webnovel

Sirviente de sangre I : Playful Destiny

1890. Panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang kanilang lugar ay nahahati sa tatlong linya, ang linya na para sa mga Espanyol, linya para sa mga Indio at ang linya na para sa mga immortal na kung tawagin nila ay mga bampira. Sinasamba ng halos karamihan ang mga bampira mas mataas ang kanilang posisyon noong panahon ng espanyol. Kristala Fulgencio o mas kilalang Tala ay pumasok sa isang Unibersidad na ekslusibo lamang para sa mga babae para sa isang misyon. Yun ay ang makapasok sa palasyo ng mga bampira at makilala ang batang pinuno nito na si Nicolas. Nag-umpisa ang kwento nong inutusan ng isang maestro si Kristala na iabot ang mga papel sa itaas na palapag ng Unibersidad. Doon niya unang nakilala si Nicolas ang sinasabing pinakabatang pinuno ng mga bampira. Namatay ang ama nito sa kamay ng mga indio at siya agad ang pinalit. Dahil kung walang pinuno ang mga bampira ang kanilang lahi ay manghihina. Nag-umpisa sa salitang “Binabati kita, ginalit mo ako” at si Kristala ay nagging isang sirviente de sangre. Isang Blood servant. Tagapagbigay ng dugo sa mga bampira dahil hindi sila mabubuhay ng matagal kung tanging dugo lamang ng mga hayop ang kanilang iinumin. Sa pagpasok ni Kristala sa palacio de vampiro ay marami siyang natuklasan tungkol sa mga bampira. Kumakain pala ito na parang isang tao. May mga bata at pamilya. Nasusugatan din at nanghihina at higit sa lahat marunong din pala silang umibig. Ayon sa mga babaylan at mangbabasa ng kapalaran si Tala ang rason ng panghihina ni Nicolas. Ayon din sa isang matanda, iibig si Kristala sa isang bampira ngunit hindi sa panahong ito uusbong ang kanilang pag-iibigan.

TryAgainError · História
Classificações insuficientes
3 Chs

Simula :

Binabati kita.

SIMULA : Binabati kita

  Mil ochocientos noventa 

Era Española 

Ang hirap pala gawin ang mga bagay na labag sa iyong kalooban. Para kang nakakulong at hindi malaman kung kailan makakalaya. Gusto mong takasan nalang ang responsibilidad mo pero hindi mo magawa, dahil kinakailangan. Maraming umaasa at nag-aantay sayo.

"Kinagat niya ang aking leeg." napalingon ako sa mga kababaihang nag-uusap-usap, ako'y napapailing nalamang. Hindi ako makapagsulat ng maayos sa aking kwaderno dahil sa kanila.

"Napakasarap sa pakiramdam." napapikit ako ng mariin habang pinapakinggan ang mga malalandi nilang boses at mga tawa

"Buenos días estudiantes" Good morning students. Naramdaman ko ang pagkataranta nila nong pumasok na ang aming maestra. Sabay-sabay kaming nagsitayuan upang magbigay ng galang.

"Comencemos nuestra lección de hoy" Let's start our lesson today. Napatingin naman ako sa mga kagamitan ko. Hindi ko na kayang umatras. Ito na ang simula, bilang isang mag-aaral sa Unibersidad para Mujeres. Isang paaralan na ekslusibo lamang para sa mga kababaihan na may dugong kastila.

"Si profesora" Yes teacher. Sabay-sabay naming pagsagot sa aming maestra. Ngayon ang umpisa ng pagtuturo sa amin tungkol sa mga gawaing pantahanan. Napakadali lang nito sa akin, dahil nong ako'y maliit pa lamang ay sinasanay na ako ng aking ina sa lahat ng gawaing pangtahanan.

"Eso es todo por hoy" That's all for today. Agad kong isinara ang aking kwaderno. Makakauwi ako ng maaga sa aking dormitoryo ngayon. Tumili ang lahat nong nakalabas na ang aming maestra at bumalik sila sa kani-kanilang pinag-uusapan. Wala pa akong naging kaibigan ngayon, pero hindi ako malungkot. Mas mabuting mag-isa lang ako. Mas mapapadali ang buhay ko kung mag-isa lang ako.

"Napakasarap ng kanyang labi sa aking leeg." napatingin ako ulit sa kanila sandali, hindi ko mahanap ang dahilan kung bakit sila natutuwa sa mga ganoong usapan. Ni wala silang nararamdamang takot. Nong naiayos ko na ang aking mga gamit ay agad na akong lumakad palabas.

"Alumna!"Student! Agad akong napalingon sa aking likuran dahil sa sigaw na aking narinig. Napakunot ang noo ko isang maestro na tumatakbo palapit sa akin.

