webnovel

BEATING LIKE CRAZY AGAIN

"Sino'ng tinitingnan mo?" tanong ni Aida kay Skylar. Kasamahan niya itong botanist at close friend. Magkaedad sila nito. Galing nga lang sila sa magkaibang university. Mabait si Aida kaya agad silang nagkasundo.

Napaigtad si Skylar at agad umiling. Hindi na niya napansing pinapanood na niya si Webster sa lahat ng kilos. Kasalukuyan silang nasa canteen ng CSRI. Sa dami ng trabaho ay hindi na nila nagawang kumain sa labas.

"Wala," pasimple niyang sagot saka kumain. Lihim siyang napabuntong hininga ng hindi matiis na tingnan ulit si Webster. Mag-isa na lang nitong kumakain ngayon sa gilid ng canteen. Obviously ay kumportable naman ito. Mukhang sanay na sa pagiisa. May mga pagkakataong nakikita niya itong kasama si Dr. Theodore Cha-os—isa sa mga mechatronics engineer ng CSRI at ang lalaking iyon ang sa tingin ni Skylar ang pinakamalapit kay Webster.

Na-curious tuloy si Skylar. Ano ba ang nangyari kay Webster? Bakit nito mas pinipiling mag-isa? Ah, gusto tuloy niya itong lapitan at samahan. Sa tingin niya ay walang masama roon. Alam niyang mabuti itong tao. Ewan ba niya. Hindi niya ito kilala ng husto pero ramdam niyang mabuti itong tao.

"Wala raw. Pinapanood mo si Webster. You like him?" usisa ni Aida.

Nagkadasamid-samid si Skylar. Natawa si Aida at agad siyang binigyan ng tubig. Nang mahimasmasan ay bigla siyang nag-blush.

"Oh, my God! You're blushing! You really like him? Kailan pa?" manghang tanong ni Aida.

"Sira! Naku-curious lang ako sa kanya." aniya at ipinaliwanag ang mga nangyari last week hanggang sa ngayon. Wala si Aida ng buong linggo dahil nag-emergency leave. Umuwi ito sa probinsya para bantayan ang inang may sakit.

"D'yan naman 'yan nagsisimula." tukso nito.

Nag-blush ulit si Skylar pero hindi na kumibo. Pinanood na lang ulit niya si Webster hanggang sa napadiretso siya nang upo nang makitang nilapitan ito ni Donatello. Bigla siyang nagalala kaya lumapit din siya.

"You forgot to leave the roving phone," nakasimangot na akusa ni Donatello. Iyon ang naabutan ni Skylar na eksena.

"Wala na sa akin. Na kay Dr. Cha-os na." simpleng sagot ni Webster. Mukhang hindi intimidated pero seryosong nakatingala kay Donatello.

"Wala siya. Hindi ko rin makita. Ano ba naman ito—"

"Hey. Sinabi na ni Webster na wala sa kanya. Ipa-page mo na lang si Dr. Cha-os para malaman niyang hinahanap mo siya." singit ni Skylar.

Agad napaharap si Donatello sa kanya. Napalunok siya nang makitaan ito ng inis at pagkapahiya. Kumibot-kibot ang labi nito pero sa huli ay pinili na lang mag-walk out. Napailing na lang si Skylar.

"I'm sorry about that." hinging paumanhin niya.

Napatanga si Webster hanggang sa pinamulahan ng mukha. Napaangat tuloy ang dalawang kilay ni Skylar. Nagtaka siya dahil kaninang kaharap nito si Donatello ay hindi niya ito kinakitaan ng hiya. Bakit sa kanya? Bigla itong nagkaganoon?

"K-Kumain ka na ba?" natataranta nitong tanong at tumayo. "I-I'll buy you—"

"No. It's okay." awat ni Skylar. Nagpipigil siya ng ngiti. Ano ba 'yan? Bakit siya kinikilig sa nakikitang pagkaturete ni Webster?

"But—"

"Kumain na ako. Sige na. Kumain ka na. Babalikan ko na ang kaibigan ko," aniya at tinuro si Aida na nanonood sa kanila. Ihahanda na talaga niya ang sarili na paliwanagan ito.

"P-Pero bakit ka lumapit?"

Biglang kumabog ang dibdib ni Skylar. Nalito siya kung sasabihin ba ang totoo hanggang sa minabuti niyang maging honest na lang. Ganoon ang pakiramdam ni Skylar kay Webster. She felt she could always be true to him. At kahit maging totoo, sa tingin niya ay hindi siya nito huhusgahan.

"Nagalala ako na dahil sa ginawa ko last week, baka ikaw ang paginitan niya. H-Hindi ka ba niya pinagiinitan?" pigil hiningang paliwanag ni Skylar.

Natigilan si Webster hanggang sa umiling. "No."

Nakahinga ng maluwag si Skylar. "Good. Mabuti naman,"

Nag-blush si Webster. Naaliw tuloy siyang pagmasdan ito. Gusto tuloy niya itong tanungin kung bakit ito nagba-blush pero hindi na niya ginawa. Baka lumubog na ito sa sobrang hiya.

"Okay then. I'll go now." aniya.

"Ihahatid na kita." magalang na alok ni Webster.

Napabungisngis si Skylar. "Sa dulo lang nitong canteen ako nakaupo."

"I don't mind." anito at nagpauna na.

Maang na sinundan ni Skylar nang tingin si Webster. Oh, her heart. It was beating like crazy again. At alam ni Skylar na dahil iyon sa pagiging nice at gentleman nito. Ah, parang ang sarap nitong maging boyfriend.

"Miss Skylar?" tawag nito ng hindi siya sumunod.

Napakurap siya at tumalima na. Pigil ang ngiting naglakad sila hanggang sa makarating kay Aida.

"Thanks," nakangiti niyang saad.

Nag-blush ulit si Webster pero tumango na. Ilang sandali pa ay umalis na ito. Doon siya napabungisngis. Natutuwa talaga siya sa pagba-blush nito dahil sa kanya! Yes! Alam niyang siya ang dahilan kung bakit ito nagba-blush!

"Mukhang may gusto rin sa'yo." natatawang komento ni Aida.

Hindi na sumagot si Skylar pero parang dinuduyan na siya sa saya. Ah, ang sarap sa pakiramdam na malamang ang isang kagaya ni Webster ay hinahangaan siya.

She sighed.