SHAUN
*****
"One!"
"Two!"
"Three!"
Pagkatapos magbilang ng mga manonood ay ang pagtunog ng bell na senyales na tapos na ang laban.
Napahiga ako sa sobrang pagod at sobrang sakit ng katawan ko.
Nilingon ko si sya sa aking tabi na mahimbing na natutulog.
"Panalo ako." Bulong ko bago pumikit ang aking mga mata.
Nagising ako sa loob na naman ng clinic, nakasuot ng puting bestida saka nakadextrose.
"Hindi ko alam na malakas pala ang mga kamao mo." Sabi ni Mica sa tabi ko.
Umupo ako sa kama saka tinanggal ang swero sa aking kaliwang kamay. Paghawi ko sa kurtinang puti sa tabi ko. Nagulat ako sa aking nakita, puno ng bandage ang buong katawan nya at mahimbing syang natutulog sa kanyang kama.
"Ba't sya nandito?" takhang tanong ko saka turo kay Red.
"Alangang pabayaan natin syang mamatay sa Arena." Sarkastikong sagot ni Mica.
Umupo sya sa kama na hinigaan ko saka nagbente-kwatro.
"Mula sa araw na ito, kailangan nyang mag-ingat." Tukoy nya kay Red.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Lahat ng natatalo sa Arena ay mabubully sa loob ng isang Linggo." Sagot ni Bullet.
"Kailangan nya itong pagdaanan bilang kaparusahan sa kanyang pagkatalo." Dugtong pa nito.
"Hindi pwede iyon, malalagot tayo sa batas. Maaaring maipasara ang eskwelahan ng pamahalaan." Sabi ko sa kanila na ikinatawa nila.
"Nakakalimutan mo atang batas lamang ni Supremo ang nasusunod dito." Sabi ni Mica sakin.
"Ang presidente ngayon ng bansa ay ang ikalawang naging Supremo sa paaralang ito. Kaya kampante ang eskwelahan na hindi makakaabot sa labas ang mga nangyayari dito." Dugtong pa nito.
"Hindi dapat natin pinagkukwentuhan ang mga bagay na 'yan dito." Tumayo si Bullet saka tiningnan si Red.
Tama, baka manghinala syang ako ang Alas dahil sa mga impormasyong pinagsasabi sakin ng dalawang Datu.
"Mauna na kaming dalawa, sumunod ka nalang pagkatapos ng ilang minuto." Sabi ni Mica saka sabay silang lumabas ng clinic.
Umupo ako sa tabi ng kama ni Red saka sya hinintay na magising. Kasalanan ko kaya sya magiging puntirya ng mga estudyante sa loob ng isang linggo. Dapat pala ako nalang yung nagpatalo para kahit papano ay makakahingi ako ng tulong sa mga Datu.
Pagkatapos ng ilang minuto ay iminulat nya ang kanyang mga mata kaya tumayo ako sa tabi nya.
"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya saka tinulungan syang maupo mula sa pagkakahiga.
"Get off!" sigaw nya saka tinapik ang aking kamay palayo sa kanya.
Tumayo sya saka naglakad patungo sa pinto saka binuksan ito. Sinundan ko sya sa labas, ngunit hindi pa kami nakakalayo ay may tumira sa kanya ng pana. Mabuti nalang at naitulak ko sya bago pa sya tamaan sa braso.
Nilingon ko kung saan iyon galing at nakita ko ang limang lalaki na may kulay berde na tali sa kanilang mga braso. Inintay kong makalayo sila bago ko tinulungang tumayo si Red, ngunit sa ikalawang pagkakataon ay iwinaksi nya ulit ang aking kamay.
"Layuan mo nga ako!" sigaw nya sakin saka mag-isang tumayo.
Nakita ko ang kanyang mga kaibigan na naglakad palapit samin. Ngunit sa 'di namin inaasahan ay nilagpasan lamang nila kami na animo'y wala si Red sa harap nila. Nakita ko kung paano bumagsak ang balikat ni Red sa pagkadismaya.
Nilingon nya ako, kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot.
