webnovel

Unravel the Twisted Play (Tagalog)

Due to her father's illness, Janelle trapped herself to a twisted game. Confident to win the prize, she risk her own life. Will she really get out alive or the play will just twist her fate?

Shayara_xx · Adolescente
Classificações insuficientes
5 Chs

Janelle, The Killer

Matapos ang labing pitong oras ng biyahe ay nakarating na sila sa U.M Academy—sa isla kung saan ito nakatayo. Ngunit masyado nang wala sa sarili si Janelle para mapansin iyon.

Tahimik lang siyang sumunod sa utos ni Jazz—o mas angkop sabihin na game master slash principal. Pumunta siya sa classroom kung saan iniligay ang kaniyang pangalan. Room 204.

Kaya nga heto siya ngayon, nakaupo sa pinakadulong row. Sa tapat ng isang bintana. Natatanaw niya ang iba pang bahagi ng eskwelahan mula doon ngunit wala siyang gana para pansinin iyon. Masyado siyang okupado.

Muli, pinunasan niya na naman ang butil ng luhang lumandas sa pisngi niya. Wala siyang magawa kundi ang umiyak at magluksa sa pagkamatay ng kaibigan. Ni hindi na nga rin niya magawang pansinin ang dalawa pang kaibigan na pilit pinapasaya siya at ang sarili nila. Napili na lamang niya na manahimik dahil alam niya sa sariling wala namang makakaintindi sa pinagdadaanan niya.

Kasalanan niya ang lahat. Siya ang pumatay rito. Panay ang paninisi niya sa sarili. Gusto niyang isigaw ang lahat para mabawasan ang sakit. Pero nanahimik na lang siya. Walang dapat makaalam ng ginawa ko. Wala...

Saglit niyang pinagmasdan ang kabuuan ng kuwarto. Wala namang espesyal at kakaiba sa itsura nito. Tipikal na classroom, hindi mo aakalaing ito ang lugar na magiging saksi ng pagkamatay na bawat isa. Parang siya lang. Normal lamang, ngunit sa likod nito ay ang baho niyang unti-unti nang umaalingasaw.

Pinagmasdan niya ang mga kasama sa classroom. Nag-isip. Hindi niya tuloy lubos maunawaan kung paanong humantong ang lahat sa ganito. Labing pitong taong gulang lamang siya. Samantalang siguradong labing-walo, labing-anim o labing-pito naman ang iba.

Naiinis siya sa isiping para silang mga tangang nagpapakiramdaman. Wala na yung saya na nararamdaman ng tipikal na estudyante kapag pumapasok sa eskwela. Wala na silang karapatang sumaya.

Napaisip tuloy siya. Ano nga ba ang nangyari eighteen years ago? Bakit wala man lang nagawa ang mga tao para pigilan ang pagpapatupad ng batas na 'to gayong nasa kanila ang kapangyarihan. Demokratiko ang bansa nila noon ngunit ewan na lang ngayon... Nabubuhay na lamang ang lahat sa takot. Lalo na ang gaya niya.

Sa pagkakaalam niya ay masyado raw mataas ang populasyon ng bansa nila. Higit doon, nasa unahan din sila sa listahan ng mga mababang intelektwal. Lagi silang talo sa anumang kompetisyon. Nabansagan pa nga ang bansang Lacrea bilang lungga ng mga pinakabobo. Hindi iyon ikinatuwa ng gobyerno. Humantong sa desisyong ipatupad ang two-child policy. Walang nagawang tumutol. Hindi malaman ang dahilan. Kahit nilalabag na nito ang karapatang pantao at batas ng Diyos, nanahimik lamang ang mga mamamayang Lacreano. Kaya ngayon, heto, sila ang nagdurusa, ang mga estudyante ang nagdurusa sa maling desisyong dapat noon pa ay naitama na.

Sila ang unang batch na makakaranas ng laro ni kamatayan, kung anu-anong klase ng laro iyon ay hindi pa nila alam. Ang dapat lang ay maging handa sila; pisikal, emosyonal, at mental. Sila ang mga kabataang inubos ang oras para maging magaling na indibidwal. Bawat araw ay inalay at inilaan para maging handa sila sa araw na ito. Na ang lahat ng oras nila ay inilaan sa pagpapalakas, pagpapatalino, kahit na dapat ay nagsasaya lamang sila sa buhay.

