webnovel

Sirviente de sangre I : Playful Destiny

1890. Panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang kanilang lugar ay nahahati sa tatlong linya, ang linya na para sa mga Espanyol, linya para sa mga Indio at ang linya na para sa mga immortal na kung tawagin nila ay mga bampira. Sinasamba ng halos karamihan ang mga bampira mas mataas ang kanilang posisyon noong panahon ng espanyol. Kristala Fulgencio o mas kilalang Tala ay pumasok sa isang Unibersidad na ekslusibo lamang para sa mga babae para sa isang misyon. Yun ay ang makapasok sa palasyo ng mga bampira at makilala ang batang pinuno nito na si Nicolas. Nag-umpisa ang kwento nong inutusan ng isang maestro si Kristala na iabot ang mga papel sa itaas na palapag ng Unibersidad. Doon niya unang nakilala si Nicolas ang sinasabing pinakabatang pinuno ng mga bampira. Namatay ang ama nito sa kamay ng mga indio at siya agad ang pinalit. Dahil kung walang pinuno ang mga bampira ang kanilang lahi ay manghihina. Nag-umpisa sa salitang “Binabati kita, ginalit mo ako” at si Kristala ay nagging isang sirviente de sangre. Isang Blood servant. Tagapagbigay ng dugo sa mga bampira dahil hindi sila mabubuhay ng matagal kung tanging dugo lamang ng mga hayop ang kanilang iinumin. Sa pagpasok ni Kristala sa palacio de vampiro ay marami siyang natuklasan tungkol sa mga bampira. Kumakain pala ito na parang isang tao. May mga bata at pamilya. Nasusugatan din at nanghihina at higit sa lahat marunong din pala silang umibig. Ayon sa mga babaylan at mangbabasa ng kapalaran si Tala ang rason ng panghihina ni Nicolas. Ayon din sa isang matanda, iibig si Kristala sa isang bampira ngunit hindi sa panahong ito uusbong ang kanilang pag-iibigan.

TryAgainError · History
Not enough ratings
3 Chs

KABANATA I

Servedora.

Universidad para Mujeres 

Ang aming lugar ay nahahati sa tatlong linya at sa dalawang dugo. Mga linyang naghahati sa mga Indio,  Espanyol at sa mga Imortal. Dugo ng mga tao at dugo ng mga Bampira. Gayunpaman, hindi pa napapatunayan kung may mga dugo ba talaga ang mga bampira. Kung nasusugatan din ba sila, nasasaktan o marunong din ba sila magmahal. Hindi namin alam kung saan sila nagmula, ang alam ko lang ay ang kwento ng pagsakop ng mga espanyol sa bansang ito, hindi rin namin alam kung bakit naging magkaibigan ang mga prayle at mga bampira.

Tinatawag din naming mga señorita at señorito ang mga bampira. Sa totoo nga niyan mas mataas ang posisyon sa lahat ng estado dito sa lugar namin. Maliban sa mga prayle at mga espanyol ay isa sila sa mga naghahari. Nagtayo sila ng mga paaralan na tanging may mga kaya at may mga dugong espanyol lamang ang makakapag-aral.

"Ikaw ba ang babaeng sumampal kay Señorito Nicolas?" napatingin ako sa mga babaeng biglang lumapit sa akin. Hindi ko kilala ang Señorito na binabanggit nila, pero kanina ko pa napapansin ang mga bulung-bulungan nila. Bago palang ako dito sa lugar, nong isang linggo lang ako nakarating at nakapag-ayos ng gamit sa dormitoryo.

"Wala kang karapatan para siya ay sampalin!" nabigla ako sa pagsigaw nong isa pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagsampal niya sa akin. Agad akong napahawak sa pisngi ko.

"Karapat dapat lang saiyo iyan. Wala kang karapatan na bastusin ang Señorito." wala akong naalala na may binastos ako. Nanahimik lamang ako dito sa loob ng silid at hinihintay ang aming maestra. Bigla akong hinawakan ng isa sa braso at sapilitang hinila ako patayo.

"Ginalit mo ang aming Señorito!" hindi ko sila maintindihan at bakit sila nagkakaganito. Hindi ko mapigilang mapaungol sa sakit nong bigla nila akong itinulak, sumakit ang balakang ko sa ginawa nila. Napabuntong hininga ako. Napasigaw naman ako nong may humila ng buhok ko, agad akong napahawak sa kamay na nasa buhok ko

"Tigilan niyo ako!" sigaw ko

"Wala akong alam sa mga paratang niyo!" dagdag ko pa pero tatlo na silang sinabunutan ako

"Kailanman ay wala kang karapatang ilapat yang madudumi mong kamay sa pisngi ng aming Señorito!" tapos itinulak nila ako ulit.

"Lalo na't may dugo ka pa ng mga indio!" Napapikit nalang ako ng mariin at hinihiling na sana dumating na ang aming maestra.

"Detente las tres" Stop you three. Nabalutan naman bigla ng lamig at katahimikan ang buong silid dahil sa boses na yun.

"Señorito Nicolas" lahat ay biglang yumuko, napatingin ako sa lalaking biglang pumasok. Napatulala ako sandali. At may biglang isang boses ang narinig at naalala ko.

