webnovel

The Beauty Inside My Head

HI, THIS MY FIRST TIME WRITING HERE... AND I HAVE BEEN BEARING THOSE HEAVY THOUGHTS INSIDE MY HEAD AND I GOT TIRED SO... I NOW DECIDED TO WRITE IT DOWN HERE FOR ME TO FEEL WEIGHTLESS. AND HAPPILY I NOW FELT SATISTFIED AND LIGHT. AND PLEASE EXCUSE MY GRAMMATICAL ERROR 'COZ THAT WAS JUST A MATTER OF IMPERFECTION AND I'M STILL WORKING ON IT, SO I'M OPEN OF ANY CORRECTION. XOXO :*

Vi_Na_Morena · Adolescente
Classificações insuficientes
22 Chs

"Hindi Ko Batid Ang Iyong Paglisan"

Naaalala ko pa nong mga araw na magkasama tayong dalawa,

Ngiti mong tila may mahika at mapupungay mong mga mata na para bang hindi ako makakahinga sa karisma mong dala-dala,

Magkahawak kamay tayong naglalakad sa tabing dagat,

Ngunit ako'y napagud kaya ako'y iyong binuhat,

Dinig ko ang lakas na pag pintig nang iyong puso,

Kasabay ang nagliliyab na aking nararamdaman na tila ba'y nakakapaso,

Ngunit biglang may iba akong nararamdaman,

Mahinahong pagpapatakan ng mumunting butil ng ulan,

Ako'y iyong biglaang ibinaba't binitawan tumakbo ka't sabay sabing tayo'y maghabul-habulan,

Bawat hakbang mo papalayo tila puso ko'y nagdurugo huminto ka't nagtataka,

kitang-kita ko sa iyong mukha ang emosyong kailan may hindi ko gustuhing mabasa,

May kalayuan sa pagitan nating dalawa sumigaw ka't sabing huwag akong magda-drama,

Napikon ako't hinabul rin kita nakakapagud ngunit masaya,

Sa gitna ng ulan tayo'y nagsisigawan salitang "Mahal kita" sa isa't isa'y binitawan,

Subalit lumakas ang ulan,

Kasabay ng malakas na kidlat na siyang dahilan sa pagkahawak kamay ko'y iyong nabitawan,

At dahil sa takot ay ipinikit ko ang aking mga mata,

ngunit dama ko ang bawat paghakbang mong unti-unting papalayo sa akin,

Sa pag mulat ng aking mga mata sa harapan ko'y naglaho kana,

Ngunit sa aking likuran; hindi ko inaasahan sa panandaliang pikit ko'y napadpad kana sa dako ng iba,

Bawat pag patak ng ulan sumabay ang alibugso na aking nararamdaman,

Hindi ko lubos maisip sa simpling pagsubok ako'y iyong nilisan, Mahal mo ba ako ? o masiyadong bulag lang itong puso kong nagmamahal ng subra sa tulad mo?

Manhid ba ang puso't isipan ko upang hindi maisip at maramdaman na sa tuwing magkasama't pagtitig ko sayo'y may iba kang inaalala at hindi ako?

Tanga ba ang tulad ko na kahit ilang beses mo akong pinaliguan ng yelo mainit parin ang pagmamahal ko sa'yo,

Sana'y sa iyong balak na pag lisan sa akin ikaw ay nagpaliwanag man lang,

Nang sa ganoon ay bakasakaling ito'y aking maintindihan.