webnovel

Chapter 6

#unedited

Mishy's POV:

ISANG LINGGO NA Ang nakalipas simula ng inamin ko sa sarili ko na mahal ko na si Jeomar, na nahulog na ako ng tuluyan.

Isang linggo na rin ang nakalipas at naging extra sweet kaming dalawa. Iyong tipong hindi pa kami pero parang kami.

I decided to Let go all of my beliefs about that Teenage love and started to trust my heart. Kahit ngayon lang I want to live normally like other teenagers.

"Gising na pala ang baby ko, Bangon kana dyan kasi pupunta tayo sa Plaza." Napangiti na lamang ako sa kanya, Nakasuot na siya ng Jersey niya.

"Good Morning Jeoms." Bati ko na lang sa kanya, Araw-araw ganito. Siya Alas sinko pa lang ata e gising na, para mag igib ng tubig, Mangahoy at kung anu-ano pa para pagkagising ko raw ako na iyong iintindihin niya lamang. Kaya naman lagi kaming nasa burol, Nasa patag, minsan namamasyal kami sa lawa at sa loob ng isang linggo nakita ko ang kagandahang dala ng Tinago. Ang kagandahang dala-dala ng probinsiya na wala ang syudad.

Naging kasama namin sina Carla at Trisha minsan, pero madalas kaming dalawa lang ang namamasyal. Payag naman sina Daddy at Mommy kasi alam nilang Nirerespeto talaga ako ni Jeomar, Kagaya ng paghalik sa lips,sabi niya hindi daw iyon pwede kasi hindi pa ako 18, oh di ba? Sinong hindi mafafall dyan? Everyday I'm falling and falling inlove with him, Im just thankful he's ready to catch me.

"Wait, Magaayos lang ako ng sarili. Sa kusina na lang tayo magkita." sabi ko sa kanya at agad naman siyang umalis sa kuwarto,I think Ate Leslie Left kasi maaga rin siyang umaalis for work. Malayo kasi ang work place niya from here. Binilisan ko ang Pagligo at pagaayos, Paano ba naman e finals na nina Jeomar,yes nanalo sila hanggang sa ito Finals na sila at kalaban nila ang team nila Christian. Another revelation is Maria, Christian's sister. Bakit ko nalaman? Sinabi lang naman ni Christian noong nagusap kami sa Bleachers ng plaza. Thankfully hindi na nagseselos si Jeomar. Exclusively Dating na kasi kami kaya parang relieve na relieve siya.

I ask Mom naman about sa situation at sabi niya Okay lang naman pero wag masyadong magpagod at tumawa but okay lang na maramdaman ko ito kasi nga gusto rin naman niya na maranasan ko ang maging normal na teenager. Aayusin niya na lamang ang papales ko para sa medication pero dito na ako magcocollege. I ask dad naman about Jeomar's Scholarship,sabi niya hanggang college raw susuporatahan niya ang pag-aaral ni Jeomar kasi matalino naman daw ito at pursigido talagang mag-aral.

"Hindi mo na naman ako hinintay mag agahan Jeoms!" Baliw talaga ito! Hindi ako hinihintay palagi mag-agahan.

"Sorry na Mishy.Sasabayan pa rin naman kita sa pagkain e." Ganoon naman talaga ang mga lalaki e, sobrang dami ng kinakain.

"Oo na nga lang." Nagsimula na akong kumain kasabay niya. Kunti lang naman ako kung kumain, Kaya ilang minuto lang tapos na ako. Liligpitin sana niya ang pinag-kainan ko ng pinigilan ko.

"Hep! Ako na dyan okay? Mag-ayos ka na ng sarili mo. Malapit na nag alas dyes." wala naman siyang nagawa, tinanong pa niya ako kung sure raw ba ako at syempre sabi ko sure na sure. Parang prinsesa na ang turing nila sa akin dito kaya naman e kahit sa pagliligpit ng pinagkain at paghugas ng pinggan ay magawa ko.

"OKAY NA?" tanong niya sa akin pagkatapos kong maisuot ang sapatos ko.

"Yep,kaya tara na!" Hinawakan naman niya ang kamay ko at sabay kaming umalis papunta aa Plaza. Una sobrang pula ko pa noong first holding hands pero nasanay din naman.

"Mishy!" pagtawag sa akin nina Carla at Trisha. Binitawan ko ang nakahawak na kamay ni Jeomar at tumakbo papunta sa kanila kaya hingal na hingal ako.

"Teka okay ka lang?" kahit na hindi ako makahinga ngumiti pa rin ako sa kanila at nagthumbs up. Please wag muna.

"Andoon pa ako sa labas dinig na dinig ko pa rin ang sigaw niyo." Natatawang biro ko sa kanila. Marami ng mga tao sa plaza at naghihintay na lamang na magsimula.

