#unedited
Mishy's POV:
ABA'T NAK NG!
Hindi niya ako pinapansin samantalang siya ang may kasalanan?
"Maawa ka naman sa karne Mish,Nadouble dead na." natatawang pagsaway sa akin ni Ate Leslie. Halos ilagay ko ang buong pwersa ko sa paghihiwa ng karne na nasa plato ko.
"Kamusta naman ang laro niyo Jeom?" Hindi ako tumingin sa kanya, Patuloy lamang ako sa pagkain. Bahala siya, Kanina sa daan nga hindi niya ako kinausap e.
"Nanalo kami Ate noh! Kami pa ba."
"Sobrang hangin mo rin ano?"
"Totoo naman talaga,Expected na 'yon."
"Oh edi wow."
"Pusa edi meow."
"Teka nga,Magkagalit ba kayong dalawa?" Tanong ni Ate Leslie ng naramdaman niyang nagsasagutan kami,umirap lamang ako ng pinagpatuloy lamang ni Jeomar ang pagkain na parang hindi nagtanong ang ate nito.
"Hindi naman kami magkagalit Ate."
"E bakit hindi kayo nagpapansinan kanina pa Mishy?"
"Wala lang po talaga kaming ganang magsalita ngayon." Ngumiti ako "Tapos ate Leslie Hindi ko naman alam na si Maria na mukhang hindi birhen ang Girlfriend ni Jeomar."
"What the Hell?" Inirapan ko na lamang siya, " totoo ba iyon Jeomar? Akala ko nanliligaw ka kay Mishy." hmmf! Akala ko rin Ate!
Sasagot pa sana si Jeomar ng umingay ang Cellphone ko, Thank God because I swear hindi ko kayang marinig na sila na talaga ni Jeomar at Maria.
"Sasagutin ko lang po itong tawag,si Mommy e." Dinala ko ang ginamit kong pinggan sa lababo at pumunta sa kuwarto ko.
"Hello My?"
"Baby, Magonline ka muna. I'll call you on skype." pinatay ko ang tawag at pinaandar ang laptop ko, Naglog in ako sa skype at ilang Minuto nakita kong tunatawag si Mommy.
"Hi Mom! What's the problem?" bunggad ko agad sa kanya.
"I already sent your papers to the University, And thankfully Dual citizen ka kaya madali lang ang pagpunta mo dito so pupunta ka ba talaga dito? Any change of decisions?"
"Mom, bakit naman magbabago ang disesyon ko?"
"Jeomar Baby." Mom said with the Duh tone, Nanay ko talaga baliw minsan.
"Ano ang kinalaman niya my? No change of decisions okay? I'm still going there." Napabuntong hininga na lamang si Mommy sakin, Akala niya magbabago ang disesyon ko dahil kay Jeomar,Yes aaminin ko na nagisip talaga ako na dito na lamang but then Nakita ko ang nangyari kanina.
Paano kung sila ni Jeomar at Maria? Maldita man ako pero hindi naman ako mangaagaw ng boyfriend noh.
"Okay, your desicion is final then. I'll talk you some other time baby, May trabaho pa kasi ako. Bye! Love you."
"Love you too Mom."
"Decision is Final? Ano yun Mish?" Nagulat ako sa tanong ni Jeamor, Kanina pa kaya siya nakikinig?
"Ano pa ang narinig mo Jeomar?"
"Ayun lang, yung si Maam nagsabi ng final na disesyon mo. Bakit? May dapat ba akong marinig Mish?"
"Wala, family thing." balewalang sagot ko saka umirap sa kanya
"Mish Galit ka pa ba sa akin?" Hindi ako sumagot sa kanya, "Mishy naman e, Magsalita ka naman." Hindi pa rin ako sumagot o nagsalita man lang.Bahala siya!
"Bakit napunta kanina kay Maria ang usapan?Nakita mo bang pinunasan niya ako ng pawis kanina?" Hinawakan niya iyong kamay ko,And then ang pamilyar na kuryente dumadaloy pa rin. "Sige,just hear me out okay? Noong nakita kitang umalis sa bleacher tinanong ko agad sina Carla tapos sabi nila may tumawag daw sayo, pinabayaan muna kita because I know babalik ka. Third quarter na ng hindi ka bumalik, hindi kita nakita sa bleacher and then nagdecide akong sundan ka na lamang. Nakita kong nagtatawanan kayo ni Christian,doon nakaramdam ako ng selos. Ayokong istorbohin ang pagtawa mo na kailan man hindi mo ibinigay sa akin. Ang tawang gustong-gusto ko marinig mula sa'yo dahil sa mga jokes,hugot at kung anong kaepican ko. Mish, Nagseselos ako kahit alam ko namang wala akong karapatan. Nagseselos ako ngunit alam kung hindi dapat."
