webnovel

The One (tagalog)

Minsan sa buhay hinding hindi natin maiiwasang mahulog sa isang Tao na akala natin Siya na ang "The One".

Anghelo_Ken · Realistic
Not enough ratings
28 Chs

Ako At Si Tris

Isang buwan narin ang lumipas mula pa noong nasaksihan ko ang pangyayare... Natapos narin ang ugnayan naming dalawa ni Mj...  Natapos na rin ang Sports Fest...at nagsimula na ang English week...

Nagkaroon kami ng isang activity Para sa English week na Kung Saan gagawa kami ng isang Booth Para sa aming klase at makikipag kompitensiya sa iba pang section Kung sino ang may masmagandang Booth... Hindi ito Yung laging booth na nakikita niyo na may Horror Booth... Kissing Booth.. Marriage booth.. Food booth.. At Kung ano-ano pang common na Booth... Ang Booth na aming kailangang gawin ay isang Amusement Booth na Kung Saan kailangang paramihan ang maglalaro sa Booth.... At dapat ang Booth ay naaayon sa ibinigay na Theme ng guro... Ang ibinigay na theme ng guro saaming klase ay Game of Thrones..

Ang mga kailangan naming masungkit na awards sa English week ay  Best in cosplay, most disciplined, Best games, at syempre ang Best Booth... Pinaghandaan ng buong klase ang exaktong araw ng English week Kung Saan kami naman ang makikipagkompitensiya sa katabi naming section.....

Lahat ng mga kaklase ko ay busy sa kanilang pagaambag sa Booth namin... May mga nagpipaint ng mga karton.. Mga naggugunting ng mga ilalagay sa booth at Yung iba nagiisip ng magandang palaro sa Booth namin... Habang ako naman ay iniisip na Kung sino sa mga characters sa Game of Thrones ang icocosplay ko..

( Yes.... Ako ang naatasang mag cosplay Para saaming Booth.... Hindi ko nga ring inaasahan na ako Yung mapili pero dahil sa kanila Gave at Keith... Sila ang nagsabi sa president namin na ako nalang daw sa cosplay kase nakita Nila ako noong nagcosplay.... Pero matagal na yun... Baka nakalkal Nila Yung impormasyon na iyon sa FB...ok tuloy sa kwento)

.... Noong una ayaw ko kase..... Mabigat sa bulsa ang mga pwedeng ilagay na materyales sa costume.... Pero napapayag ako salamat Kay Tris... Siya ang pumilit saakin na sumali Kaya naman... Nag oo na ako.. Wala eh... Si Tris yun eh... Si crush yun eh.. Wala na akong magagawa kundi oo nalang ang sasabihin ko.

Ilang lingo ang inabot Para nakapagisip-isip ako Kung sino ang character na aking kokopyahin... Dahil sa ayaw na ayaw Kong pinapakita ang aking muka sa maraming Tao kapag Naka costume ako dahil sa hiya... Pinili Kong icosplay Ang The Mountain... Oo The Mountain ang Pinili ko kase saktong siya ang Qweens Guard at may helmet siyang natatakpan ang kanyang buong muka Kaya siya ang aking Pinili..

Tatlong lingo na ang lumipas

At sawakas dumating na ang pinakahihintay naming Lahat... Ang section naman namin ang makikipagkompitensiya... Nagising ako ng masmaaga Para makapaghanda... Inihanda ko na ang mga gagamitin ko, iniayos ko ang costume ko na ginawa ko sa pamamagitan ng foam, cardboard, at papermesh... Saktong may pupuntahan ng maaga ang aking mga magulang Kaya naman sumabay na ako sakanila...

Ilang sandali Lang ay nakarating na ako sa University... Sakto pa sa sinabing oras... Tumulong na muna ako sa pagpapatayo ng aming Booth, mayamayay nagsidatingan na ang aming mga kaklase Kaya naman wala na akong maitutulong pa sa booth at hinayaan ko sila na ang nagayos sa booth... Sinabihan ako ng aming vice pres na maghanda na at isuot ko na ang aking costume... Tinawag ko Si Keith Para tulungan akong mag set-up... Dahil sa tropa tropa kami sumama narin Si Gave at Si John,

( John... Isang matangkad na lalaki.. Siya ang pinakamatangkad saaming apat Nina Gave, Keith at ako... Siya ang palabiro saaming grupo... Isang napakabait na Tao... At dahil sa tangkad niya.. Siya ayy kasale sa Volleyball boys ng university.. Oo siya ay isang  varsity ng aming  University at hindi Lang siya pangkaraniwang varsity siya ang Team captain ng Buong team.. Kaya naman binansagan siyang KAPITAN.. Tuloy sa kwento)

