webnovel

The Day I Mer Her Book 1 (COMPLETED)

What if you meet the right person but not in the right time? Will you choose to stay or let them go? **** This story was published under Dreame, starting September 2020. ****

Jennex · LGBT+
Not enough ratings
11 Chs

Catherine

Catherine Tingzon

"Hello bes! Nasaan kana ba? Kanina pa kami nandito ikaw nalang ang kulang! Double time naman, pwede ba bes?!" Inilayo ko ang telepono mula sa tenga dahil anytime soon ay sasabog na ang eardrums ko sa lakas ng boses ng best friend ko.

"Pwede rin ba bes, wag mo'ko sigawan. Hindi ako binge okay?" Hinihingal na singhal ko naman dito. "Malapit na talaga ako. Pasensya na kung late na naman ako." Dagdag ko pa. Magsasalita pa sana itong muli ng binabaan ko na ng telepono.

Dismayadong napatingin akong muli sa suot kong relo. "Pambihira naman oh. Bakit ba kasi ang traffic!" Inis na bulalas ko sa sarili. Eh kung di ka ba naman kasi tanghali na magising e, hindi ka sana late palagi. Oo nga naman, pag sang-ayon ko sa aking sarili. Paano ba naman kasi hindi ako malalate e, palaging tanghali na ako kung gumising. Hays!

Pagdating ko sa tapat ng gusali kung nasaan ang Shop namin ay, bumungad kaagad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Bianca. "Seryoso ka talaga bes? Trenta minutos ka talagang late?" Salubong nito sa akin at mabilis na kinuha mula sa kamay ko ang iniinom kong Ice Coffee. Hindi naman na yun malamig e. Tss. Yaan mo nga siya.

"Ewww!! Ano ba naman to? Hindi naman ito yung paborito mong Caramel Mocha flavor ha?" Pigil ang tawa ng umiwas ako ng tingin mula sa itsura niya. Nagkibit balikat na lamang ako bilang sagot sa kanya, hayyy. Hindi ko rin alam kung bakit ibang flavor ang naibigay ng barista sa akin kanina.

"Nasaan sila?" Tukoy ko sa mga kasamahan namin. "Nandoon na sa loob, kanina pa silang LAHAT naiinip sayo." Bigay diin nito sa sinabi. Saka ito nauna ng maglakad sa akin. Tahimik lang din naman akong sumunod sa kanya papasok ng building. Kailangan pa naming gumamit ng hagdanan dahil mas matatagalan kami kung gagamit pa kami ng elevator sa pag-akyat. Nasa ikatlong palapag lang naman ng gusali ang Shop namin.

Parehas kaming hinihingal ng makarating sa tapat ng pintuan ng Shop namin. Hinawakan ko ito sa magkabilaang balikat at iniharap sa akin. "Bes, wag ka ng magalit sa akin, please." Paglalambing ko dito. At saka ngumuso narin para mawala na lalo ang inis nito sa akin. "Babawi ako promise! Hindi na ako muling magpapalate. Peksman!" Dagdag ko pa. "Sorry na."

"Hay naku bes! Paano ka mapopromote niyan kung ganyang palagi kang late. Pasalamat ka love kita!" Sabay yakap nito sa akin. "Basta ha. Wag ka ng magpapalate ulit, dahil kahit best friend kita, hindi ko kokonsentihin yang mga pa late late mo na yan." Natawa na lamang din ako rito at saka muli siyang niyakap. "Halika na at ng makapagsimula na tayo." Bumuga muna ito ng huling beses ng hangin sa ere atsaka binuksan na ng tuluyan ang pintuan ng Shop.

Pagpasok namin ay kaagad na lumapit ako sa mga kasamahan namin na nandoon. Huminge ako ng pasensya sa kanilang lahat dahil sa nadadalas kong pagpasok ng late. Sinabi ko rin sa kanila na hindi na iyon mauulit pa at nangako rin ako na iyon na ang huling araw na malalate ako sa trabaho. Mabuti na lamang ay mababait ang mga ito. Pinatawad naman nila ako kaagad, basta wag ko na raw sanang uulitin ito, dahil kung hindi ay mapipilitan na akong maghanap ng ibang mapapasukang trabaho, kahit pa best friend ko ang may ari nito.

