webnovel

Sinuous (Filipino)

She was a victim of a sabotage before that 'causes her heart to have trust issues. After recovering, she decided to return to her old school for the reason that she want them to see her new self. But after a few months, she found peace in her heart. She thought that her life will flow normally, untill someone will give it an intense and thrill that might twist their fate.

Ijverig · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 4: Flashback

Isha's POV

"Yuck! Ang pangit mo! "

"Ewww! Kadiri naman nitong buhok mo! Hindi ba uso ang suklay sa inyo? Tsk! Pulubi ka

kasi! "

"Alam mo, ikaw? Sayang ka eh... Matalino ka nga, madungis naman! "

Nakatitig lang ako sa tatlong babaeng nangungutya sa akin. Hanggang kailan ba nila ako titigilan? Nakadikit na ang likuran ko sa wall. Nanginginig man ang aking mga kamay ay minabuti ko paring higpitan ang paghawak sa mga librong bitbit ko.

"A-ano b-ba a-ang k-kailangan n-niyo? " Kinakabahan talaga ako sa t'wing nakikita silang ganito.

"Hahaha! Kinakabahan ka ba pangit? Well, gigil na gigil ako sa'yo. " Napangiwi ako sa sakit na kurot ni Moneth sa'king pisngi. "Ang gaspang naman ng mukha mo. " Komento niya.

"Sabihin mo na ang kailangan mo girl! Nasusuka na ako sa hitsura niya eh! " Reklamo ng isa pang kasama niya.

"Witch, listen! Stay away from Legrand! Ayukong magkapalit kayo ng mukha! Ang pangit mo, yuck! " Dikta ni Moneth.

"P-pero m-magkaibigan l-lang k-kami. " Paliwanag ko.

"Shut up! Magkaibigan kayo? Lier! Ang sabihin mo kaya ka pinakisasamahan ni Legrand dahil ginayuma mo siya! Witch! " Singhal ni Moneth.

"Aray! " Nasapo ko ang aking pisngi dahil sa sakit ng sampal niya.

"Hahaha! Ano? Masakit? Hindi lang 'yan ang aabutin mo kapag hindi ka lumayo sa kaniya! " Pananakot niya.

Nanatili parin akong lutang at tulala sa kabila ng lahat. Wala akong magawa kundi ang tanggapin lahat ng sinasabi nila. Kung gusto ko nang katiwasayan ay dapat sundin ko sila.

"At mas lalong hindi lang sampal ang makukuha niyo kapag hindi kayo lumayo sa kaniya! " Gulat silang lumingon sa likuran.

"L-lindsy! " Sabay sabay nilang banggit.

Si Lindsy ang babaeng kinatatakutan ng lahat sa campus namin. Siya kasi ang SSC president namin.

"Hello, dear... How are you? " Marahang naglakad si Lindsy sa kinatatayuan namin.

"I-i'm fine! " Sagot ni Moneth.

Tumingin si Lindsy sa dalawang nakayukong kasama ni Moneth. "Bakit nandito pa kayo? Hinihintay niyo ba talaga ang detention slip? "

Nanlaki ang mga mata ng dalawa at napailing-iling sa tanong ni Lindsy, "h-hindi. A-aalis na kami. " Pagkuway iniwan nilang mag-isa si Moneth.

"Ikaw? Gusto mo? " Sarkastikong tanong ni Lindsy sa kaniya.

"Ahmm... Nope! Bye! " At agad siyang naglakad palayo.

"Are you okay? " Tanong niya sa'kin. Ilang beses akong kumukurap habang tinitingnan ang mukha niya.

Grabeh! Ang ganda niya! Siya ang raining miss campus sa paaralan namin. Hindi nito maipagkaila na may dugong American siya dahil sa maputing balat, matangos na ilong at blue eyes. Dagdag rin sa mala-dyosang kagandahan ni Lindsy ang white linen wavy hair niya.

"H-hey! Are you okay? Namumutla ka na... " Marahan siyang tumawa.

Lumunok ako bago sumagot, "ah... O-oo. A-ayos lang... Ako " Nakakahiya naman. "Ahm... Aalis na ako. " Saka ko siya linagpasan.

"Hey! Wait! " Narinig kong sigaw niya pero hindi ko siya pinansin. Ayshhh! H'wag mo akong sundan... Mas binilisan ko pa ang aking paglalakad.

"Miss! Wait! " Nakasunod parin siya sa'kin.

Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanti. Hindi ko siya nilingon upang hindi masyadong halata na ako ang tinatawag niya. Nakarating ako sa hagdanan patungo sa library. Humugot ako ng hangin at tinakbo paakyat ang hagdan. Hinihingal pa akong umabot sa third floor.