"Binabati kita...ginalit mo ako"

Ang bampira na yon, siya ang tinutukoy nilang Señorito Nicolas? siya ang palaging laman ng mga usapan? ang halos respetuhin at sambahin na parang diyos dito ng mga kababaihan? Hindi ko maintindihan, bakit rerespetuhin nila ang mga bampirang ito. Pinilit kong makatayo kahit sobrang bigat ng katawan ko

"Ako na ang bahalang magparusa sa kanya. Hindi niyo na kailangan akong gantihan pa." nakangiti niyang sabi. Napairap naman ako nong napansin kong kinilig sila. Oo inaamin ko, talagang masasabi mong napaka-anghel ng mga mukha nila. Pero masasama sila.

"Ikaw." bigla niya akong itinuro at sinenyasan na lumapit.

"Lumapit ka." napalunok ako. Dahan-dahan akong kumilos at lumakad palapit sa kanya. Napasinghap ako sa gulat nong hinawakan niya ang pulso ko. Napakalamig ng kamay niya. Napatingin ako sa kanya bigla aiyang ngumisi at hinila ako pasabay sa kanya sa paglalakad.

"Bitawan mo ako!" agad kong sigaw

"Tumahimik ka tao." rinig kong sabi niya, pero nagpupumiglas ako, sobrang lamig niya. Sa sobrang lamig parang mapapaso ako.

"Bitawan mo ako!" wala talaga silang respeto kaya bakit sila nagagawang bigyan ng respeto ng mga tao dito.

"Saan mo ako dadalhin?!" sana ay hindi dito nagtatapos ang buhay ko. Dahil may mga kailangan pa akong gawin at tapusin. Muntik akong mawalan ng balanse nong umakyat kami ng hagdan. Sobrang bilis niyang maglakad. Binitawan lamang niya ako nong nakadating na kami sa ikalawang palapag.

Napangiwi ako at hinawakan ang pulso ko, namula ito dahil sa sobrang higpit ng pagkahawak niya, bigla niyang hinawi ang buhok ko sa leeg at hinaplos bigla ako doon. Agad kong hinawi ang kamay niya.

"No está tan mal para ser mi sirviente de sangre" not too bad to be my blood servant. Agad kong tinakpan ang leeg ko gamit ang kamay ko. Pero hinablot niya ito.

"Anong gagawin mo?!"

"Para sa isang binibini. napakaingay mo." hindi ko kailangang matakot. Ginusto ko ito. Kaya tatapusin ko. Napapikit ako nong bigla niyang inamoy ang leeg ko.

"Uhaw ako ngayon. Pero kailangan muna kitang markahan." napadilat ako dahil sa sinabi niya. pahina ng pahina ang puso at katawan ko sa ginagawa niya.

"Wa-wag." bulong ko binitawan niya ang kamay ko agad naman akong napahawak sa may dibdib niya. Gusto ko siyang itulak pero nanghihina ako. Iba pa din talaga ang mga presensya nila sa mga tao.

"Hmmm.." natigilan ako nong naramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko. Ayokong maging katapusan na ang araw na ito para sakin. Napakagat labi ako nong naramdaman kong sinisipsip niya ako doon.

"desde este día serás mi siervo de sangre" from this day you will be my blood servant. at tumayo siya ng maayos sa harapan ko pinigilan ko naman ang sarili kong matumba. Dahil nanghina ang nga tuhod ko sa ginawa niya

"Hindi kita maintindihan."

"Simula ngayon, ang dugo mo ay iaalay mo sa akin." napatulala ako sa sinabi niya. Agad akong napatitig sa mga mata niyang kanina ay kulay kayumanggi ngayon ay kulay pula na.

"Dugo mo lang ang hahanap-hanapin ko simula ngayon." Hindi ako makapaniwala.

"Ayoko pang mamatay." hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin yun, bigla siyang tumawa at napailing iling

"Wag kang mag-aalala hindi kita hahayaang mamatay." ano ba talaga ang plano niya.

"Simula ngayon alipin na kita. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang sundin ako at ang ibigay ang dugo mo sa akin pag nauuhaw ako." napailing iling ako. hindi na ako makapagsalita. Bigla niyang hinaplos ang leeg ko

"Ang markang ito ang magpapaalam sa lahat na isa ka na ngayong alipin ko." hindi ako makapaniwala.

"Hindi!" sigaw ko at hinawi ulit ang kamay niya, tatakbo na sana nong yumakap siya sa akin patalikod.

"Hindi ka na makakatakbo. Kahit saan kaman magtago ngayon, maaamoy pa din kita at mahahanap." bulong niya sa tenga ko. Imposibleng makatakbo ako ngayon palayo sa kanya, kilala sila bilang mabibilis at malalakas na nilalang. Napapikit ako ng mariin nong humigpit ang yakap niya, naparang may plano siyang baliin ako.

"Ito ang kapalit sa pagsampal mo sakin." muntik akong mawalan ng balanse nong umiwas siya sa yakap niya. Sa sobrang bilis niyang napunta sa harapan ko hindi ko na maproseso sa aking utak kung paano niya nagawang kumilos ng ganoon kabilis. Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kanya.

"Ser una buena sirvienta de sangre"