webnovel

The One (tagalog)

Minsan sa buhay hinding hindi natin maiiwasang mahulog sa isang Tao na akala natin Siya na ang "The One".

Anghelo_Ken · Realista
Classificações insuficientes
28 Chs

Muling panliligaw

Natapos na rin ang araw ng English week oras na Para umuwi at magchillax dahil sa nakakapagod na araw na ito... Sabay Sabay kaming uuwi Nila Gave, John, at Keith Gaya ng dati... Pero bago kami uuwi hinintay na muna naming umalis ang ilang mga studiyante sa hagdanan pababa papunta sa isang gate.... Ayaw na Ayaw kase namin sa napakaraming Tao at medyo masikip na Daan... Kaya tumulong na muna kami sa pag-babaklas ng aming booth... Habang nagtatangal ako ng Kung anong pwedeng tangalin na nasa booth at iayos ito... Nakita ko si Tris dala ang kanyang camera at kumukuha siya ng mga litrato ng aming section.

Nakatitig Lang ako Kay Tris na Para bang isa akong stalker... Habang Nakatitig ako sakanya bat parang biglang bumagal ang takbo ng mundo.. Bakit parang lumiliwanag ang bawat galaw niya saaking paningin... Sumakto pang nagpapatugtug ang mga guro sa stage ng isang romance themed song Kaya naman Lalo pang gumanda ang mga nangyayare sa aking nga Mata.

Sa tagal ng aking pagkakatitig Kay Tris hindi ko na namalayan ang mga nangyayare sa aking paligid.. Napansin na Pala ako ni Tris na nakatingin sa kanya.... Inayos niya ang kanyang buhok na nakalugay malapit sa kanyang pisngi at inilagay ito sa kanyang tenga mayamayay Nakita ko nalang na gumalaw ang kanyang mga labi at sa napakabagal na paraan na pagsasalita dulot ng aking mga imahenasyon,..

" Bakit?.... May..... Problema... Ba.... Bhe?"

Ang lumabas sa kanyang bibig... Hindi ako nakapagsalita agadagad dahil nasa cloud 9 parin ako...ng biglang,

*paak*

Keith: hooooooy!!!! Gising!!! Nagiimagine ka nanaman!!!

Ako: ah??!... Eh??!! .... Anong.......meron???

Keith: Naku.... Wala na..... Namamatay kana.... Tsk... Tsk... Tsk

Ako: hahahaha..... Tang*** mo.. Pero salamat sa paggigising saakin..

Keith: walang ano man... Lapitan MO na kitdi si Tris..

*hinawakan ako sa may likuran at itinulak papalapit sa kinaroroonan ni Tris *

salamat sa pagkakabatok saakin ni Keith bigla akong nagising sa aking panandaliang pagkakapanaginip.

.lumapit ako Kay Tris na Para bang may importante akong sasabihin.. Pero sa tutoo wala naman talaga.. Hindi ko pinagisipan ng maayos iyon Kaya naman ng makalapit ako sakanya,

Tris: OH bakit?... May Problema Ba bhe?

Ako: ah..... Eh....

Tris: anooo??

Ako:.... Ang Ganda mo ....

Tris: pffft.... Nagawa mo pang mambola hahaha..

Ako: Hahaha nakalimutan ko na Yung sasabihin ko sayo Eh...

Tris: Hahaha baliw!.... Eh paano na ako.... Nakalimutan mo narin Ba ako?

Ako: Huh? Hahaha baliw Karin Eh noh?

Tris: Kaya bagay tayo...

Ng narinig ko ang sinabi niyang iyon... Hindi ko na namalayang namumula na Pala ang aking mga pisngi, umiinit na ang aking mga tenga, at Pati na rin ang aking likoran..

Tris: Yieee kinikilig siya hahaha

Ako: hahahaha yiiiiieeeeee

Tris: haha baliw!

Nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa ni tris at nauwi nalang sa pagtititigan...

"grabe ang Ganda Pala ng mga Mata niya" ang lumabas sa aking isipan.. Gumagawa nalang kami ng Kung ano-ano gamit ang aming Facial expressions Gaya nalamang ng pagkikindat ko sakanya at si Tris naman ay nangungusilap at iginagalaw ang kanyang ulo Sabay tawa.... ng biglang may tumawag Kay Tris,

Beth: Hoooy!!! Triiiiiiis!! Tama na yang landian niyong dalawa Tara na!!

( Beth.... Si Beth ay isang mabait na dilag.. Isa siya sa mga tropa ni Tris... Isa rin siya sa pinakamaingay sa aming klase... Pero kahit na maingay siya... Isa siya sa mga dancer ng aming klase.. Dahil sa galing niya sa pagsasayaw nakuha siya bilang isang mananayaw sa isang grupo na nagrerepresent ng aming University.. Oo isa rin siya sa tinatawag na mga Varsity..... OK balik sa kwento)

Tris: haha wait Lang!!

Tris: Oh ano na sasabihin mo?

Ako: hahaha nakalimutan ko Eh... Maya nalang chat ko nalang sayo pag naalala ko...

Tris: hahaha Naku... Ang Bata bata mo pa makakalimutin kana.. Segeh Maya nalang garud...

Tumalikod na saakin si tris at papunta na siya sa kinaroroonan ni Beth..

Ako: psssst oooi bhe!

Tris: Oh bakit bhe?

Ako: Ingat po kayo.... Lalo kana...

Tris: Haha OK...  kayo rin Ingat kayo... Lalong Lalo kana hahaha tingin-tingin sa mga daanan Para di kana matapilok!

Ako: hahahaha opo!!

