SHAUN
*****
Tumayo sya saka dahan-dahang lumapit sakin. Unti-unti nya akong kinorner sa pader saka nya nilagay ang kanyang kaliwang kamay sa gilid ng aking ulo. Nakipagtitigan sya sakin ng sampung segundo bago sya sumagot.
"Wala akong kinalaman do'n." Sabi nya saka kinuha ang kanyang salamin sa tabi ko.
"Nasa library ako ng mga oras na iyon para dito." Sabi nya saka kinuha naman ang librong binabasa nya kanina saka winagayway upang makita ko.
Nakahinga din ako ng maluwag sa sagot nya. Ibig sabihin hindi sya si Death, masyado lang akong paranoid.
Lumapit ako sa kanya saka naupo sa tabi nya.
"Di ba bawal nang lumabas ng gabi?" tanong ko.
"Sinong nagsabi sayo?" sabi nya saka nahiga.
"Pwede kang lumabas, pero kailangan mo lang mag-ingat." Dugtong pa nya.
Kinuha ko yung porn magazine saka binuklat ko ito kung saan ako magtapos last time.
Intense na kasi.
"May pasok ka diba?" tanong nya sakin.
"Ay puta." Mura ko saka ako napabalikwas sa aking pagkakaupo.
Kinuha ko yung notebook kong naiwan kanina saka tumakbo palabas ng kwarto.
Habang tumatakbo ako sa gitna ng kagubatan ay biglang may lumitaw na tali sa daan dahilan upang ako'y masilo't matumba.
Nagkalat sa daan ang lahat ng gamit ko. Napaupo ako dahil sobrang sakit ng tuhod ko.
"Diba sabi ko sayo babalik ako?" biglang lumabas si Red sa likod ng puno kasama ang kanyang mga alipores.
Nakita ko na dumudugo na yung tuhod ko. Tumayo ako saka pinakita ko sa kanila na matapang ako kahit madami sila.
"Bakla ka ba?" ngisi kong tanong. Kita ko sa mukha nya ang pagkairita sa sinabi ko.
"Ako?" tangang tanong nya.
"Sino pa ba?" sabi ko saka ko nilapag sa baba ang aking bag.
Lumapit sya sakin saka nya ako sinuntok sa mukha na ikinatumba ko. Pinunasan ko ang dugo sa aking labi dahil pumutok ito. Tumayo ako para sunggaban sya kaso bigla akong kinapitan ng kanyang kasama saka nya ako malayang pinagsusuntok sa katawan.
"What do you think you're doin'?" biglang may nagsalita sa kung saan.
Hindi ko na maaninag kung sino dahil nakapikit na ang dalawa kong mata sa pagkakasuntok ni Red.
Bigla akong binitawan ng mga kasama nya kaya ako napasalampak sa daan.
Rinig ko ang pagtumba nila isa-isa.
Pagkatapos ng ilang segundo ay may umakay sakin patayo.
Nagising ako sa loob ng clinic. Masaya din pala mabugbog, bigla kang napupunta sa ibang lugar.
"Everytime nalang ba na magkikita tayong dalawa ay galing ka sa dreamland?" nakita ko si Bullet sa tabi ng kama na hinihigaan ko.
Tumayo ako saka naglakad patungo sa pinto.
"Ganyan ba magpasalamat ang bagong Alas?" tanong nya saka nya ako pinagbuksan ng pinto.
Tiningnan ko sya ng masama saka tiningnan ang paligid kung may nakarinig sa sinabi nya. Noong nasigurado ko na walang tao sa corridor ay sinara ko ulit ang pinto saka ko sya kinausap.
"Pwede ba, lumayo-layo kayo sakin? Ayoko pang mamatay ng maaga. Saka isa pa, huwag nyo kong tawaging 'Alas' dahil baka marinig ng iba." Inis kong sabi sa kanya.
"Hindi kita pwedeng tawagin sa pangalan mo. Isa sa kasunduan iyon ng mga Datu." Sabi nya saka bumalik sa kanyang upuan kanina.
"Putanginang kasunduan yan. Para nyo na ring sinabi sakin na magpakilala ako kay Kamatayan na ako ang Alas para mamatay ako agad-agad."' Inis kong sabi.
"Maghanda ka." Sabi nya na parang wala akong sinabi saka sya dumiretso sa pinto.
"May laban ka bukas." Sabi nya bago lumabas ng clinic.
Sumunod ako sa kanya.
"Anong meron akong laban?" Takhang tanong ko.
Huminto sya saka humarap sakin.
"Sumunod ka sakin."
Dumaan kami patungo sa likod ng eskwelahan. Halos sampung minuto din ang nilakad namin bago kami napunta sa harap ng isang pinto.
