bosess nito'y mahina lang ngunit napakasarap sa pandinig. Bumilis sa pagtibok ang puso ni Lin Che at naisip niya na bihira lang talaga ang ganitong uri ng lalaki.
Nakakaakit ito, matipuno ang katawan, mayaman, at higit sa lahat responsible.
Napakabuti nito sa kanya.
Bagama't dahil lamang sa kontrata nila kung kaya ganito ang ipinapakita sa kanya, hindi niya pa rin maiwasan na hindi makaramdam ng kasiyahan.
Biglang pumasok sa kanyang isip na kung balang araw ay magdidivorce na sila, hinding-hindi na siya makakatagpo ng ganito kaperpektong lalaki sa buhay niya.
Bahagyang kumirot ang kanyang puso.
Nagtanong si Gu Jingze, "Ano ba'ng ini-imagine mo ha? Huwag ka ngang pasaway. Dali na, buksan mo na iyang bibig mo at inumin mo na ang iyong gamot."
Tumalikod lang si Lin Che, "Ayoko."
"Talaga?"
"Talaga. Okay na nga ako. Isa pa, hindi maganda sa katawan ang masiyadong pag-inom ng mga gamot. Kahit nga noong bata pa ako nang magkalagnat ako na umabot ng 40⁰ Celsius ay hindi ako uminom ng gamot. Pero gumaling pa rin naman ako ah."
"40 degrees…" Napatitig si Gu Jingze kay Lin Che. Maswerte ito at buhay pa rin ito hanggang ngayon. "Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganyan iyang utak mo. Marahil ay epekto iyan ng lagnat mo."
"Ang sama mo!" Inangat ni Lin Che ang ulo upang tutulan ang sinabi nito. "Ang sabihin mo ito ang dahilan kung bakit napakalakas ng katawan ko. Maraming dugo ang nawala sa akin pero nakaligtas pa rin ako."
"Mali iyang paniniwala mo. Sino ba'ng hindi umiino ng gamot kapag may lagnat siya?" pagpipilit ni Gu Jingze.
"Hindi lahat ng tao ay ipinanganak na mayaman na katulad mo. Wala kaming sariling doctor na dadating kaagad sa isang tawag lang. Lumaki ako na mga katulong lang ang kasama ko. Lagi silang busy at wala silang masiyadong maraming panahon para bantayan ako. Pero wala lang naman sa'kin ang mga iyon dahil bihira lang naman akong magkasakit. Malakas kasi talaga ako. Isang beses lang akong nagkalagnat nang ganyan batay sa natatandaan ko. Nagising ako noon nang hatinggabi pero hindi pa nakauwi ang yaya ko. Tumakbo ako papunta sa labas upang maghanap ng gamot pero kaunti pa lang ang salitang alam ko noon. Kaya inakala ko na ang mga dilaw na tablets na nandoon ay gamot para sa lagnat kaya ininom ko ang lahat ng mga iyon. Halos mamatay na sa sobrang takot ang yaya ko noon at dinala niya ako kaagad sa malapit na clinic. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa akin at bumaba na ang lagnat ko. Ang sabi pa ng doctor na ang mga bata raw na umiinom ng ganoong gamot ay nalalagay sa panganib ang buhay. Maswerte ako at malakas ang aking immune system."
Nang marinig kung gaano ito nagmamatigas na hindi uminom ng gamot, bumagsak ang mukha ni Gu Jingze. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala siya kay Lin Che. Inangat naman nito ang mukha at nakatagpo ng tingin. Bahagyang napaatras ito ngunit kaagad siyang napigilan ni Gu Jingze, "Inumin mo na iyang gamot mo. Huwag mo akong pilitin na gumamit na ibang paraan."
Pinanood lang siya ni Lin Che na lumalapit dito, habang ang kanyang labi at lalamunan ay gumagalaw. Naramdaman ni Lin Che na nag-iinit ang kanyang katawan kaya tumalikod siya at naghandang umalis. "Okay na nga ako sabi eh. Hindi ko na kailangan ng gamot."
Nang sandalling iyon ay inilagay ni Gu Jingze ang mga gamot sa sarili niyang bibig. Pagkatapos ay inabot niya ang mukha ni Lin Che at hinawakan ito. Hindi nagtagal ay idinikit niya ang labi sa labi ni Lin Che.
Isang malamig na dila, kasama ng mapait na lasa ng gamot, ang pumasok sa bibig ni Lin Che.
