webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urbano
Classificações insuficientes
165 Chs

Gustung-gusto Mo Talaga Akong Lumipat, Ano?

Pero ang posisyon niyang ito...

Pinagmasdan ni Gu Jingze si Lin che na kinuha ang chopsticks, pagkatapos ay inilibot ito sa noodles, at isinubo sa kanyang bibig habang nasisiyahang kumain mag-isa. Napapikit nalang siya sa sobrang pagkayamot, "Lin Che..."

Bigla namang lumingon si Lin Che. Nang makita niya si Gu Jingze, muntik na siyang mahulog mula sa upuan.

"Gu Jingze, pwede ba gumawa ka naman ng ingay kapag naglalakad?" Sigaw niya. Hinawakan niya ang kanyang dibdib. "Akala ko talaga may multo."

Tanong naman ni Gu Jingze, "Nagluluto ka?"

Hindi niya inaasahan na marunong pala itong magluto. At mukhang masarap pa nga.

Tiningnan ni Lin Che ang kinakaing noodles. Tumango siya saka sumagot, "Oo naman. Ang magaling na chef na ito ay nagluluto ng pinakamasarap na pagkain sa buong mundo."

"..."

Ah, instant noodles pala ang kinakain nito.

At inisip pa niya na mukhang masarap ito.

Panahon na ba para mas layuan niya ang babaeng ito?

Tinanong niya ito ulit, "So, wala kang alam sa pagluluto?"

"A-ah, marunong naman akong magpakulo ng tubig. Hindi ko pa ito nasunog kahit minsan."

"..."

Hindi talaga malaman ni Gu Jingze kung paano lumaki ang babaeng ito nang walang kaalam-alam sa kahit anong bagay.

Nagsalita muli si Lin Che, "Hindi ka pa siguro nakakain dahil anong oras ka na'ng umuwi. Gusto mo nito?"

Itinulak ni Lin Che ang mangkok sa unahan. Tiningnan ni Gu Jingze ang laman nito. Mukhang okay naman ito. May mga gulay, karne, at itlog. Kasama ng sabaw nito, pwede na rin namang ibenta at parang nakakatakam din naman.

"Hindi na kailangan. Hindi naman ako nagugutom." Habang sinasabi ito, wala sa sariling dinidilaan niya ang kanyang bibig.

Hindi gumagalaw si Gu Jingze na nakatayo lang doon. Nang maramdaman niyang ngumiti si Lin Che, huminga siya nang malalim at naghanda upang pagsabihan ito.

"Hindi maganda sa kalusugan ang kumain ng ganitong oras na." sabi niya.

"Okay lang 'yan kung paminsan-minsan lang. Hindi naman talaga ako ganito ka-late kumain, pero wala ako sa mood ngayon kaya kinakain ko'to. Parang reward ko na rin sa'king sarili."

Muli siyang kumuha ng noodles at inilapit ito hanggang sa nasa harapan na ito ni Gu Jingze. Parang nanunukso, nakangiti siya habang inilalapit sa kanyang bibig ang chopsticks.

Nakaramdam naman si Gu Jingze ng gutom at natakam habang nakatingin sa kumakain. "Okay, okay, okay. Kakainin ko'to. Lumayo ka sa akin." Walang nagawa na nasabi na lang ni Gu Jingze.

Agad niyang isinubo ang mga noodles sa kanyang bibig.

Ngumuya pa siya nang ilang beses, halatang nasasarapan sa pagkain.

"Masyadong maalat", komento nito pagkatapos lunukin ang kinakain.

Kahit ganito ang kanyang sinabi, patuloy pa rin siyang kumain nito. Dahan-dahan at maingat niyang naubos ang lahat ng laman ng mangkok.

Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Lin Che. Bahagya nitong itinaas ang ulo at nagtanong, "Bakit?"

Sumagot naman si Lin Che, "Hindi ka pa ba nakakakain ng instant noodles dati? Bakit mo ito kinain na parang kumakain ka ng isang delicacy? Sa tingin ko, ang sabaw nalang ang itinira mo."

"Oo." Tiningnan ni Gu Jingze si Lin Che at 'di alam kung bakit ganoon ang reaksiyon nito. "Ano naman ngayon?"

"Wala. Wala naman. Kung hindi ka pa nakakakain ng instant noodles dati... parang napakababa naman ng standard mo. Hindi mo ba alam na ang instant noodles ang isa sa mga pinakamasarap na pagkain na iyong matitikman sa buong buhay mo, tapos ikaw, halos hindi mo pa pala naeexperience 'to. Mabuti naman dahil kung hindi, pagsisisihan mo talaga ito hanggang sa kamatayan." Sagot ni Lin Che.

Nakatingin lang si Gu Jingze habang nagpapaliwanag si Lin Che. "This is junk food."

"Masarap na junk food!" Pagwawasto ni Lin Che.

Napailing lang si Gu Jingze at tahimik na tumingin sa kanya.

Hinawakan naman ni Lin Chen ang tiyan sabay sabing, "At dahil busog na ako at maganda na ang mood ko, matutulog na ako."

Tumingin si Gu Jingze sa kanya. "Mukha ngang good mood ka ngayon."

