Mary's Point of View
"Magandang umaga, mga bagong kababayan!"
Ako'y nagising nang marinig ko ang malakas na pagbati ng isang matandang babae sa labas ng kotse namin. Kausap niya si papa sa labas.
"Ma, nasaan na tayo?"
Narinig ko si carmelle na nagtatanong sa gilid ko.
"Anak, nasa Mastoniaz tayo. Nandito yung bahay na lilipatan natin"
Tugon ni mama sa aking kapatid na natuwa at napalakpak. Hindi na ako nakisali sa usapan nila tungkol sa bahay sa halip, kinuha ko ang aking earphone sa bag at ginamit sa pakikinig ng mga classical music.
Pagkalipas ng ilang minuto, pumasok muli si papa sa driver's seat upang paandarin ang sasakyan. Tumingin ako sa bintana at aking nasilyang ang mga istorikong mga bahay. Ramdam ko tuloy na parang nasa Panahon tayo ng Kastila, pinapanood ko rin ang mga mamamayang naglalakad at nag-uusap sa isa't-isa. Ako'y natutuwa dahil ang mga matatanda ay nakasuot ng Maria Clara dresses at Barong Tagalog, pero ang mga kabataan dito ay nakasuot lamang ng pangkaraniwang kasuotan ngayong panahon. Pinagmamasdan ko ang mga galaw ng mga dahon sa bawat punong aking nakikita. Talaga namang maingat ang mga tao rito sa kalikasan.
Inihinto na ni papa ang sasakyan dahilan upang matigil ako sa panonood ng magagandang mga paligid dito sa lugar. Sina mama at Carmelle ay dahan-dahang bumaba mula sa sasakyan, kasunod ako at si Kuya Carlo sa likod ko.
"Magandang umaga!"
Nabatid namin pagkalabas ng kotse ang isang babaeng wala pa sa katandaan. Nakangiti siya nang malaki habang siya ay bumabati sa amin. Ngumiti lang ako sa kaniya dahil mahiyain akong tao.
"Napakaganda ng iyong piniling lugar dahil puno ito ng mga taong may disiplina at respeto sa sarili, sa kapwa at sa paligid!"
Wika muli ng babae. Mukha siyang masayang kasama dahil sa napakatining na boses niya.
"Nakikita ko nga. Ang linis kasi ng mga kalsada at napakaganda ng mga estruktura at mga paligid"
Nahihiyang tugon ni mama habang kinakamot ang kaniyang leeg.
"Buti naman at nakikita mo ang resulta ng aming bayanihan at ang magaling na pagtuturo ng mga guro sa paaralan dito!"
Sabi ng babae na may kasama pang mga galaw ng mga kamay kung magsalita.
"Ano ba mga pangalan niyo nang maisulat ko rito sa aking kuwaderno para hindi ko malimutan"
Tanong ng babae sabay labas ng isang maliit na kuwaderno at pangsulat na may kulay pula na tinta. Medyo tinatamaan muli ako ng antok kaya inilabas ko muna ang cellphone ko mula sa bulsa.
"Ako si Stephanie, Stephanie Lim. Ito ang mga anak ko, sina Mark Carlo, Mary Carmen at ang makulit na bunso na si Maria Carmelle"
Naririnig ko ang mahinhing sagot ng mama ko sa tanong, habang tinitingnan ko kung may natanggap ba akong message mula sa mga kaibigan ko.
"Ang gaganda namana ng mga pangalan. Ako nga pala si Belle, Belle lang kasi hindi man inisip nang maigi ng mga magulang ko kung anong pangalan bagay sa akin"
Ipinakilala ng babae ang kaniyang sarili. Habang nakatututok ako sa cellphone, bigla akong kinalabit ni Carmelle sa binti.
"Ate! Tingnan mo!"
Bigkas niya at tinuro ang dalawang pulis na may kasamang maskot na nakaposas. Nais ko mang intindihin ang sitwasyon subalit hindi ko pa rin mapigilang tumawa dahil sa nangyayari.
"Ano po ba nangyayari doon?"
Tanong ni mama kay Ate Belle. Natawa lamang din siya sa nakita niya sa kabilang dulo ng kalsada.
"Ah siguro isang walang disiplinang nilalang ang nagdesisyon magtapon ng basura sa kalsada kaya inilagyan siya ng posas. Napaka istrikto kasi namin kapag sa basura"
Sagot ni Ate Belle na napatawa nang pilit. Napatingin na lamang ako sa taong may posas sa kamay. Siguro mga isang araw lang naman ang kulong niya dahil nagtapon lang naman siya ng basura.
"O sige! May pupuntahan pa kasi ako. Kaya bukas na lang ulit"
Tinapos ni Ate Belle ang pag-uusap niya at ni mama. Agad siyang tumakbo paalis na kumakaway sa amin nang masaya. Naiwan kaming tahimik na nakatayo sa tapat ng bahay na hindi pa namin napapasok.
"Carlo, samahan mo ako sa pag-aayos ng bahay natin. Wala si papa, magbabayad pa siya sa may-ari ng bahay"
Utos ni mama kay Kuya. Napadabog si kuya at naiinis nitong ibinalik ang kaniyang cellphone sa bulsa niya. Nagulat ulit ako nang kinalabit muli ako ni Carmelle.
