webnovel

Sinuous (Filipino)

She was a victim of a sabotage before that 'causes her heart to have trust issues. After recovering, she decided to return to her old school for the reason that she want them to see her new self. But after a few months, she found peace in her heart. She thought that her life will flow normally, untill someone will give it an intense and thrill that might twist their fate.

Ijverig · Adolescente
Classificações insuficientes
16 Chs

Chapter 3: That Past

Isha's POV

"Isha, kalma lang. Maupo ka muna. " Sinunod ko ang utos ni uncle Chan. "Alam mo, Isha... Bumili ka na lang ng bagong ear pods. "

"Madali lang naman pong bumili eh. Pero kasi... Espesyal sa akin ang ear pod na 'yon. " Giit ko.

"Ano nama'ng kaibahan n'on sa ibang ear pods? Eh luma na nga 'yon! " Sabat ni gago.

"Kinakausap ba kita? Saka ka na sumabat kapag nagdasal kami! " Singhal ko sa kaniya.

"OA! " Buntong hinga niya.

"Ano?! Ulitin mo nga! " Sigaw ko.

"Wala... " Sagot niya. "Tapos ka nang magsumbong? "

"Tse! Tumahimik ka! " Bulyaw ko. Humarap ako kay uncle Chan, "basta po... Uncle! Dapat bigyan niyo po siya ng detention! "

"Ano'ng detention?! " Umalma si gago sa sinabi ko. "Aba! Hindi pwedi 'yon, dean. Ako na nga nabugbog ako pa may dentention! "

"Hoy! You desereved it! " —Isha.

"Unfair! Hindi ko sinadyang masira ang gamit mo. Pero suntok agad ang inabot ko! " —gago.

"Eh gago ka pala! Ayaw mong mabugbog sana nag-ingat ka! Importanti sa akin ang gamit na 'yon! " —Isha.

"Nanghingi na ako ng sorry, ano pa ba'ng gusto mo? " —gago.

"DETENTION! " Malakas na sigaw ko sa kaniya.

"Uncle, bigyan niyo to ng DETENTION! "

"Aba! Dean mali 'yon! " Reklamo ni gago. "Hindi porket uncle tawag niya sayo ay susundi—"

"KUMALMA MUNA KAYO PWEDIIII!? " Sigaw ni uncle. "PARA KAYONG ASO'T PUSA EH! "

Natahimik kaming dalawa sa sinabi ni uncle. Namumula na siya sa galit ngayon. Ilang segundo pa ay huminga siya ng mamalim at yumuko.

"Uncle chan? " Mahina kong tawag sa kaniya. Nakapikit siya ngayon, halatang nagpipigil.

"BAKIT?! " Umigting ang tainga ko sa sagot niya.

"G-galit p-po b-ba k-kayo? " Kinakabahan kong tanong sa kaniya.

"HINDI! " Sagot niya.

"T-talaga po? " —Isha.

"Oo nga! " Sagot ni uncle.

"S-sige... Sabi niyo eh. " Tumahinik na lang ako.

Pagkuway tumayo si gago.

"Dean, may practice pa po ako. " Pagpaalam niya.

"Saan ka pupunta? " Tanong ko sa kaniya. "Hindi pa tayo tapos! "

"Tsk! Kung may reklamo ka sa'kin, abogado ko ang kausapin mo. " Pagkatapos ay tumalikod siya't lumabas sa office.

"Hmp! Sarap talagang katayin! " Pabulong kong saad. Ang yabang ng potspa! Maypa-abogado abogado pa!

"Sorry po, dean. "

"Ayos lang... Nako! ISHA KARISHMA! Sana'y hindi na mauulit 'to. " Dakdak sa'kin ni uncle Chan. "Baka maging suki kita rito. "

"Nahhhh... Masanay na po kayo. " Wika ko. Napakamot si uncle sa ulo niyang kalbo.

Kinumusta pa ako ni uncle tungkol sa bakasyon ko kaya medyo natagalan ako sa office niya. Hindi ko talaga kadugo si uncle Chan. Close lang sila ng pamilya ko.

"Nanay! " Tawag ko sa isang katulong ko. Kakarating ko palang galing sa paaralan.

"Isha! Nandito ako! " Sigaw niya mula sa kusina.

