webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urbano
Classificações insuficientes
165 Chs

Ba't Ka Namumula Kanina?

Napalingon din naman si Gu Jingming sa dalawa. Sandali niyang tinitigan ang mga ito at maya-maya ay napangiti nang sinasadya.

Bigla namang naalala ni Mu Wanqing ang tungkol sa pag-aasawa ni Gu Jingming.

"Jingming, tingnan mo nga kung gaano kasaya ang kapatid mo ngayon. Kaya kailangan mo ng magmadali at maghanap ng babaeng mapapangasawa mo."

"Mama, huwag mo ng abalahin pa ang iyong sarili sa mga bagay na may kinalaman sa akin. Hindi ba't gusto mo ng magkaroon ng apo? Kaya mas mabuti kung si Jingze na muna ang pilitin mong mas magsikap pa. Iyan ang mas nararapat."

Bakit nadamay na naman silang dalawa sa isyung ito?

Kaagad namang napatuwid ng upo si Lin Che at halatang nakaramdam ng hiya.

Hindi pa rin tumigil si Mu Wanqing. "Hindi pwede. Mas matanda ka sa kanila pero hanggang ngayon ay wala ka pa ring nobya. Bakit naman ganito ha?"

Alam ni Lin Che na sa oras na hawakan na ng Presidente ang kanyang posisyon ay maraming mga tao ang talagang uusisain ang personal nitong buhay, lalo na ang pagpapamilya. Ganoon pa man, parang balewala lang ito kay Gu Jingming.

Tatlong taon na itong nakaupo bilang Presidente. Kaya't hindi na nakapagtataka kung bakit nagsisimula ng magtaka ang mga tao kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nag-aasawa.

Sa una ay wala namang nangangahas na ungkatin ang tungkol sa bagay na ito. Ngunit sa panahon ngayon ay may gaganapin na namang general election. Nakasalalay ang kanyang pag-asang makakuha ng karagdagang termino sa kung ano man ang mga mangyayari sa mga nalalabing buwan ng taong ito.

Kung kaya, muli na namang nabuksan ang usapin tungkol sa kanyang pag-aasawa.

Maya-maya ay muling nagsalita si Mu Wanqing. "Napalinisan ko na ang silid na gagamitin ninyo ngayong gabi. Sige na. Hindi ko na aabalahin pa kayong dalawa. Pumasok na kayo at magpahinga. Huwag ka ng makipag-usap pa nang matagal kay Jingming, Jingze. Mabo-bored nang sobra si Lin Che kung mag-isa lang siya sa kwarto."

Napatingin naman si Lin Che kay Gu Jingze na nasa tapat niya.

Mag-i-stay na naman sila dito…

Dahil naisip niya na matagal-tagal ding hindi nagkita ang dalawa at marahil ay marami pa ang dapat pag-usapan ng mga ito, nagpasya na rin siyang maunang lisanin ang silid na iyon.

Habang tinitingnan si Lin Che na paalis, napangiti naman si Gu JIngming at sinabi kay Gu Jingze, "Mukhang okay naman siya ah."

Huminga lang nang malalim si Gu Jingze. "Ganoon pa man, pareho lang kaming napilitan sa kasal na ito."

Ngumiti lang si Gu Jingming. Tiningnan niya si Gu Jingze. "Base sa nakikita ko ngayon, mukhang hindi naman pinilit ang lahat sa pagitan ninyong dalawa. Ibig mo bang sabihin ay napipilitan ka lang din na pakitunguhan siya?"

Sumagot si Gu Jingze, "Dahil pinakasalan ko siya, asawa ko na siya. Kaya kailangang pagbutihan ko ang trato ko sa kanya. 23 years old lang siya. Medyo unfair para sa kanya ang ganitong set-up ng buhay may-asawa, lalo na kung tatratuhin ko pa siya nang hindi maganda."

Inilayo ni Gu JIngming ang tingin at nag-isip nang malalim. Hindi na siya sumagot pa.

Ilang sandali lang ay may biglang naalala si Gu Jingming at nagtanong, "Nang araw na iyon, tumawag ka nga pala sa akin tungkol sa isang tao; nakalimutan ko lang ang pangalan niya. Sino nga pala iyong sinasabi mong aksidenteng nakapasok sa loob ng Glass Palace?"

Ang lugar na tinitirahan ng Presidente ay tinatawag na Glazed Tile Palace. Ang security system sa lugar na ito ang siyang pinakamahigpit na mga security guards na nakabantay sa Presidente.

