Now playing: Before I let you go - Freestyle
Nami
Katatapos lang ng huling klase para sa araw na ito. Kaya agad akong dumiretso sa St. Wood para sunduin si Jennie. Iimbitahin ko sana ito para sa isang dinner date, dadalawang araw ko pa lamang kasi itong hindi nakikita pero pakiramdam ko dalawang linggo ko na siyang hindi nakasama.
Ngunit bago pa man ako dumiretso sa kanyang classroom, which is huling klase na rin nito ngayong araw ay dumaan muna ako sa pinakamalapit na cr dahil kanina pa ako ihing-ihi.
Hindi ko mapigilan ang mapairap sa tuwing may gustong sumingit o humarang sa dinaraanan ko. Mabuti na lang at walang pila, mayroon din bakanteng cubicle kaya agad na pumasok na ako sa loob nito bago pa man maunahan ng iba.
'I can still remember yesterday
We were so in love in a special way
And knowing that you love me make me feel, oh, so right
But now I feel lost, don't know what to do
Each and every day I think of you
Holdin' back the tears, I'm trying with all my might'
Noong matapos na ako at palabas nang muli ng cr ay biglang mayroong humarang sa akin na dalawang babae.
"Excuse me?" Pagtataray ko sa kanila with matching taas pa ng kilay.
Ngunit tinignan lamang ako ng mga ito ng pababa at pataas na para bang iniinsulto ako sa paraan ng kanilang pagtingin sa akin.
"What the hell is your problem?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Girlfriend ka ba ni Jennie?" Diretsahan na tanong nga mga ito.
"YOU are the girlfriend, right?" Dagdag na pagkumpirma pa ng isa.
Hindi ko mapigilan ang mapahinga ng malalim bago parang bored na tinignan silang dalawa.
"Yes!" Proud na sagot ko sa mga ito. "And why?"
'Because you've gone and left me standing all alone
And I know I've got to face tomorrow on my own
But, baby, before I let you go
I want to say I love you'
"Well, kung ikaw ang girlfriend, why do we feel like na si Lisa ang girlfriend at hindi ikaw?" Sabi ng isa bago kunwari na napatakip ng kanyang bibig.
"Ops! Sorry, best friend nga lang pala sila." Dagdag naman ng isa. "Pero bakit nakita namin sila kaninang naghahalikan sa loob ng sasakyan ni Lisa?" Pagkatapos ay napailing pa ng sabay ang mga ito.
Awtomatiko naman na kumabog bigla ang dibdib ko dahil sa narinig.
"What did you just say?" Nagtataka ng tanong ko.
"Sorry, pero kung hindi si Brent ang para kay Queen Lisa, mas gugustuhin na lang namin na si Jennie ang maging para sa kanya, ano?" Naramdaman ko ang paggalaw ng panga ko kaya imbis na patulan ang mga panget na'to ay mas pinili ko na lamang na mag-walk out sa kanila.
'I hope that you're listenin' 'coz it's true, baby
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will do, yeah
So before I let you go
I want to say, yeah, I love you'
Hindi ko maintindihan ang aking sarili matapos marinig ang kanilang mga sinabi. Bakit kahit na ayaw kong maniwala sa kanila, pakiramdam ko totoo ang sinasabi ng mga ito. Gayong alam ko naman ang totoo na mas mahal naman talaga ni Jennie si Lisa kaysa sa akin.
Si Lisa 'yun eh! Ang great love niya.
Anong laban ko doon, 'di ba?
Kaya sa halip na hanapin pa si Jennie o puntahan sa kanyanhg huling klase ay mas ginusto ko na lang na mag-send ng messsage para sa kanya at sinabing makita kami pagkatapos ng kanyang klase sa park malapit sa kanilang bahay.
'I wish that it could be just like before
I know I could've given you so much more
Eventhough you know I'd given you all my love
I miss your smile, I miss your kiss
Each and every day I reminisce
'Coz, baby, it's you that I'm always dreaming of'
Naghintay ako ng reply mula sa kanya, pero wala akong natanggap. Napapalunok na naupo ako sa isang bench na nandoon habang napapaisip. Sumisikip din ang dibdib ko sa tuwing maiisip ang bagay na sinabi ng dalawang babae sa akin kanina.
"Nami." Mabilis na napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.
Agad ding napatayo noong makita ko itong humahakbang ng dahan-dahan palapit sa akin.
Sinalubong ko ito ng may malawak na mga ngiti. Ayoko kong makita nito na nasasaktan ako ngayon. Ayokong maramdaman niyang siya ang dahilan bakit unti-unting nawawasak ang puso ko ngayon, totoo man ang mga narinig ko o hindi, kung ano ang sasabihin niya sa akin, 'yun ang magma-matter, iyon ang paniniwalaan ko.
Ngunit sa paraan ng pagtingin nito sa akin ngayon, sa nababasa ko sa mga mata niya, alam ko na agad ang sagot at hindi ko na kailangan pang magtanong.
'Because you've gone and left me standing all alone
And I know I've got to face tomorrow on my own
But, baby, before I let you go
I want to say I love you'
I was about to speak nang maunahan niya ako.
"N-Nami--- may gusto sana akong sabihin sa'yo." Napalunok ako.
