webnovel

The Girl I Love The Most (JenLisa GirlxGirl)

She was the best thing that ever happened to me. The only treasure I keep in the world. She is my happiness, which I do not want to share with others. But SHE is my best friend. And yes, I love her. I fell in love with her. I fell in love with the person I should not love more than a friend.

Jennex · LGBT+
Not enough ratings
49 Chs

Chapter 44

Now playing: Cry by Mandy Moore

Jennie

Sa buhay, para tuluyan kang makausad, kailangan mong gumawa ng mga sakripisyo. Kailangan may bitiwan kang mga bagay, para gawin kung ano talaga 'yung gusto mo, 'yung bagay na hinahanap ng puso mong mapagtagumpayan, iyon ang pipiliin mo.

And it's necessary if we want to move on and live a happy and fulfilling life.

Alam mong maraming pwedeng maapektuhan, alam mong meron kang mga masasaktan, pero sa huli, ang tanging magma-matter pa rin ay kung ano ba talaga ang makapagpapasaya sa'yo. Kung ano ang itinadhanang mangyari para sa'yo.

Ganoon din sa pag-ibig, hindi natin pwedeng mahalin ang lahat ng taong gusto tayong mahalin.

Dahil unang-una, iisa lamang ang ating mga puso. At ito ay titibok at titibok lamang sa iisang tao na gusto nitong mahalin. Pilit man natin turuan na magmahal ito ng iba, pilit man na pairalin natin ang ating mga isipan, sa huli, ang manananig pa rin ay kung ano ba talaga ang ating mga nararamdaman.

Para makasama ang taong labis na makapagpapasaya sa atin, para tuluyang makausad at makasama ang taong talagang minamahal natin, kailangan nating bitiwan 'yung mga taong alam natin na masasaktan lamang ng tuluyan, kapag pinili pa nating manatili sila sa ating tabi.

Hindi natin sila pwedeng piliin na manatili sa ating buhay, kailangan nating mamili. Kahit pa sabihing naging isang mahalagang parte na sila ng ating buhay, kailangan din nating isipan kung ano 'yung mas makabubuti para sa kanila.

Hindi tayo pwedeng magpaka-selfish lang, na dapat ay tayo lamang ang laging masaya, tapos sila, nagdurusa.

Kailangan natin silang bitiwan, upang mahanap nila ang tamang daan patungo sa taong karapat-dapat talaga para sa kanila. Maaaring nabubulag lamang sila sa pagmamahal na ibinibigay nila sa atin, kaya hindi nila mahanap ang mga taong para talaga sa kanila.

Kaya para mangyari 'yon, we have to let them go. At sabihin sa kanila ang katotohanang masasaktan man sila, pero isahan lamang. Kaysa naman sa magsinungaling sa kanila pero ang totoo, alam na nila ang totoo nating nararamdaman para sa kanila.

Mas masakit 'yon!

Mahirap para sa akin na sabihin at bitiwan sa harapan ni Nami ang mga katagang iyon. She was so precious to me para saktan ko lang. Wala siyang ibang ginawa kundi ang alagaan ako, mahalin at ingatan.

But I have to let her go now. It's not because I don't like her, o wala talagang pag-asang mahalin ko siya katulad ng pagmamahal ko kay Lisa, but it's only because ayokong maging unfair sa kanya. She deserves more than better! And that better is not me.

Ang sakit makita na ako ang dahilan kung bakit nadudurog si Nami ngayon. Pilit man niyang itinatago sa akin ang sakit na kanyang nararamdaman, ngunit kailan man ay hindi nagsisinungaling ang mga mata, lahat ng nararamdaman nito ay nakikita ko mula roon.

Kaya agad na nagpaalam na ako sa kanya at hindi na nagtagal pa sa Park na iyon.

Nakita ko na maraming missed calls sa aking cellphone mula kay Lisa. Pero hinayaan ko lamang ito sa pag-ring at hindi man lamang nag-abalang sagutin.

Nagpatuloy lamang ako sa aking paghakbang, sa aking paglalakad na hindi naman talaga alam kung saan ang patutunguhan.

Nagagalit kasi ako sa sarili, nadidismaya sa takbo ng mundo. Bakit kailangan nating masaktan iyong mga taong walang ibang ginawa kundi mahalin lamang tayo.

Pero kung hindi ko pipiliin 'yung tao na talagang minamahal ko, I don't think na magiging masaya pa talaga ako.

Sa paglalakad kong wala sa sarili ay bigla na lamang akong may nakabanggaan sa daanan, dahilan upang mapaupo ako sa matigas na semento.

"S-Sorry." Agad na paghingi ko ng tawad sa kung sino mang nakabanggaan ko. Hindi na rin nag-abala pang tignan ang mukha nito. Muli akong tumayo at magpapatuloy na sanang muli nang mabilis ako nitong hawakan sa aking braso upang pigilan.

"Jennie. Gosh! You look so exhausted! What happened?" Narinig kong tanong ng isang kilala kong boses.

