Now playing: On bended knee
Alice
Ngayon ang araw na dapat makikipagkita ako kay Raven. Para sana makita ko ito sa huling sandali. Mapag masdan ang mukha niya na ilang taon ko rin na hinangad na muling masilayan. Marinig ang boses niya na alam kong paulit-ulit kong hahanaping marinig.
Makikipagkita ako, para ibigay ang closure na gusto nito. Ang closure na kailangan naming dalawa. Ang closure na deserve ko at deserve niya. Para sana batiin ito ng buong puso, dahil sa wakas eh nahanap din nito ang babaeng mananatili sa tabi niya ano man ang mangyari.
Alam kong masakit, alam kong mahirap at sobrang nakakadurog. Pero kailangan ko na siyang bitiwan, kailangan ko na siyang palayain. Maging ang sarili kong ilang taon din ang iginugol sa paghihintay sa muli naming pagkikita.
I need this.
We both need this closure. Kaya ibibigay ko na.
Hindi ko na ipagpipilitan pa ang sarili ko sa taong may minamahal nang iba. May respeto parin naman ako sa sarili ko, thanks to my bestfriend, Sarah.
Pinarealize niya sa akin ang lahat.
Siguro nga, talagang lumipas na ang panahon para sa aming dalawa ni Raven. Masyado lang kasi akong umasa sa salitang 'baka pwede pa', kaya ako napag iwanan. Dahil minamahal ko parin hanggang ngayon ang tao na dapat matagal ko ng kinalimutan.
Napahinga ako ng malalim habang nagpapalinga-linga sa paligid. Kanina pa ako nandito pero hanggang ngayon, wala parin ang Raven na inaasahan kong dumating.
Hindi na yata siya darating.
Malungkot na napayuko ako pagkatapos ay muli na naman na napaluha.
I just want to see and hug her for the last time. Ngunit pati iyon ay pilit na ipinagdadamot nito sa akin.
Ang daya lang.
Kasi bakit palagi akong umaasa sa mga bagay na alam kong imposible naman nang ibigay niya sakin.
Bakit umaasa parin akong makikipagkita pa ito kung ilang beses na niya akong nagawang ipagtabuyan at talikuran.
Napasinghot ako at agad na pinunasan ang luha na nasa aking pisngi.
Siguro nga hindi na talaga siya darating. Kasi kung may balak siyang sumipot, dapat kanina pa siya na nandito. Ngunit kahit anino niya ay wala parin akong nakikita, kaya alam kong malabo nang mangyari ang inaasahan ko.
Bagsak ang mga balikat at mabigat ang dibdib na tumayo ako mula sa aking kinauupuan. Gustuhin ko pa man ang maghintay, pero alam kong hindi na pwede.
Tama na.
Tama na ang dalawang oras na pinag hintay ko ang aking sarili.
Uhaw na uhaw na akong maka usad. Uhaw na uhaw na akong makita ang sarili kong hindi na nababalot pa ng sakit at kalungkutan. Kaya tama na. I will no longer wait for her.
Naglalakad na ako ngayon upang tuluyan nang makaalis sa lugar na ito, nang may basta na lamang humablot sa aking braso atsaka ako mabilis na iniharap sa kanya.
Isang mahigpit at mainit na yakap ang ginawa nito pagkatapos. Hindi ko pa man tuluyang nakikita ang kanyang itsura pero alam kong si Raven ito base sa kanyang gamit na pabango.
Dumating siya...Napapakagat na wika ko sa aking isipan. Dumating siya, ngunit huli na.
"I'm sorry...nagdalawang isip ako na pumunta. Naduduwag kasi akong makita ka, Alice. H-Hindi ko alam pero gusto kong humingi ng tawad. Alam kong nasaktan din kita ng sobra-sobra." Pag hingi nito nang tawad habang yakap parin ako.
Napalunok ako at marahan na kumalas mula sa kanyang yakap.
Magkadikit parin ang aming mga katawan kaya naman agad na tinitigan ko siya sa kanyang buong mukha. Isang mabagal ngunit malungkot na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.
Dahan-dahan ko rin na inangat ang aking kanang kamay upang haplusin ang pisngi nito. Kasabay noon ang muling pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko.
Nalulungkot ako. Ramdam na ramdam ko kasi ang sakit, ang kirot sa puso ko dahil ito na ang huling beses na mahahawakan ko siya ng ganito.
"Alice, dumating parin naman ako diba?"
