13 Chapter 35

Now playing: Like Strangers Do

Alice

"Ipinatawag ko kayo dahil gusto ko kayong makausap pareho." Panimula ko sa mag asawang sina Ivan at Ninna.

Kapansin-pansin din ang hindi pagkikibuan ng dalawa, hindi rin halos ito makatingin sa mukha ng isa't isa na para bang hindi magkakilala.

"Eh Attorney, kailangan ba talaga na sabay kaming mag punta rito? Tungkol ba saan ito?" Naguguluhan na tanong ni Ninna.

Mataman na tinignan ko ito sa kanyang mukha bago tuluyang naupo. Habang sila namang dalawa ay magkaharap na nakaupo sa dalawang silya na nasa harap ng aking lamesa.

"I called you because of this."

Ipinakita ko sa kanya ang kanilang annulment paper na mayroon nang pirma ni Ninna. Napangiti ako sandali pagkatapos ay hindi na nagdalawang isip pa na pinunit ang papel sa kanilang harapan.

Kapwa sila nagulat sa kanilang nasaksihan. Halos mamutla ang buong mukha ni Ivan, habang si Ninna naman ay nangingilid ang mga luha na tinignan ako ng diretso sa aking mga mata.

"Why did you do that?! Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?!" Galit na singhal nito sa akin ngunit blangko parin ang aking ibinigay na itsura.

"The reason is simple, because I will not accept this case." Matigas at maawtoridad na sambit ko sa mukha nila. Naluluha na si Ninna habang si Ivan naman ay tahimik lamang na nakikinig sa akin, tahimik ngunit alam kong nagtitimpi lamang din ng kanyang galit.

"Do you know why? Because I know you don't have to go to court just to fix it. We can fix this right now. And you have no choice but to cooperate with me." Dagdag ko pa bago napa cross arms.

Matapang na tinitigan ko silang mag-asawa kaya agad naman na napayuko ang mga ito.

"Now, can you explain to me why you still need to get to this situation?" Tanong ko sa mga ito at handa na rin sa pakikinig. "Dahil sa nakikita ko, masyado pa kayong mga bata para makipaghiwalay sa isa't isa, base sa sinabi ninyo, tatlong taon pa lamang simula nang kayo ay maikasal. Tama? At ayan!" Sabay turo ko sa lumulubong tyan ni Ninna dahil may anim na buwan itong dinadalawa.

"Magkakaroon na kayo ng baby." Napatingin ako kay Ivan. "Magiging isang ganap na ama ka na, hahayaan mo ba na maging wasak at hindi buo ang inyong pamilya?" Tanong ko sa kanya.

Agad naman na napayuko ito atsaka napalunok ng maraming beses.

Unang nagtaas nang kamay si Ninna. Ibig sabihin lamang ay siya ang unang magsasalita laban sa kanyang asawa. Napatango naman ako kaagad.

Pagkatapos noon ay agad na siyang nagsalita.

Sinabi nito na nagbago raw kasi si Ivan. Hindi na niya ito maintindihan pa dahil ang dating malambing, marespeto at walang bisyo na asawa ay biglang naglaho.

Palagi itong umuuwi ng lasing, galit at madalas ay mainit ang ulo. Sa tuwing tatanungin niya si Ivan kung ano ba talaga ang problema ay siya ang sinasabi na problema nito.

Palagi silang nagtatalo at kung minsan pa nga ay nilalayasan siya ng kanyang asawa. Palagi siyang aalis at pagkatapos ay ilang araw bago muling uuwi.

Kaya gusto na niyang makipaghiwalay kay Ivan dahil ayaw na niyang pakisamahan pa ito. Ayaw na niyang makisama sa taong hindi na rin naman sila nagkakaintindihan.

Hindi pa tapos sa pagsasalita si Ninna nang biglang napaiyak si Ivan. Kunot noo na muling napalingon ako rito.

"Hindi yan totoo.." Lumuluha na sabi nito. "Attorney, I can explain myself." Magsasalita pa sanang muli si Ninna nang mabilis na hawakan ko ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng lamesa upang pigilan siya.

Napatango ako kay Ivan. "Go on. I will listen."

Agad na pinunasan nito ang kanyang luha bago nagpatuloy. Hindi siya sa akin tumingin kung hindi kay Ninna, sa dalawang mga mata ng kanyang asawa.

Dahan-dahan na inabot din nito ang kamay ni Ninna. Hindi naman na ito nag protesta at hinayaan na lamang si Ivan.

"I-I'm sorry, mahal na mahal kita alam mo 'yan." Napapikit ako ng mariin nang marinig ang mga katagang iyon.

Para kasi akong nanonood ngayon ng isang teleserye at ako ang director.

"Pwede bang huwag na natin itong ituloy? Please...I can change. I can change, Nins." Ngunit napailing lamang si Ninna.