"Kasalanan mo ito." Sabi nya sakin bago nya ako iniwan doon mag-isa.
Nagtungo ako sa eskwelahan upang hanapin sya. Hindi naman ako nahirapang makita sya dahil nakita ko sya kasama pa ang ibang Datu at si Supremo. Huminto ako sa tabi nya dahilan upang mapatingin ang lahat sakin.
"Freshmen?" inosenteng tanong nya sakin.
"Can I talk to you?" sabi ko.
"Speak." Sagot ni Supremo.
Tiningnan ko sya bago si Vishnu.
"Just the two of us." Sabi ko sa kanya.
Biglang may kumapit sa aking braso at nakita ko si Ethan kasama sila Loki at Rover na hinihingal.
"Hindi tayo pwede dito." Bulong nya sakin bago ako hinila palayo sa mga Datu.
"Pakisabi sa mga t4ngina mong kampon na t4ngina nila at t4ngina mo!" sigaw ko habang hinihila palayo ng tatlo.
Tumayo sya saka humarap sakin. Nakita ko na tumayo ang lahat ng may berdeng tali sa kanilang mga katawan.
"Ano bang gusto mong sabihin?" seryosong tanong nya sakin. Nakita ko naman na kumakain padin ang ibang Datu kasama ang Supremo na animo'y walang nakikinig.
Iwinaksi ko ang pagkakakapit sakin ng tatlo saka sya hinarap.
"Parusahan mo ang mga kagrupo mo dahil muntik na nilang tamaan ng pana si Red." Seryosong sabi ko.
Tatlong segundong katahimikan bago sya tumawa ng malakas. Nakita kong naupo na ang ibang tagakanluran na nakangisi. Umiling sakin si Vishnu na parang nasayang ko lang ang oras nya bago sya umupo at pinagpatuloy muli ang kanyang pagkain.
Lalapit pa sana ako sa kanya kaso hinila na ako ng tatlo palabas ng canteen. Noong nakarating na kami sa tracking field na kasing laki ng isang baryo ay binitawan na nila ako. Hinilot ko ang buo kong braso sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Ethan sakin.
"Ano yun?" iritang tanong nya sakin.
"Ginawa ko lang ang kailangan kong gawin. Papatayi-"
"Papatayin ka nila! Bago pa nila mapatay si Red ay mauuna ka na dahil sa ginawa mong iyon. Hindi ka ba nag-iisip? At parang close ka ata sa kanila dahil lumapit ka lang bigla doon saka sila kinausap ng kaswal ah." Iritang bulyaw sakin ni Ethan.
"Sa ginawa mong iyon ay hindi na ako magtataka kung maya-maya ay may bumaril na sayo dito." Dugtong pa nya.
"Sa susunod kasi Shaun-"
Hindi ko na pinatapos si Rover sa sasabihin nya dahil tinalikuran ko na sila saka ako padabog na naglakad pauwi sa amin.
Napahinto ako sa harap ng isang puno. Napabuntong-hininga ako dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Tiningnan ko ng matalim ang puno bago ko ito pinagsusuntok.
"Gusto mo ng may totoong kasuntukan?" hinarap ko ang taong nagsalita sa aking likod. Nakita ko ang dalawang kaibigan ni Red na may hawak na dos-por-dos.
"Sige ba." Nakangisi kong sagot.
Pero bago pa kami makasugod sa isa't-isa ay may kunai na tumusok sa lupa sa pagitan namin tatlo. May nakakabit ditong kulay gintong papel na may ukit na korona na may ahas. Simbolo ng kamatayan.
Napatingin kaming tatlo sa isa't-isa bago nilingon kung saan nanggaling ang kunai na iyon.
Nakita ko sa taas ng puno ang taong nakabalot ng kulay itim na tela. Hawak nito ang kanyang karit na kulay itim ang hawakan at kulay pula naman ang kulay na panghiwa nito. Halos manginig ako sa takot. Hindi ko maaninag kung sino dahil natatakpan ito ng kanyang itim na hood.
