webnovel

UNO (Tagalog)

Seryoso ang mukha ng lahat habang nasa conference room lalo na ng bigyan bawat isa ng folder na naglalaman ng panibagong assignment. Huminga muna ang lalakeng nasa harap na bahagyang may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Nakasuot ito na itim na vest na nakapatong sa suot nitong putting amerikana. Ganoon din ang suot ng iba pang nasa loob ng silid. “Your folder contains the information we’ve got about Agent One who disappeared for almost ten years. That person has no identity and left no traces at all. We thought he’s dead but a source confirmed he’s still alive and still working on something. That’s why we have to know what happened to him and his reasons for not reporting in this office for those years we thought he’s dead.” Pagpapaliwanag ng lalake kasabay ang mga bulung-bulungan. Maya-maya’y nagtaas ng kamay ang isa sa mga nakaupo na nakikinig. “Yes, Agent 15?” Tawag ng lalakeng nakatayo sa nagtaas ang kamay. “Why do you need us all in this case, Michael?” Tanong nito na hindi na nag-abala pang tumayo. “Good question. The Greater Heights needs all of its agents in this case. Why? Dahil hawak ni Agent One ang data na naglalaman ng mahahalagang impormasyon patungkol sa ating lahat. Nung aktibo pa siya sa organisasyon, siya ay isa sa may access sa ating system. Nang mawala siya at ideklarang patay, hindi na binago ang ating system. Ngunit ngayong may impormasyong buhay siya, huli na para mabago pa ang lahat. Kaya kailangang maibalik siya at tinayaking walang nag-leak sa mga hawak niya. Dahil kapag nagkataon, mamimilgro hindi lamang ang mga buhay nating lahat kundi lahat ng mga taong malalapit sa ating buhay.” Pagpapaliwanag ng lalake. Kita ang pagkabalisa ng lahat. “Finding a missing person is the easiest thing a single agent can do, Michael.” Wika naman ng isang pang agent na nakaupo na sinang-ayunan naman ng marami. “Yes….unless wala na ang lahat ng source maging ang lahat ng may koneskyon kay Agent One.” Sagot ng lalake na ikinatahimik ng lahat. *********************************************** Basahin ang makabagong istorya na puno ng aksyon, misteryo, at pag-big. "UNO" sa panulat ni B.M. Cervantes Copyright by B.M. Cervantes All Rights Reserved 2020

Blessedy_Official1 · Ação
Classificações insuficientes
36 Chs

A Night with Him

Napahiyaw ng malakas si Melissa nang malakas na binangga ng itim na kotse na kanina pa sumusunod sa kanila ang van na sinasakyan. Matapos kasing magkamalay ay bumungad sa kanya na nakahiga siya sa ipuan sa likod ng van. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Ang huling natatandaan niya ay ang kausap ang kanyang lola.

"Wala na bang ibibilis yan, Marcus?!" Bulalas ni Kyel na nakaupo sa tabi nito.

Naiiling namang mas pinaharurot pa ng lalake ang sasakyan.

"Hindi tayo pwedeng dumiretcho sa headquarters." Ani ni Kyel habang hinahanda ang baril saka binuksan ang bintana ng sasakyan sa tabi niya at nagsimulang papatukan ang itim ng kotse.

"Why?" Tanong naman ni Agent two habang puro overtake ang ginagawa sa mga kaharap pang mga sasakyan sa highway.

"Just listen to me. I'll talk to Michael once I reach the safe house." Sagot ni Kyel at muling magpapaputok.

"Once we reach the skyway, Melissa & I will jump. Then, you're on your own." Pagpapatuloy niya saka mabilis na nagtungo sa likod na bahagi ng van na kinaroonan ni Melissa at may itinali sa bewang ng babae na ikinabit din nya sa kanyang katawan.

"What are you doing?" Tila nagpapanik ang utak na tanong niya dito ng buksan ng lalake ang pintuan ng van habang matulin pa rin ang takbo nito.

"I'll count then we will jump." Bagkus ay sagot nito sabay hapit sa bewang niya palapit sa katawan nito.