"Paano kita tatanggapin muli kung ikaw mismo hindi ko na maintindihan." Lumuluha na sambit nito. "Ivan, hindi mo tinupad ang mga pangako mo! Magiging ama kana pero bakit ganon?"

Nagpatuloy lamang sila sa kanilang pag-uusap na tila ba walang ibang tao ang nasa loob ng silid na iyon. Na tila ba hindi ako nag i-exist sa kanilang harapan.

Mas mabuti na rin iyon dahil kahit papaano eh mailalabas nila ang kanilang saloobin. Hindi na nila kailangang magtaguan ng nararamdaman at sekreto sa isa't isa. Hanggang sa ipinagtapat ni Ivan na kaya siya palaging ganoon ay dahil mayroon lamang itong malaking problema sa kanilang kompanya.

Kaya palagi siyang naglalasing, kaya palagi siyang walang time, kaya palagi siyang galit at umaabot iyon sa pag-aaway nilang mag-asawa. At ang lahat ng iyon ay hindi na niya ipinaalam pa kay Ninna dahil ayaw na nitong madagdagan pa ang stress ng asawa.

Which is mali. Dahil sa ginagawa niya, mas lalo lamang paulit-ulit na masasaktan at mai-stress ang kanyang asawa. Dahil naglilihim siya ng problema na dapat eh dalawa sila ang naghaharap noon.

But at some point, tama rin naman si Ivan. Minsan pinipili nating maglihim sa partner natin dahil sa tingin natin iyon ang mas makabubuti.

But do you understand my main point here? Minsan nawawasak ang isang relasyon dahil sa hindi pagkakaintindihan. Dahil sa hindi pagkakaunawaan, dahil kulang sa komunikasyon kaya nauuwi sa paulit-ulit na pag-aaway, like Ivan and Ninna.

Pero kung naging open ka sa partner mo, hindi naman darating sa puntong ganito eh. Sa halip eh mapag tutulungan pa ninyong maayos ang mga problema.

Mabuti nalang at naisipan kong gawin ito sa kanilang dalawa, at mabuti nalang dahil hindi ko tuluyang tinanggap ang kaso. Hindi na nila kailangan pang umabot sa hiwalayan na napakalaki ng epekto sa kanilang magiging anak.

Masaya akong naayos ko silang dalawa. Masaya ako at nag uumapaw ang galak sa aking puso dahil nagawa kong pag-ayusin sila.

Sa ngayon, tuluyan nang hindi na itutuloy ni Ninna ang kanilang annulment. Masaya ako dahil naayos nila ito kaagad.

Iyon lang naman pala ang problema kailangan pa talagang umabot sa ganito. Hay naku!

Handa na sana sila sa pag-alis nang biglang magsalita si Ninna. Habang titig na titig sa kaliwang kamay ko.

"Hindi mo naman sinabi Attorney, kasal kana rin pala." Mabilis naman sa alas kwatro na napayuko ako para tignan ang aking daliri na mayroong suot na singsing.

Napatawa ako ng mahina dahil sa komento niya, pagkatapos ay napatango.

"Kasal na ako." Malawak na ngiti ang iginawad ko sa kanilang mag-asawa.

"T-Talaga po?" Namimilog ang mga mata at hindi makapaniwala na tanong ni Ninna.

"Yes." Proud na saad ko.

"Sa sarili ko." Dagdag ko pa.

"Bwahahahaha." Pagkatapos kong sabihin iyon ay isang malutong na pag tawa naman ang aming narinig mula sa entrance ng aking opisina.

It's Billy and Sarah na kadarating lamang para ako ay sunduin. Hindi ko napansin ang oras, hapon na pala. Mayroon kasi kaming flight tonight papuntang Cebu upang umattend ng isang Festival roon.

Kapwa naman na napalingon ang mag-asa sa dalawa.

"Pag pasensyahan niyo na itong si Attorney," Wika ni Billy habang naglalakad papalapit sa aking lamesa kung saan ako nakaupo. "sa sobrang pagmamahal kasi sa ex niya eh kasama yatang naubos pati utak."

Tumatawa parin na sambit ni Billy kaya mabilis ko itong binato ng remote ng TV. Napatawa na lamang din ang mag-asawa sa kakulitan namin at agad nang nag paalam upang umuwi.

Ilang buwan na nga ba ang nakalipas magmula noong huling beses kong makita si Raven? Siguro mag iisang taon na yata, hindi ako sigurado kasi ganon talaga. Kapag nag momove on ka hindi mo na gugustuhin pang magbilang ng mga oras at mga araw dahil hindi mo na ito nakikita.

Kung talagang gusto mo ng mag move on sa isang tao, like, totoong mag momove on na talaga. Hindi mo na babalikan pa kahit na anong bagay ang magpapaalala ng masasakit na nakaraan ninyong dalawa.

Kasi nga, you're moving on.

You have to move forward in life without that person. You need to be happy even if she is no longer the reason of your smiles.