"Ate! Samahan mo ako! May playground daw malapit dito sabi ni papa!"
Sigaw ni Carmelle. Ipinatay ko ang cellphone ko at inilagay sa bulsa. Agad kong hinawakang ang kamay ni Carmelle para hanapin kung nasaan nga ba ang palaruan dito.
"Alam mo ba kung nasaan?"
Tanong ko kay Carmelle. Kinamot lang niya ang kaniyang ulo at hindi sinagot ang aking tanong. Pero patuloy pa rin kami sa paglakad para mahanap ang palaruan. Sinusubukan kong kabisaduhin ang mga madadaraanan namin. Napapansin ko kung gaano katahimik ng mga tao rito, at ang mga bahay ay hindi dikit-dikit bagkus ito'y parang pinagplanuhan.
"Te! Hindi ko alam kung saan yung playground! Baka mamaya mawala pa tayo rito!"
Napahinto ako sa paglalakad at nagsalita. Nainis naman nang kaunti si Carmelle at medyo nakasimangot.
"Playground ba ang hanap niyo?"
Bigla na lamang nagsalita ang isang babae na naglalakad papunta sa amin. Mukha siyang isang madre dahil sa suot nitong itim na damit
"Opo"
Tanging sagot ko sa kaniya na may kasama pang tango. Tiningan niya lamang ang buong katawan ko na para bang pinag-aaralan niya ako.
"Bago ka lang ba dito, hija?"
Isa niya pang tanong na may kasamang ngiti sa kaniyang mukha.
"Opo, kakalipat lang po namin ngayong umaga"
Sagot ko sa kaniya. Hinawakan naman niya ang aking balikat nang dahan-dahan. Medyo nakaramdam naman ako ng ginhawa nang ako'y biglang hinawakan, hindi ko alam kung bakit.
"I-diretso mo lamang ang daan na ito at pagkatapos, kanan ka tapos i-diretso mo lamang iyon at makakarating din kayo sa palaruan"
Sambit niya. Napatalon naman si Carmelle dahil sa nalaman na rin namin kung saan dapat pupunta.
"Sige po, marami pong salamat!"
Magalang kong pagsasalita sa kaniya. Nang sinimulan ko nang maglakad, pinigilan muli ako ng babae.
"Mag-ingat ka, hija. Hindi lahat ng makikilala mo rito ay mababait. Mayroon ditong mga anghel na may dala-dalang kutsilyo sa likod nila upang ipahamak ka"
Humawak siya sa braso ko nang mahigpit at binalaan niya ako na may mababang boses, saka na siya naglakad paalis sa amin. Naiwan akong nakatulala sa narinig ko. Kung gayon nga ba, bakit pa siya rito titira kung may mga masasamang tao rito? At hindi ba lahat naman ng lugar sa mundo, may masasamang mga tao?
"Ate! Tara na!"
Bigla akong nawala sa pag-iisip nang makita ko si Carmelle na hinihila ang aking kamay. Natawa na lamang ako sa kaniya at sinimulang maglakad papunta sa palaruan.
Sa bawat tingin ko sa kanan at kaliwa, unti-unti na rin namin nalalapitan ang playground. Nakikita ko na ang naglalarong mga bata sa gilid ng kalsada. Hanggang sa nakarating na rin kami sa isang parke kung saan naroroon rin ang palaruan na may mga padulasan at lawin-lawinan.
"Ate! Bantayan mo ako sa playground!"
Sabi sa akin ni Carmelle, tumango lamang ako at kami'y pumasok sa parke upang maglaro. Naghanap ako ng mauupuan malapit sa playground nang mabantayan ko si Carmelle. Umupo ako sa tabi ng isang babaeng tulog na may dyaryo sa kaniyang mukha kaya hindi ko nakita masyado ang kaniyang hitsura. Pinanood ko nang masinsinan ang mga galaw ni Carmelle sa playground, at hindi ko rin maiwasang pagmasdan ang kalinisan ng parke na ito.
"Excuse me, may nakaupo po diyan, haha"
Nagulat ako nang biglang may lumapit na lalaki sa akin. Nakasuot siya ng polo at pantalon habang may hawak na dalawang sorbetes.
"Ay! Sorry po! Akala ko po wala pong nakaupo rito!"
Agad naman akong tumayo sa upuan at pilit kong umalis agad sa nakakahiyang pangyayaring ito.
"Hindi! Okay lang, ibibigay ko lang naman itong ice cream na ito sa katabi mo. May bibilhin pa kasi ako. Haha"
Sambit pa ng lalaki, sabay tawa sa akin. Hindi naman ako magtatagal rito, kaya hindi naman na kailangang umupo pa ako! Ano ba iyan?! Hindi ko kayang tumanggi!
"Hindi naman siguro okay kasi parang nakakadisturbo ako sa inyong date, haha!"
Tugon ko sa kaniya sabay tumawa nang pilit, at agad na tumayo.
"Ha? Date? Eh lalaki naman yang katabi mo eh haha!