"Miss...? Nasa itaas ka ba? " Umalingawngaw ang boses ni Lindsy mula sa baba.

Hayssttt! Di-deritso na sana ako sa library kaso alam kong alam niya na r'on din ako pupunta. Napalingon ako sa bandang kanan kung saan may isang room na naiwang bukas ang exit door. Dali-dali akong pumasok sa room na y'on at ini-lock ang pinto.

Nakatago ako sa pinto nang marinig ko ang paghingal niya sa third floor. Tinanong niya ang isang librarian kung nakita ba ako nito. Salamat at hindi ako napansin ng librarian. Nararamdaman kung ilang segundo pa siyang nanatili sa third floor bago umalis.

Nakahinga ako nang malalim paglabas ko dahil wala na siya. Hayst! Kagaya ni Legrand, sikat sa campus si Lindsy kaya wala akong karapatan na kausapin sila. Nakapa ko ang aking cellphone sa bulsa dahil nag-vibrate ito.

From: Legrand

'Nasaan ka na? Nandito na ako sa canteen, sabay tayo mag lunch. I'll wait you here. '

Napa-sigh ako sa nabasa ko.

To: Legrand.

'Sorry. Tatapusin ko pa assignments

ko. '

Tapos pinindot ka ang send botton. Ang hirap talaga ng kalagayan ko. Nakalumbaba ang aking mga balikat nang pumasok ako sa library.

"Oh? Villareal, ikaw pala 'yan. Anong nangyari sa'yo? Namumutla ka na. " Bungad sa'kin ni ma'am Abad.

"Ahhh... W-wala po. A-ayos l-lang po ako. " Sagot ko.

Umupo ako sa pinakasulok na bahagi ng library para kung may pumasok man ay 'di ako mapapansin.

Yup! This is my life. Hinarang ko ang librong binabasa ko sa aking mukha. At dito na dahan dahang tumulo ang aking mga luha.

Lord? Grabe naman... Pati ba si Legrand kailangan kong layuan maging payapa lang ang buhay ko? Siya nga lang kaisa-isa kong kaibigan eh...

Bakit gan'on? Pinaparusahan niyo ba ako? Pero bakit? Wala naman akong malaking kasalanan ah. Mabuti naman akong anak. Ano ba'ng mali sa'kin? Sorry. Hindi dapat kita tinatanong kaso 'di ko mapigilan. Hanggang saan pa ba 'to?

Nailapag ko ang libro at pasimpling pinahid ang aking mga luha. Gan'on naman talaga pagkatapos mong umiyak, mahihimbing ka sa tulog.

Pagising ko saktong uwian na. Wala akong paki sa mga nakaligtaan kong subjects kaya kong habulin 'yon.

Bumaba na ako mula sa library. Ako na lang mag-isa ang naglalakad sa hallway. Sa kabutihang palad ay nakauwi ako sa'min nang matiwasay.

"Gotcha! "

"Ay butiki! " Napahawak ako sa aking puso dahil sa gulat.

"Grabe ka naman... Sa ganda kong 'to? Butiki sinabi mo? Nakaka-hurt ka ah! " Reklamo ni Lindsy. "Pero ayos lang! Ang importanti nakita kita. Bakit mo ba ako tinakasan kahapon? "

"L-lindsy? A-ano ba a-ang k-kailangan mo? " Tanong ko sa kaniya. Hindi ako sanay na may nakikipag-usap sa akin kaya naiilang ako ngayon.

"Hmnnn... Since, you owe me one. Ilibre mo ako ng lunch. " Kumindat pa siya sa akin pagkasabi n'on.

"H-hah? " Napanganga ako sa sinabi niya. "S-sigurado ka? "

"Yup! Libre mo! Hehehe! I forgot my wallet kasi... Tinatamad din akong kunin sa room. " Palusot ni Lindsy.

"P-pero... B-baka magka-issue ka sa pagsama sa akin... " Alinlangan ko. "A-alam mo na... "

"Hays... Ano ka ba! " Lumapit si Lindsy sa'kin at inakbayan ako. "Sige na... Gutom na ako eh... Please... Libre mo ko... "

Bumuntong hininga ako, "o-ok. S-sige. "

"Yes! Let's go! " Talagang hinila niya pa ako papunta sa canteen.

Simula n'on mas nagkalapit pa kami ni Lindsy. She help me to build my confidence. Hindi ako nagrereport noon dahil takot akong mabully ng mga kaklasi ko. Bukod kasi sa utal-utal akong magsalita ay may problema rin ako sa pagpronounce ng words. Ito ang dahilan kung bakit hanggang 3rd place honor student lang ako. Minsan 2nd place kapag mas lamang ako ng ilang points sa average ng kalaban ko.