Natandaan din naman ni Gu Jingze ang mga nangyari nang araw na iyon. "Tama. Siya nga pala ang manager ni Lin Che. May ginawa ba siyang kaguluhan sa iyo?"

Napahinto ang mata ni Gu Jingming at maya-maya'y nanlamig ang tingin. "Wala."

"Mabuti naman kung ganoon."

"Ano'ng pangalan niya?"

"Yu Minmin yata iyon." Sagot ni Gu Jingze.

Tumango lang si Gu Jingming habang nananatiling seryoso ang tingin.

Ilang sandali pang nag-usap ang dalawa tungkol sa ilang mahahalagang bagay bago naghiwalay at pumasok na sa kani-kaniyang silid.

Nang matiyak ni Gu JIngming na nakaalis na si Gu Jingze ay sinabi niya sa kanyang General Secretary na nasa tabi niya, "Lumakad ka ngayon at imbestigahan mo ang isang Yu Minmin. Siguraduhin mong hindi siya nakapag-iwan ng kahit anong bakas ng nangyari nang araw na iyon."

Kaagad namang nakuha ng General Secretary ang ibig niyang sabihin. Tumango ito bago umalis.

Samantala, ilang beses nang nagpapatayo-higa si Lin Che sa loob ng kwarto. Nang marinig niyang bumukas ang pinto, labis siyang nagulat kaya bigla siyang napatalon pahiga sa kama.

Nang makita niyang pumasok si Gu Jingze, namumula ang mukhang sumigaw si Lin Che, "Gu Jingze, ano ba'ng pinaggagagawa mo ha?"

Mababakas naman sa mukha ni Gu Jingze ang pagtataka. "Ano ba'ng ginawa ko?"

Nang mapansin niyang nagmamaang-maangan pa ito, lalo lang siyang nagalit at muling sumigaw. "Pinaglalaruan mo ako kanina sa ilalim ng mesa!"

Umupo si Gu Jingze at tiningnan lang si Lin Che. "So what?"

"Ano, ikaw, ikaw! Nananadya ka ba'ng talaga ha?"

Nagkibit lang ng balikat si Gu Jingze at sumagot, "Ginawa ko lang iyon para mas lalong maging makatotohanan ang pagpapanggap natin."

Hindi naman makapaniwala si Lin che. "Kung ganoon, sobrang napaka-natural naman yata ng performance mo."

Ngumiti si Gu Jingze. "Napaka-natural mo din naman kanina ah."

"Hindi, hindi, hindi. Hindi maganda ang acting skills ko kanina. Hindi ako kasingnatural mo!"

Napataas ng kilay si Gu Jingze. Ngumiti ito at nagsabi, "So ibig mo bang sabihin ay tunay mong reaksiyon ang mga ipinakita mo kanina? Kung ganoon… nang mamula ang iyong mukha, tunay mong reaksiyon iyon?"

Sa sinabi nito ay lalo lang namula ang mukha ni Lin Che. "kaninong mukha ang namumula?!"

"Gusto mo bang kumuha ako ng salamin para makita mo?" Ang sabi ni Gu Jingze at tumayo palapit sa kanya.

Nagmamadali namang umatras si Lin Che. "Hindi na kailangan!"

Hindi niya talaga kayang makipagsabayan sa trip nito. Sa ganitong sitwasyon ay napakagaling pa rin nitong gampanan ang role nito. Sa katunayan ay siya pa nga ang talo dahil hindi na niya matukoy sa ngayon kung ano ang tunay at hindi.

Tiningnan niya ang nanlalamong tingin ni Gu Jingze habang nakatitig sa kanya. Napakalalim ng titig nito na para bang gusto nitong higupin ang kanyang kaluluwa. Nagmamadali siyang pumasok sa banyo para makatakas. Balak niyang mag-shower, magpalit ng damit, matulog nang maaga, at lisanin ang lugar na ito sa lalong madaling panahon.

Sa madaling-sabi, mas makabubuti kung mas magiging madalang ang pagpunta nila sa bahay ng mga Gu sa susunod.

Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang nakakakuryente nitong paghaplos sa kanyang balakang kanina. Para bang may ilang boltahe ng kuryente ang umakyat sa kanyang katawan kaya agad-agad niyang tinapik ang sarili para pigilan ang init na iyon.

Kinabukasan.

Pumayag si Lin Che sa gusto ng kanyang kompanya na sumali siya sa filming ng 'National Winner', isang kilalang variety program na may ubod nang taas na viewer ratings.

Napakataas ng pagpapahalaga ng kanyang kompanya sa programang ito kaya personal talagang nanghiram si Yu Minmin ng mamahaling kasuotan para kay Lin Che.