Nagpaalam na kami sa isat isa ni Tris at umuwi narin kaming apat Nila Gave, Keith, at John...

6:30-7:45 Pm na ang oras nung nakauwi na ako sa bahay dahil sa napakahabang pila sa aming paradahan... As usual dumeretso ako sa aking kwarto at ibinagsak ang pagod Kong katawan sa aking kama... Matutulog na Sana ako noong bilang naalala ko na may itatanong ako Kay Tris...

Kinuha ko ang aking Cell phone at nagonline ako... Ng bilang may nagchat na saakin.... Tinignan ko si Tris Lang Pala,

*meanwhile sa Phone*

Tris: psst hoy bhe... Nakauwi kana?

Ako: haha opo nakauwi na ako... Eh ikaw?....

Tris: Pauwi paylang hahaha

Ako: luh bat ngayon kalang uuwi?

Tris: kumain kase kami Kaya natagalan na kami sa paguwi..

Ako: ayyy.... Kasama mo?

Tris: Kasama ko si Jen

( Jen.... Isa siya sa mga tropa ni Tris... Palamura Kung minsan.. Pero mabait siya Lalo na sa mga mababait sakanya... Isa siya sa mga matatalino sa aming klase... Dati hindi siya payag saakin na landiin ko Si Tris.. Pero noong tumagal, nakilala niya rin ako at pumayag naman na siyang landiin ko Si Tris..... Hehehe.. Tuloy sa kwento)

Ako: ayy..... Ingat kayo

Tris: yeah... Thanks..

Ako: ayy oo nga Pala Yung sasabihin ko sayo.. Naalala ko na...

Tris: oh ano Yun?

Ako: ummmhhh.... Ako Lang ba or assuming Lang talaga ako?...crush mo ba ako?

Pagkachat ko iyon sakanya ay.. Itinapon ko ang aking Cp sa aking paanan, mayamayay narinig Kong tumunog ang aking Cp... Ng tinignan ko nagchat na saakin Si Tris.. Ng aking tignan Kung ano ang kanyang reneply sa aking sinabi....

*seen*

Tris: hahaha... Iodine lithium potassium europium

Ng nabasa ko na ang reneply saakin Tris Nagtaka.. Nagtanong.. At nagkamot ako Kung anong ibig sabihin ng reneply niya saakin..

Ako: huh?..... Wait loading parin utak ko....

Tris: hahaha bahala ka jan

Ako: wait hanapin ko sa table of elements....

Tris: hahaha go

Hinanap ko ang table of elements ko sa aking mga lalagayan... Sa drawer.... Sa aking bag.... At Nagtanong na rin ako sa aking kapatid Kung may table of elements ba siyang tinatago... Ng napagod na ako sa kakahanap... Sinearch ko nalang sa Google ang table of elements...bat diko naisip Yun ng maaga... Hinanap ko ang bawat symbol ng mga elements na sinabi saakin ni Tris... At nahanap ko narin....

noong nalaman ko na nga ang ibig sabihin ng sinabi saakin ni Tris ay Dali Dali Kong Chinat Si Tris.. Ang ibig sabihin nga Pala ng Iodine Lithium Potassium Europium ay... I... Para sa Iodine.... Li... Para sa Lithium.... K.... Para sa Potassium... Eu... Para naman sa Eurpium... At kapag pinagsama MO lahat ay mabubuo MO ang salitang,

............. I LIKE U................

Ako: psst... Alam kona Kung anong sinabi mo....

Tris: ano? *imogi na nakatakip ang muka*

Ako: hahaha.... Replyan ko nalang

Tris: haha bahala ka Jan * imogi na nakatakip ang muka

Ako: I Like You More

Tris: hahahaha baliw.....

Ako: hahaha kailan pa?

Tris: Hahaha simula noong pinaglalandi mo na ako

Ako: ayy Ganon ba..

Tris: yeah...

Ako: may tanong ako...

Tris: ano Yun?

Ako: what if.... Nanligaw ako sayo?... May chance ba ako?

Tris: haha depende

Ako: paanong depende?

Tris: hahaha depende Kung ayaw ko o gusto ko hahaha

Ako: hahaha ano Bayan....

Tris: hahaha

Ako: may tanong uli ako...

Tris: haha oh ano?

Naisip ko bigla na ito na ang tamang pagkakataon Para sabihin Kay Tris ang gusto matagal ko nang gustong sabihin sakanya.... Kaya naman linakasan ko na ang loob ko at Chinat sakanya ang,

Ako: matagal kona itong gustong gawin..... Matagal ko narin itong gustong sabihin.... Pero wala akong tapang na sabihin ito pero.....

.... Pwede..... bang.... Manligaw?

Muli Kong Itinapon ang aking Cp sa aking paanan... Ng biglang narinig Kong tumunog ito.... Bigla akong kinabahan... At nagisip ng Kung ano-ano... "paano Kung ayaw niya? Paano Kung hindi sagot niya? Awkward na kaming dalawa? Hala... Bahala na Si Batman" ang sinabi ko sa aking sarili... Kinuha ko ang Cp ko at tinignan ko ang reply saakin ni Tris...

*seen*

Tris:   .... YES....

( ng makita ko ang reply saakin ni Tris ay lumabas ako ng bahay at nagsisigaw sigaw ng... YEEEEEEES!!!!!! YEEEEEEEEEES! HAHAHAHAHAHAHAAHAHAHA! YEEEEEEES! OO DAW!!! PWEDE DAW!!! YEEEEEEES!..... Para akong tanga na sumisigaw sa aiming bakuran... At Doon na nga nagsimula ang panliligaw ko Kay Tris...tuloy sa kwento)