Fourth semester ng grade nine n'ong naging magkaibigan kami ni Lindsy. Kahit bakasyon nagkikita kami. Magkahiwalay man kami ng section n'on nagkikita parin kami every lunch time. Pagdating sa exams ay sabay pa kaming magstudy.

Masaya kami n'on. Unti-unti na akong nagkaroon ng kampanti at lakas ng loob upang kausapin ang iba. Wala na ring nambu-bully sa'kin kahit napakadungyot ko pa rin.

One time, nakausap ko si Legrand masaya siya sa ibinalita ko.

"Pero... Isha, mag-iingat ka. Hindi lahat tunay. Malay natin, kaya pala tayo linalapitan ng iba riyan dahil may pinaplano rin. " Wika ni Legrand.

"Ano ka ba... Totoo 'yon. " Saad ko sa kaniya.

Nagkibit-balikat lang siya sa sinabi ko. Binalewala ko lang 'yon.

Pagdating namin ng grade 10 ay ang saya naming dalawa. Sa wakas, classmate na kami ni Lindsy. Excited pa kami n'on dahil mas magkaroon na kami ng time para mag-bonding.

Kaso medyo tumaliwas ang lahat. Hindi kasi naming maiwasan na hindi magkasagutan lalo na kung may iba't-iba kaming opinyon sa isa't-isa. Madalas ko rin siyang kakompetensya kung may activities man sa school. Kaso hindi naman masyadong malala 'yon. It was a friendly and healthy competition.

Nakatayo kaming lahat sa tabi ng upuan namin. Ito ang nakasanayan naming gawin bago magsisimula ang exam. Private kasi kaya cheating isn't allowed! Bawat bag ay in-enspeksyon baka may kodegong nakatago.

"Isha? What's this? "

Napalingon ako kay ma'am Abad. English subject teacher namin siya. May hinahawakan siyang papel pero wala akong ediya kung ano 'yon.

"M-maam? " Nagtataka kong tanong.

"Owemji! Test paper ba 'yan? " Maarting sigaw ni Moneth. Yup! Kaklasi ko siya this year.

Test paper? Kumunot lang ang noo ko.

"Bakit may test paper ka sa bag mo? Saan mo nakuha 'to? " Sunod-sunod na tanong ni ma'am.

"P-po? Wala po akong ediya sa test paper na 'yan. " Giit ko.

"Excuse me, Isha? Anong wala kang alam? Alangan naman kung kusang pumasok ang test papaer na 'yan sa bag mo? " Sambit ni Lindsy.

"Seriously ma'am, I don't know. " Saad ko.

"Ma'am, hindi pwedi 'yan. Unfair 'yan sa'min. "

"Oo nga! Nagpupuyat nga kaming pag-aralan lahat, tapos si Villareal easy lang dahil alam na niya ang questions. Punishment must be serve! "

"Oo nga! "

"Dapat lang! "

"Unfair 'yon! "

"W-wait! " Pinilit kong pakalmahin ang mga kaklasi ko dahil nagsimula na silang mag-ingay.

"Unfair ka! "

Sigaw ng isang kong kaklasi. Kahit ano pang sabihin ko sa kanila ay hindi na sila nakikinig sa akin. Maging si Lindsy ay ayaw maniwala sa'kin.

"Isha, in the faculty! " Tumango ako Kay ma'am Abad.

Dinampot ko ang aking bag at sumunod sa kaniya. Bago ako makalabas ay narinig ko pang bumulong si Lindsy, "buti nga sa'yo! "

What? Ano raw? What does she mean?

Nanginginig na ang mga tuhod ko patungo sa faculty. Nakayuko lang ako habang sinusundan si ma'am.

"Gosh! Isha! How can you do this? " Napataas na ang boses ni ma'am. Kanina ko pa ginigiit sa kaniya na hindi ko alam kung paano napunta sa bag ko ang test paper pero ayaw niya paring maniwala. Garalgal na rin ang boses ko ngayon.

"Ma'am trust me... Hindi ko magagawa ang magnakaw ng test paper... " Mangiyak-iyak kong sabi.

"Paano kita papaniwalaan? " Tanong ni ma'am. Maski ako ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Last Friday, tapos na akong gawin ang test paper niyo. Nakalimutan kong itago ito tapos naalala ko pang inutusan kitang kunin ang tumbler ko. Siguro n'on mo ito nakuha no? Ano Isha? Sumagot ka? Umamin ka na kasi! " Galit na sigaw ni ma'am.

"Ma'am, maniwala man kayo o hindi... Hindi ko talaga magagawa 'yon... " Sagot ko.