Namuhay silang nakikipagkumpitensya. Namuhay sila para patunayan ang sarili nila, dahil kung hindi, hindi nila matatamasa ang kalayaan, ang mamuhay ng payapa matapos ang larong ito. At walang mapapatunayan ang Lacrea kung hindi nangyari ito.

Saglit natigil ang pag-iisip niya nang makarinig ng kalabog. At ayun, may isang lalaki ang ibinuhos ang galit sa upuan. Humiwalay na nga ang paa ng upuan na 'yon sa katawan. Napaisip tuloy siya kung sino ang mas malas; ang inosenteng upuan ba na napagbuntunan ng galit, o ang lalaki—mali—o ang mga kabatang walang pagpipilian kundi ang sumali sa larong ito...

Pinagmasdan niya muli ang lalaking iyon at napagtanto kung bakit nagawa nitong magwala. Sa itsura ay mapapansing isa lamang siya sa mga napilitan. Ipinanganak upang sumali rito. Napaisip na naman tuloy siya kung pang-ilan ito sa magkakapatid. Pangatlo kaya? Muli na naman siyang naasar.

Bakit ba kasi kailangang bayaran mo ang buhay ng pangatlo, pang-apat, pang-lima mong anak?

Bakit pa nga ba ng mga ito nilabag ang batas? Hindi pa man lumalabas sa tiyan para na rin nilang ibinaon sa hukay ang mga paa ng sarili nilang anak.

Bakit maraming bata pa rin ang isinilang kahit na may ganoon ng batas?

Napahinga siya ng malalim. Kahit anong pag-iisip ay wala siyang makuhang kasagutan, pero pakiramdam niya, may mali talaga sa mga nangyayari.

Muli niyang inalala ang unang laro. Nakakatanga. Nakakabaliw. Sumasakit ang ulo niya kakaisip kung sino ang dapat sisihin sa pagkamatay ng kaibigan na si Gelene.

Siya ba na ipinagpalit ang botelya ng resulta?

O ang game master na nagbigay noon sa kanila?

O baka naman siya nga talaga? Hindi naman kasi dapat siya narito. Oo, pangatlo siya sa kanilang magkakapatid pero patay na ang kuya niya kaya silang dalawa na lang ng ate niya. Gayunpaman, bayad pa rin ang buhay niya. Matapos siyang isilang ay nagbayad ang mga magulang niya ng dalawang daang libo para maging malaya siya. Para hindi niya maranasan ang nangyayari ngayon. Ngunit heto siya't ibinenta muli ang buhay niya. Kung para sa pera o para sa papuri—ewan na niya ang dahilan, nalilito na rin siya sa sarili.

Gusto niyang sisihin ang malubhang sakit ng tatay niya na naging dahilan ng pagkaubos ng yaman nila.

Kung hindi siguro ito nagkasakit ay baka hindi siya nagdesisyong ipagpalit ang sarili sa pera. Hindi niya sana gugustuhing manalo dito para makuha ang premyo. Hindi sana siya aabot sa ganito. Wala sanang mamamatay nang dahil sa kaniya.

Para na niyang kapatid si Gelene. Muli na namang bumibigat ang mga mata niya. Naaalala niya ang ate niya. Ang ate niya na laging pinapaboran ng mga magulang niya. Ang ate niya na nasusunod lahat ng gusto samantalang siya, walang sariling desisyon. Kung ano ang ayaw niya ay yun ang dapat. Kung ano ang gusto niya ay siya namang bawal—masama.

Hindi naman kasi siya si Janelle na mahilig magbasa ng libro.

Hindi naman siya si Janelle na buong araw nasa kuwarto at nag-aaral.

Gusto niyang magsaya. Gusto niya makapaggala. Gusto niyang makasama ang mga kaibigan matapos ang klase sa eskwela. Gusto niyang magbasa ng manga at manuod ng mga drama. Ngunit lahat ng 'yon ay 'di niya magawa. Hindi kasi siya si Treia—hindi naman kasi siya ang ate niya.

Hindi naman siya ang ate niya na 90 na ang pinakamababang marka sa card. Siya lang naman si Janelle na 90 na ang pinakamataas.

