webnovel

UNO (Tagalog)

Ação
Contínuo · 234.6K Modos de exibição
  • 36 Chs
    Conteúdo
  • Avaliações
  • NO.200+
    APOIO
Sinopse

Seryoso ang mukha ng lahat habang nasa conference room lalo na ng bigyan bawat isa ng folder na naglalaman ng panibagong assignment. Huminga muna ang lalakeng nasa harap na bahagyang may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Nakasuot ito na itim na vest na nakapatong sa suot nitong putting amerikana. Ganoon din ang suot ng iba pang nasa loob ng silid. “Your folder contains the information we’ve got about Agent One who disappeared for almost ten years. That person has no identity and left no traces at all. We thought he’s dead but a source confirmed he’s still alive and still working on something. That’s why we have to know what happened to him and his reasons for not reporting in this office for those years we thought he’s dead.” Pagpapaliwanag ng lalake kasabay ang mga bulung-bulungan. Maya-maya’y nagtaas ng kamay ang isa sa mga nakaupo na nakikinig. “Yes, Agent 15?” Tawag ng lalakeng nakatayo sa nagtaas ang kamay. “Why do you need us all in this case, Michael?” Tanong nito na hindi na nag-abala pang tumayo. “Good question. The Greater Heights needs all of its agents in this case. Why? Dahil hawak ni Agent One ang data na naglalaman ng mahahalagang impormasyon patungkol sa ating lahat. Nung aktibo pa siya sa organisasyon, siya ay isa sa may access sa ating system. Nang mawala siya at ideklarang patay, hindi na binago ang ating system. Ngunit ngayong may impormasyong buhay siya, huli na para mabago pa ang lahat. Kaya kailangang maibalik siya at tinayaking walang nag-leak sa mga hawak niya. Dahil kapag nagkataon, mamimilgro hindi lamang ang mga buhay nating lahat kundi lahat ng mga taong malalapit sa ating buhay.” Pagpapaliwanag ng lalake. Kita ang pagkabalisa ng lahat. “Finding a missing person is the easiest thing a single agent can do, Michael.” Wika naman ng isang pang agent na nakaupo na sinang-ayunan naman ng marami. “Yes….unless wala na ang lahat ng source maging ang lahat ng may koneskyon kay Agent One.” Sagot ng lalake na ikinatahimik ng lahat. *********************************************** Basahin ang makabagong istorya na puno ng aksyon, misteryo, at pag-big. "UNO" sa panulat ni B.M. Cervantes Copyright by B.M. Cervantes All Rights Reserved 2020

Tags
3 tags
Chapter 1Home

"Melissa?!!!" Hindi makapaniwalang bulalas ng matandang nasa sisenta na ang edad ng bumungad siya sa salas ng bahay mag-aalas onse na ng gabi. Nakabukas pa ang telebisyon dahil sa hilig nitong manood ng mga teledrama. Agad itong napatayo at sinugod siya ng yakap. Natatawa naman siyang niyakap din ito ng mahigpit.

"Bakit hindi ka nagpasabing uuwi, bata ka?!" Tila inis na wika ng matanda ngunit nakapinid sa mga labi nito ang isang matamis na ngiti.

"I just want to surprise you, lola." Malambing naman niyang wika na nakapulupot pa rin ang braso sa matanda.

"So the devil is here." Mula sa hagadan ay wika ng nakatatanda niyang kapatid habang pababa ito at halatang may lakad dahil sa suot nitong leather jacker at black pants. Bitbit din nito ang itim na helmet.

"Kuya!" Mangiyak-ngiyak niyang bulalas saka sinugod ito ng yakap.

"No text and no call for five years, Melissa? We thought you're dead!" Seryoso pa ring ani ng kapatid na hinayaan lang siyang manatiling nakapulupot ang braso sa katawan nito. Ang lola naman nila at patuloy ang pagpatak ng luha.

"Lola…" Nakanguso naman niyang ani saka bumitaw sa kapatid at muling niyakap ang matanda.

"Marami kang dapat ipaliwanag, Melissa. But for now I have to go for work. But I am glad you're safe." Wala pa ring ngiti sa labing ani ng kapatid saka na sila iniwan sa sala. Napawang na lamang ang labi ni Melissa habang titingnan ang paglabas ng kapatid sa bahay. Binalingan naman ni Melissa ang lola niya na hindi pa rin tumitigil sa pagluha.

"Lola…" Muli niyang pag-alo dito.

"Haaay! Akala ko mamatay na ako dahil sa inyo ni Mark. Buti at andito ka na. Ang kuya mo na lang ang proproblemahin ko." Pasinghot-singhot nitong ani saka siya tinulungang magdala ng kanyang mga bagahe papasok sa loob ng bahay.

"Kung alam mo lang, Melissa. Lagi akong kinakabahan kapag umaalis 'yang kapatid mo. Madalas uuwing may black eye…o kaya duguan. Nagagalit pa kapag tatanungin ko kung anong nangyari." Pagkwekwento nito.

Napabuntong-hinga naman si Melissa at hindi niya mapigilan ang makaramdam din ng pag-aalala para sa kapatid. Simula kasi ng mamatay ang kanilang mga magulang ay nagsimula na itong mapag-isa, laging umaalis ng bahay na halos isang lingo o isang buwan bago ulit umuwi.

"Don't worry, lola. Kakausapin ko si kuya. For now, pwede na siguro tayong matulog, la?" Paglalambing niya dito.

Napangiti naman ang matanda saka bumuntong-hinga ng malalim.

Você também pode gostar

APOIO