It's Miyuki.

Dahan-dahan na ini-angat ko ang aking paningin at sinalubong ang nagtatanong nitong mga mata. Sa hindi malamang dahilan ay basta na lamang akong napayakap sa kanya. Iyong yakap na mahigpit na mahgipit at agad na napahagulhol.

"Oh my gosh! What's happening?" Tanong nito bago ako hinagod sa aking likod.

Para akong isang bata na umiiyak ngayon dahil nakahanap ng kanyang kakampi, nakahanap ng magco-comfort sa kanya. Hindi rin kasi ako pwedeng umuwi ngayon na ganito dahil ayokong mag-alala sa akin si Lisa.

Nakasakit ako ng tao dahil nasaktan din ako. Nakasakit ako ng taong walang ibang gusto kundi mahalin ako.

Sabi nga nila, people hurts people when they hurt.

At iyon ang ginawa ko kay Nami. I can't forgive myself because of that.

Hinayaan lamang ako nito na umiyak ng umiyak sa kanyang balikat hanggang sa tuluyan akong tumahan, hanggang sa wala na akong mailabas na luha mula sa aking mga mata.

"So, 'yon ba talaga ang nangyari?" Tanong ni Miyu sa akin noong tuluyan na akong kumalma. Nasa isang fast food chain din kami ngayon.

Napatango ako bilang sagot. Inamin at sinabi ko kasi ang lahat sa kanya ng tungkol sa amin ni Lisa, at kung bakit ako ganoon na lamang ako umiyak dahil kay Nami.

"Alam mo, mukhang strong lang kung tignan si Nami, pero swear, napaka-soft no'n sa loob. At siya rin 'yung taong napaka-understanding. Kaya 'wag kang mag-alala, makakapag-move on din ang pinsan ko." Paliwanag nito sa akin bago napa-sip sa kanyang iniinom.

"Makakapag-move on din kami pareho." Dagdag pa niya dahilan upang mapakunot ang noo ko.

Agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Bukod kay Nami at Lisa, uhhmmm...nevermind." Napahinga ito ng malalim.

"Oo na, gusto rin kita, Jennie." Para bang napilitan na pag-amin nito dahilan para mamilog ang mga mata ko.

"Gusto kita." Pag-ulit pa nito habang nakatingin ng diretso sa akin. "Pero mas mahal ko ang pinsan ko. Para ko na siyang kapatid kaya mas pinili kong magpaubaya, isa pa, wala naman akong pag-asa sa'yo, hindi ba?" Napalunok ako ng mariin.

Sa totoo lang, walang salita ang gustong kumawala sa aking mga labi.

Bakit ba napapalibutan ako ng mga taong grabe kung pahalagahan ako pero ako itong dahilan bakit sila nasasaktan ngayon? Una si Kuya, si Lisa, ngayon naman pati ang magpinsang Nami at Miyuki ay nasasaktan ko na rin.

"Miyu---"

"Hep! Hep! Hep!" Putol nito sa akin. "Tama na ang drama." Sabi niya. "It's time for you to go home, alam kong kanina pa nag-aalala ang Lisa mo sa'yo."

Napatango ako.

"Thank you, Miyu." Buong puso na pagpapasalamat ko sa kanya. "Thank you dahil kahit na may karapatan kang magalit sa akin, dahil nasaktan kita, nasaktan ko kayong magpinsan, mas pinipili mo pa ring unawain ako." Hinawakan ko ito sa kanyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang kabutihang loob mo---"

"Oh gosh! Stop it, will you?" Saway nito sa akin. "Para namang namamaalam ka na. Gaga!"

Napatawa ako sa tono ng pananalita nito. "Kapag hindi ka pa tumigil d'yan, hahalikan na kita. Isa pa!" May pagbabanta na dagdag pa niya kaya tuluyan na akong napatawa. Napatawa na rin ito kagaya ko at pagakatapos ay biglang semeryoso ang kanyang mukha.

"Kaya please, sana naman umayos-ayos si Lisa dahil babalatan ko siya ng buhay kapag sinaktan ka pa niya!" Wika nito. "C-Can I hug you again?" Tanong nito habang naglalakad na kami ngayon palabas ng restaurant. Napatango ako.

"S-Sure---"

Hindi pa man ako tapos ay mabilis na niyakap na ako nito.

"Thank you, Jen. Thank you for coming into my life. You are such an angel!" Pagkatapos ay kumalas na ito sa pagyakap sa akin, ngunit bago pa man niya tuluyang mailayo ang kanyang katawan sa akin ay marahan na hinalikan ako nito sa aking noo.

"Please, be happy with her."

After 12355921 years, meron na lamang tayong apat na naiiwang kabanata! Kaya huwag na ninyong palalampasin babies! ;) gustong-gusto ko nang matapos ito kung hindi lang talaga busy, kasi pagpasensyahan niyo na ang inyong otor! wav u!

Jennexcreators' thoughts