Kaya rin siguro siya napilitang sumali rito e, para makahinga. Para makatakas. Para makalawa sa mga sakit na nadarama niya sa apat na sulok ng kuwarto niya. Para kahit papaano ay masabi niyang may desisyon siyang ginawa para sa sarili. Para masabing hindi buong buhay niya ay kontrolado siya ng magulang niya. Para hindi na niya maramdamang siya ang ampon, kahit na ang totoo ay ang ate niya ang adopted sa kanilang dalawa.

"Hindi ako makahinga. Labas tayo?" tanong niya sa mga kaibigan. Napapagod na siyang mag-isip. Ayaw na niyang isipin pa ang mga nangyari na. Gusto na lang niyang ihanda ang sarili para sa mga larong kakaharapin nila. Gusto na lang niya matapos ang lahat ng 'to.

"Nakakasakal 'no? Hindi mo alam kung sino ang sisisihin sa mga iniisip mo?" Napakunot ang noo niya sa sinabi ni Ren. Mukhang pareho pala sila ng iniisip mula pa kanina kaya ito nananahimik.

"Nakakapanibago. Nakakalungkot. Hindi ako sanay na wala na si Gelene." Natigilan siya sa narinig kay Ira. Narinig na naman niya ang pangalan ng kaibigan. Nasasaktan na naman siya at nakokonsensya.

Pilit siyang ngumiti bago tumayo sa inuupuan at naglakad palabas ng pinto.

Umiwas na naman siya. Natatakot siya. Ayaw niyang malaman ng mga kaibigan ang ginawa niya. Hindi niya kakakayaning layuan siya ng mga ito dahil sa ginawa niya.

"Saan tayo?" tanong ni Ira tapos ay inangkla na ang braso nito sa braso niya. Napangiti siya. Kakalimutan na niya ang nangyari, tutal, wala na rin namang makakaalam sa ginawa niya. At hindi na iyon mauulit. Sisiguraduhin niyang wala nang mapapahamak sa mga kaibigan niya. Magtatagumpay sila. Magtatagumpay na walang ibang buhay ang inaaalay.

Maglalakad na sana sila palayo ngunit hinarangan sila ng isang babae.

"Saan kayo pupunta? Narinig niyo ba ang sinabi kanina na walang lalabas hangga't wala pang anunsyo ng second game?" Napaikot na lamang ang eyeballs niya sa sinabi nito. Masyadong pakialamera, aniya.

"Nga pala, I'm Amelie, kayo?" pagpapakilala nito at naglahad ng kamay. Naaalala niya rin tuloy na ito yung babaeng nakita niyang umiiyak na nilait niya pa ang buong pamilya pati na ang lumabnitong tricycle.

Nakipag-shake hands at nagpakilala ang dalawa niyang kasama pero tinalikuran niya lang ito at naglakad na pabalik ng classroom. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa babaeng iyon.

🗡🗡🗡

Nanindig ang mga balahibo ng mga estudyante matapos makarinig ng tunog ng lumang kampana. Halos mabingi sila sa lakas noon. Nang hanapin kung saan nanggaling ay nakita nila ang mga speaker sa bawat sulok ng kisame.

Sinundan iyon ng isang boses ng pabulong na nagsasabing, "Are you ready to unravel the second twisted play?" Maliit lang ang boses na iyon na nakapagkilabot sa kanila. Napatakip pa nga ng tainga ang ilan, ang lakas daw kasing maka-horror movie ng boses na 'yon.

Agad naman napalitan iyon ng sigaw ni Jazz. Siguradong-sigurado si Janelle na si Jazz 'yon. Ang sarkastiko at mala-demonyo nitong tawa ay kabisado na niya. Gusto niya sanang takpan ang tainga para hindi na marinig ang anumang sasabihin nito ngunit may kinaliman iyon sa susunod na laro.

"Ang daming pauso," reklamo niya sabay pikit ng mga mata. Kahit nakapikit ay malinaw pa rin naman niyang naintindihan ang sinabi nito sa kanila. Magaganap daw ang laro sa saktong alas syete ng umaga. Labing limang minuto na lang ang natitira para makapaghanda sila. Ngunit hindi rin naman nila alam kung paano maghahanda gayong wala namang sinabi kung anong laro iyon, maliban sa isang clue.

"Iyon ang totoo ngunit isa iyong kasinungalingan. Iyon ang kasinungalingan ngunit iyon ang totoo."