Mary's Point of View
"Alam niyo ba, mayroon ding isang strawberry farm dito. Pwede kang pumitas nang kahit ilan at mura lang ito!"
Wika ni Ate Belle habang sumisipsip ng isang milk shake.
Kasalukuyan kaming nasa loob ng bahay at ang tanging masasabi ko lamang dito sa bagong matitirhan namin ay napakasimple pero malawak para sa isang dancer na katulad ko.
"Ganun po ba? Mukhang napakaganda naman talaga ng lugar na napili namin!"
Tugon ni mama kay Ate Belle na sumisipsip din sa kaniyang milk shake. Marahil na tama nga ang sinasabi ni mama dahil napakabait din siguro ang ibang mga tao rito.
"Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na may village party tayo mamayang gabi. Napakasuwerte niyo dahil dito! Ang mga gustong dumating ay magdadala ng maskara para isusuot niyo iyon sa inyong mukha!"
Malugod na sinabi ni ate Belle. Siguro nga na ito ay Masquerade Party. Mukhang masaya nga ito. Maganda rin ito para makakilala kami ng mga bagong kaibigan dito sa bayan na ito.
"Mayroon po ba kayong maisa-suggest na Señior High School na malapit dito para dito sa anak ko? Hehe"
Bigla naman naiba ang pinag-uusapan nila nang biglang nagtanong ang aking nanay. Napangiti na lang ako nang tumjngin sa akin si Ate Belle.
"Kung gusto niyo sa public, marami naman na malapit dito pero mayroon ding private. Subalit maganda sa Vernaz Central High School dahil doon nagsisiksikan ang mga matatalino"
Sagot agad ni ate Belle habang napapatingin sa taas para mag-isip. Bigla naman akong kinabahan dahil kapag doon ako nag-aral sa Vernaz Central High School, panigurado na liligwak ako nito sa mga academics ko. Hindi naman ako matalino eh tapos mapupunta pa ako roon kung saan maraming matatalino.
"Sige, doon ko na lang siya papasukin. Matalino naman itong anak ko"
Sambit ni mama sabay haplos sa aking buhok. Akala ko naman maliligtas na ako nito. Bakit ba ako papapuntahin doon? Ayoko roon, mabibigo ko lang kayo kapag pumasok ako roon!
"Sige! Tanungin niyo na lang ako kapag may kailangan pa kayo ha?"
Tumayo si Ate Belle mula sa ikinauupuan niya habang dala-dala ang milk shake niya. Tumayo rin si mama at sinamahan si Ate Belle palabas ng bahay namin. Naiwan akong nakaupo habang tumitingin sa newsfeed ng aking social media account.
"Good morning, Mary!"
Nagulantang ako sa sigaw ni ate Freya, ang aking pinsan. Siya ay dalawpu't-dalawang taon. Kasama na rin namin siya rito tumira para na rin madali siyang makahanap ng trabaho.
"Magandang umaga, ate Freya!"
Pagbati ko sa kaniya habang nakangiti. Umupo siya sa tabi ko nang magaan ang loob.
"Nabalitaan kong may Acquaintance Party na magaganap sa ating bayan. Gusto mo bang sumama sa akin bumili ng damit na masusuot natin mamayang gabi?"
Bigkas niya sa akin. Agad naman na nakuha ang atensyon ko sa kaniya dahil narinig ko na bibili kami.
"Oo, alam ko! At gusto ko rin yung ideya mo na bumili ng bagong maisusuot!"
Tugon ko sa kaniya nang tumayo ako agad.
"O' sige, maligo na tayo! Excited na ako! Bukas na yung mall na pinakamalapit dito!"
Tumayo rin si ate Freya at mabilis na naglakad patungo sa banyo namin. Agad-agad talaga? Gusto ko rin na maaga kaming pumunta dahil mahilig din naman akong mag-shopping. Kaya dali-dali akong umakyat sa kuwarto ko para kumuha ng gamit ko sa panligo at hinintay matapos si Ate Freya. Isang exciting na araw ngayon kahit pangalawang araw pa lang namin ngayon.
-•-
Anim na oras na ang nakalipas nang magsimula nang maging maingay ang bawat kalsada sa bayan ng Mastoniaz. Nakabili na rin kami ng mga damit at maskara na aming isusuot mamayang gabi.
"Saan daw ba gaganapin? Baka mamaya malayo pala"
Wika ni mama kay Ate Freya habang nagpapaganda si ate Freya, gamit ang mga makeup kit. Hindi ko alam kung bakit kailangan mag-make up kung matatakpan din naman ng maskara yung mukha mo.
"Tita! Hindi ka naman pupunta eh pero mamayang 7:00PM pa. Maaga kaming pupunta roon"
Sagot ni Ate Freya na napatigil sa kaniyang pagme-make up. Iniwan ko naman sila dahil pumunta muna ako sa aking kuwarto upang mag-ayos. Kaunting kemikal lamang aking inilagay sa aking mukha dahil matatakpan din naman ito ng aking maskara. Isinuot ko ang damit na ibinili namin kanina sa ukay-ukay, damit na simple lamang subalit mag-iiwan ng magandang impresiyon sa akin. Sinubukan kong tingnan sa salamin kung gaano ako ka-pangit habang suot ang ganitong damit ko. Inisip ko rin na tama ang desisyon ng aking papa sa paglipat dito sa bayan ng Mastoniaz.
