webnovel

The Beauty Inside My Head

HI, THIS MY FIRST TIME WRITING HERE... AND I HAVE BEEN BEARING THOSE HEAVY THOUGHTS INSIDE MY HEAD AND I GOT TIRED SO... I NOW DECIDED TO WRITE IT DOWN HERE FOR ME TO FEEL WEIGHTLESS. AND HAPPILY I NOW FELT SATISTFIED AND LIGHT. AND PLEASE EXCUSE MY GRAMMATICAL ERROR 'COZ THAT WAS JUST A MATTER OF IMPERFECTION AND I'M STILL WORKING ON IT, SO I'M OPEN OF ANY CORRECTION. XOXO :*

Vi_Na_Morena · Adolescente
Classificações insuficientes
22 Chs

"Hinagpis ng Damdamin"

Sa gabi...

Naka pikit ang aking mga mata habang naka higa sa isang maliit na kama,

Ngunit tila malaki ang distansya sa bawat sulok ng kama,

Maayos ang aking pagkahiga subalit kapos sa paghinga,

Pinakalma ko ang sarili sa ritmo ng ulan na sa bobong ay nagsisipatakan at doon ko ibinaling ang isipan,

Sa umaga...

Naka dilat ang aking mga mata habang naka upo sa dating malaking sofa na ngayon ay tila maliit na,

At napagtanto kong hindi na nakapagtataka Sa iba't ibang mga disenyong aking nakikita,  Dahil ito'y nakasanayan ko na,

Maayos ang aking pagka-upo ngunit medyo may kaba,

Sa pagkakaupo hindi ko alam kung ba't ako'y pinagpawisan kaya ako'y uminom ng tubig, Habang pinagmamasdan ang papatuyung kalangitan,

Ako'y nasasaktan...

Sa mga gabing pinipilit kong ipikit ang aking Mga mata hinihiling kong sana'y katabi't Kayakap kita,

Pinipilit kong lokohin ang sarili sa bawat Sulok ng kama,

Kahit alam kong sa puso mo ako'y naka Distansya na,

Hindi ko mapigilan ang mga alaala at ang pusong magdusa,

Kaya'y pansamantalang pinapamanhid ko ang Puso't isipan,

At hinayaan ang pagdaloy ng ma-sempatya kong mga luha sa aking malamig na mukha,

Napagtanto kong...

Ang dating puso't isipan ko'y naka kandado Sa maling tulad mo,

Ay sa wakas nabuksan ko na,

Oo, hindi na nakakapagtataka sapagkat Ngayo'y naranasan at nalaman ko na,

Ang estilo ng tao'y paiba-iba,

Kaya ngayon ay aking napagtantong hindi ko kailangan ipilit ang sariling magdesinyo sa mata ng taong hindi na attraktibo ang tulad ko,

Malaya kana...

Oo, estrangherong Binibini hindi ko Pinagsisihan ang kahapong iniibig kita ng Subra,

Sapagkat ngayon ay napagtanto kong tama Ka,

Hindi tayo para sa isa't isa dahil ang ibigin Ka'y mismong sarili ko napabayaan ko na.