webnovel

The Day I Mer Her Book 1 (COMPLETED)

What if you meet the right person but not in the right time? Will you choose to stay or let them go? **** This story was published under Dreame, starting September 2020. ****

Jennex · LGBT+
Classificações insuficientes
11 Chs

Getting used to

Ang inti! At ang ingay ng paligid. Teka..nasaan ba ako? Bakit ang dami yatang tao? Kahit saan ako lumingon, napakadaming tao. Ano bang lugar ito? Lumakad ako ng konti, napansin ko kasing may pinagkakaguluhan sa may unahan. Makikitsismis muna ako. Nakipagsisikan ako hanggang sa makarating sa gitna ng maraming tao, napalilibutan ako ng mga ito at lahat sila nagsisisgaw, nagtititili. At doon, hindi ko akalaing mapapatulala ako sa isang..

Babae. Ang ganda niya! Napaka ganda niya!

Para siyang anghel na bumaba sa lupa. Pinagtitinginan ito at pinagkakaguluhan ng maraming tao. Ang daming tao! Ngumiti ito, at ang puti ng mga ngipin nito, kumikislap kasabay ng pagtirik ng mainit na araw, napaka amo ng kanyang itsura na animoy isang diwata na napakasarap titigan. At ang mga mata niya, hindi ko man makita mula sa kinatatayuan ko kung ano ang kulay ng mga ito, ngunit para akong nalulunod dahil dito. Para nitong inaangkin ang buong pagkatao ko. At ang mapupulang mga labi nito. Para itong isang putahi na kay sarap lasapin at tikman. Napakunot ang noo ko.

Lasapin at tikman?!

Nahihibang na ba ako? Bakit ko naman naisip ang mga iyon? Babae siya at babae rin ako, kaya bakit naman..Hay naku! Hayaan na nga. At muli akong napatingin sa unahan ngunit wala na ang ang magandang babae. Teka, nasaan na yun? At nasaan narin ang napakaraming tao na nandidito lamang sa paligid ko kanina. Paano naman nangyari na naglaho nalang silang lahat na parang bola?

Napahawak ako bigla sa kaliwang bahagi ng aking pisnge, biglang sumakit ito. Ano bang nagyayari sa akin?

"Catherine Tingzon!"

Bigla akong napabalikwas sa gulat, pawis na pawis din ako. Hinihingal na napahawak ako sa dibdid ko. Para akong nakipagkarera sa isang daang kabayo sa lakas ng kabog ng dibdib ko. "Bes?" Takang tanong ko rito ng makita si Bianca na nasa harapan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pa. Ngunit pinagtaasan lamang ako nito ng kilay. Doon ko lang napansin na naka suot panlakad na ito. Isang puting blouse na pinatungan ng itim na coat at paldang maiksi na may konting hiwa sa gilid. Nananaginip lang pala ako, sabi ko sa aking isipan.

"Oo. Bes ka talaga! Nag-uungol ka diyan eh, kung hawakan mo pa ako sa mukha kanina para mo na akong hahalikan!"Napahalukipkip ito.

"Dumaan ako dito para sunduin ka."Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kama ko atsaka inayos ang suot na damit nito. Doon ko lamang din naalalang nandito si Bianca para sunduin ako at para narin masigurado na hindi na ako muling malalate pa sa trabaho.

"Kaloka ka! Hayan tuloy nasampal kita. Kung alugin kita kanina parang wala ng bukas, kaso ayaw mo paring magising." Atsaka ko lang din muling naramdaman ang medyo mahapdi parin na pisnge ko, napahawak ako dito. Tinignan ko ito ng masama.

"Masakit?" Tanong nito sa akin at muling lumapit. Napatango lamang ako na parang bata at napanguso. "Ikaw naman kasi eh! Ano ba kasi yang panaginip mo at kung maka-ungol ka e para kang--

"Hep! Wag mo ng itutuloy yan. Hindi ko gustong marinig pa." Putol ko sa sasabihin nito. "M-mag aasikaso na ako para makaalis na tayo. Baka malate ka pa dahil sa akin." Dagdag ko pa habang inaayos na ang sarili, para makapaghanda na sa pagpasok sa trabaho.

"Aba'y dapat lang, dahil ang buong akala ko pagdating ko dito ay handa kana sa pagpasok. Hindi parin pala. Sige na, lalabas na ako at hihintayin nalang kita sa may sala. May dinala na rin akong pagkain para makapag-almusal ka na." Tumango lamang ako dito bilang sagot at tamad na tamad na nagtungo sa banyo.

