4 Chapter 3 - The Favor

CURUAN HIGHWAY... 

Sa mga oras na ito iisa lang ang napagtanto ni Ellah.

Na kahit gaano pa kayaman ang isang tao, hindi ka kayang iligtas ng pera mo sa oras ng panganib!

Walang-wala ang pera kung ang kalaban ay bala.

Nakakarindi ang mga putukan, bawat balang tumatama sa kanilang sasakyan ay tila nagpapapugto ng kanyang hininga. 

Ito ang kauna-unahang pagkakataong may nagtangka sa buhay niya at hindi pala gano'n-gano'n lang 'yon.

Sa kagaya niyang hindi sanay sa putok ng baril at balang tumitilamsik ay tila mauubos ang kanyang hininga sa takot!

"Diyos ko tulong!"  umiiyak na daing niya

habang nakasubsob sa sahig at tinatakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. Panay ang dasal ng dalaga.

Pagkalipas ng ilang sandali, natigil ang putukan. 

Pinakiramdaman niya ang buong paligid.

Tahimik na at ang tanging maririnig ay mga huni ng insekto sa gabi.  

Unti-unti niyang inangat ang paningin. 

Bagama't halos mawalan ng lakas ay pinilit niyang tumayo at marahang lumabas ng pinto. 

Doon na tumambad ang nakakapangilabot na tanawin na halos magpatulala sa kanya. 

Naliligo sa sariling dugo ang pinuno ng mga gwardya niya!

Napahagulgol na siya habang naninigas ang katawan.

"M-Ms. Ellah..." 

Nanlaki ang mga matang binalingan niya ang driver nila. Bagamat may tumutulong dugo mula sa gilid ng noo ng tsuper ay lumabas ito ng pinto at tinungo ang kanyang kinaroroonan.

"Ayos lang ho ba kayo Ms. Ellah?"

"Mang Jude! Si Homer!"

Dinaluhong nito ang gwardya at idiniin ang palad sa leeg ng pinuno. 

Pigil-hiningang nakatingin ang dalaga, umaasang buhay pa ang gwardya. 

Nang makabawi ay marahan siyang lumapit sa mga ito.

Bahagyang gumalaw ang kamay ng gwardya.

"Homer!"

Lumuhod siya at niyugyog  ang gwardyang naliligo ng dugo habang nakahiga sa malamig na semento. 

Unti-unti nitong idinilat ang mga mata. 

"Ms...Ms. Ellah, salamat at ligtas po kayo."

"Homer!"

Lumalabas na ang dugo sa bibig ng gwardya at halos pumikit na ito habang naghahabol ng hininga. 

"Pakisabi kay... don Jaime maraming salamat sa... lahat." 

"Homer hindi huwag! Tataasan ko ang sahod ninyo mabuhay ka lang pakiusap Homer! Kahit hindi na kayo magpa gwapo! " 

Tipid itong napangiti.

Marahan nitong inngat ang kamay na puno ng dugo at hinawakan ang kanyang braso, malamlam na tumingin sa kanyang mga mata.

"Patawarin niyo kami... Ms. Ellah pero hindi ka na namin ma protektahan pa."

Naiiyak na ang dalaga habang umiiling at tumitingin sa paligid nagbabakasakaling may dumaang sasakyan. 

"Tulong! Tulungan niyo kami!" 

Sa kailaliman ng gabi ay nagsisigaw si Ellah kasabay ng pagpalahaw, habang unti-unting pumipikit ang tauhan. 

Marahang umiling ang tsuper bago tumayo. 

Tuluyang nalugmok ang dalaga sa ipinahiwatig ng tsuper. 

"Ms. Umalis na po tayo, delikado rito!" 

"Mang Jude tumawag ka ng ambulansiya, buhay pa si Homer buhay pa siya!" 

Nanlulumong pinagmasdan ni mang Jude ang mga kasamahang mga nakahandusay. 

Ilang buwan pa lang silang magkasama, ngunit nabuo na ang pagkakaibigang pinatibay ng pagtutulungan at pagdadamayan ngunit sa pagkakataong ito, wala siyang nagawa. 

