webnovel

TEA FOR HEART

"Puwede ba tayong magusap?" tanong ni Donatello kay Skylar. Napahinga siya nang malalim at isinara ang pinto ng sasakyan. Pauwi na sana siya nang tawagin nito. Mukhang mainit ang ulo ni Donatello. Salubong ang kilay. Namumula ang mukha. Tiim bagang. Mukhang nagpipigil lang.

"Fine. What is it?" malamig niyang saad.

"What's going on between you and Webster?" tanong nito. Nasa mga mata ang selos at galit.

Huminga ng malalim si Skylar. Kinalma niya ang sarili kahit gusto na niya itong singhalan. "Honestly? There's nothing going on. Kaya sana, huwag mong pagiinitan iyong tao."

Napabuga ito nang hangin. "Then why are you so nice to him? Bakit sa akin? Hindi ka ganoon? Ni minsan, hindi mo ako nilapitan. Mas gusto mo pa siyang kasama kaysa sa akin."

Sumakit ang ulo ni Skylar kay Donatello. Para itong bata. Hindi na tuloy niya alam kung paano ito paliliwanagan. Pagod na nga siya sa trabaho ay kukulitin pa nito.

"Donatello, I'm really sorry. Please, sana ay maintindihan mo na hindi kita gusto. Kinakapatid lang talaga ang turing ko sa'yo. Please, stop acting like this." determinadong pakiusap ni Skylar at sana ay iyon na ang huling kakausapin niya ito.

Bumakas ang matinding panghihinayang at sama ng loob ni Donatello. Parang binagsakan na ito ng langit at sa huli ay nanindigan si Skylar. Umasa siyang darating ang araw na matanggap din nito ang lahat.

Pumasok na siya sa kotse at umuwi. Panay ang buntong hininga niya. Pagdating sa tinitirhan ay nakatanggap siya nang tawag mula sa ama. Pinapapunta siya nito sa mansion para mag-dinner. Sa huli ay pinagbigyan niya ito. Matapos magayos ay nagpunta siya sa mansion.

At napanganga siya nang makitang mayroon itong bisita. Si Webster! Kumabog ang dibdib ni Skylar nang magtama ang kanilang paningin.

OMG. Bakit ganito ang nararamdaman ko kay Webster sa tuwing nakikita siya? tanong ni Skylar sa sarili. Ilang araw nang ganoon ang puso niya rito. Kanina, hindi niya ito nakita sa CSRI at aminadong hinahanap niya ang presensya nito. Magmula talaga nang makita niya ang mga nakakatuwa at lovable sides nito ay nagkakaganoon na siya.

"I owe him a dinner. Siya ang isinama ko kanina sa seminar sa university at nag-share din siya ng experience and thoughts about science." nakangiting paliwanag ni Stephen at tumayo. "Let's go?" aya nito.

Sumunod na sila sa ama. Biglang sumasal ang tibok ng puso ni Skylar habang sabay silang naglalakad ni Webster papuntang kusina. Pagdating doon ay nakahanda na ang hapag. Tahimik silang kumain ng dinner. Patingin-tingin si Skylar kay Webster. Nang mahuli siya nito ay nasamid ang lalaki.

Pinigilang matawa ni Skylar at inabutan ito ng tubig. Gayunman, lihim siyang na-amaze. Obviously, she affects him. Natuwa siya. She felt proud and flattered too.

"Okay ka lang?" nangingiting tanong ni Skylar.

Tumango si Webster. Namumula na naman. Napabungisngis na lang si Skylar.

"You two looked good together." komento ng ama niya.

Nagkadasamid-samid na naman si Webster! Si Skylar naman ay pinamulahan ng mga pisngi. Maang siyang napatingin sa ama na obvious ay pinagpapareha sila. Mukhang naiinip na ito na maging taken siya kaya gumagawa na ng paraan!

"Dad!" natatawang bulalas niya at pinainom ulit ang pobreng lalaki. Kawawa naman ito. Mukhang uubuhin na dahil sa kakasamid.

"I-I'm sorry," nahihiyang hinging paumanhin ni Webster at kinalma na ang sarili.

Mahinang natawa si Stephen at tinapik ang balikat ni Webster. Mukhang naaliw talaga ito sa lalaki. "Eat well." anito at maganang kumain na. He was obviously fond of him. At alam ni Skylar na hindi imposibleng magustuhan ito ng daddy niya.

Tinapos na nila ang pagkain. Nagaya ang daddy niya na mag-tea sandali sa garden. "Dad, baka gabihin na si Webster," aniya.

"It's okay. I love tea." magalang nitong saad.

Lalong lumuwang ang ngiti ng daddy niya. Inakbayan na nito si Webster at nagpunta na sila sa garden. Doon na sila dinalhan ng tea.

"This is four red fruits tea. Combination of cherries, redcurrant, raspberry and strawberries pieces," napapatangong saad ni Webster matapos matikman ang tsa.

Napamaang si Skylar. "Paano mo nalaman?"

"May ganito ako sa bahay. Ako mismo ang gumawa. Amoy pa lang, kilala ko na. And this is my favorite." kiming paliwanag ni Webster.

"Hindi mo naitatanong, iha. He also has a degree in botany. Bago siya naging physicist ay naging botanist siya. He knew everything about plants and living organisms too. Kaya alam niya rin kung ano ang mga halaman na magandang gawing tea. He was accelerated four times. Kaya maaga siyang nakapagtapos. Hindi obvious sa age niya na dalawang kurso ang tinapos niya." proud na saad ni Stephen.

And no wonder Webster catches Stephen's attention. His accomplishments made him a star. Hangang-hanga siya rito. Lalong tumaas ang pagtingin niya.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ni Skylar. Oh, he looked adorable even more! Nakadagdag sa pogi points nito iyon.

"Iho, patikman mo nga ng homemade tea si Skylar." anang daddy niya.

"Yes, sir," kiming saad ni Webster.

And she was excited! Ah, she couldn't wait for that moment. Gusto na niyang tikman ang gawa mismo ni Webster. His effort really matters to her.