"Kaya pala bumawi ka? Kaya pala nagpapunas ka ng pawis sa Maria na 'yon?" masungit na tanong ko sa kanya,Aba! Naghihiganti siya!
"No, Hindi mo nakitang Asiwang asiwa ako sa pagpunas niya kanina, sabihin ko sanang huwag na at ibigay na lang sakin ang panyo ng dumating ka."
"Talaga?" parang batang tanong ko sa kanya, He pinched my nose,walanghiya to!
"Oo naman,Hindi ko iyon girlfriend noh,Alam mo naman na ikaw at ikaw lang ang nililigawan ko." Namula naman ako sa mga simpleng banat niya. "Nagseselos ka ano? Ayieee nagseselos si Mishy, don't worry pareho lang tayo. Selos na selos ako kanina. Wag ka ng tumawa sa harap ni Christian ha?"
"Paano naman kung nakakatawa talaga? Hindi ako pupwedeng tumawa? Baliw to!" natatawang sabi ko at pabirong hinampas siya. Though Misunderstanding ang nangyari, Napangiti na lamang ako, Nakaramdam ako ng selos and that mean one thing I'm really falling inlove with the man beside me, Jeomar
Villaflor and it's scaring my poor and fragile heart.
"So bati na tayo?"
"Oo na!" sabay suntok sa kanya.
"Sadista ka talaga!" Natatawang sagot niya sakin. Nahiga ako sa kama ko at nabigla ako ng hinila niya ako patayo. "Problema mo? Teka! Saan mo ako dadalhin?"
"Secret walang clue! Babawi ako Mishy. Tara na!"
"Pero gabe na teka!" binigay niya sa akin ang aking jacket. Sinuot ko naman ito at sinundan siya. Nagpaalam kami kay Ate Leslie.
"Saan tayo pupunta Jeomar? Alas syete na."
"Promise Maganda iyong lugar." patuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa umakyat kami sa parang burol. Mayroong Kubo doon na walang bubong. Dim lamang ang ilaw. Malinis naman doon, Kumuha siya ng Blanket at inilatag doon. Humiga kaming dalawa roon habang inunan ko ang mga braso niya, and then doon mo lang makikita ang ganda ng kalangitanan sa gabi. Ang mga bituin at buwan na nagsisilbing ilaw sa gabi at ang mga alitaptap na nagkikislapan. Beautiful Place.
"Alam mo bang dito kami madalas ni Ate kung pinapagalitan kami ni Nanay at Tatay noon." Pagsisimula ni Jeomar magkwento. "Si tatay pa ang gumawa nitong kubo, Namimiss ko nga ang itay e. Siya pa naman ang super hero ko." Namatay na kasi ang tatay nito noong labing isang taon gulang pa lamang siya. "Mahal na mahal kami ni itay,wala naman kasing tatay na hindi mahal ang anak e. Kaya dapat mahalin mo rin si sir!" biro nito sakin. Natawa naman ako.
"I Love Dad so much Jeom, Alam mo bang siya ang unang lalaking minahal ko? My Dad is my hero pero noong nakita kong naghiwalay at kung paano sila nag-away ni Mom nasaktan ako. I thought Dad loves my mom so much but then Nagstestay lang siya for my sake. I hate him but it doesn't mean that I don't love him anymore kaya nga pinapalayo ko siya kay Jasmin because I know Jasmin will only hurt my dad. Gusto kong bago ako mawala sa mundong ito makita na nila mommy at karapat dapat sa kanila." ngumiti ako ng matamlay.
"Silly! Matagal pa nga tayong mawala dito Mish! Seventeen ka pa lamang no." Sana nga matagal pa Jeom,sana.
"Ano ba ang mga plano mo sa buhay Jeom?"
"Simple lang, Makapagtrabaho, tulungan sina Nanay at syempre ang pakasalan ka."
"Banat pa more! Baliw ka haha."
