webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · Fantasia
Classificações insuficientes
49 Chs

chapter 26

Pinakawalan nila ito at hindi nila aakalaing aabot sa libong bilang ang mga nakakulong na mandirigma.

"Apat na araw na lang ay malapit ng tumawid ang mga inaasahang mandirigma ni haring thron mula sa nether land na pupunta sa toretirim! Ngayon dito na natin tataposin ang digmaang ito kasama sila!"

Itinaas ni staider burin high ang kanyang espada at nakita iyon ng mga mandirigma kaya't nagsusumigaw ang mga ito sa tuwa at galit.

Ang kanilang galit ay pinakawalan na ng kabutihan.

"Ngayong araw! Sa lupain ng nether land dito natin tataposin ang digmaan! Ang mga orc na sasalakay sa nuhrim eartin ay ating papaslangin!" Sigaw ni tamberow laurhim sa mga mandirigmang naroroon at agad na naglakad palabas ng palasyo.

Naglakad lamang ang mga mandirigma patungo sa pangpang ng dagat kung saan aabangan nila ang pagdating ng mga orcs. Lumikha ng isang makapal na hamog si tamberow laurhim sa gitna ng dagat upang hindi sila matanaw ng mga orc habang papatawid ang mga ito.

"Magpahinga mo na tayo dito!"

"Magbabantay ako!"

"Sige mag-iingat kayo!"

"Bakit?bakit napakakapal ng hamog dito? Nasaan naba ang mga hayop na 'yon" Saad ng isang orc habang nakasakay sa kabayo at nasa pangpang ng dagat lamang ito.

"Hoy! nandito na ang mga ipinadala ng panginoon na mga mandirigma!"

"Oh!ang dami naman! Sige patunogin ang tambuli at tayo'y sasakay na sa barko!"

Nagulat at naalimpungatan ang mga mandirigmang natutulog dahil sa lakas ng tunog ng tambuli. Ang mga orc ay patawid na ng dagat kaya't ang mga mandirigmang nag-aabang ay isa isang nagbalikan sa pwesto nito.

Pinanguhan ni staider burin high ang mga mandirigma, siya ang namuno sa mga ito dahil alam ng mga mandirigmang naroroon na siya ang hari ng tarzanaria.

"Ihanda ang mga palasong may apoy!" Saad ni staider burin high sa mga mandirigmang nakatayo sa pangpang ng dagat, halatang natatakot ang mga ito ngunit natutuwa ang kanilang mga kamay dahil sa paghawak ng espada, nabilanggo sila kaya't hindi nila inaasahang makakahawak pa sila ng sandata.

"Haring staider! Tignan nyo!"

Tinatanaw ng isang dwarves ang mga naglalakihang bandila ng nether land, ang barko nila ay unti unting lumilitaw sa mahamog na karagatan.

"Sa aking hudyat saka ninyo sila patamaan ng palaso!"

"Kamahalan!Nasaan ang salamangkero?"

"May pinuntahan lamang siyang isang kaibigan!"

Dahan dahang lumilitaw ang barko sa mahamog na karagatan, habang ang mga mamamana ay nanginginig na at nais ng bitawan ang palaso.

"Nu rin tir nuhrim eartin!"

(Para sa nuhrim eartin!)

Nagliparan ang libu-libong mga palaso sa himpapawid patungo sa mga barko ng nether land, mga palasong may apoy sa dulo ang siyang tumama sa katawan ng mga orcs.

Ang ilang mga orcs ay napilitang tumalon sa tubig habang ang iba'y pinabalik ang mga barko sa pangpang.

Nagsisigawan sa tuwa ang mga mandirigma sa kabilang pangpang dahil ang akala nila'y umatras na ang mga kalaban ngunit mali sila ng inakala.

Narinig ng mga mandirigmang naroroon ang boses na nakakatakot at nakakapanindig balahibo. Umalingawngaw ang boses na iyon sa malawak at mahamog na karagatan.

Ang itim na mga dragon na may tatlong ulo na bumubuga ng apoy ang siyang bumungad kay staider burin high. Nakita nya ng harap-harapan ang tinatawag na sumoners of god.

Ang mga sumoners ay ang mga gwardiya ng diyos at diyosa na ipinatapon sa lupa at kalaona'y naging dragon raider at kinilala bilang isang kilabot.

Sakay sakay sila ng mga dragon na may tatlong ulo, marami ang kanilang bilang at patuloy ang pagdating.

-BATTLE OF TWO KINGDOM-