At dahil kailangan ko ng pang matagalang trabaho kaya naman pagbubutihin ko na sa susunod. Hindi na ako dapat malalate. Hindi ito ang una na naging trabaho ko, pero ito na ang gusto kong maging huli. Dahil sa trabahong ito, dito ko nailalabas ang galing ko. Kapag ginagawa ko ito, pakiramdam ko ay mayroon akong sariling mundo na wala ang iba. Pakiramdam ko sa 'twing nakakagawa ako ng maraming designs ay pinapanood ako ng mga magulang ko at sobrang proud nila sa akin. Designs? Yes! We are a clothes designers. Lahat kami dito nagdedesenyo ng mga kasuotan. Kami mismo ang gumagawa at nagtatahi ng mga desenyo namin. Tumatanggap kami ng mga grupong nagpapadesigns, depende sa mga desenyo na gusto ng mga kliyente namin. Katulad ng evening wear, party dresses, group costumes, wedding dresses, debutante dresses at marami pang iba.

Ako ang pinaka bata sa aming lahat na nandito, maging si Bianca na best friend ko ay mas matanda ito ng isang taon sa akin. Magkakilala na kami ni Bianca noong mga high school palang kami, mga magulang nito ang kumupkop sa akin noong nawala ang mga magulang ko. Hindi ko rin alam kung bakit ang gaan ng loob ng mga ito sa akin, tinuring nila ako na parang kanila, binihisan at pinakain. Ang hindi ko lamang matanggap na isang bagay na gusto nila para sa akin, hanggang ngayon ay ang pag-aralin ako. Pauli-ulit ko silang tinatanggihan tungkol sa bagay na iyon. Mayaman ang pamilya nina Bianca, ngunit ayaw kong i-asa ang lahat ng mga gastusin ko sa kanila, kaya naman naghanap ako ng mapapasukang trabaho nang makapagtapos ako ng high school. Ngunit hindi ako pinayagan ng magulang ni Bianca, kinuha ako ng mama nito para magtrabaho sa isang Cafe Shop na pagmamay-ari nila at iyon ang naging unang trabaho ko.

Nang makag-ipon na ako kahit papano ay, nagpaalam na ako sa kanila na bumukod na. Mabuti na lamang ay pumuyag na rin ang mga ito at wala ng nagawa pa sa naging desisyon ko. Kaya naman, kumuha ako ng inuupahang Apartment na malapit lang din sa Subdivision nila. Suportado parin ako ng mga magulang nito kahit saan, hanggang ngayon ay sila parin ang tumatayong pangalawang magulang ko kahit na, nasa bente uno na ako.

Bukod sa wala akong pera na pamparal sa aking sarili noon, ay may malaking utang pa ako na kinakailangang unahin na bayaran. Bata pa lamang ako ng pumanaw aking mga magulang at dahil nag-iisang anak lamang ako kaya naman, walang ibang sumalo ng mga responsibilidad nilang naiwan kundi ako. Labing anim na taong gulang ako ng mamatay ang aking ina dahil sa sakit na cancer. Nasa ika-apat na taon ako noon sa high school. Hindi na iyon naagapan pa dahil sa kapus kami sa perang pang gastos sa kanya, maging sa mga gamot na kailangan nito ay hirap na si itay na ibigay ang mga iyon sa kanya. Kaya naman, wala kaming nagawa kundi ang umutang sa mga kamag-anakan ng aking ama. Hanggang sa lumaki ito ng lumaki dahil ang akala namin ay maisasalba pa namin ang buhay ng nanay. Ngunit hindi na. Nagising na lamang ako isang araw na umiiyak ang itay habang yakap yakap ako. Noong mga oras na iyon ay alam ko na, alam kong hindi na gagaling pa ang ina. Kaya naman kahit masakit ay tinanggap ko iyon. Matapos ang araw ng libing ni inay ay doon lamang namin nalaman na ang laki laki na pala talaga ng utang namin, lalo na sa tiya Nancy ko, bunsong kapatid ng itay. Nagalit ito dahil alam niya na hindi namin mababayaran ng biglaan ang ganoon kalaking halaga.