"Maaari mo bang ihatid ang mga papel na ito sa taas?" agad niyang tanong at inabot sa akin ang mga papel.

"May pupuntahan pa ako. At kailangan na kailangan ako doon. Maari ba?" masiyadong maaga pa naman. Tinanggap ko ang mga papel.

"Maraming salamat hija. Ibigay mo lamang ang mga papel na iyan sa mga prayle." napatango tango ako at lumakad na siya palayo sa akin. Napatingin ako sa mga papel. Bago lumakad at umakyat pataas. Pagkarating ko sa taas ay wala akong makitang mga prayle.

"Hay alguien aquí?" Anyone here? Napakunot ang noo ko, napakatahimik sa pasilyong ito. Bakit ba hindi ko naitanong iyon sa maestro kanina kung anogn silid. Dahan-dahan kong binuksan ang unang pinto.

Agad akong napakunot ng noo dahil sa malangsang amoy. Muntik pa akong masuka. Agad kong tinakpan ang aking ilong at tumakbo palabas. Isinara ko na din agad ang pinto. Anong klaseng silid iyon? Binuksan ko ang isang silid, may naririnig akong tumutugtog ng banduria. Tuluyan akong pumasok pero tahimik din ang silid na ito. Natigilan naman ako nong may naapakan ako, dahan-dahan akong napatingin, agad akong napasigaw

"Oh Dios!" kasabay ng pagsigaw ko ay nawala ang tunog ng banduria. Nanghina ang buong katawan ko, isa sa rason bakit nabitawan ko lahat ng mga papel na hawak ko. May patay na prayle dito sa loob at naapakan ko ang kanyang kamay. Parang naubusan siya ng dugo sa kanyang katawan.

"Otra comida" Other food. Natigilan ako dahil sa boses na iyon, dahan-dahan akong lumingon sa harapan, nanlaki ang mga mata ko dahil sa kulay pulang mga matang nakikita ko ngayon. Agad akong humakbang paatras, maling silid ang napasukan ko.

"Puedo oler tu sangre desde aqui." I can smell your blood from here. Napalunok ako, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, ang totoo niyan ay kaunti lang ang alam ko sa lenggwahe nila dito na mas lalong nagpapakaba sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mga sinasabi niya ngayon. Bigla siyang tumayo at ngumiti. Para akong naging yelo sa kinatatayuan ko lalo na nong nakita kong lumabas ang kanyang mga pangil.

"Wag kang mag-alala buhay pa si Padre Mateo" natatawa niyang sabi, paano niya nagagawang makatawa ng ganyan?

"Paumanhin. Hindi ko sinasadyang kayo'y gambalahin." agad kong sabi at agad na akong tumalikod.

"Gusto mo ding makuha ang aking atensyon?" napatulala ako sandali sa pinto dahil sa tanong niya. Agad kong binuksan ang pinto at napatakbo ako palabas, may bampira!

Napasigaw ako nong may malamig na kamay akong naramdaman sa balikat ko, rason na napatigil din ako sa pagtakbo.

"Wala pang may mapangahas na tumakbo sa presensya ko!" napalunok ako.

"Nadie se atrevió a huir de mi!" nobody dared to run away from me! Nanlaki ang mga mata ko. Sobrang bilis niya, nahabol niya ako agad. Tumakbo ako ulit ng mas mabilis hanggang sa mapadpad ako sa balkonahe. Nawalan ako bigla ng balanse, rason para matumba ako. Nakakainis itong kasuotan namin! Ikakapahamak ko pa! May biglang humila sa akin paharap at napahiga ako ng tuluyan, nasa ibabaw na siya sakin.

"Isa ba ito sa iyong paraan para ako'y akitin magandang binibini"

"Hi...hindi!" agad kong sigaw, napahawak ako sa may dibdib niya at sinubukang itulak siya pero hindi ko magawa. Parang hindi manlang siya tinatablan. Bigla niyang hinila ang mga kamay ko at inaamoy ang pulso ko

"Hindi masama ang lasa ng dugo mo." napalunok ako. Napasinghap ako nong dinilaan niya ang pulso ko

"Pakawalan mo ako!" sigaw ko, hindi ko napigilan ang sarili ko na duraan ang mukha niya. Binitawan niya ang kamay ko at sinalubong ang mga mata ko. Ang mga kulay na iyan. Kasing kulay ng dugo na unti-unti akong binabalik sa aking nakaraan.

"Binabati kita." natatawa niyang sabi sabay haplos sa pisngi mo

"Ginalit mo ako." sobrang bilis at sobrang lakas na ng tibok ng puso ko.

--