Habang pinagmamasdan ang mga damit at high-heeled na sapatos sa loob ng bag, ngumiti si Yu Minmin at sinabing, "Hindi naman na masiyadong masama ang mga ito. Ganoon pa man, tiyak na mas marami ang mga damit ng mga Gu at higit na mamahalin kaysa sa mga ito."

"Talaga? Pero hindi naman kasi ako marunong tumingin ng mga brands, kaya wala akong ideya kung alin ang mamahalin at hindi. Pwede ka bang pumunta doon minsan at tulungan mo akong tumingin?"

"Ako? Kalimutan mo na iyan. Basta-basta lang bang nagpapapasok ang mga GU sa bahay nila?"

"Uh? Hindi nga ba?" Bahagyang napaisip si Lin Che.

Hindi na nagpaliwanag pa si Yu Minmin sa kanya. "Siyempre, kung ikaw, kahit kailan ay pwede kang maglabas-masok sa bahay na iyon. Pero iba sa mga tulad namin. Oh sige na, maghanda ka na at ayusin mo na ang iyong make up."

Hindi nagtagal ay nakarating na si Lin che sa TV Broadcast Station.

May sariling exclusive room ang programang ito. Sobrang excited si Lin che at nasisiyahang nagmasid sa buong paligid.

Hindi rin nagtagal ay dumating si Lin Li.

Nang makita nitong nandito din pala si Lin Che para lumahok sa programa, napaismid ito at nilampasan lang si Lin che.

"Hays, pati ba naman ang programang ito ay bumaba na rin ang standards? Pwede na rin palang sumali ang kahit sinong aso o pusa dito." Malinaw at malakas ang boses na iyon ni Lin Li kaya't narinig iyon ni Lin Che.

Sinulyapan naman ni Yu MInmin si Lin Che at nagsalita na para bang may tsismis itong gustong ipagsabi sa kanya, "Balita ko ay nakansela na ang lahat ng mga schedules ni Senmira. Hindi ako sure kung totoo ba iyon o gawa-gawa lang. May nakakita raw sa kanya na naglalakad mag-isa sa isang di-kilalang lungsod. At sumasali na rin daw siya sa kahit anong events na hindi aabot sa 10,000 ang bayad bawat isa. Mukhang kailangang-kailangan talaga nito ng pera ngayon."

Sa likuran nila ay kaagad namang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Lin Li nang marinig ang sinabi ni Yu MInmin.

Kapag naiisip nito si Gu Jingze, talagang napupuno ng takot ang puso nito. Ganoon pa man, muli lang itong umismid at taas-noong naglakad papalayo habang sinasabi, "Hindi ko talaga gusto ang ihip ng hangin dito. Tara na. Maghanap nalang tayo ng private dressing room para mag-ayos ng make-up ko."

Maingay na umalis si Lin Li kasama ang nagkukumahog nitong mga assistants.

Nasabi na lang din ni Lin Che, "Kahit saan talaga siya magpunta, lagi talagang naghahanap ng gulo. Pambihira."

Ngumiti lang si Yu Minmin. Pero, napansin niya na may tumatawag sa kanyang cellphone. Nang tingnan niya ang numero, napatigil bigla ang kanyang puso. Nagpaalam muna siya kay Lin Che na lalabas siya para sagutin ang tawag.

Sinagot lang ni Yu Minmin ang tawag nang nakalabas na ito.

"Hello, ano'ng maipaglilingkod ko sa iyo?"

"Miss Yu, may ilang bagay lang sana akong nais talakayin sa iyo nang personal. Kung hindi mo mamasamain ay pupunta ako sa iyo ngayon."

Nagpakawala ng malalim na hininga si Yu Minmin. "Sinabi ko na sa'yo. Aksidente lang talaga ang araw na iyon. Hindi ko iyon sinadya. Wala akong masamang plano."

"Pwede ba tayong mag-usap nang personal?"

"Okay sige… kung nag-aalala ka na baka ini-record ko nang palihim ang boses mo, sige magkita tayo at mag-usap."

Sa loob…

Manaka-nakang napapasulyap si Lin Lin kay Lin che. Galit na galit ito kaya pulang-pula ang buo nitong mukha.

Hinila nito palapit ang assistant sa kanya at sinabi, "Hanapin mo ang mga damit ni Lin che mamaya. Nakikita mo ba iyang bag niyang iyan? Tiyak na nasa loob niyan ang mga damit na susuotin niya mamaya. Pumasok ka mamaya…"