Kaya naman pinagsikapan iyon ni itay, nagtatrabaho ito sa umaga ganoon din sa gabi. Para lamang mabayaran kahit paunti-unti ang pinagkakautangan namin na kapatid niya. Mahal na mahal ni itay ang pamilya niya. Lahat ginagawa nito para sa amin ni inay. Ngunit isang araw, nagulat na lamang ako na ang tatay na kilala ko, ay biglang nag-iba na. Nalulong ito sa bisyo, alak at sigarilyo. Hindi na nito halos natutustusan ang pag-aaral ko noon sa eskwelahan. Umaga at gabi wala itong ibang ginawa kundi ang uminom ng uminom at kapag tulog na ito ay iyak lamang ito ng iyak habang binabanggit ang pangalan ng nanay. Awang awa ako sa tatay noon, halos itigil ko na rin ang pag-aaral ko, dahil mas gugustuhin ko na lamang ang magtrabaho para lang may pangkain kami kaysa ang i-asa ang lahat sa kanya.

Dahil sa ayoko na, nakikita ang tatay sa ganoong sitwasyon, kaya naman ang dating pag-uwi ko ng maaga sa bahay galing sa eskwelahan ay halos ginagabi na. Hinihintay ko muna o sinisigurado na wala ito sa bahay bago ako uuwi. Ilang linggo na ganoon ang sitwasyon namin, uuwi lang ako kapag wala na siya o kung hindi naman ay kapag paalis na siya. Hanggang sa isang gabi, ang buong akala ko ay nakaalis na siya ng mga oras na iyon. Dahan dahan akong pumasok ng bahay. Madilim ang paligid dahil sa naputulan na kami ng kuryente at mag-iisang buwan na sa dahilang wala ng pambayad. Ganoon din ang tubig, mabuti na lamang ay mayroong poso sa likod ng bahay kaya't, may napagkukunan parin kami ng tubig na kailangan sa pang araw-araw. Bigla akong nadapa noon, natalisod ako dahil sa isang bagay. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Mabilis na kumuha ako ng kandila at sinindihan ito at ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ang nakahandusay na bangkay ng itay. Malamig na ito at hindi na humihinga. Natulala lamang ako ng mga oras na iyon, hindi ako makasigaw, ni hindi ako makakilos sa pinagtatayuan ko. Mabuti na lamang nga ay pumunta si Bianca sa bahay at doon nalaman niya ang nangyari pati narin ang mga magulang nito. Sinubukan pa nilang isugod ang itay sa hospital ngunit huli na ang lahat.

Nagpakamatay ito gamit ang basag na buti ng iniinom na alak. Ang kawawa kong tatay, marahil hindi na nakayanan nito ang lungkot sa ina kaya niya nagawa iyon.

"Bes?" Saka lamang ako bumalik sa realidad ng marinig ko ang boses ng best friend ko. "Ayos ka lang ba?" May pag-aalala na tanong nito sa akin. "Umiiyak ka na naman eh." At saglit nitong itinabi ang minamanehong kotse sa gilid ng kalsada.

"Bes tahan na.. okay?" Lumapit ito sa akin. Natawa lamang ako ng bahagya para hindi na ito mag-alala pa ng lubusan atsaka mabilis na pinunasan ang kapapatak lamang na luha sa mga mata. "Ayos lang ako bes. Lika ka na." Tinignan ako nito sa mata na para bang hindi kombinsido sa sinasabi ko, ngunit sa huli ay tumango na lamang din ito.

"Sigurado ka ha. Ihahatid na kita pauwi para naman makapagpahinga kana rin. Bes, pagod lang yan." tumango na lamang ako. Ayoko na lamang munang magsalita dahil pakiramdam ko wala na akong lakas pa na ibuka ang mga labi ko. Pinasibad nitong muli ang sasakyan. Napabuntong hininga na lang ako ng muling tumingin sa labas ng bintana.

Nay, tay. Naalala ko na naman ang pagkawala ninyo pareho. Miss na kayo ng unica ija ninyo. Sana kasama ko parin kayo. Napangiti ako ng malungkot sa sarili habang pinipigilan ang nangingilid na namang luha sa mga mata ko.