"Tumakbo na tayo pre." Sabi ng isa bago sila dalawa kumaripas ng takbo.
Nilingon ko kung saan sila tumakbo dalawa ngunit ni buhok nila ay hindi ko na makita sa loob lamang ng limang segundo.
Humarap ako kay Death at nakita ko na syang nakatayo dalawang metro ang layo sakin. Sa haba ng kanyang karit ay maabot ako nito kapag kanya itong iwinasiwas sa harap ko.
"What's your name." Malalim na boses ng isang lalaki ang bumalot sa kapaligiran.
Sa sobrang takot ko ay napatakbo ako palayo sa kanya. Hindi ko na sya nilingon sa sobrang takot. Halos lumilipad na ako sa sobrang bilis kong tumakbo.
Nagtago ako sa likod ng isang puno. Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang aking kaliwang kamay upang mabawasan ang ingay na aking nagagawa. Dahan-dahan kong sinilip ang lugar kung saan ako galing at nakita kong nakatalikod sa aking direksyon si Death. Gusto ko nang umiyak dahil sa takot. Ayoko pang mamatay.
Bigla syang humarap sa aking direksyon kaya mabilis kong isinuksok ang aking sarili sa likod ng puno upang di nya mapatay. Halos sampung segundo din ang itinagal bago ko naisip na silipin ulit sya. Kaso sa hindi inasahang pagkakataon ay wala na sya sa kanyang pwesto. Muntik na akong mapasigaw ng biglang may kumapit sakin sa balikat at tinakpan ang aking bibig.
Sumilip-silip muna sya bago nya ako binitiwan at umupo sa tabi ko.
"Wala na sya." Sabi nya sabay bunot ng damo sa kanyang tabi.
"Paano ka napunta dito?" hinihingal kong tanong kay Red.
"Kanina pa ako nandito. Nagulat lang din ako ng bigla kang tumabi sa tabi ko." Sabi nya.
Isang mahabang katahimikan ang nanaig sa pagitan namin dalawa. Tanging ingay lamang ng mga dahong sumasayaw sa bawat pagdampi sa kanila ng preskong hangin ang maririnig sa buong kapaligiran.
"Sorr-"
"Don't be." Pagputol nya sa aking sasabihin.
"Parehas nating ginustong manalo sa araw na 'yon." Dugtong nya habang abala sa pagpipitas ng mga damong ligaw.
"Pero sorry pa din, dapat nagpaubaya nalang ako dahil alam kong nandyan sila Sup-Ethan para tulungan ako sa buong linggo." Muntik ko nang maibulgar ang pagkakakilanlan ko sa kanya.
Tumayo sya saka pinagpagan ang kanyang pantalon dahil dumikit dito ang mga pinitas nyang damo.
"Mauna na 'ko." Sabi nya bago naglakad palayo. Pero bago pa sya mawala sa paningin ko ay lumingo sya saka ako binigyan ng blankong ekpresyon.
"Bago ko makalimutan.." sabi nya na pagkatapos kong tumayo.
"Nasa teritoryo kita, kaya kitang patayin ngayon din." Dugtong nya bago umalis.
"T4ngina." Bulong ko bago ko hinanap ang daan papunta sa amin.
Maingat akong naglakad habang palingon-lingon sa tabi dahil baka bigla nalang akong humadusay sa aking kinatatayuan.
"Ginagawa mo?"
"PUT4NGINA MO!" sigaw ko sa sobrang gulat ng ako'y ginulat ni Ezekiel.
"T4ngina mo din." Natatawa nyang sagot.
"Hinabol ako ni Death." Sagot ko noong nasuntok ko na sya sa braso.
"Ba't ka naman hahabulin noon?" tanong nya habang naglalakad kaming dalawa pauwi.
"Hindi ko din alam." Sagot ko.
Huminto sya sa harap ko saka yumuko upang magkapantay ang aming mga mata.
"Dalawa lang ang dahilan upang habulin ka ni Death." Sabi nya.
"Una, kung may kasalanan ka sa kanya..
O..
Ikaw ang Alas." Dugtong pa nya.
*****
XoXo