Nabuhay ang buong katawan at natutulog kong kaluluwa ng madampihan ng malabig na tubig ang mga balat ko. Ngunit bigla naman akong napatulala ng maalala ko ang nasa panaginip ko. Dismayadong napabuntong hininga ako ng maisip na panaginip lamang pala ang mga iyon. "Hmp. Hindi naman ako interesado kung ano man yun. Panaginip lang yun." Paalala at pangugumbinsi ko sa sarili. Talaga ba? Eh bakit ka mukhang dismayado? Hindi ako dismayado. Period.

Pagkatapos kong maligo, magbihis at masiguradong handa na ako ay lumabas na ako ng aking kwarto. Naabutan ko naman ang naiinip kong best friend na nakaupo sa may sala ng apartment ko at abala sa pagkalikot ng kanyang telepono.

"Bes, daan muna tayong Cafe oh. Order lang ako ng Ice Coffee." Paghinge ko ng pabor at kumapit sa braso nito. Aangal pa sana ito ngunit inunahan ko na ng pagpapacute. "Oo na. Letse pag tayo na late ikaw ang sisisihin ko." Edi syempre, ngiting tagumpay si Cath dahil ako naman ang nagwagi.

Alam kasi nito na mahilig ako sa Ice Coffee. Yes! Sabihin na nating adik na adik ako dito. Hindi makokompleto ang araw ko kapag wala ito. Ito kasi ang nagpapaganda ng araw ko, nagpapaganda ng umaga ko. At syempre kapag maganda ang umaga, maganda na rin ang buong araw. Para bang hindi ako kompleto kapag walang Ice Coffee sa umaga ko. Gets niyo? At syempre ang paborito kong flavor ay, Caramel Mocha.

"Tara na bes!" Pag-aya ko rito ng muli akong makasakay ng sasakyan. Hindi na kasi ito sumama pa sa akin sa loob ng Cafe para mag-order. Tinignan ako ng makahulugan nito ng mapansin na wala akong hawak na Ice Coffee sa mga kamay ko.

"Oh. Asan ang Ice Coffee mo?" Agad na tanong nito at muling binuhay ang makina ng sasakyan.

Napakagat labi ako at ngumiti ng parang batang pinagagalitan ng nanay dahil may kasalanan ito. "Ah-eh..hayaan mo na bes. Nakapag sip naman ako kanina bago ko ibinigay." Paliwanag ko. "Kakainin ko nalang itong almusal na dinala mo, tiyak ubos na ito bago pa tayo makarating sa trabaho." At pinakita ang pagkain na dala nito para sa akin.

Napataas ang kilay nito. "Binigay? At kanino mo naman ibinigay?" Tanong nito sa akin habang binabaybay na namin ang daan papuntang trabaho.

Napangiti ako ng maalala ko kung kanino ko iyon binigay. "Sa isang bata." Nakangiting sagot ko rito at pakiramdam ko pa ay kumikinang ang mga mata ko habang sinasabi ko ang mga iyon.

"Sa bata?" Muling tanong nito. Napatango ako at muling sumubo ng pagkain at nginuya ito. "At kailan ka pa nahilig sa bata, huh? Catherine?" Sa halip na sagutin ito ay, nanatili na lamang akong tahimik at nagpatuloy sa pagkain. Hindi narin ito nangulit pa para tanungin ako.

Hindi ko rin alam, siguro dahil wala akong nakababatang kapatid kaya parang lumambot ang puso ko sa batang nakita ko kanina sa Cafe. Atsaka napaka cute kasi nito, ang hirap tanggihan ng mga mata niya noong makita ko kung paano niya tignan ang Ice Coffee ko. Bigla tuloy akong nalungkot ng maalala ko ang Ice coffee ko. Di bale na, dadaan na lang ako uli mamaya sa Cafe bago umuwi galing trabaho. Tama!

-------------

Matapos ang isang linggo ay mas naging puspusan ang pagawa namin ng mas maraming designs. Mayroon kasi kaming client na gusto kaming kunin para sa darating na Contest for Fashion designers. At ang gusto nito ay i-sorpresa namin siya sa mga designs na gagawin at mapipili namin. Kaya heto, nagpupuyat at nagtutulong tulong kami para hindi mapahiya sa kanya. At syempre ang pinaka importante doon ay ang wag masira ang ibinigay nitong tiwala sa amin.

