webnovel

Chapter One

"Manong jan lang po sa school" sabi ko sa driver ng taxi.

Nakangiti ako habang naglalakad sa hallway ng school. Maaga pa naman kaya hindi ko kailangan magmadali, isa sa benefits na malapit lang ang bahay sa pinapasukan. Fifteen minutes away lang kasi ang tinitirhan ko galing dito.

Malapit na ako sa entrance ng room namin nang biglang may tumabi sa'kin.

"Hi Stephanie!"

Hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino siya dahil isa lang naman ang mahilig sumabay sa'kin papasok sa loob.

Si Carl, ang manliligaw ko halos mag-iisang buwan na siyang nanliligaw sa'kin pero kahit anong sabi ko sa kanya na wala siyang mapapala sa panliligaw at pagbibigay ng mga gamit sa'kin, hindi niya pinapansin ang mga yon.

May itsura naman si Carl pero hindi ko talaga siya gusto. Kahit mabait siya, hindi pa rin pwede. I have a big reason why.

"Pwede ka ba mamaya? Labas naman tayo oh, my treat!" Yaya niya.

"Hindi ako pwede, sorry. May lakad ako." Pagsisinungaling ko.

Maraming beses na akong niyaya ni Carl na lumabas pero ni minsan ay hindi ko siya pinaunlakan. May kinukwento siya habang papasok kami pero hindi ko siya pinapakinggan. Tumatango lang ako sa tuwing tatanungin niya ako. Hindi niya naman napapansin at nagpapatuloy lang siya sa pagsasalita.

Naupo na ako sa pwesto ko nang biglang dumating si Ella at Cassy.

"Hi girlll!! fresh na fresh ah, san date natin?" Pang-aasar sa'kin ni Ella habang tinataas-taas pa yung isa niyang kilay.

Hindi ako sumagot dahil hinahanap ko ang phone ko sa bag ko. Hindi ko kasi alam kung nadala ko ba 'yon.

"Ay nonchalant si ate girl, hanap mo teh?" Tanong ni Ella.

"Phone ko, 'di ko kasi alam kung nadala ko." Tipid kong sagot habang patuloy parin sa paghalukay sa bag ko.

"Sama ka? Lalabas kami nila John at Ella." Tanong ni Cassy.

"Pass muna, kailangan ko makauwi ng maaga mamaya kasi sasamahan ko si lola magpacheck-up." Sagot ko sabay ayos ng upo, dahil sa wakas nakita ko na rin ang phone ko.

"Ay sayang, may concert pa naman mamaya sa mall." Nakapalumbaba na sabi ni Ella.

"Next time nalang girls, sorry talaga."

"Okay lang, ano ka ba mas mahalaga na samahan mo si lola." Sagot ni Cassy.

Maya-maya pa ay dumating na ang Professor namin kaya bumalik na sila sa kani-kanilang pwesto at nagsimula na ang klase.

*DISCUSS*

*DISCUSS*

*DISCUSS*

-LUNCH BREAK-

Nang tumunog ang Bell ay dumiretso na kami sa Canteen para maglunch.

Habang naglalakad kaming tatlo papasok ng canteen ay bigla kaming napahinto. May nag-aaway na dalawang babae malapit sa pintuan ng canteen, maraming nakatingin sa kanila yung iba nagvideo pa. Niisa sa mga studyanteng nandoon ay walang balak umawat sa dalawa.

"Mang-aagaw ka!!!! Napaka landi mo! Napatol ka sa meron jowa!!!" Nasigaw na sabi ni girl no.1.

"Hindi ako nang-aagaw, bakit hindi mo tanungin yang boyfriend mo kung bakit ka niya niloloko!" Sagot naman ni girl no.2.

Biglang may dumating na Guard at inawat sila. May kasama siyang lalake na agad hinawakan palayo si girl no.1 para matigil sa pagsasabunutan and dalawa.

"Tama na yan!" Sigaw ng Professor mula sa likod nila. "You two, come to my office, now!" Halata sa mukha ng Professor ang galit.

At agad namang sumunod ang dalawang babae pati narin yung lalakeng kasama ng guard.

"Wow grabe..." Amaze na sabi ni Ella.

"Gwapo ni kuya ah, nagawa pang pagsabayin ang dalawa"

Natawa nalang kami ni Cassy sa reaksyon at sinabi ni Ella.

Pumila na kami kaming tatlo at pagkakuha namin ng pagkain ay naupo na kami para kumain.

"Nga pala kelan alis mo papuntang states?" Tanong ni Ella.

"And tanong tutuloy ba siya? Tsk." Sagot ni Cassy.

"Yun nga eh, 'di ako makapagdisisyon kung tutuloy pa ba ako o hindi na. Maliban sa hindi ko pa kayang harapin ang parents ko. Inaalala ko rin si lola eh sino magbabantay sa kanya kung tutuloy ako, diba?"

Nagsabi kasi sa'kin ang parents ko na pumunta ako ng states para daw makapagbonding kami at may mahalaga daw kaming pag-uusapan. Sabi ko kung pwedeng sa chat or call nalang nila sabihin sa'kin para 'di na ako aalis pa ng bansa.

Hindi daw pwede dahil kailangan daw nila ako kausapin tungkol don ng personal.

Isa pa, hindi ko pwedeng sayangin ang pagkakataon na to dahil hindi ko rin matatanggi na gusto ko na rin sila makita at makasama. Nagpadala na nga sila ng pamasahe ko papunta roon eh.

"Eh diba gusto mo na rin sila makita? Oh ayan na yung pagkakataon na makita mo sila, anjan naman sila Jacob at Mylene para alagaan si lola." Sabi ni Cassy.

"Oo nga, tsaka pwede rin naman namin dalawin si lola habang nasa States ka pa." Pagsang-ayon din ni Ella.

"Pag-iisipan ko pa, bahala na kung ano ang magiging desisyon ko." Sagot ko sa dalawa sabay bumuntong hininga.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa room dahil magsisimula na ulit ang klase.

***

Saktong pagka-upo ko ay mayamaya rin ay pumasok na ang Professor namin.

"Okay class, I have an announcement. bukas na gaganapin ang performance niyo sa music kailangan walang aabsent sa inyo hindi ko na bibigyan pa ng chance ang mga aabsent bukas zero na kung zero basta pinaalalahanan ko na kayo."

*DISCUSS*

*DISCUSS*

*DISCUSS*

Natapos na ang klase at lumabas na ng classroom ang prof namin.

Habang nagliligpit ako ng gamit ko, biglang nagsalita si Ella.

"Hindi ka talaga sasama? Hindi na magbabago pa isip mo?" Tanong ni Ella sa'kin.

Nakita kong siniko siya ni Cassy na parang sinasabi na wag mo na kulitin kung ayaw.

"Yup, next time nalang kailangan ko talagang samahan si lola eh. Enjoy nalang."

"Pano kami mag-eenjoy eh wala yung joker, boring pa naman kasama tong dalawa." Sabay turo kila Cassy at John.

"Wow, nagsalita ah tumatawa ka nga kahit corny yung joke ni John eh." Sagot naman ni Cassy sabay irap ng mata.

"Nadamay nanaman ako jan, nananahimik yung tao dito eh." Singit ni John.

"HAHAHA oh sya sige na una na ko. Bye, enjoy!"

Tumayo na ko at iniwan sila. Naglakad na ako palabas ng room para makauwi agad.