"Ms. Pakiusap u-umalis na po tayo, hihingi ako ng tulong sa lolo mo ang mahalaga makaalis na tayo."

Marahang tumayo si Ellah at  naging sunod-sunuran na lang siya rito. 

Habang nasa daan ay tinawagan ng  tsuper ang stasyon ng pulisya at maging ang ospital. 

"Don Jaime, nasa Curuan po kami..."

Habang papalayo ang kanilang sinasakyan ay hudyat na rin ng kanilang tuluyang pag-iwan sa mga  butihing gwardya na nakahandusay at wala ng buhay. 

---

LOPEZ MANSION...

Tila wala sa sarili ang dalaga pagdating ng mansyon bagama't agad siyang sinalubong ng abuelo.

"Ellah? Diyos ko!" 

Nanlalaki ang mga mata ng don habang nakatingin sa kanyang itsurang duguan. 

"Lolo... Lolo wala na po sina Homer!" 

Napahagulgol na siya. 

Maagap na iniyapos ng don ang mga braso at niyakap ng mahigpit ang apo. Nanginginig ang buong katawan nito marahil dala ng takot.

"PUNYETA! SINONG MAY KAGAGAWAN NITO!" 

Sadyang inabangan ng matanda ang kanyang unica hija matapos mapag-alaman ang nangyaring trahedya. 

Muntik na siyang mawalan ng ulirat kung hindi lang sa maagap na pag-alalay sa kanya ng kanang-kamay na siyang pinagkakatiwalaan.

Sa dami ng nakabangga niya sa negosyo hindi na niya alam kung sino sa mga kaaway ang may pakana.

Tila isa ito sa mensahe upang mas ingatan at protektahan niya ng husto ang nag-iisang apo.

"Hush, hija, you're safe now. Ligtas ka na apo ko."

Marahang hinahaplos ng don ang apo sa likuran nito, bagay na unti-unting nagpakalma sa dalaga. 

Marahang kumalas si Ellah sa abuelo at nanghihinang umupo sa naroong sofa. 

Hinarap ng don ang tauhan.

"Jude, ano bang nangyari?" 

Huminga ng malalim ang tauhan at nagsimulang magsalaysay. 

Sa lahat ng paliwanag ng tsuper iisa lang ang pinupunto.

Tinabla ng kanyang mga gwardya ang kalaban upang iligtas siya.

Itinaya ang mga buhay upang masigurong mabubuhay siya!

Unti-unting pumatak ang mga maiinit na likido mula sa kanyang mga mata hanggang sa tuluyang umiyak. 

Kinakain siya ng matinding kunsensiya dahil siya ang dahilan ng pagpanaw ng mga mababait na gwardya.

Kung sino man ang gumawa nito hinding-hindi niya mapapatawad!

Tumiim ang kanyang titig sa kawalan at mariing kumuyom ang mga kamay. 

"Sinisigurado ko... magbabayad sa batas ang may gawa nito!" 

---

ONE MONTH LATER 

PHOENIX AGENCY... 

"WELCOME BACK CAPTAIN!" 

Sinalubong si Gian ng kanyang mga kasamahan at magaang niyakap ng Alpha Team. 

"Kumustang bakasyon? Enjoy ba?" kantyaw ni Vince na ang pagkakaalam ay babae niya ang kanyang pinuntahan.

"Tama lang," tugon niya. 

"Tinamaan? O tumama?" ngisi ni Ryan. 

"Baliw," nangingiting iling na lang niya bago dumeretso sa opisina ng hepe.

"Welcome back Villareal! Kumustang bakasyon?" kalmadong bati ng hepe. 

"Thank you sir!" tugon niyang sumaludo sa amo bago umupo. 

"Umuwi ako ng Luzon, dinalaw ko ang puntod ng lola ko." 

"That's good, minsan lang ang ganoong pagkakataon."

"Salamat po." 

 

"May bago kang misyon," tugon nito at iniba ang usapan. 

Hinintay niya ang sasabihin ng hepe. Paniguradong may kinalaman na naman ito sa droga at sanay na siya roon.

"Here, look at this." Ipinasa nito ang isang folder na agad niyang binasa.

"Anak ni Mondragon?" 