"Ano po ba'ng inaasikaso niyo? " Tanong ko sa kaniya.

"Nagluto ako ng adobong manok! " Masigla niyang sagot.

"Gawin niyong masarap ah! " Panunuyo ko.

"Oh sure! Ikaw pa! " Sagot niya.

"Sige po magbibihis lang po ako. " Paalam ko sa kaniya at umakyat ako patungong kwarto.

Nasa isang subdivision ang bahay na tinitirahan ko. May tatlong kwarto lang, at hindi gaano kalaki.

Black high-waist short and big t-shirt ang isunoot ko ngayon. "Na—ayyysshhh! " Ngayon ko lang naalala na kinuha pala ni Legrand ang pantali ko sa buhok kanina. Bakla talaga 'yon. Minsan ang hair clip ko eh!

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali kong hinanap ito. Speaking of bakla na hindi Pa nagka-jowa. Hmmnnn... Bakit tumawag to?

"Hello! Legrand? " Sagot ko sa tumawag sa kaniya. "Napatawag? "

"Hinahanap ka na nila. Kailan ka raw magpapakita? " Tanong niya.

"Ayyshh! Next time na! Pagod ako ngayon. " Sagot ko

"Palibhasa kasi may kinaladkad ka na naman kanina sa office ni tito. " Ayan na... Mukhang maglilitanya na naman siya.

"Ops! Sige na... Iba-baba ko na 'to. Kakain muna ako. " Saad ko sa kaniya.

"OK. Magpakita ka na lang dito kung kailan mo gusto. Sa dating lugar pa rin." Paalala niya.

"Noted! Bye... " Saka ko in-end ang call.

Miss ko na rin tropa ko d'on pero kakain muna ako sa ngayon. Bumaba ako't nagtungo sa kusina. Saktong-sakto, dahil naghanda na si nanay. Bata pa lang ako ay si nanay na ang nag-alaga sa akin.

"Isha, kumusta ang unang pasok mo sa eskwela? " Tanong niya.

Ninanamnam ko na ngayon ang luto niya, "a-ayos lang po. "

"Sigurado ka ba? " Usisa niya.

"Opo. Kahit... May nakaaway ako. " Mahina kong sagot.

"Sinasabi ko na nga ba eh... " Tugon ni nanay.

"Kasi po... Hindi ko mapigilan. " Depensa ko. Pagdating talaga kaya nanay nag-guilty ako sa mga ginagawa ko. "Sorry po, nanay. "

"Ano ka ba... Ayos lang. Hindi naman kita masi-sisi. " Lumapit siya sa'kin at hinaplos ang buhok ko. "Ibang-iba ka na sa dalawang taong Isha na inaalagaan ko noon. "

Kahit hindi sabihin ni nanay, alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Pero sana, Isha... H'wag mong kalimutan kong saan ka nanggaling. Alam kong napalaki kita nang maayos. " Dagdag niya.

Hindi ko na napigilan pa. Yinakap ko si nanay at umiyak sa bisig niya. "P-pasensya na po. K-kung n-nagbago man a-ako. "

"Shhhhhh... Naiintindihan kita. Natural lang na magbabago tayo kung ayaw na natin. Lalo na kapag masyado na tayong nasasaktan. Pero... Isha... " kumalas ako sa pagkayakap niya't hinarap siya. Pinahid niya ang mga luha ko. "H'wag kang sumubra. Mabait ka, tandaan mo 'yan. "

Tumango ako, "o-opo. T-tandaan ko po 'yan. "

Pakiramdam ko'y lahat ng tapang ko ay nawala. Ilang ulit kong sinasabi sa aking sarili na hindi ako magtatanim ng galit pero... 'Di ko talaga maiwasan. Ang laki na nang pinagkaiba ko.

Sino ba kasing hindi magbabago kung biktima ka nang kasinungalingan noon? Kung trinaydor ka ng akala mo kaibigan mong tunay, 'yon pala pagbagsak mo lang ang hinihintay.

Potspa! Isa 'yong bangungut sa buhay ko. Ayuko nang mauulit muli 'yon! Sawang sawa na akong umiyak sa mga taong ahas! Sawa na akong magpa-api, kung pwedi namang lumaban. LINDSY HAUGHES! Pinagsisihan ko talagang nakilala kita!