Sumagot naman si Lin Che, "Oo naman. Gagampanan ko ang role ng isang third female lead sa susunod. Kahit na third female lead lang 'to... makikita naman ito sa buong series at sikat na sikat ang series na ito. Magiging sikat na ako at magiging successful. Paanong hindi gaganda ang mood ko?"

Habang sinasabi ito ni Lin Che, masaya itong nakatayo doon. Tuwang-tuwa, inilagay niya ang kanyang mga kamay sa balikat ni Gu Jingze.

Sumimangot si Gu Jingze. Nilingon niya ito at tiningnan ang mga kamay nito.

Pero, parang hindi ito napansin ni Lin Che dahil nagpatuloy lang ito sa pagmamalaki. "Hindi ko talaga lubos akalain na ako, si Lin Che, ay magkakaroon ng isang big break balang araw. Kaso nga lang, si Lin Li ang second female lead. Hindi ko alam kung may scenes ba ako na kasama siya. Sana naman wala... Baka hindi ko mapigilang masuka pag nakita ko siya."

Tiningnan niya ito sa mukha pero maya-maya din ay bumalik ang kanyang tingin sa makasalanan nitong mga kamay.

Nagpakawala siya ng isang ubo, itinaas ang kanyang ulo, at mariing tiningnan si Lin Che.

Parang may bigla siyang naalala, kaya yumuko siya.

"Oh no. Sorry. Pasensiya na. Nakalimutan ko." Natatarantang inayos niya ang damit ni Gu Jingze na para bang inaalis ang naiwang bakas dito.

Pagkatapos, tiningnan niya ang hindi-maipintang mukha ni Gu Jingze. Habang kinakagat ang kanyang mga kuko, para siyang isang tupa na nagsalita, "Sorry. Napakaingay at napakalikot kong tao. 'Yan ang dahilan kung bakit sinabi kong mas mabuti kung hindi tayo magsasama dito."

Parang may naisip siya bigla, tiningnan niya si Lin Che at nagtanong. "So, umaasa ka pa rin na lilipat ako?"

Tiningnan niya ito nang seryoso. "Oo. Nang magpakasal tayo, napagkasunduan natin na dapat pareho tayong makikinabang dito. Kaya makakaasa ka. Kahit pa magsama kayo ni Miss Mo, tutulungan kitang pagtakpan ito. Lagi ka din namang busy, diba. Gagamitin kong dahilan 'yan kung sakaling bigla nalang pumunta dito ang iyong pamilya. Sasabihin ko sa kanila na mayroon kang pinuntahan, siguro business trip o meeting; marami akong dahilan. Basta't uuwi ka lang minsan, okay lang sakin 'yon. Anyway, kung gusto mong umalis kasama si Miss Mo, pwede kayong umalis. Huwag mong alalahanin ang iyong pamilya. Natitiyak ko sayo na tutulungan kita."

Nakatingin lamang sa kanya si Gu Jingze. Ang kanyang tingin ay malalim, masekreto, at nag-iisip... pero may kakaiba.

Sa mga tinging iyon, pakiramdam ni Lin Che, gustong sumabog ng kanyang puso.

Pakiwari niya na ang mga tingin nito'y tila nakatitiyak na para bang kaya nitong basahin ang iniisip ng isang tao.

Maya-maya pa'y nagsalita ito. "Hindi ako lilipat."

"..."

Nagpatuloy si Gu Jingze. "Masyado nang abala kung lilipat pa ako. At may isa pa akong malaking problema. Wala akong tiwala sa iyong acting skills. Sa katangahan mong 'yan, malamang hindi ka magtatagumpay na pagtakpan ako. Kung lilipat ako at iiwan kitang mag-isa para harapin ito, parang sinabi ko na rin na iaasa ko sa'yong mga kamay ang mga problema ko. Hindi ako sanay na ibang tao ang nagdedesisyon para sa'king sarili, lalo na sa mga katulad mo na mahina ang pag-iisip."

"..."

Galit na sumagot si Lin Che, "Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo naman nang tama. Wag mo akong insultuhin nang walang dahilan. Ano bang mali sa pag-iisip ko ha?" Pero normal lang naman dito na hindi magtiwala sa kanya. Isa pa, nakasalalay dito ang kaligtasan ng babaeng minamahal, kaya siguradong marami itong iniisip at hindi basta-bastang magtitiwala sa ibang tao, lalo na sa kanya.

Hindi mapigilang isipin ni Lin Che na para silang mga karakter sa isang nobela. Siya ang kontrabidang female lead sa kwento, na siyang sumira sa relasyon ng dalawang bida at ang hadlang sa kanilang pagmamahalan.

Sa mahinahong paraan, naglakad si Gu Jingze papunta sa pinto. "Sa madaling sabi, hindi mo na kailangang pagurin pa ang iyong sarili para lang paalisin ako. Sa ngayon, magsasama tayong dalawa dito. Mas mabuti kung sasanayin mo na ang iyong sarili at gampanan nang maayos ang iyong role bilang Mrs. Gu. Wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano pa!"

Hindi inaasahan ni Lin Che na ganito kapangit ang tingin nito sa kanya. "Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti ninyo. Ayaw ko lang talaga na may maghihiwalay nang dahil sa'kin."

Hindi mapigilan ni Gu Jingze na mapatigil sa paglalakad. "Napaka-thoughtful mo naman."