"Yes, hanggat hindi nauubos ang lahi ng mga 'yan hindi sila mapipigilan." 

Nagtiim ang kanyang bagang. Matapos mahuli ang ama, ang anak na naman ang problema. 

May bago na naman silang lilinisin at kailangan nga yatang ubusin.

"Nakakapagtakang nakakapag operate pa rin sila." 

"Ang mga sindikato parang mga pugita 'yan. Kahit putulin mo ang mga galamay, tutubo pa rin. Pero kung ang ulo na ang pupugutin mo, hindi na mabubuhay pa."

"Tulad ng ating misyon, ulo ang pupugutin upang wala ng magdadala sa mga galamay."

"Iyon ang alamin natin, nasaan ang ulo. Siguradong may malaking tao sa likod ng mga 'yan." 

"Ibig sabihin, galamay lang ang mga Mondragon?" 

"Ulo ng maliliit na pugita."

Huminga ng malalim ang binata. 

"Nabalitaan mo bang muntik nang makidnap ang apo ni don Jaime?" 

Umiling si Gian. Hindi na bago sa kanya na ang mga anak-mayaman ay lapitin ng kidnapping.

"Sino ang may pakana?" 

"Duda ako sa naging resulta," makahulugang tugon ng kausap.

---

LOPEZ MANSION... 

"Anong sinabi mo?" Sita ng dalaga sa Presidente ng kumpanya. 

Kasalukuyang nakaupo sa metal na silyang nasa hardin ang mga ito habang nagkakape nang marinig niya ang sinabi ng presidente. 

Taga report ito ng mga nangyayari mula nang hindi siya pumasok sa opisina. 

"Ito ang report," iniabot nito sa kanyang abuelo ang isang folder ngunit hinablot niya 'yon at mabilis binasa. 

"Ms. Ellah, Chairman, hindi natin nakuha ang BMG dahil tinaasan ni Mr. Garcia ang porsyento ng produkto nila." 

"Ano? Bakit daw? Maayos ang usapan namin noon!" Hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses dahil sa narinig. 

Si Mr. Garcia ang manager ng kumpanyang BMG na siyang magiging supplier nila.

Ang kanilang negosyo ay isang minahan ngunit nagkukulang na sila ng produkto kaya kinakailangan nilang mamili sa ibang kumpanya. 

Pinakamataas na kalidad ang produkto nito at nagkukulang na sila bukod pa sa hindi masyadong dekalidad ang produkto nila sa ngayon. 

Ngunit ngayon mukhang mahihirapan sila dahil sa pagtaas ng halaga.

"Sa ngayon gumagawa na kami ng paraan upang makausap muli si Mr. Garcia," anang Presidente. 

"At anong gagawin niyo? Magmamakaawa?" sarkastikong tanong niya. 

"Hindi naman sa gano'n Ms." 

"Mr. Go, kayo ang pinagkakatiwalaan ni lolo sa kumpanya pero parang hindi mo nagagawa ng maayos ang trabaho mo!" singhal na niya sa may edad na lalaki. 

"Ellah!" sita ni don Jaime at tiningnan siya ng matalim. 

"Dapat na yata akong pumasok lolo. Ako ang kausap ng BMG ako ang dapat tumapos." 

Naglaho ang galit ng don at napalitan ng pag-aalala. 

"Kaya mo na ba?" 

"Opo, bukas na bukas din ay papasok na ako."

Hinarap ni don Jaime ang Presidente. 

"Mr. Go, maraming salamat sa pagpunta, makakaalis ka na." 

Tumayo ang lalaki at yumuko. 

"Sige po don Jaime, Ms. Ellah, natutuwa akong babalik ka na sa kumpanya." 

Binalingan nito ang don. "Aalis na po ako Chairman." 

Pagkaalis ng lalaki ay nagharap sila ng abuelo. 

"Kung talagang desidido kang bumalik sa kumpanya, kailangan mo ng bagong gwardya." 

Tumiim ang titig ni Ellah sa kawalan. 

"This time, I want only one, siya na rin ang driver ko. Ayaw ko na ng maraming kasama."

"Hija, kailangang mas marami pa!"