"What?!" Nagpapanik na reaksyon niya ngunit huli na para maghanda siya dahil imbis na magbilang ang lalake gaya ng sinabi nito ay agad siyang binuhat at tumalon mula sa tulay.

Mahigpit siyang napakapit sa leeg nito habang bumubulusok sila pabagsak sa tubig. Agad naman silang pinaulanan ng bala ng mga lalake mula sa humitong kotse sa gilid ng tulay.

Hinahabol ni Melissa ang paghinga ng sa wakas ay marating nila ang pampang na tila sa isang liblib na lugar.

"Ok ka lang?" Tila balewalang tanong ng lalake na nagpasimulang maglakad papasok sa kakahuyan.

Mabilis naman siyang sumunod dito habang yakap ang sarili dahil sa ginaw na nararamdaman.

"Come." Wika naman nito na agad siyang inakbayan nang makitang tila nanginginig na siya sa lamig dahil basang-basa sila.

Lalayo sana siya dito ngunit mas lalo pa nitong hinapit ang katawan niya palapit dito.

"Malapit na tayo. Steady ka lang." Matatag na wika nito. Maya-maya pa ay inalis na nito ang pagkakaakbay sa kanya nang marating nila ang isang maliit na kubo. Nakalock ang pintuan nito ngunit may susi si Kyel na kinuha mula sa bulsa niya at binuksan ang pinto.

Agad namang sumunod si Melissa. Muling isinara ng lalake ang pinto at tila may kinapa sa sahig niyo. Maya-maya pa ay natagpuan na nito ang hinahanap at nabuksan nito ang maliit na pinto nang sahig.

Isang underground tunnel ang pinasok nila ni Kyel hanggang ilang sandali pa ay narating nila ang dulo nito at tumambad sa kanila ang naka-lock na metal door na mayroon facial recognition system para mabuksan.

Matapos i-scan ang mukha ni Kyel ay agad nang nabuksan ang pinto. Tumambad kay Melissa ang tila condo na silid.

"You're safe...for now." Makahulugang wika ni Kyel nang tumunghay sa kanya.

"May mga damit jan sa loob. See you later." Pagpapatuloy nito saka siya tinalikuran at nagtungo sa kusina at binuksan ang ref doon.

Napabuntong-hininga naman siya at nagtungo sa silid na itinuro ng lalake. Puro tshirt na panlalake ang laman ng drawer doon pero kailangan niyang magpalit ng damit.

Matapos mag-shower at magbihis ay muli siyang lumabas upang hanapin si Kyel at makausap ito.

Natagpuan nga niya ang lalake sa kusina na nagkakape. Muntik na itong mabulunan nang makita siya sa kanyang suot na tshirt na nagmistulang mini-dress at dumambad ang makinis at maputi niyang hita.

"Don't look at me like that. wala lang akong makitang kasya kong pants." Inis na wika niya nang tila pinagmamasdan siya ng lalake mula ulo hanggang paa.

"So what is this place?" Tanong niya nang maupo sa upuan na katapat ng lalake.

"This is my safe house." Sagot na lalake na tumayo upang ipagtimpla din siya ng kape.

"Thanks." Ani niya sabay lagok sa tasa.

"We have to stay here for tonight while I am asking Michael what to do next." Paliwanag nito.

Napatango naman siya.

"What happened back then..at my lola's house?" Tanong niya dito.

Bumuntong-hininga naman ito.

"Well, hindi ko rin alam,but one thing is for sure- you're not Melissa." Pagpapaalala na lalake sa kanilang nalaman.

"I know, but..Melissa na ang nakagisnang kong pangalan so I think I have to stick on that name." Mabigat sa dibdib na wika niya.

Napatango naman ang lalake.

"So you'll be back as one of our agents now." Muling pagpapaala nito sa usapan nila ni Michael.

"I am not sure. Why should I do that?" Muling tanong niya dito.

"Dahil kami lang ang makakatulong sa'yo para malaman mo kung ano talaga ang totoong nangyari sa'yo." Sagot nito na nakipaglaban pa ng titigan sa kanya.