webnovel

Pwede Nila Akong Apihin, Pero Hindi Ka Nila Pwedeng Apihin!

Editor: LiberReverieGroup

Sa paglipas ng susunod na mga araw, opisyal nang nagsimula si Yue Shanshan sa paggawa ng pelikula. Ang tsismis na noong una'y inaasahan ni Tangning na mawawala na lamang, ay mas nakaakit pa ng atensyon ng mga 'Yue Fans' papunta sa social media page ni Mo Ting. Nagsimula silang mag – iwan ng mga komento na nakikiusap kay Mo Ting na huwag magtungo sa maling daan at huwag hayaan si Tangning na sirain ang pelikula.

Pero, ang social media page ni Mo Ting ay kung saan nagtitipon ang 'Couple Fans'. Kaya, sa sandaling nakita nila ang mga komento na iniwan ng mga 'Yue Fans', walang paraan na makakaya nilang pigilan ang kanilang galit. Agad silang gumanti sa pamamagitan ng pagkokomento ng mga salitang may pangungutya katulad ng pagkakaroon ni Yue Shanshan ng maiksing mga binti at hindi nito kayang gampanan ng mabuti ang makangpangyarihang presensya ng babaeng bida.

Ang argumento na ito sa pagitan ng mga tagahanga ang nagbukas ng kurtina sa isang isyu na wala naman dati.

Capítulo Bloqueado

Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com