"Aanhin ko kung mamamatay lang din naman?"

Natahimik ang don.

Naaalala niyang muli ang apat niyang gwaryda, ang mga pagpapatawa ng mga ito sa tuwing magkakasama sila. 

"Naiintindihan ko, huwag kang mag-alala, hahanap ako kagaya ng nais mo." 

"Salamat po." 

Kinabig siya ng matanda at niyakap. 

Ipinikit niya ang mga mata at gumanti ng yakap.

"Hahanap tayo ng kapalit ng mga gwardya mo." 

Isang buwan na hindi  pumasok sa trabaho si Ellah dahil sa trauma. 

Ang mga araw na iyon ng pagpapahinga ay sapat na para sa gaya niya.

At sa loob ng isang linggo ay napag-alaman nilang kidnap for ransom ang nangyari sa kanya nang hindi naman bigating tao sa lipunan. 

Mabilis nagawaan ng paraan ni don Jaime ang kaso at naipakulong ang may pakana. 

Tinulungan din ng don sa pinansiyal ang mga pamilya ng mga gwardyang namayapa na. 

Kahit paano ay unti-unti na siyang naka recover. 

At kailangan na niyang pumasok sa trabaho dahil hindi na niya alam ang mga nangyayari sa kumpanya. 

Mula ng maaksidente ang abuelo ay bihira na itong dumalaw sa kumpanya bilang Chairman.

Tuwing may pagtitipon lamang ng matataas na opisyal saka pumupunta ang chairman. Iniasa na ang lahat sa Presidente at sa kanya.

---

PHOENIX AGENCY... 

"Makakaasa po kayo Don Jaime."

Dinig ni Gian ang sinabi ng kanilang head habang papasok siya sa opisina nito.

Pinapatawag siya ng head nila at hindi niya alam kung bakit. 

Namataan siya ng amo. "O, nandiyan ka na pala Gian, pumasok ka."

Tumuloy siya sa loob at namataan  ang isang matandang kaharap ng kanilang head kasama ang isang lalaki na nasa likuran nito.

"Ipinapatawag mo raw ako, Chief?" 

"Oo, Gian si Don Jaime Lopez, " pakilala ng kanilang head.

Hinarap niya ang matanda. Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili.

Hindi ordinaryong tao ang kaharap, isa ito sa mga iginagalang ng lipunan.

Kilala ito bilang isa sa pinakamaimpluwensiya at makapangyarihan sa lugar.

Ngunit ano ang sadya ng isang kagaya nito sa opisina nila?

"Good afternoon, don Jaime," bati niya at bahagyang yumukod.

Hindi ito sumagot at sa halip ay binalingan nito ang taong nasa likuran.

"Alex!"

Nagtaka siya na sa halip sa tumawag ito lumapit ay sa kanya ito palapit.

Napansin niyang nakatingin lang naman ang kanilang head.

Tumayo siya ng tuwid at inihanda ang sarili sa kung ano man ang binabalak nitong gawin.

Nagharap sila ng tinawag na Alex at nagkatitigan.

"Matibay ka ba?" tanong ni Alex.

Hindi siya sumagot. Naglalaro sa kanyang isipan na gugulpihin siya nito.

Bagamat maganda ang porma at tindig ng lakaki hindi man lang siya kinabahan sa halip ay gumanti siya ng malalim na titig sa kaharap.

Isang lakad pa nito bago pabiglang ipinitik ang likod ng kamao nito sa kanyang dibdib.

Hindi siya nagulat ni hindi siya natinag ngunit nahagip ng kanyang kamay ang kamao nito at pinilipit.

Napangiwi ang tauhan ni don Jaime.

Sanay si Gian sa gulatan, noong training nila bigla na lang may maninipa o kaya ay mananapak kaya nasanay siya. Sanay din sila sa pabilisan kaya nahagip niya ang kamao nito bago pa man makaporma.

"Matibay nga!" palatak ng lalaki at binitiwan niya.

Tumango lamang ang don.

Napatingin siya sa head nila na nakatingin pa rin sa kanya.

"Isa pa Alex!" Utos ng don.

Umatras ito ng tatlong hakbang bago may dinukot sa likuran at itinutok sa kanyang noo.