Pansin ko ang namamaga at namumugto nitong mga mata habang pinagmamasdan nila ako.
Napatango ako sa kanyang katanungan.
"Pero nag dalawang isip ka." Sabi ko. "Kasi nandoon parin ang part na hindi mo na talaga ako gusto pang makita." Mabilis naman na napailing ito. Mabilis na hinawakan niya ako sa aking magkabilaang pisngi.
"No! Nandito ako para sabihin sayo ang bagay na dapat noon ko pa nasabi, pero hindi ko nagawa dahil mas nangibabaw ang galit sa puso ko." Panimula niya.
Awtomatiko na lamang din na nagsimulang maglaglagan ang kanyang mga luha. Napalunok ito bago nagpatuloy...
"Alice when you left," Napatingala siya sandali sa langit ngunit agad din na muling ibinalik ang mga mata sa akin. "when you left you took away the greatest part of me with you. Now that I'm here, I want that piece back and I want all of you back." Sinasabi niya iyon nang mayroong sensiridad.
Nakikita ko iyon sa mga mata niya.
Ngunit napailing ako. Noon din ay tuluyan ko nang ipinaghiwalay ang aming katawan. Napatingin ako sa ibang direksyon bago napayuko.
"Alice, do you hear me? I want you---"
"Narinig kita." Biglang putol ko sa kanya. "Rinig na rinig ko, Raven. Napaka linaw pa nga eh." Isang mariin na pagpikit ang ginawa ko.
"Pero hindi rin iyon ang dahilan kung bakit ako naparito. Kung bakit gusto kong makipagkita sa iyo."
Natigilan siya sandali. Nagtatanong naman ang mga mata na pinagmamasdan lamang ako. Hindi niya ako inaalis sa kanyang paningin na para bang isa akong mamahaling bagay.
"W-What's the reason?" Utal at napapalunok na tanong niya.
Hindi ako kaagad nakasagot. Sandaling natahimik ako dahil kapag nasabi ko na ang gusto kong sabihin, alam ko na wala na itong atrasan pa.
Ngunit kailangan kong gawin ang kung ano ang dapat. Para sa kalayaan ng isa't isa.
"To give the closure we both deserve, Raven." Lakas loob na sabi ko sa kanya at kahit nanginginig ang boses ay nagpatuloy ako. "To give the closure na magbibigay sa ating mga puso ng kapayapaan at kapatawaran." Napasabunot ako sandali sa aking buhok.
"Raven, I no longer want you to love me again, all I ask is, please, do not forget that you once loved me too. And then I will be happy to see you happy with her." Hirap na tinapos ko ang huling sentence dahil napapahikbi na ako.
Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang sabihin ko ang mga katagang iyon, kaya mabilis ito na muling lumapit at niyakap ako ng mahigpit.
"No, no, no, that's not the reason why I am here." Saad niyang muli habang yakap parin ako. Iyong yakap na tila ba natatakot siyang bitiwan ako. "I-I'm here to bring back what we're used to. I'm here because I still love you. And I can't afford to lose my world again, Alice."
Mas lalo pang naging mahigpit ang pag yakap nito pero pilit din na nagpumiglas na ako. At noong makawala na ako mula sa kanyang mga bisig ay agad na humakbang na ako ng isang beses palayo mula sa kanya.
"Anong gusto mong gawin ko? Gusto mo ba lumuhod ako? Ito luluhod ako." At ginawa nga nito ang sinabi niya ngunit agad ko rin na hinawakan siya sa kanyang braso upang itayo. "Just please, Alice. I want you back!"
"Wag na natin pahirapan pa ang mga sarili natin, Raven. Oo, mahal kita. Mahal na mahal parin kita! Pero kailangan ka niya at mas kailangan mo siya." Lumuluha parin na sambit ko rito.
"Kaya tama na. Tapos na tayo, matagal na diba? Tanga nga ako diba?" Napapahagulhol na ako. "Sayo mismo nang galing' yun. At isa pa, matagal ko ng dapat tinapos ang pagpapakatanga ko! Hindi na dapat kita hinintay pa o umasa na magkakabalikan pa tayo." Pagpapatuloy ko.
"Oo, hindi kita kayang ipaglaban noon. At oo, duwag ako at hanggang ngayon duwag parin ako. Pero pinili mo na ang buhay na 'yan. Pinili mo na ang makasama siya, Raven. Huwag kang tutulad sa akin. Pakiusap.."
Nanghihina na ang mga tuhod ko.
I never thought it would feel so painful to say goodbye to the person you love so much.