So, ito na ba 'yon? Tanong ko sa sarili. Dito na ba magtatapos ang lahat sa aming dalawa?
Pero sandali lang, kahit konting minuto pa sana. Konting buwelo pa, hindi pa ako handa eh. Pilit na nagpupumiglas ang aking puso't isipan sa anumang sasabihin nito sa akin.
"Nami, I uhh," Napahinga ito ng malalim. "Yesterday---"
"Please, don't." Putol ko sa kanya bago napalunok ng mariin. "I don't take kaya kong marinig ang anunang mga bagay na sasabihin mo." Pagkatapos ay muling binigyan siya ng ngiti.
Napalunok ito bago napaluko.
"Nami, mahal ko talaga si Lisa. I'm sorry."
Awtomatikong napapikit ako ng mariin noong itinuloy nga niya ang bagay na gusto niyang sabihin.
"Sabi ko naman sa'yo 'wag mo ng sabihin, 'di ba? Kasi alam ko na 'yon." Napiyok pa sa dulo na sambit ko. "Alam ko naman na hindi na mawawala pa ang pagmamahal mo sa kanya."
"I hope that you're listenin' 'coz it's true, baby
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will do, yeah
So before I let you go
I want to say'
"I came here to see you, Nami. At para sabihin sa'yo because you deserve to know. Y-You have the right to know." Napapakagat sa labi na sabi niya.
"Thank you for telling me, Jen." Pilit na pinipigilan ko ang nagbabagya na pagtulo ng aking mga luha. "You kow what? All my life, sa isang tao lang ako naging interesado ng ganito--- at palaging ikaw lang 'yun, Jen." Dagdag ko pa.
"I don't know kung makakahanap pa ba ako ng isang tulad mo. I don't think I'll be able to find someone like you..." Pagpapatuloy ko.
"Nag-iisa ka lang eh. Nag-iisa ka lang sa mundo. Nag-iisa ka lang dito." Sabay turo ko sa aking dibdib kung saan ang aking puso.
'Coz letting love go is never easy
But I love you so that's why I set you free, yeah-hey
And I know, someday
Somehow, I'll find a way
To leave it all behind me
I guess it wasn't meant to be, but baby'
"Nami..." Isa-isang nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. At sa totoo lang, ayokong nakikita na umiiyak siya. Hindi kasama sa pagmamahal ko sa kanya ang paluluhain lamang siya.
"Gosh! I love you so much!" Napatingala ako sa langit. "Hindi ba talaga pwede na baka kahit konti--- kahit konti lang tignan, at mahalin mo rin ako katulad sa kanya?"
Napatawa ako ng mahina bago muling humakbang para yakapin siya.
Muli akong napapikit para damhin ang katawan nitong yakap-yakap ko na ngayon. Marahan na hinagod ko ang kanyang likod.
"Ssshh! Don't cry baby." Pagpapakalma ko sa kanya. "I am glad na sinabi mo." Hinawakan ko ito sa kanyang magkabilaang pisngi bago pinunasan ang luhang pumapatak mula rito.
"Mahal na mahal kita. But I guess, hindi talaga ako ang para sa'yo." Muling binigyan ko ito ng isang malungkot na ngiti bago hinalikan siya sa kanyang noo. "At sana aalagaan ka na niya ngayon ng tama, ha? Dahil kapag hindi niya ginawa 'yon, hinding hindi ako mag-aalinlangan na bawiin ka sa kanya, no matter what it takes."
And for the last time, it took a lot of courage for me to smile again in front of her kahit na ang totoo naiiyak na ako. Nagdurugo ang puso ko. Kasi 'yung taong gusto ko, 'yung taong minamahal ko, hindi man masabi nitong mahal niya ako, ramdam ko naman na naging mahalaga ako sa kanya, at alam kong may mas higit na minamahal ito.
At palaging si Lisa lamang iyon.
'Before I let you go
I want to say I love you
I hope that you're listenin' 'coz it's true, baby
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will do, yeah
So before I let you go
I want to say, yeah'
Napangiti ako ng malungkot sa aking sarili. Parang gusto kong yakapin ang aking sarili sa mga sandaling ito. At sabihin sa kanyang ayos lang 'to, na magiging okay rin ako.
Ganito naman talaga kapag nagmamahal, 'di ba? Kakambal nito ang sakit.
Pero palaging makakausad din.
Makakausad din ako. Katulad ng mga taong nagmahal, nasaktan at nakapag-move on, makakayanan ko ring gumising sa isang umaga na hindi na siya hahanapin pa ng mga mata ko. Hindi ko na siya mamimiss pa, at hindi na rin mararamdaman pa ng puso ko ang pagmamahal na minsan ay gusto kong ibigay sa kanya.
Noong makaalis na si Jen ay doon pa nagsimulang maglaglagan ang mga luha ko.
Ang sakit! But it's alright. hindi ko siya ikukulong sa isang relasyon na hindi naman siya talaga masaya. At mahahanap lamang niya ang kaligayahan na iyon kay Lisa, that is why, I have to let her go, for good.
Mahirap naman kasing ipagpilitan ang sarili isang relasyon na ikaw lang ang mas nagmamahal sa inyong dalawa. Kung deserve naman niyang maging masaya sa iba, why not? Right?
She deserves to be happy.
'So before I let you go
I want to say
I love you'