Baril 'yon na kwarenta y singko.

Ni hindi siya kumurap nang makita ang dulo ng baril sa kanyang noo, dahil siguro hindi pa man nakatutok sa kanya ang baril ay nakita na niya ang pagbunot nito sa likuran at alam niyang sa kanya ito itututok.

Nakahanda siya kaya hindi na nagulat pa.

Isang kalabit lang nito tiyak ang kamatayan niya.

Nakita niyang unti-unti nitong kinakalabit ang gatilyo.

"Any last word?" Tanong ng lalaki.

Mariin niyang tinitigan ang lalaking tumututok ng baril.

"Maraming salamat sa pagdalaw ninyo don Jaime, " pormal niyang tugon habang nanatili ang tingin sa kaharap na lalaki.

Kinalabit nito ang gatilyo ngunit hindi pumutok at hindi man lang siya kumurap.

"Pasado, kukunin kita!" anang matanda.

Nagtiim ang kanyang bagang at kumunot ang noo. Wala siyang ideya sa nangyayari.

"Sabi ko sa inyo don Jaime, hindi kayo nagkakamali na dito kayo humingi ng tulong." Nagkamay ang head nila at ang don.

"Maraming salamat sa'yo Chief Romero!" 

"Best asset dito 'yan pero dahil kayo ang humingi ng tulong ipagkakatiwala ko sa inyo ang asset namin."

Kumuyom ang kanyang kamao nang maunawaan ang sitwasyon.

Pinalapit siya ng head at tinapik sa balikat.

"Gian, simula ngayon, kay don Jaime ka na magtatrabaho."

Lumipad ang tingin niya sa lalaking muntik ng pumatay sa kanya.

Malamang kukuhanin siyang protektor ni don Jaime dahil bukod sa matanda na ito marami na ring nagtatangka sa buhay nito, pero hindi ito misyon.

"Ah, mukhang hindi ko pa nasasabi sa'yo, Gian ang babantayan mo ay ang apo ni Don Jaime."

"Ha!" Doon na siya nagulat.

Ang apo? Bakitang apo?

"Yes Gian, ikaw lang mag-isa ang kukunin ko kaya sana..."

"Sandali lang ho sir," binalingan niya ang head.

Tumikhim ang Don. 

 " Lalabas muna kami Chief. " 

"Sige ho Don Jaime. "

Nang makalabas ang dalawa ay hinarap niya ang head.

"Paano ang misyon?"

"Iba na ang gagawa. Pansamantala lang naman 'to kailangan lang ni Don Jaime kahit isa lang daw kaya napili kita."

Sanay na nga siya sa mga surpresahan pero hindi ganito, talagang nasurpresa siya.

"Hindi niyo sinabi sir!"

"Pasensiya na biglaan naman kasi ang pagbisita nila isa pa tamang-tama dahil kababalik mo lang, sabi ko naman hindi ka rin magtatagal at pumayag naman siya."

Huminga siya ng malalim.

"Alam mo naman na malaki ang utang na loob natin sa Don na 'yon kaya sige na pagbigyan mo na."

Napailing siya. "Bakit may ginawa pang gano'n hindi na lang ako dinerekta," muli siyang napailing.

"Sinubukan ka lang pero sabi ko naman magaling ang kukunin nila kaya siguro ginawa ang gano'n sa'yo. Pagbigyan mo na ha? Pansamantala lang hanggat wala pa silang nakitang kapalit mo."

"Parte ba ito ng misyon? Misyon ba ito Chief?"

Marahang umiling ang hepe bagay na ikinadismaya niya.

Tumingin sa kawalan ang binata habang nag-iisip. 

Oo, pansamantala lang ang pagiging gwardya pero hindi ito ang trabaho niya. 

Oo, taga protekta siya pero hindi ng iisang tao lang. 

Kailan man ay hindi pa siya nagprotekta kung hindi misyon.

" What do you think Captain Villareal?" 

Umaasa ang hepe sa kanyang pagsang-ayon. 

Tinitigan niya ito derekta sa mga mata bago nagsalita. 

"No." 

avataravatar
Próximo capítulo