"Anong meron dyan?" Takhang tanong ko.
"Malalaman mo." Nakangiti nyang sagot saka ako pinagbuksan ng pinto.
Sa likod ng pinto ay may hagdan pababa. Hindi ko makita kung ano ang meron sa loob dahil sa sobrang dilim.
"Wala akong maki--"
"Ito." Sabi nya sabay bigay sakin ng kandila.
Kinuha ko iyon sa kanyang kamay saka dahan-dahang bumaba.
Pagbaba namin ay binuksan nya ang ilaw gamit ang switch nito na nasa tabi ng counter.
Napanganga ako sa aking nakita.
Isang malaking basketball court na may boxing ring sa gitna. Napapaligiran ito ng bench. Animo'y nasa ibang lugar ka dahil sa sobrang pagkakaiba nito sa taas.
"May ganito pala dito?" Manghang tanong ko saka ako tumakbo paakyat sa ring. Sumunod din sya sakin saka kumuha ng isang pares ng boxing gloves saka tinapon nya sakin na nasalo ko naman.
Sinuot ko ito saka nya itinayo ang punching bag na nakahiga lang kanina sa tabi ng boxing ring.
"Ready ka na?" Tanong nya.
"Dati pa." Ngiting aso kong sagot.
Halos isang oras din kaming nagpractice bago ako nakaramdam ng pagod.
"Wala ka kasing exercise, kaya madali kang mapagod." Sabi nya sabay bigay sakin ng isang boteng beer.
Naupo sya sa tabi ko saka tumungga ng alak.
"Huli ko kasing laban eh yung kasama ko pa yung nakababatang kapatid ko." Sagot ko sa kanya saka ko pinaikot ang aking hintuturo sa labi ng bote.
"May kapatid ka pala? Lalaki?" Tanong nya.
"Oo, kaso namatay sya sa sunog." Mahina kong sagot.
"Sorry." Bulong nya saka ako inakbayan na para bang kinocomfort nya ko.
"Ayos lang, ako naman ang may kasalanan kung bakit namatay sya eh." Nakangiti kong tugon. Ngumiti ako hanggang sa kaya ko para hindi nya mahalata na unti-unti ng nababasag ang puso ko dahil sa sakit at paghihinagpis sa nangyari kay Richie, ang pinakamamahal kong kapatid.
"Bata palang kami ni Richie ay magkasanggang-dikit na kami sa lahat ng bagay. Sya yung tinuturing kong pinakamahalagang bagay na kailanman ay hinding-hindi ko ipagpapalit sa kung ano mang bagay." Nakangiti kong kwento.
"Iniwan kami ni Mama at Papa sa DSWD noong Tatlong taon pa lamang ako at Isang taon pa lamang si Richie. Maayos naman kaming napalaki nila Tita Rose doon. Nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw, tapos pinaaral nila kami ng libre. Para maibalik ko sa kanila ang kanilang kabutihang loob na ipinakita nila samin ni Richie ay tumutulong ako sa kanila magluto at magwalis sa labas ng shelter." Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Nalaman ko lang ng nilahad nya sakin ang kanyang dalang panyo.
"Kaso isang araw, habang naglalaro ako sa labas kasama yung iba eh iniwan ko si Richie sa kwarto dahil sa sobrang kulit nya. Inis na inis ako sa kanya noong araw na iyon dahil gusto nya akong isama sa pagtulog nya kaso ayoko dahil gusto ko talagang maglaro sa labas. Kaso sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang nagliyab ang buong shelter. Rinig ko pa yung sigaw nya ng tulong sakin noon dahil hindi sya makalabas sa bintana dahil may bakal na nakaharang doon." Doon na ako umiyak. Hanggang ngayon kasi ay naririnig ko parin yung paghingi nya ng tulong sakin.
"Gusto ko sana syang puntahan sa loob para iligtas kaso ayaw akong bitawan ni Tita Rose. Hanggang sa unti-unti syang nawawalan ng boses at hindi ko na sya narinig. Halos isang oras din bago maapula ang apoy, dalawa sila ni Kokoy na hindi nailigtas sa loob ng shelter. Isang bata lang ang natagpuang patay kaya hanggang ngayon eh umaasa parin akong buhay sya. At kung saan man sya ngayon ay sana nasa ligtas syang kalagayan." Dugtong ko.
Hinagod nya ang aking likod upang kumalma ako.
"Kaya kung gusto mo pa syang makitang buhay pagkalabas mo dito ay kailangan mong talunin si Red." Sabi nya.
"Tama." Ngisi kong sagot.
