Sa bahay ng mga Lin.
Kasalukuyang pinapanood ni Lin Li ang replay ng segment kung saan tinatanggap ni Lin Che ang award sa stage. Galit na galit siya.
Nakasunod ang spotlight kay Lin Che habang ito'y bumababa sa stage. Napapalibutan ito ng mga taong bumabati at mga reporters na gustong mag-interview dito. Napakaliwanag ng mukha nito.
Galit na suminghal si Lin Li at itinapon ang tasang hawak niya.
"At nanalo pa nga ang Lin Cheng iyan!"
Pilit naman siyang pinapakalma ni Han Caiying. "Okay lang iyan. Siyempre mag-iiba na talaga ang lahat dahil nasa likod niya palagi si Gu Jingze. Hintayin mo kapag ikinasal na kayo ni Qin Qing. Tiyak na mapapantayan mo rin siya."
Nagngangalit ang mga ngipin ni Lin Li habang pinipilit ang sarili na sana nga ay ganoon din ang mangyari sa kanya. Pero alam naman niya kung gaano kalaki ang agwat ng mga Gu at Qin. Sa tuwing naiisip niya ang katotohanang iyon ay lalo lang siyang naiinis.
Samantala…
Dinala ni Gu Jingze si Lin Che sa isang restaurant. Napabulalas si Lin Che. "Wow! Mukhang mamahalin 'tong lugar na ito ah. Sigurado ka bang gusto mong ilibre kita dito?"
Nilingon siya ni Gu Jingze. "Nanalo ka ng award ngayon kaya dapat lang na ilibre mo ako."
Napanguso si Lin Che. "Pero hindi ko naman alam na sa isang mamahaling restaurant ang pipiliin mo."
Isa itong Chinese restaurant, pero sa isang tingin lang ay masasabi kaagad na isa itong mamahaling restaurant.
Maraming palamuti ang entrance nito at iilan lang ang tao na nasa loob. Halos karamihan kasi ng mga pumapasok doon ay may kanya-kanyang private rooms. Ang bawat kwarto ay may mga pangalan na sadya ang pagkakagawa. Nakita silang dalawa ng staff at iniyuko ang ulo para batiin sila. Maaliwalas ang mga mukha ng mga staffs at napaka-natural ng kanilang mga ngiti. Tiyak na hindi biro ang pagsasanay sa bawat isa sa kanila.
"Mr. Gu, kukunin mo po ba ang inyong private room? Palagi po namin iyong inirereserve para sa inyo."
"Okay."
Dinala ni Gu Jingze si Lin Che sa loob. Habang naglalakad ay sinabi nito, "Masarap ang mga pagkain nila dito. Malalaman mo 'yan kapag natikman mo na ito. At napakalinis pa ng kanilang trabaho palagi kaya parang nasa bahay ka lang din."
Umangal naman si Lin Che. "Kung gustong-gusto mo talagang kumain ng pagkaing lutong-bahay, bakit kailangan pa nating magpunta sa ganitong mamahaling restaurant? Umuwi nalang kaya tayo at ipagluluto nalang kita."
"Kung iyang lulutuin mo ang kakainin ko, malamang ay wala akong makakain dahil diyan sa katangahan mo." Halata ang pagkadisgusto sa mukha ni Gu Jingze.
"Hindi… Hindi ko naman kasi sinasadya ang nangyari nang araw na iyon."
Ayaw pa ring pumayag ni Gu Jingze. Lalo lang siyang naiinis dahil sinadya niyang dalhin ito dito pero hindi manlang nito ito ma-appreciate. Nakakainis lang.
"Madalas akong magpunta dito. Masarap ang pagkain nila dito. Kapag natikman mo na ito, tiyak na hindi ka magsisisi."
Pursigido si Gu Jingze na mapapayag si Lin Che. Sa kanyang puso ay umaasa siya na sana ay magustuhan din nito ang lahat ng bagay na gusto niya.
Noon ay ang masarap na pagkain lang talaga ang dahilan kung bakit gusto niyang magpunta dito pero ngayon, sa hindi malamang dahilan ay parang gusto niyang makasama si Lin Che na kumain dito. Kaso nga lang, nagawa pa rin nitong magreklamo dahil sa presyo.
Nakasunod lang si Lin Che kay Gu Jingze. Nang makaupo na sila sa loob ay napansin niya ang isang lawa sa labas. Marahil ay ito ang pinakamagandang tanawin ng buong restaurant.
Si Gu Jingze ang nakatalagang um-order ng mga kakainin nila dahil ito ang pamilyar doon. Ito ang nakakaalam kung anong mga pagkain ang masarap.
Napuno ang kanilang mesa ng mga pagkaing in-order ni Gu Jingze. Ramdam na ramdam ni Lin Che ang pag-iyak ng kaniyang wallet at ang pagdurugo ng kanyang puso dahil sa nakaabang na bayarin.
Ang mahal-mahal dito.
Tiningnan ni Lin Che ang mga pagkain. Nakakatakam ang mga ito at mukhang masarap.
"Kain na." Parang isang maharlikang Persian si Gu Jingze habang mabagal at eleganteng kumukuha ng pagkain.
Si Lin Che naman ay walang pakialam sa tinatawag na table manners. Kumuha siya ng kahit alin sa mga pagkain na sa palagay niya'y masarap.
Totoo ngang masarap ang mga pagkain dito.
Nagsimula siyang sumubo nang sumubo at uminom ng kanilang drinks. Kitang-kita na nasisiyahan siya sa pagkain.
Marahang sinaway siya ni Gu Jingze. "Magdahan-dahan ka nga."
"Mas masarap siya kapag mas mabilis at mas malaki ang subo mo."