"Pero seryoso Mish, Hindi man ako kasing yaman mo. Alam ko naman na lahat gagawin ko para sa iyo. Nagiisip na ako ng future ko na kasama ka Mish." napangiti ako sa sinabi niya, si Jeomar talaga iyong papakiligin ka sa mga salita niya.
"Thank you for loving me Jeom. Thank you kasi kahit na ang tigas tigas at ang sungit ko sa'yo hindi mo parin ako tinantanan."
Niyakap niya ako, shet! Kinikilig ako.
"I won't get tired Loving you Mish, I won't. And ofcourse thank you for giving me a chance. Thank you for trusting me."
"Maniniwala na ba ako sa sinasabi mo Jeoms?" biro ko sa kanya.
"Ay Mali! I will stop Loving you." Naging seryoso siya kaya naging seryoso rin ako. What? "I will stop Loving you when an Apple grows in an orange tree on the Thirty-first day of February."
"Ha? Paano iyon?" Nalilitong tanong ko sa kanya, Ngumiti naman siya saka hinalik ang buhok ko at hinigpitan ang yakap sakin.
"It means it's impossible for me to stop loving you,Maybe magmamahal ako sa susunod ng ibang babaeng mamahalin ko kagaya ng pagmamahal ko sa iyo."
"Sino namang babae iyon?"
"Our soon to be Daughter." Hindi ko talaga alam kong saan kumukuha ng pang banat itong lalaking ito. Alam na alam kung paano ako pakiligin e,I'm thankful na Hindi ko ako nakaharap sa kanya.
"Iniisip mo na talaga ang future mo ano?"
"Oo naman, kaming hindi naman mayaman dapat may plano na. Kaya nga nagiipon na talaga ako ng pera ngayon pa lang."
"Para sa ano naman iyong perang pagiiponan mo? Future mo? Grabe Jeomar ha! Eighteen ka pa lang pero may savings na for the future family." Binibiro ko pa siya habang hinahawakan ang kamay niyang nakayap sakin. Ang bango ng lalaking to! Kahit na hindi man ito kasing mahal ng mga cologne kagaya ng iba, Mas mabango parin talaga si Jeomar.
"Hindi naman sa sinabi kong ipon e ilang milyon na agad iyon.Nagiipon ako para sa College fee ko para naman may ipagmamalaki ako sa inyo, sa iyo at nagiipon ako pang date natin noh."
"Feeling mo naman sasagutin kita ano? Hahaha tama na oo na! Sa susunod. Aaaahh hahahaha Jeomar! Nakikiliti nga ako!" Mabuti naman ay hindi niya na ako kiniliti kasi parang mamatay na ako sa kakatawa.
"Anong gusto mong kunin sa college Jeom?"
"Engineering Mish. Ikaw?
"Maybe Nursing just like my Mom pero gusto ko Heart surgeon."
"Para alagaan mo rin ako,kami ng magiging anak natin." tinampal ko ang braso niya,Natawa naman siya."ofcourse hindi muna ngayon,wala pa akong pera sa inyo pero don't worry magiipon ako."
"Baliw! We are still teenagers!"
Natatawang sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.
"And I want to spend my teenage life and my future with you Mish.Seryoso ako sa 'yo. Seryosong seryoso kaya sana bigyan mo ako ng chance na mahalin ka, at alagaan ka."
Gusto kong sabihin na sana wag niya akong mahalin kasi aalis din naman ako, Kung noon gusto kong umalis ngayon gustong-gusto ko nang umalis dahil sa kanya, hindi dahil natatakot akong masaktan dahil sa teenage love na iyan dahil wala na akong pakialam. I fell in love with Jeomar,I love him now. The thing kung bakit gustong gusto kong umalis ay kailangan kung magpagamot. I need medications sa New York. May sakit ako sa puso.
I need to go to New York as soon as possible para matupad ang pangarap ni Jeomar,at maranasan na maging isang noraml na Teenager.
"Sleepwell baby, Ako ng bahala magtransfer maya-maya sa'yo sa kuwarto niyo ni Ate. Mas masarap ang hangin dito." Wala na akong nagawa dahil dinalaw na ako ng antok. Naramdaman ko na lamang na nilagyan pa ako ng kumot ni Jeomar and then started patting my head.
Sana Makaramdam pa ako ng kilig, Iyong Makaramdam ng sakit, Magmahal at maging sobrang saya. I want to be a normal Teenager. I want to enter this Teenage Love.