Every part of my body, hurts. My heart seems to be torn many times. And I can't take it anymore.
"Huwag mo akong piliin dahil lamang sinabi niyang ako ang piliin mo. She loves you more than anyone. She gave you her whole world. Her everything...Kaya tama na." Pakiusap kong muli. "Wag na tayong magsisihan, huwag na nating pahirapan pa lalo ang mga sarili natin, kasi nakakapagod. Pagod na akong mahalin ka." Panay pag ngawa nalang yata ang isa sa sa naririnig sa akin. Napapatawa rin at the same time.
Baliw lang diba? Ang sakit eh. Ang sakit magpaalam sa taong mahal mo pa. Ang sakit magparaya...
"Alice, please.."
"Sa wakas! Napagod din akong mahalin ka. Sana....noon pa ako napagod, diba? Edi sana hindi ko na hinayaan pang bumalik ka sa buhay ko. At ako sa buhay mo." Muling niyakap ako nito pero pilit na nagpupumiglas ako habang patuloy na tumutulo ang aming mga luha.
"Whenever I find a peaceful place, I still think about you. I still think that you're gonna be with me again one day." Umiiyak na wika nito.
"We didn't have a good beginning, but I wish we had a good ending." Dagdag pa niya. "Alice, hindi ko hahayaan na hindi ikaw ang happy ending ko."
Napangiti akong muli. Kasi ngayon nararamdaman ko na naman ang dating Raven. Muli kong nakikita sa mga mata niya ang pagmamahal na akala ko eh hindi ko na muling mahahanap sa mga mata niya.
Ngunit alam ko na ang pagkikita namin ngayon ay isang paalam na. Hindi para sa bagong simula. At tinanggap ko na 'yon kaya..
"May mga bagay talaga na sa simula lang masaya. Dahil pagdating sa huli, sobrang sakit na." Wika ko. Unti-unti na akong tumatahan. "Kaya pwede bang bumalik nalang tayo sa umpisa? 'Yung parehong hindi pa natin kilala ang isa't isa." Dagdag ko pa atsaka muling hinaplos ang pisngi niya.
Para itong bata na lumuluha sa harap ko ngayon.
"Raven, I love you. So I will set you free." Tahimik na napayuko ito habang humihikbi. Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang muling pagluha.
"Kung sakali man na magkita tayong muli pagkatapos ng mahaba na naman na panahon, hiling ko na sana makita kitang masaya. Hiling ko na sana, makita ko sa mga mata mo ang ngiti na hindi ko nakita noong tayo pa. Raven, you deserve to live happily even though I am no longer part of that happiness. Hmmm? Promise me." Pagkatapos noon ay tuluyan ko nang inihakbang ang aking paa papalayo sa kanya.
"Alice..." She begged. "I'd rather spend my days arguing with you over petty things than be alone by myself with no one to love."
Patuloy parin siya sa pagluha. Nasasaktan akong nasasaktan ko siya. Dahil maging ako, hindi ito ang ending na gusto ko para sa aming dalawa.
Sino ba naman ang may gusto ng sad ending, diba? First love ko pa siya. Hanggang ngayon, minamahal ko siya.
Ngunit napailing ako kasabay nang muli na namang pagtulo ng mga luha ko.
"I love you but, this is goodbye, Raven."
Noong sandali na tumalikod na ako ay hindi ko na ito muling nilingon pa. Dahil natatakot ako na oras na gawin ko iyon ay biglang magbago ang isipan ko. Baka bigla akong tumakbo pabalik sa kanya.
I just kept on crying until I got to my car. It hurt so much but I have to be strong.
Gusto ko ng maka usad. Kailangan ko ng maka usap.
Kailangan kong ipaalala palagi sa sarili ko na kailangan ko ito, ganoon din si Raven.
Sabi nga nila, a break up is like a shattered glass. It is better to leave it shattered than to injure yourself trying to put it back together.
Maybe we met again not to continue the love we had before, but maybe we met again for the closure we both needed.
Hindi lahat nang mag Ex na muling nagkita ay para magkabalikan, ngunit ito ay para linawin ang magulong hiwalayan na nangyari noon. At 'yon kami ni Raven.
Ngunit kahit na gaano pa kasakit ang hiwalayan na meron kami, she will remain in my heart and I will love her forever....
Abangan po ang nalalapit na pagtatapos at huling apat na kabanata ng kwento nina Attorney Alice at Raven. Sila na kaya ang kwento na mayroong sad ending?