Pagpaliwanag niya sa akin. Humagulgol siya ng malakas na tawa na dahilan upang mahulog ang isang sorbetes na hawak niya. Natawa rin naman ako sa nahulog na sorbetes.
"Ano ba iyan? Bakit kayo tumatawa?"
Agad na nagising ang kasama niya at tinanggal ang dyaryo na nakalagay sa kaniyang mukha na naglantad ng kaniyang mukha. Ang inakala kong babae na katabi ko ay isang lalaki na may mahabang buhok lamang.
"Oh sino naman ito? Bagong kalandian mo?"
Wika ni kuya na napatayo nang biglaan. Agad naman ako nakaramdam ng hiya. Bakit parang nanghihiya itong mokong na ito?
"Ha? Hindi no! Ano ba yang utak mo? Mag-isip-isip ka nga muna bago magsalita, Bentot! Nakakahiya ka rin eh"
Sigaw ni kuyang may hawak na sorbetes, habang napatawa lamang si kuyang may mahabang buhok. Pero biglang nagbago yung emosyon niya dahil nakita niya yung isang sorbetes na nasa sahig.
"Anong ginawa mo sa ice cream ko?"
Pagtatampo ni kuyang may mahabang buhok, o papangalanan ko na lang na 'Bentot'. Iniisip ko na rin kung paano ako makakaalis dito sa lugar na ito para naman mapuntahan ko na si Carmelle sa playground.
"Ah eh natapon. Nakakatawa kasi si ate!"
Napatawa ulit si kuyang may hawak na sorbetes habang nakatingin sa akin, na itinawa ko na lang din kahit pilit.
"Bahala ka! Bilhin mo ulit ako! At saka gusto ko yung mango-flavored ice cream!"
Wika ni Bentot. Natiklop naman ang kilay ng isa dahil sa nasayang na pera. Nagulat na lamang ako dahil ibinibigay ni kuya ang sorbetes na hawak niya.
"Ano ho ito?"
Taong ko sa kaniya na ikinatawa ng dalawa. Ano bang nakakatawa sa akin? Katawa-tawa ba ako?
"Ice cream yan, ate. Malamig siya. Haha!"
Pagloloko ni kuyang may mahabang buhok sa tabi. Medyo nainis ako dahil nagiging pilosopo sila sa akin.
"Sa iyo na lang. Bibili na lang kasi kami ng bago. Regalo ko na rin dahil napatawa mo ako"
Sambit ni kuya sa akin na may ngiting nakalagay sa kaniyang mukha. Hindi ko alam pero medyo kinilig ako sa kaniyang mga tingin sa akin dahilan upang mas lalo akong mahiyang tanggapin ang alok niya.
"Sige na! Bahala ka, mapapanaginipan mo siya!"
Pagbabala niya sa akin. Natawa naman ako sa kaniya kahit papano.
"May multo ba sa bahay namin? Sino ba mapapanaginipan ko kapag hindi ko ito tinanggap?"
Wika ko sa kaniya.
"Ako haha. Joke lang"
Bigla agad siyang sumagot. Ang corny pero tatanggapin ko na rin yung joke, dahil napatawa niya naman ako.
"Sige na nga! Salamat! Haha!"
Pagtanggap ko sa sorbetes pero parang hindi niya binibitawan ang sorbetes sa halip, matagal kaming naghawakan ng kamay dahil sa sorbetes na ayaw niyang bitawan.
"Hala! Tatanggapin mo talaga? Haha"
Sambit niya ulit sabay tawa. Nakakainis naman. Hindi ko na alam kung tatanggapin ko pa ba ito o gusto ko nang umuwi. Pero pagkatapos naming magtawanan at saka naman niya binigay sa akin ang sorbetes na medyo tumutulo na sa apa.
"Sige, sana magkita pa ulit tayo haha! Mukhang masaya kang kasama!"
Tugon ni kuya. Napangiti lang naman ako sa kanila at saka sila kumaway sa akin. Unti-unti na silang nawalay sa aking paningin habang napatulala lamang ako sa nangyari. Nakakahiya na nakakatawa ang nararamdaman ko bigla habang pabalik na sa playground.
Sa playground, hinanap ko si Carmelle kahit na napakaraming mga batang naglalaro at nagtatakbuhan sa madamong sahig. Hanggang sa nakita ko si Carmelle na nakaupo sa sahig, nakaharap sa hangin. Hindi ko alam kung nakakakita ba siya o inaantok na. Mabilis akong lumapit sa kaniya upang kausapin.
"Carmelle! Uwi na tayo!"
Sambit ko sa kaniya pero tulala pa rin si Carmelle. Sinundan ko kung saan siya nakatingin pero wala akong makita kung anong kakaiba.
"Uwi na nga tayo, ate!"
Bigla na lamang siyang nagsalita, tumawa at tumayo sa sahig. Grabe naman, akala ko may nangyayari nang kakaiba, nanloloko rin pala si Carmelle!
Naglakad kami paalis sa parke at pabalik sa bahay ng masaya dahil sa bagong mga kakilala namin at bagong mga lugar na pupuntahan namin. Mukhang maganda nga ang itong lugar na ito.