Napasigaw si Lin Che at naramdaman niya ang tuluyang pagharang ng bibig nito sa kanyang paghinga.
Pumasok na sa kanyang lalamunan ang gamot habang pansamantala namang tumigil ang kanyang paghinga.
Ang masama pa doon ay kahit nainom na niya nang tuluyan ang gamot, patuloy pa ring naglalaro ang dila nito sa kanyang bibig, na para bang wala na itong balak umalis.
Pagkatapos ng halos walang hanggan, sa wakas ay pinakawalan na nito ang kanyang labi. Napaubo nang ilang beses si Lin Che. Napansin naman ni Gu Jingze na ang kanyang tainga ay namumula at bahagya itong napangiti. Nang iangat ni Lin Che ang ulo, inalok niya ito ng malamig na tubig, "Uminom ka ng tubig para umayos ang iyong pakiramdam."
Hindi makapagsalitang inirapan lang ni Lin Che si Gu Jingze.
Muling lumapit sa kanya si Gu Jingze, puno ng kapilyuhan ang mukha. "Bakit? Gusto mo rin bang gumamit ako ng ibang paraan para lang uminom ka ng tubig?"
Napabulalas naman si Lin Che nang maisip ang gagawin nito. "Bastos!"
Inagaw niya ang hawak nitong baso ng tubig at mabilis na inubos ang laman nito.
Nasisiyahang tumango si Gu Jingze. "Mabait na bata. Huwag mo na ulit akong susubukan sa susunod."
Naisip ni Lin Che na ubod talaga ng sama ang lalaking ito!
Ngunit, naisip niya rin na gusto lang nito na inumin niya ang gamot para sa kanyang ikabubuti. Nakaramdam din siya ng kaunting tuwa sa puso.
Noong bata pa siya ay walang sinomang nag-alala para sa kanya maliban na lamang ang kanyang yaya.
Sinulyapan siya ni Gu Jingze, "sana ay gumaling ka na agad; ayaw kong mahawaan mo ako ng sakit."
Talaga naman, oo…
"Relax ka lang. Malakas talaga itong katawan ko. Gagaling ako kaagad. At isa pa, mas lalo kang mahahawaan dahil sa ginawa mo ngayon."
"Malakas? Eh bigla-bigla ka nalang nagkakasakit ah." Napatingin si Gu Jingze sa labi niya. "May kakayahang makapatay ng germs at bacteria ang laway; hindi ka makakahawa nang dahil lang diyan. Ingatan mo nalang iyang sarili mo."
". . ."
Totoo naman. Dahil para itong isang hari sa kanilang pamilya, napakarami ng mga taong nag-aalaga dito. Hindi na nito kailangan ang kanyang concern. Kahit mahawaan man ito ng sipon, kaagad na darating ang mga doctor nito upang gamutin ito.
Magkaiba sila ng mundong ginagalawan. Bigla na lang naisip ni Lin Che kung gaano kasalungat ang kanilang mga buhay.
Sinabi ni Lin Che, "Akala mo naman ay araw-araw akong nagkakasakit."
Pero ganoon pa man, napakaraming nangyari sa kanya nitong nakaraan. Kung hindi siya nadidisgrasya, nagkakasakit naman siya."
Naisip niya na buti pa si Mo Huiling ay hindi nakakaranas ng ganitong mga bagay.
Nagsimula na naman siyang sisihin ang sarili. Hindi na nakapagtataka kung bakit gusto ito ni Gu Jingze. Napakahinhin nito at masunurin; hindi kailanman nagbigay ng sakit sa ulo.
Marahil ay tama lang na hindi sila nababagay ni Gu Jingze.
Ang babaeng katulad ni Mo Huiling ay mas karapat-dapat kay Gu Jingze.
At least komportable at desente ang buhay nito. Wala itong gaanong problema sa buhay.
Sa kabilang banda naman, si Lin Che ay parang isang bubuyog na napakaraming suliranin sa buhay na kahit kailan ay hindi niya matatakasan gaano man niya gustuhin.
Sinabi ni Gu Jingze, "Alright, matulog ka na."
"Pero hindi pa ako nakapaglinis ng sarili ko."
"Huwag. May sakit ka pa. Wala din namang nagrereklamo."
"Pero…"
"Huwag ka ng magsalita pa at matulog ka na." Utos ni Gu Jingze at binalot na siya ng kumot.
Nasabi na lang ni Lin Che sa sarili na wala na talagang makakapantay sa pagiging bossy nito!