webnovel

Prologue

May mga nagsasabi na ang kapalaran ng mga tao ay nakasulat na sa libro nila pagkasilang palang nila. Kung nasa kamay ko lang ang akin, malamang puno na ng erasures 'yon para masabi kong perfect nga ako katulad ng gusto kong maging sa mata ng mga tao. Wala na siguro akong mahihiling pa.

Hanggang sa nakilala ko siya, at sa unang pagkakataon pinangarap ko na maging ordinaryo. Para maging malaya rin ako katulad niya.

My name is Stephanie Rachelle Sanchez and I'm 18years old, makinis, maputi, may itsura, sakto lang ang height at pangarap maging isang sikat at magaling na doktor.

Laki ako sa lola, halos siya na ang tumatayong nanay at tatay ko simula pagkabata ko. Buhay pa naman ang parents ko pero matagal na silang hiwalay, bago pa siguro mangyari ang asksidente sa barkong sinasakyan namin noon na kung saan eh doon rin nawala ang bunso kong kapatid na babae. Wala niisa samin ang nakakasigurado kung nakaligtas siya.

Nasa ibang bansa ang parents ko, may bago na rin silang pamilya, gusto ko man silang makasama kaso andami nilang rason sa tuwing sasabihin kong namimiss kona sila kasi simula nang ibilin nila ako rito kay lola eh hindi ko na sila nakikita at nakakasama, siguro dahil busy sila sa pagpapatakbo ng kompanya nila pati na rin sa bago nilang mga pamilya.

Marami na rin ang nanliligaw sa'kin pero niisa eh walang nakapasa, hindi sa ayaw ko sa kanila pero study first pa ako, focus muna ako sa acads at career ko, hindi ko muna iniisip ang mga ganoong bagay. I have a big reason why I don't want to have a boyfriend.

Sa isang private school ako napasok, dahil may kaya ang parents ko para tustusan ang mga pangangailangan ko doon.

Kilala rin ako sa school na pinapasukan ko, maliban sa Top1 ako sa buong klase ay marami na rin akong nahakot na trophy's at awards sa mga sinasalihan kong pageant sa school, halos lahat yata ng mga trophy's eh kuha ko na. Dahil lagi ako ang pambato ng school ko sa tuwing may events.

I'm the type of girl who wants to graduate and achieve my dreams.

As they say "you can't get what you want if you don't work hard."