webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · Fantasy
Not enough ratings
49 Chs

chapter 25

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG PAGLALAKBAY PATUNGO SA IPINAGBABAWAL NA LUPAIN

TAPOS na ang panahon ng mga diyos ngunit ang kanilang pagpapakita sa mga hindi nila kauri ay isang malaking babala.

"Anong klasing lugar ba ito? Bakit napakaraming patay na daga dito?" Reklamo ng isang dwarves sa mga kasamahan nito.

Sa oras na iyon natagpuan na nila ang ipinagbabawal na lupain, Ang kinakatakutan ng mga manlalakbay at ng mga dating hari.

"Lander hell! Tahanan ni rakeon ang diyosa ng mga insekto! Hindi ko aakalaing matatagpuan natin ng gano'n kadali ang lungga nito!" Wika naman ni tamberow laurhim.

Pinuntahan nila ang bukana ng palasyo at bumungad sa kanila ang napakadilim na paligid at mabahong hangin ang siyang unang sumalubong sa mga ito.

"Mag-iingat kayo! Sinabi sa'kin ni aces tactirien na takot ang diyosa sa apoy kaya't humanda kayo at siya'y sunogin!" Wika ni staider burin high habang abala sa pagkikiskis ng espada upang palabasin ang apoy dito.

Nagtatago ang diyosa ng mga insekto sa pinakailalim ng palasyo at naroroon din ang mga mandirigma na ikinulong nito kabilang na ang diyos ng mga panahon.

Habang naglalakad si tamberow laurhim at ang mandirigmang si staider ay nang biglang sumigaw ang dalawang dwarves. Hawak hawak ni rakeon ang mga ito gamit ang patatalim na galamay.

Isang malaking gagamba na may ulo ng ahas ang bumungad kay tamberow laurhim at staider burin high. Hindi nila inaakalang gano'n ang wangis ni rakeon, nakakilabot pagmasdan ang wangis nito.

Makikitang tinusok ni rakeon ang mga mata ng dalawang dwarves at saka itinapon sa malalim na bangin na wala ng buhay. Agad din nitong sinugod ang dalawa ngunit bago pa man ito makalapit sa dalawa ay nakagawa na ng paraan si tamberow laurhim.

Bago pa makalapit ang halimaw ay nakausal na ng isang orasyon si tamberow laurhim, makikitang nasira ang daan patungo sa kanila kaya't nilamon ng lupa ang halimaw.

Ngunit nang lamonin ito ng lupa ay siya namang nagpakita ang diyos ng mga panahon. May tatlong ulo ito at naglalaway tila ba gutom na gutom ang diyos na isinumpa.

Wala ng sinayang na oras si tamberow laurhim dahil alam nyang lalawak na naman ang digmaan sa toretirim kaya't kailangan na nilang bilisan ang kanilang ginagawa sa lander hell.

Ginamitan ni tamberow laurhim ng isang mahika na makakatanggal sa sumpa, isang mahikang matagal ng hindi nagagamit, ang mahikang iyon ay naramdaman ng dalawang salamangkero.

Nang makabalik sa dating anyo ang diyos ng mga panahon ay agad na ibinigay ni tamberow laurhim ang susi ng itim na aklat.

Nagulat ang diyos ng mga panahon dahil hindi nya aakalaing makikita nya pang muli ang susi ng aklat, dinala nya ito patungo sa zarapa upang wasakin.

Namangha naman si tamberow laurhim dahil sa paligid ng palasyo nakita nya ang mga nakakulong na mandirigma ng iba't ibang lahi, may mga elf, dwarves, tao at mga engkanto.