Wala man kaming maraming experience pa at napapatunayan pa kagaya ng ibang designers, ngunit may tiwala kami sa aming mga sarili at sa bawat isa. Lalo na sa mga pangarap namin na hindi impossibleng mangyari, dahil wala namang impossible. Iyon naman ang importante hindi ba? Ang maging positibo palagi sa buhay.

"Oh bes. Lika na, uwi na tayo. Doon mo nalang tapusin yang ginagawa mo sa bahay mo." Nag-inat ito at saka napahikab narin. Napatingin ako sa relo na suot ko, pasado alas dyes na pala ng gabi, kaya naman pala medyo inaantok na ako.

"Oo nga guys, uwi na tayo. Weekend naman bukas, for sure mas makakapagpahinga tayo ng maayos at mas makakapag isip ng mga bagong ideya." Pag sang-ayon naman ni Kuya Jomar. Pinaka matanda sa amin. Kasintahan nito si Ate Erica, isa rin sa kasamahan namin dito sa Shop.

"Mabuti naman at naisipan ninyo ring umuwi. Kanina pa ako inaantok eh." Pagrereklamo naman ni Reynard, habang nagliligpit narin ng mga gamit nito, na agad naman binatukan sa ulo ni Kevin. Silang dalawa ang parang aso at puso sa grupo namin. Ngunit kahit na ganyan sila ay pagdating sa trabaho, napaka seryoso ng mga yan.

Habang ako at si Bianca ay nag-iimpake narin ng mga gamit namin. Kami ang Lucky Six. Yan ang tawag namin sa buong grupo namin, Si Kuya Jomar, Ate Erica at Bianca ay magkaklase noon sa ibang Subjects noong nag-aaral pa ang mga ito sa College, kaya sila ang nagkakakilala. Habang si Reynard naman ay pinsan ni Ate Erica at best friend ni Kevin. Ako? Syempre best friend ni Bianca. Ang nakaisip na bumuo ng grupo ay si Bianca, siya at ang parents nito ang Founder ng Shop. Sila rin ang gumastos at nagpagawa nito. Ito narin ang nagsisilbing opisina namin, dito kami tumatanggap ng mga Clients na gustong magpagawa ng mga susuoting damit sa amin. At kung may gustong mga disenyo ang mga ito, iyon ang sinusunod namin. Sabi nga nila diba? Customers always right. Pero hindi lahat ng ideya nila ay kailangang masunod, minsan may kulang sa ideya nila na dinadagdagan namin, habang minsan naman ay sobra at hindi na nababagay sa magsusuot, na mas ibinabagay namin sa mga ito. Nandito rin ang lahat ng mga kagamitan at mga desenyo namin.

Bago pa lamang ang grupo, isang taon palang kami sa industriya. Ngunit kahit na ganoon ay kahit papaano kumikita narin kami. Hindi rin kaya biro kapag may mga Clients kami at sa awa ng Diyos wala pa kaming naging Clients na hindi pa nagustuhan ang mga disenyo namin.

Nang maipasok ko na ang sketch pad ko sa loob ng bagpack ko ay isa-isa na kaming nagpaalam sa bawat isa. Nauna na kaming nagpaalam na umalis ni Bianca. Ihahatid pa kasi ako nito sa apartment ko bago itotuluyang uuwi sa kanila.

At ng makarating na kami sa tapat ng apartment ko ay kaagad na bumaba na ako. Medyo nahihilo na rin kasi ako sa antok. "Bes, sigurado ka bang uuwi ka pa sa inyo?" Tanong ko rito nang bumaba rin ito ng sasakyan para ihatid ako sa may gate ng apartment ko. "Medyo malalim na kasi ang gabi, baka lang gusto mong dito nalang magpalipas ng gabi." Dagdag ko pa.

Umiling ito bilang sagot. Mahahalata mo na rin medyo namumungay na ang mga mata nito dahil sa antok. "Ayos lang ako bes. Atsaka gusto ko rin makapagpahinga ka ng maayos no?"

"Ikaw ang bahala. Basta mag-iingat ka ha." Lumapit ako dito para magbeso. "Good night, paki hi narin ako kina Tito at Tita." Hindi ko na kasi sila nabibisita mag-iisang buwan na.

Tumango na lamang din ito, pagkatapos ay sumakay na muli sa sasakyan. Bumusina muna ito bago tuluyang pinasibad papalayo ang sasakyan. Pumasok na rin ako at dumiretso sa aking higaan. Hindi ko na nga namalayaan na nakatulog na pala ako kaagad pagkatapos, hindi narin ako nakapag palit pa ng damit o nakapag linis man lang ng katawan bago makatulog.