"Mary! Pupunta na tayo!"
Nagulat ako nang binuksan ni Ate Freya ang pinto ng kuwarto nang malakas. Grabe naman itong si Ate Freya. Nagmamadali eh mamayang gabi pa naman ang umpisa.
"Pupunta na tayo nang maaga? Sigurado ka bang may mga tao na roon?"
Pagtanong ko sa kaniya. Natawa lamang siya at hinila niya ako pababa sa first floor kahit na hindi ko pa nasusuklay ang buhok ko. Hinila ako ni Ate Freya papunta sa labas kung saan nakita ko ang maraming tao na nakasuot na rin ng mga maskara at damit.
"Naku! Hindi ko na alam kung sasama pa ako, ang gaganda ng mga suot nila!"
Sabi ko kay Ate Freya, habang kami'y naglalakad upang marating na ang covered court kung saan doon gaganapin ang party.
"Ano ka ba? Sabihin na lang natin na hindi tayo na-informed na kailangan pala magsuot ng gown sa party na'to"
Wika ni Ate Freya habang binibilisan niya ang paglakad niya. Napansin ko rin kung gaano ka-disiplinado ang mga tao rito dahil hindi sila tumatawid sa kalsada hanggang walang nakalagay na pedestrian lane sa sahig. Aming tinungo ang iisang kalye hanggang kami'y nakarating na sa covered court, na binabalot na ng maraming tao. Hinawakan ko ang braso ni Ate Freya para hindi ako mawalay sa tabi niya.
"Sa wakas at nakarating din kayo!"
Napasigaw si Ate Belle nang masilayan niya kaming nakatayo sa gilid.
"Nasaan pala ang mama mo?"
Tinawag ako ni Ate Belle at hinawakan ang aking braso. Parang gusto ko nalang umuwi nito. Buti na lang at sumunod sa amin si Ate Freya.
"Hindi po siya makakapunta eh. Babantayin niya yung bahay namin dahil umalis po si kuya"
Sagot ko sa tanong niya. Bigla na lamang siya nalungkot. Siguro dahil wala siya ka-chika rito dahil wala si mama. Tumungo kami sa pinto ng isang puting gusali. Kinabahan naman ako dahil dapat doon sa covered court gaganapin ang party.
"Excuse me! Invited sila dito dahil pinapayagan ko sila"
Mataray na kinausap ni Ate Belle ang guard na nakabantay sa pintuan ng gusali. Binuksan naman kaagad ng guard ang pinto at sabay kaming tatlong pumasok. Nakakatakot naman bigla si Ate Belle kung magsalita, na para bang may kapangyarihan siya dito sa bayan. Pagkapasok namin ay nakita ko ang malaking espasyo ng silid kung saan may mahabang mesa na may nakalagay na mga pagkain. Mayroong mga dekorasyon at ilaw na para bang dumalo sa magarbong na pagdiriwang.
"Ano po ito? Akala ko po doon po tayo sa covered court"
Tanong ni Ate Freya habang kami'y nahuhumaling sa kagandahan ng lugar na pinasukan namin.
"Ah, dito dadalo ang mga espesyal na mga tauhan. Pareho lang naman ang kaganapan sa covered court at dito subalit mas maganda pa rin dito"
Pagpapaliwanag ni Ate Belle sa amin habang siya'y napapaiyak sa kagandahan ng lugar. Napakaganda talaga, ito ang unang beses kong madalo ang isang magarbong na lugar.
"Hindi naman po kami espesiyal para mapunta rito"
Sambit ko sa kaniya. Napatawa na lamang siya habang kami'y lumilibot sa napakalawak na lugar na ito.
"Ako nga rin eh pero dahil sipsip ako sa alkalde natin, naimbitahan akong dumalo rito. Ganoon din kayo, pwede kasi kaming mag-imbita ng iba, eh kayo ang una kong naisip na imbitahin dahil bago lamang kayo rito"
Aniya sa amin ni Ate Freya. Napangiti lamang ako sa kaniya. Dahil dito, mas lalo akong napalapit kay Ate Belle. Mas lalo na rin akong naniniwala na mabubuti talaga ang mga tao rito. Tiyak na hindi na talaga ako aalis dito sa Mastoniaz.
"Oh sige na! Mamaya na lang ulit! May bedroom dito kung gusto niyong matulog. May aasikasuhin muna ako sa labas"
Nagpaalam sa amin si Ate Belle habang kami'y naiwan na patulog pa ring pinagmamasdan ang lugar na ito. Tumungo kami sa mesa kung saan naaamoy namin ang shrimps at nakita namin ang iba't-ibang food na ngayon ko lamang nakita. Mabuti na lamang at may iced tea at tubig.
