webnovel

The Beauty Inside My Head

HI, THIS MY FIRST TIME WRITING HERE... AND I HAVE BEEN BEARING THOSE HEAVY THOUGHTS INSIDE MY HEAD AND I GOT TIRED SO... I NOW DECIDED TO WRITE IT DOWN HERE FOR ME TO FEEL WEIGHTLESS. AND HAPPILY I NOW FELT SATISTFIED AND LIGHT. AND PLEASE EXCUSE MY GRAMMATICAL ERROR 'COZ THAT WAS JUST A MATTER OF IMPERFECTION AND I'M STILL WORKING ON IT, SO I'M OPEN OF ANY CORRECTION. XOXO :*

Vi_Na_Morena · Adolescente
Classificações insuficientes
22 Chs

"Tunay Na Pintig"

Oh kay gandang pagmasdan ang maliwanag na kalangitan habang kagandahan mo'y nakasalamin sa aking isipan,

Batid mo bang ikaw ang aking sigla; pagmamahal mo'y aking sandata,

Na kahit minsan tayo'y pinaghihiwalay ng tadhana,

Ngunit matitibay ang kadena ng ating pagmamahalan,

Hindi ko kailangan magsumamo sa kalangitan sapagkat sa ating mundo'y hawak-hawak natin ang oras at paninindigan,

Sa mundong puno ng kagandahan; ako si Adan at ikaw si Eva na kahit tayo'y makasalanan basta't ang mahalaga'y sa sarili nating bakuran,

Dayuhin man tayo ng ipo-ipo; hindi-hinding matatangay ang pangako sa isa't isa'y magkasama hanggang dulo,

Oo, napalibutan man tayo ng islang patay ang pagmamahalan;

Kung saan ang mga tao'y kuntento sa pansamantalang pag-iibigan, walang pake kung sa kahit sino'y makasakit man basta't makamit lang ang pansariling nais.

Subrang nakakainis! mga daing ng ating paligid sa bawat umaga'y walang ibang binibigas sa mga labi kundi ang tunay at tapat na pag-ibig;

Subalit alam ba nila ang  salitang Pag-ibig?

Pag-ibig na kung saan kaya mong makipaglaban alang-alang sa Mga taong iyong iniibig, handang maubos ang sarili na walang Hinihinging kapalit, na kung saan mas pipiliin mong unahin ang Kapakanan ng iba bago ang iyong sarili,

Mga mapapapait na salita sa iyong bibig ay mas pipiliin mong huwag bigkasin sapagkat ayaw mong makadurog ng damdamin,

Oo, maaari ngang pag-ibig ang iyong nadarama ngunit hindi lang ito basta nadama sapagkat ang pag-ibig ay walang hanggan at walang kahit sino mang makakatinag,

Alam kung hindi perpekto ang tao,

Ngunit ang pag-ibig ay perpekto, huwag lang gamitin ng tao sa maling pakikitungo at marupok na pangako,

Kaya sa mundong aking kinatatayuan, ako si Adan at Eva ay kasalukuyang binubuhay ang salitang pag-ibig,

Ito'y aming dinidiligan ng kabutihan, tapat na salita at kilos ng pagmamahal.