Dahil hindi ginagamit ang aming classroom.. Pumunta kami doon sa classroom Para doon na ako magpapalit... Inuna ko na munang isuot ang Boots isinunod ko ang armor kilt at ang body armor dahil sa malaki ito nagpatulong na ako Kay Keith.. Pagkatapos naman ay ang armor Para sa kamay... At ang panghuli ang helmet... Iniabot saakin ni John ang napakahaba at napakalaki Kong ispada o kilala sa tawag na CLAYMORE... Bumalik  na kami sa 9th floor ng aming building Kung Saan matatagpuan ang aming booth... Nahihiya ako sa pagpapakita sa mga maraming Tao... Hindi ko Alam Kung bakit pero sa bawat hakbang ng aking mga paa lumalakas at bumibilis ang tibok ng aking puso... Nakarating na kami sa Booth namin.... Nagtago na muna ako sa likod ng booth dahil sa hiya.... Mayamaya nagsimula na ang event... Tinawag ang Lahat ng mga cosplayer Para Pumunta sa harap ng stage at rumampa.... Ng marinig ko iyon Lalo pang lumakas at bumilis ang ang aking puso... Kabadong kabado ako.. Kahit na rarampa ka Lang doon sa harap ng napakaraming Tao... Mayamaya dumating Si Tris sa Kung Saan ako nakatago at Sinabihan ako ng,

" Kaya mo Yan bhe!! Ichecheer kita!"

Syempre Si crush na ang nagchecheer sayo Kaya naman lumakas ang aking loob at Pumunta na ako sa stage...

Nakita ko ang mga iba pang cosplayer at magaganda ang kanilang mga damit... Nagsimula na ang pagrarampa... Sigawan, hiyawan, at palakpakan ang naririnig ko sa backstage... Mayamaya ako na ang sumunod na rarampa... Huminga ako ng malalim at humakbang na papalapit sa intablado... Naglakad ako ng mabagal na Para bang napakabigat ng aking katawan habang hinihila ko ang napakalaki Kong ispada.. Para naman nasa character ako sa aking pagrampa... Pagkalabas ko palang ay malakas na ang hiyawan at palakpakan... Lalo na sa bandang Kung Saan naroroon ang aking mga kaklase... Lahat sila ay sabay sabay na sumigaw ng,

"GO BHE!!"

Sa loob ng helmet ko ay natatawa na ang muka ko habang rumarampa.. Natapos na rin ang pagrarampa.. Oras naman ng pagpapakilala ng Booth..

Sa may tabi ng Booth ako nakapwesto Kung Saan nangaakit ako ng mga manlalaro.. Oo buong araw ako Doon nakatayo Para mangakit ng mga manlalaro... At syempre may mga gusto ring magpakuha ng mga litrato kasama ako... Mukang madali man ang aking trabaho pero hindi.. Masakit sa paa ang kakatayo at ilang sandali Lang ang pagpapahinga..

Nakatayo parin ako mga apat na Oras na ang lumipas... Nagsimula nanga ang kinatatakutan ko... Biglang tumunog ang aking tiyan... Pupunta na Sana ako sa cafeteria Para bumili ng makakain pero bigla Kong naalala na Naka costume ako.. Kaya bigla akong nahiya at sinabi saakin sarili na "wag nalang mama yang lunch nalang"

Mayamayay bigla dumating Si Tris saaking pwesto,

Tris: Psst oii

Ako: OH bakit?

Tris: Kumain kana ba?

Ako: Hindi pa.. Ikaw?

Tris: Tapos na akong Kumain.. Kasama ko mga tropa ko.... Kumain kana... You need it..

Ako: Haha mamaya na... Medyo busog pa ako...

Tris: luh to... Lalo Kang papayat niyan eh...

*may iniabot saakin na paper bag*

Tris: oh.. Heto... Kainin mo..

Ako: hala... Nag-abala ka pa... Wag na debacle busog pa ako..

Tris: segeh na Kainin mo na bhe..

Ako: Luh .... Nahihiya ako bhe eh

Tris: suntok gusto mo?

Ako: Haha luh ito naman...

* kinuha ko ang paperbag Kay Tris*

Ako: Ooi bhe... Thank you ah... Bait mo

Tris: Haha baliw.... Jan kana nga.. Kainin Moyan bhe ha..

Ako: Hahaha opo..

Umalis Si Tris kasama ang Isa sa kanyang mga tropa.. At Ako naman ay tinignan ang laman ng paperbag.... May apat na doughnut ang nakalagay sa paperbag.. Napangiti nalang ako at pabulong Kong sinabing,

" haha.. Naga-abala ka pa... Salamat..."