Kasi kaya mo naman talaga eh. Kaya mo naman talaga ang maging masaya. Ikaw lang ang gumagawa ng paraan para hindi maging masaya kasi mas gusto mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan na meron kayo.

Kung dati nasanay kang palaging nariyan ang taong iyon, na nagpapasaya, nagpapangiti at nagbibigay sayo ng maraming dahilan upang magpatuloy sa buhay, ngayon masanay ka ng mag-isa, matuto kang mag-isa. Matuto kang maging masaya at ngumiti sa anong meron ka ngayon. At tanggapin mong may mga tao talaga na magiging parte lamang ng mga buhay natin upang tayo ay bigyan ng leksyon.

May mga tao na pwede tayong samahan sa simula ngunit hindi hanggang sa huli.

May tao na minsan na hahawak sa ating mga kamay, ngunit darating din talaga ang araw na bibitiwan tayo, kahit gaano pa kahigpit ang gawin mong pagkapit sa kanya pabalik.

Kahit na sobrang mahal pa ninyo ang isa't isa, kahit na anong gawin mong paraan para mapigilan ang maraming imposible, kahit na anong gawin mong pagbalik sa buhay niya at kahit paulit-ulit ka pang mag makaawa sa mundo, kung hindi talaga kayo ang para sa isa't isa, hindi talaga magiging kayo sa huli.

At kung ipagpipilitan mo parin ang gusto mo, masasaktan ka lang. At habang nasasaktan ka, nasasakal mo siya. Bakit? Dahil sa halip na malaya na kayo pareho, sa halip na kapwa na ninyo natagpuan ang mga tamang tao para talaga inyo, hindi ninyo makikita dahil nakaharang kayo isa't isa.

Because both of you are blocking the beautiful future waiting for the two of you. You are blocking the possible good future with the right person who is really meant for you.

Kaya hindi ninyo ako masisisi kung bakit mas pinili kong hayaan na lamang at tuluyang palayain si Raven. Dahil ayaw kong maging hadlang ako sa magandang future na iyon, para sa kanya.

Maybe we are really destined for someone else. Maybe while we're both hurting, the right person is also waiting for us out there.

At kung sakali man na muli kaming pag tagpuin ng tadhana, kung sakali man na muli kaming magkita na parehas pa kaming pwede, then maybe, in the end we really are for each other. Right?

Pero sa ngayon, ang hangad ko ay ang maging malaya at masaya kahit na wala na siya. At sana, ganoon din si Raven.

----

Palapag pa lamang ng eroplano sa airport ay mayroon na agad na sumundo sa amin.

Dinala kami nito sa isang sikat at mamahalin na restaurant kung saan talagang nabusog kami. Lalo na ako, mahilig talaga ako sa pagkain.

At habang naghihintay sa iba na matapos sa pagkain, ay naisipan kong lumabas muna sandali upang mag pahangin.

Noon naman kita ko ang napakalawak na area at napakaraming souvenir na nagkalat sa buong kalye. Napakaraming tao ang namimili rito, mayroong mga foreigner and local tourist. Grabe!

Sa excite ko eh agad na lumapit ako sa mga ito, hindi na rin ako nag-abala pang hintayin ang aking mga kaibigan, hindi naman siguro ako mawawala rito, hindi ba?

Habang naaaliw sa aking mga nakikita at syempre, namimili na rin ako ng para sa akin, ay bigla na lamang mayroong malakas na bumangga mula sa aking likuran dahilan upang ako ay mapada at tuluyang bumagsak sa sa sahig.

"Hon, can you please---s-sorry Miss." Natigilan ito at agad na humingi ng tawad sa akin.

Habang ako naman eh napapangiwi sa sakit ng aking pwet na tumama sa matigas na semento. Hindi man lamang ako tinulungang tumayo. Hays!

Magkasalubong ang kilay na muling tumayo ako at pinagpag ang aking suot na pants nang magtama ang aking paningin sa mukha ng babaeng nakabangga sa akin.

Para akong napako sa aking kinatatayuan nang mga sandaling iyon. Napapalunok ako ng mariin at maraming beses, habang siya naman eh nakatitig lamang ng diretso sa buong mukha ko.

"Hi." Nahihiya na napakamot ito sa kanyang batok habang ako naman ay awtomatikong napakagat sa aking labi upang pigilan ang nagbabadyang pag ngiti.

"Hi." Ganting pag bati ko rin dito. Kusa ko na lamang din naramdaman ang pamumula ng aking mga pisngi.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagsulyap nito sa aking kaliwang kamay na mayroon nang suot na singsing. Disappointment is all I can see in her eyes.

Noon naman ay may biglang kumapit rin na isa pang babae sa kanyang braso. At sa pagkakaalala ko ay tinawag niya iyong...Hon.

Malungkot na napalunok ako bago napayuko.

She's taken. Ang sabi ko sa aking sarili bago tuluyang tumalikod na mula sa kanya.

avataravatar
Next chapter