"Ano ito?"
Tanong ni Ate Freya habang nandidiri sa itinuturo niya. Lumapit naman ako sa kaniya at pinagmasdan ang bawat pagkain.
"Hindi ko alam. Nag-aalinlangan ako kung masarap ba ang mga ito"
Sagot ko sa kaniya. Nagulat ako nang may lumapit na lalaki sa amin, na nakasuot ng kaniyang maskara.
"Ehem, that is called Pumpkin Pecan Baked Brie. Haven't you guys seen it in your life?"
Nagsalita siya na para bang antaray niya. Medyo napapahiya kami rito dahil sa kaniya. Sabi ko na nga ba hindi tayo bagay rito, at gusto ko nang umuwi.
"And where are your masquerade masks?! How are you guys invited here without bringing a masquerade mask?"
Nagtaas ang kaniyang boses habang nakatiklop ang kaniyang mga kilay sa amin. Hindi ba niya nakikita na nasa kamay lang namin o sadyang bulag siya dahil mas nakikita niya yung mali namin? At sino ba siya para magreklamo sa amin?
"Ugh! You guys disgust me!"
Agad naman siyang umalis sa amin papunta sa maliit na grupo ng mga lalaki, habang naiwan kami ni Ate Freya na tahimik at nakatingin sa sahig.
"Hoy! Pinagalitan ba kayo ni Rhandall?"
Narinig namin ang sigaw ng isang babae. Tumingin kami sa kaniya na naglalakad nang mabilis papunta sa amin. Nakasuot na rin siya ng masquerade mask na napakaganda.
"Wala naman pong kasalanan si Rhandall dito hehe"
Sambit ko sa kaniya, habang nakasimangot lamang si Ate Freya sa gilid. Minsan, kailangan muna natin pagbigyan ang ibang tao lalo na't hindi pa natin nakikilala ang kanilang tunay na pagkatao.
"Ah ganun ba? Bago lang ba kayo rito? Ngayon ko lang nakita ang inyong mga mukha"
Tanong niya sa amin.
"Opo, ako po si Freya Santos at siya si Mary Lim"
Sagot agad bigla ni Ate Freya. Napangiti naman ang babae sa amin.
"Ah I am Angelia Ivea Reponzo. You can call me Angelia Ivea"
Pagpapakilala niya sa amin. Ang ganda naman ng pangalan niya, nakakainggit! Ngumit naman kami sa kaniya hanggang sa siya'y nagtanong ulit.
"Umm, you guys should wear your masks already. Baka mamaya may manglait ulit sa inyo. By the way, do you guys want to spend the remaining hours in the bedrooms? Matutulog muna kasi ako roon since boring yung paghihintay"
Muling sinabi niya. Nabuhayan naman ako matapos marinig ko ang bedroom. Sakto at inaantok pa ako ngayon. Tumango lamang kami sa kaniya at siya'y nagsimulang maglakad papunta roon. Dinaanan namin ang grupo ni Rhandall kung saan medyo nahihiya kami sa nangyari kanina. Sana talaga hindi na tayo pumunta rito.
Umkyat kami sa pangatlong palapag at nakita namin ang maraming room na parang nasa hotel lang kami.
"Sama-sama tayo sa iisang room!"
Masaya niyang sinabi at kami ay napatango lamang. Ipinasok namin ang isa sa mga kuwarto kung saan mukhang napaka-komportableng tingnan ang kama. Doon na rin kami nagsayang ng natitirang mga oras bago magsimula ang masquerade party.
-•-
"Good evening to everyone. Welcome to the yearly Masquerade Party for V.I.P.'s"
Ilang oras ang nakalipas sa aking pagtulog at paghihintay ay nagdilim ang lugar na ang tanging ilaw lamang ay ang spotlight na nakatapat sa host na nagsasalita. Mararanasan ko na rin ang isang napakayunik na party sa aking buhay! Kasalukuyan kaming nakatayo kasama ang napakaraming tao. Nakakatuwa at nakisama sa amin si Angelia kahit na hindi kami bagay rito. Lahat ng mga naririto ay nakasuot ng mga maskara kung kaya't hindi ko sila makita.
"This party will have abundant entertainments such as photo booths behind the stage, we will be having dancing contests, the exciting game called murder mystery and a lot more!"
Muling nagsalita ang host. Mukhang exciting nga ito na parang gusto kong sumigaw subalit napakadisiplinado ng mga tao rito na pinatatapos muna nila ang nagsasalita bago magpalakpakan.
"Before that, please give a round of applause for the great leader in this town of Mastoniaz, Mr. Jeffrey Reponzo!"
Pagpapakilala niya sa isang lalaki na nakasuot ng itim na suit at may itim ding sumbrero sa kaniyang ulo, na dahan-dahang naglakad paakyat sa stage, habang nagpapalakpakan ang bawat isa nang tahimik.
Mukhang maganda nga siguro ang event na ito. Sana nga at tatatak ito sa aking isip.