Pumunta ako sa likuran ng booth Para magpahinga... Kumuha ako ng isang piraso ng doughnut... Isusubo ko na Sana ng Biglang nakita ako no John..

"yuuuuun oh!... Pahingi nga! Hahaha!"

At dumating rin Si Keith at Gave.. Lumapit silang tatlo saakin at humingi ng pagkain.... Dahil sa sobrang mabait ako... Tinangihan ko sila.... Pero Mayamayay binigyan ko rin Lang sila...

( Haaays.... Mga tropa talaga hahaha... Kahit Saan ka pa magtago... Kapag may pagkain ka... Bigla nalang silang sumusulpot sa Kung Saan Saan... Tuloy sa kwento)

Naglunch na kaming Lahat at tuloy na ulit ang trabaho... Habang nakatayo ako sa tabi ng booth.. dumating Si Tris kasama  Sina Jen, Beth, Rika, at ang vice pres namin na si Mimah...

Rika: Ooi picture nga kayo ni ano! ..

Jen: ayy oo.. Dali na...tumabi ka na sakanya!...

Beth: Yieeee!! hahaha!!

Mimah: Yieeee!!

Tris: Huh? Hahaha luh!

Itinulak Si Tris papalapit saakin.. At nagsisigawan naman ang apat...

Tris: haha sorry..kulit ng mga tropa ko..

Ako: haha OK Lang... Lika.. Picture tayo..

Nagpicture-picture kami hanggang sa ilang minuto na ang lumipas... Hindi na Ata mabibilang pa ang mga litratong kinuha ni Beth.. Sa dami naman ng pose naming dalawa ni Tris...

Sawakas Natapos narin ang event... Or as na Para malaman Kung sino na ang mga nakakuha ng mga awards.... Naghihintay kaming Lahat sa mga resulta.... Tinatawag na ang mga ibang mga section pero ang section namin ay hindi pa natatawag...tinanggap na naming hindi na kami makakakuha ng Kahit isang award.... Pero.... Mayamayay Biglang tinawag ang section namin,

"MOST DISCIPLINED BOOTH GOES TO HUMSS F!!!"

... Hiyawan at palakpakan ang mga kaklase ko... Habang ako... Tinanggap ko na hindi ko na makukuha ang Best cosplay... Tinanggal ko ang aking helmet ng Biglang tinawag nanaman ang aiming section.....

"BEST COSPLAY GOES TO HUMSS F!!"

Muling naghiyawan ang aking mga kaklase at Itinulak ako papunta sa stage Para kunin ang Certificate... Muli Kong isinuot ang aking helmet at tumaas sa hagdanan ng stage at kinuha ko ang certicate.... Dahil sa sobrang Saya na pagkatapos ng pagsasakripisyo ko ng aking allowance Para sa paggawa ng costume ko... Itinaas ko ang ispadang hawakhawak ko na Para bang nanalo sa isang digmaan... At sumigaw ng

YEEEEEEEEESSSSS!!!!

Natapos narin ang English week at oras na Para umuwi... Habang nagpapalit ako sa classroom namin ... Biglang bumukas ang pinto..

Tris: ayy hala sorry!! sorry!!

Ako: Ikaw ha... Binubosohan mo ako ha...

Tris: Haha Bagtit! ( another term for baliw in ilocano)

Ako: hahaha joke Lang... Ginagawa Mo Pala dito?

Tris: hinahanap ko sila Jen at Rika... Akala ko andito sila...

Ako: haha wala naman sila dito nung pumasok ako..

Tris: ayy.... Oo nga Pala.... Congrats nga Pala bhe sa pagkapanalo mo..

Ako: salamat bhe...

Tris: hahaha

Ako: ayy oo nga Pala maraming salamat nga Pala sa Doughnut kanina..

Tris: Haha Your Welcome..

Muling bumukas ang pinto at pumasok Sina John, Gave, At Keith..

Keith: Hoooy!! Bakit Yan?!!! Anong Ginagawa niyo??!!

Gave: Suuuus classroom pa pinili niyong location Para sa honeymoon niyo??!!!

John: hahahahaha Kayo ha!!!

Tumawa nalang kami ni Tris at pilit na tumatangi sa tatlong mokong na tropa ko.

( Hahaha tropa talaga.... Sa to too lang ang hirap nilang tanggian na wala kaming Ginagawa kundi naguusap Lang  noong  nakita nila kami ni Tris sa loob ng classroom ...pero Alam ko naman na  linoloko Lang kami ni Tris  ng mga tatlong mokong na yun..... Sana nga....hoping.....siguro?....baka pinagkalat ngay Nila yun?....)