Napailing si Gu Jingze. "Baka hindi ka matunawan niyan."
Sumagot naman si Lin Che, "Kumakain ako dahil nasasarapan ako sa pagkain. Kung kumakain ka lang para lang magkaroon ng laman iyang tiyan mo, mas mabuti pang lugaw nalang ang kainin mo araw-araw."
"Lagi ka talagang may dahilan," nakakunot ang noo ni Gu Jingze.
Ganoon pa man, parang nakaramdam siya ng saya habang pinapanood itong masayang kumakain. Para bang nagtagumpay siya na gustuhin din nito ang gusto niya.
Masaya rin si Gu Jingze na nakikita itong nag-eenjoy sa pagkain.
"Dahan-dahan lang. Tingnan mo. Halos sumabog na iyang bibig sa dami ng sinubo mo." Inunat ni Gu Jingze ang kamay upang punasan ang mga pagkaing dumikit sa gilid ng labi ni Lin Che.
"Maghuhugas naman ako pagkatapos kumain eh. Uy, kumain ka rin oh. Halos hindi nababawasan iyang pagkain mo," sabi ni Lin Che habang puno ng pagkain ang bibig.
Samantala, sa labas ng room.
Pumasok sa restaurant si Mo Huiling kasama ang mga kaibigan.
Matagal ng naiinggit kay Mo Huiling ang kanyang mga kaibigan. Bata palang ito ay malapit na ito sa mga Gu at alam ng lahat na magkasintahan silang dalawa ni Gu Jingze.
Madalas itong magmalaki sa mga kaibigan, at kahit nagsasawa na ang mga kaibigan sa mga sinasabi niya ay walang magawa ang mga ito kundi makinig nalang sa kanya.
Walang ibang magawa ang mga ito kundi ang patuloy na maiinggit sa kanya. Kaya bata palang sila ay si Mo Huiling na palagi ang bida. At dahil mag-'childhood sweethearts' sila ni Gu Jingze, walang sinuman ang nangangahas na pumalit sa posisyon niya.
Bagama't ikinasal na si Gu Jingze, hindi pa rin alam ng mga ito iyon dahil iilan lang ang nakakaalam sa sekretong kasalan na naganap. At isa pa, hindi rin naman nagkaroon ng pagdiriwang ang kasal ni Gu Jingze kaya walang nakakaalam na may ibang babae na palang kasama si Gu Jingze maliban kay Mo Huiling.
"Huiling, sobrang mahal ng mga pagkain dito. Oo nga't palagi tayong kumakain dito at palaging ikaw ang nagbabayad; pero nakakahiya na sa iyo," nahihiyang sabi ng isang kaibigan.
Hindi maitago sa mukha ni Mo Huiling ang pagmamalaki. "Okay lang iyan. May isang room dito na palaging inire-reserve ni Gu Jingze. Sa tuwing pumupunta kami dito, automatic na kukunin namin ang room na iyon at lahat ng mga bayarin ay kaagad na binabayaran ni Gu Jingze."
"Talaga? Napakabait naman sa'yo ni Gu Jingze na kahit ang pribado nitong room ay ipinapagamit sa'yo."
"Wala lang naman kay Gu Jingze ang mga bagay na 'to," sabi ni Mo Huiling at nagpatuloy na sa paglalakad gamit ang high-heels nitong sandal.
Nakisakay naman ang kanyang mga kasama. "Tama ka iyang sinabi mo. Ilang minuto lang ay nababawi kaagad ng mga Gu ang ganyang halaga ng pera dahil sa dami ng negosyo nila. Huiling, nakakainggit ka talaga."
Proud na itinaas ni Mo Huiling ang ulo.
Kaagad siyang nakilala ng staff dahil palagi siyang pumupunta dito.
Mabilis na bumati ang mga staffs, "Miss Mo."
Nagrequest si Mo Huiling sa staff. "Sa room na iyon pa rin. Apat kami ngayon."
Pagkatapos niyang magsalita ay agad siyang naglakad papunta sa silid.
Pero, mabilis siyang pinigilan ng staff at may pag-aalala sa mukha na nagsalita. "sorry, Miss Mo. Pero… ginagamit po ni Mr. Gu ang room na iyon ngayon."
"Huh?" Tanong ni Mo Huiling. "Nandito si Jingze? Pupuntahan ko siya."
Muli siyang pinigilan ulit ng staff. "Pero… may iba pong kasama si Mr. Gu."
Nagulat si Mo Huiling.
Napansin naman ng kanyang mga kaibigan na napahiya si Mo Huiling kaya sinubukan ng mga ito na ibahin ang usapan. "Sa ibang room nalang tayo. Pare-pareho lang naman iyon diba. Baka mayroon siyang business meeting doon."
Pilit na ngumiti si Mo Huiling at sumang-ayon nalang na kumuha ng ibang room ang kanyang mga kaibigan.
Matalim ang titig ni Mo Huiling sa room na iyon. Tila baga alam na niya kung sino ang kasama ni Gu Jingze sa loob…
Hello po sa inyo!
Hooray for the 1st 100 chapters!! :)
Maraming maraming salamat po sa mga patuloy na nag-aabang, nagbabasa at nagmamahal sa tagalog translation ng nobelang ito.
Ako po'y humihingi ng pasensiya kung madalas man pong overdelayed ang pag-a-update ng bagong chapters. Sobrang busy lang po talaga sa work, sa baby ko (hehe 3months palang bb ko), at sa school.
Gayunpaman, I do really appreciate all the love and support from all of you!
To more exciting and nakakakilig na mga chapters with our Gu Jingze and Lin Che!!
Welcome to Whirlwind Marriage (tagalog)'s VOLUME 2!
kamsahamnida!! <3