Umuwi ako ng bandang alas-syete sa dorm. Kasama ko naman si Bullet kaya hindi ako natakot sa labas. Pagkapasok ko ng kwarto ay nakita ko si Ezekiel na nakaupo sa harap ng computer nya. Mayroon naman kaming mga gadgets dito sa loob, pero lahat ng ito ay nakaconnect sa admin. Lahat ng nangyayari sa loob ng aming cellphone, computer at kung ano pang devices ay kapit nila. Kaya nilang i-block ang paghingi mo ng tulong sa labas. Iba talaga mag-isip ang may-ari ng eskwelahang ito.
Mr. Zero Villegas, paano ba maging ikaw?
"Aba! Gabi ka na nakauwi ah?" natatawa nyang bati sakin. Nilapag ko yung bag ko sa tabi ng kama ko saka ako nahiga.
"Balita ko may laban ka daw bukas sa Arena." Dugtong nya.
Napaupo ako sa pagkakahiga sa narinig ko.
"Paano mo nalaman?" takhang tanong ko.
Umusod sya ng konti saka ipinakita sakin ang balita sa computer. Nakita ko na alas-sais ng umaga ang laban namin ni Red. Lumapit ako sa kanya saka ako nakiusyuso sa kanyang computer nya.
"Ang bilis naman." Manghang sabi ko.
"meron pala tayong ganito dito?" takha kong tanong sa kanya.
Tinulak nya ang noo ko gamit ang kanyang hintuturo.
"Matulog ka na para maganda ang gising mo bukas." Sabi nya saka pinatay ang computer.
Tumayo ako ng matino saka nagpalit ng damit at short. Nahiga ako sa kama ko saka nagkumot dahil malamig ang panahon ngayon. Dahil na din siguro sa nainom kong beer ay nakatulog din agad ako.
Nagising ako dahil sa pag-uyog sakin ni Ezekiel.
"Gising na, may laban ka pa." Sabi nya saka kumuha ng towel. Tumayo na din ako saka kinuha yung towel at sumunod sa kanya sa loob ng banyo.
"Ginagawa mo?" gulat nyang tanong dahil sumunod ako sa kanya sa loob ng banyo.
"Sasabay, hindi ka naman siguro bakla para bosohan ako." Sabi ko sa kanya saka naghubo't-hubad.
"Lol." Natawa lang sya saka naghubad na din.
Tiningnan ko yung kanya.
"Nakailan ka na?" tanong ko sa kanya.
"Anong nakailan?" takha nyang tanong saka binuksan ang shower.
"Nakailang deviginize ka na?" tanong ko sa kanya.
"Dalawa, ikaw?" tanong nya pabalik.
"Tatlo na. Talo kita." Natatawa kong sagot.
"Parang kabute naman yang sayo." Sabi nya saka turo sa aking ibaba.
"Kaya nga pinagkakaguluhan yan ng mga ex ko eh." Nakangisi kong sagot.
"Pero mas mataba naman yang sayo." Sabi ko.
"Oo, alaga dati sa exercise ni Ex eh." Sagot nya.
At nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga nadale ng aming kapogian.
Pagkatapos naming maligo at mag-asikaso ng sarili ay handa na kaming lumabas ng kwarto.
"Sabay na tayo." Sabi nya saka sumunod sakin.
Pagbukas ko ng pinto ay nakaabang na pala si Bullet sa labas habang nakasuot ng kanyang pulang tali sa noo. Tanda na sya ang aming Datu.
"Handa ka na?" tanong nya sakin.
"Kahapon pa." Ngisi kong sagot.
Paglabas namin ng Dorm ay nakita kong nakapula silang lahat. Kasama ko silang lahat na pumunta sa Arena.
Pagbaba namin ay nakita ko na naandito na din ang mga taga-itim. Nakita ko si Mica sa taas kasama si Red na nakasuot na ng boxing gloves.
Pumwesto na lahat ng taga-pula sa kabilang bahagi ng Arena. Umakyat ako kasunod si Bullet sa aking tabi sa taas ng boxing ring.
"Kaya mo iyan." Bulong sakin ni Bullet saka sila sabay na bumaba ni Mica.
Umakyat naman ng ring ang aming magiging referree.
Hinubad ko ang aking pag-itaas na damit saka ko ito tinapon palabas ng ring.
Sinuot ko yung gloves na ibinigay ni Bullet galing sa labas.
"Dito na ata kita mapapatay taga-pula." Nakangisi nyang sabi.
"Talaga? Tingnan natin." Pang-iinis ko sa kanya.
"Ready?!" sigaw ng Referree.
Tumango kami dalawa.
"FIGHT!!"
*****
XoXo