"Pupunta rin naman tayo dito tumakbo ka pa talaga." bungad agad sa akin ni Jeomar pagkarating na pagkarating niya,nahihiyang nagpeace sign lamang ako sa kanya. Dito na kami malapit sa players umu-upo.

"Dyan na muna kayo ha?"bumaling naman siya sa akin. "Huwag ka raw magpapagod sabi ni sir baby ha? I'll be back later." sabay halik sa noo ko kaya naman napuno ng tilian ang buong plaza, Nahihiya na nga ako kasi I know na pulang-pula na ako. Si Jeomar naman tinutukso ng ibang mga players pero ngumi-ngiti lamang.

"Ayieeeh Nakakilig talaga kayo Mishy!"

"Pahinging isa pang Jeomar." sinapak ko nga silang dalawa,Mga baliw e. Haha.

"Kayo ba ba talaga?" kinikilig na tanong nilang dalawa sa akin. Ngumiti na lamang ako. "Hindi." sumimangot sila sa naging sagot ko, Mabuti naman at nagsimula na ang laro. As usual, hindi pa rin ako makarelate e ngunit tinatry ko na intindihin ang laro.

Isa si Jeomar sa First Five at Si Christian first five ng kabilang team. Ganoon din naman, as usual na laro na mapapanood sa mga Basketball sa school.

Pero syempre Nagchecheer ako kay Jeomar, Supportive ako sa kanya noh.

Magaling basketball player si Jeomar at magaling ang mga kasama niya kaya hindi kadudang duda na sila ang nanalo sa laro though magaling din naman ang Kagrupo nina Christian. Nanalo sila Jeomar ngunit dikit ang laban.

Inaannounce na sila ang nanalo, Here I am Proud na proud sa kanya. Pagbigay pa lamang ng trophy sa kanila palakpakan na agad and including me na grabe ang palakpak. Nakita ko siyang tumingin sa gawi ko, Ngumiti ako sa kanya at saka nagthumbs up. Ngunit nabigla ako ng may biglang humawak sa braso ko,Nakangiting si Carla at Trisha pala ang humawak at pinapunta ako sa gitna. What's Happening?

"Nakakahiya,Anong ginagawa niyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa na patuloy lamang sa paghatak sa akin papunta sa gitna. Hindi naman nila ako sinagot at ngumiti lamang sa akin.

Naka-one line ang mga players, Unang una si Christian.

"Lucky guy." Ano raw? "For you Mishy." binigay niya sa akin ang gumamela. Tapos yung kateam nina Christian nagbigay isa-isa hanggang sa kateam naman ni Jeomar nagbigay din. Ngunit asan si Jeomar?

Nasagot din ang aking katanungan ng makita ko si Jeomar. Naglalakad papunta sa akin habang dala-dala ang gitara.

Sumabay ang lahat ng tao sa Plaza sa pagkanta ni Jeomar. Binigyan ako ni Jeomar ng rose.

Naiiyak ako sa kilig, He never failed to make me smile and cry because of happiness.

Lumuhod siya sa aking harap kaya naman todo tilian.

"Pasensya kana kung assorted flowers lang yan Mish ha? Hindi kasi kasya ng pera ko ang Roses, di bale sa susunod. Pero sana magustuhan mo." hinawakan niya ang isang kamay ko. "Alam ko na ayaw mo pa rin sa teenage love na 'yon pero sana bigyan mo ako ng chance na ipakitang hindi kita lolokohin Mishy. Alam ko rin na aalis ka, pupuntang New York." Nabigla ako, Paano niya nalaman? Magsasalita sana ako ngunit itinuloy niya ang pagsasalita niya. "Narinig kong doon ka Magcocollege at hindi ako hahadlang doon kasi maghihintay ako, Maghihintay ako sa'yo dito. Maraming gwapo, mas Matalino at mayaman kaysa sakin doon Kaya gusto ko ng assurance Mish, Will you be my girlfriend?" Parang hindi ako makapagsalita. What Have I done para ibigay sa akin ang lalaking tulad ni Jeomar? Thank you lord for giving me a guy like him.

"Sagutin na yan!"

"Mishyyy yes kana!"

Ngumiti ako sa kanya, "Yes Jeomar. Yes. I will be your girlfriend."

"Wooo! Party na yan Jeoms!"

Niyakap agad ako ni Jeomar at hinalikan sa noo, "Thank you Mish, Thank you."

"No Jeoms,Thank you. Thank you for not giving up and dito ako magcocollege. I'll just go there for vacation and." Sasabihin ko ba ang sakit ko?

"And?" nakangiting tanong niya sa akin. Bumuntong hininga muna ako at ngumiti sa kanya bago sumagot.

"Vacation and I want to see mom. Don't worry I'll be back."

 I hope so na makakabalik ako. Pero kakayanin ko para sayo.

Next chapter