Sa sobrang hiya ay hindi ako makatingin ng deritso sa mga mata niya. Feeling ko kasi isang traydor ang tingin ni maam Abad sa'kin ngayon. Naging mabuti siyang guro sa'kin. Tinuring niya akong anak tapos gagawin ko 'to. Gosh! Pero... Buong buhay ko hindi ko nagawang magcheat sa exam. Ngayon pa ba? Puyat nga ako, kakareview kagabi eh!

Paano? Paano ko ipapaliwanag sa kaniya? Ang hirap naman kasing paniwalaan ang sagot ko eh... Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"M-mabuti pa siguro'y t-tanongin niyo na lang ako. Nang malaman niyo po kung nagche-cheat ba talaga ako. " Saad ko kay ma'am.

Sumang-ayon naman siya sa naging ediya ko. Kaya imbes na sa classroom ay one-on-one ang naging exam ko. Not just in English but in all subjects.

Madali lang akong natapos kahit 8 subjects pa ang sinagutan ko. Supposed to be two days ang date ng exams. Kaso ng dahil sa issue ay napilitan akong tapusin lahat sa isang araw—actually, half day lang.

Pagod akong umuwi sa'min. Naekwento ko kay nanay ang tungkol sa nangyari sa'kin.

"Ano ka ba... Tahan na... Ayos lang 'yon. Kung nagdududa sila sa'yo. Ako! Alam kung hindi mo magagawa 'yon. " Pagpapatahan sa'kin ni nanay. Humahagulhol pa rin ako sa harap niya sa panahong 'to.

Naisipan kong mag-online ng facebook account ko.

"Halah! Bakit ganito? " Nakita ko ang picture ko na uploaded pa mismo sa page ng SSC namin. "Don't be like her! " Basa ko sa caption nito. Meron na itong 1k comments. Ang pinakaunang nabasa ko sa comment box ay kang Lindsy pa mismo.

Impossible! Dito nakalagay ang buo kong pangalan pati year level ko. Inilahad niya rin ang pagnakaw ko sa test paper. Si Lindsy? Naniniwala siya? Ang last niyang sinabi sa comment niya ay—Don't cheat, just to get high grades. Tapos ang mga kasunod na komento ay mura at kutya sa akin.

Hindi to pwedi! Tinawagan ko si Lindsy upang kausapin siya.

"Lindsy? Ano'ng sinasabi mo sa comment mo? Pati ba naman ikaw? Naniniwala ka na nagawa ko 'yon? 'Di ba nga magkasabay pa tayo minsan sa pagre-review? " Tanong ko sa kaniya.

"Ano'ng gusto mo, Isha? Magpauto sa palusot mong hindi mo alam 'yon? Gosh! Hindi ako bobo! All this time, akala ko matino ka. Akala ko wala kang tinatagong kasamaan. Pero.... Akala ko lang pala. Siguro nagawa mo 'yon kasi... Gusto mong agawin ang posisyon ko as running valedictorian this year. Nakikipagkompetensya ka nga sa'kin eh. Gusto mo sigurong lamangan ako no? " Pambibintang niya.

"Ano ba'ng sinasabi mo, Lindsy? Kahit kailan wala akong balak agawan ka ng trono. " Sagot ko.

"H'wag ka nang magsinungaling! 'Yon ang gusto mo! Akala ko anghel ka, may kademonyohan pala! Isa kang traydor! Sinira mo ang tiwala ko sa'yo! I hate you! " Galit na sabi niya.

"L-lind—"

*tototot-totot

Hindi na ako nakapagsalita pa. In-end call na niya. Tatawagan ko pa sana siya ulit upang magpaliwanag pero 'di ko na lang tinuloy. Alam kong hindi na siya makikinig. Jusko!

Nabitiwan ko ang aking cellphone. Tinanggal ko rin ang malaki kong eyeglasses at itinabi sa kama. Niyakap ko nang mahigpit ang aking unan at hinayan ang aking sarili na ilabas ang sakit.

Bakit gan'on? Hindi naman 'yon totoo ah! Ang unfair naman!

Banda alas dyes nang tumunog ang cellphone ko. Umaagos parin ang luha sa aking mga mata. Isinuot ko ang aking eyeglasses upang tingnan kung sino.

"L-legrand? "

"I-isha? God! Buti naman sumagot ka. " Bungad niya.

"L-legrand? N-na-nani-niwala k-ka ba sa k-kanila? " Tanong ko. Hinihingos ko ang aking ilong dahil sa sip-on.

"Nope! Kilala kita, hindi mo 'yon magagawa. " Sagot niya. "Pack your things, ihahatid kita sa airport. "

"H-hah? B-bakit? " Naguguluhan kong tanong.

"Alam na ng parents mo ang nangyari sa'yo. They never called you baka raw matatakot ka na naman sa kanila. Bukas na bukas ay dapat nand'on ka na. So bilisan mong mag-impake riyan. " Salaysay ni Legrand.

"P-pero Legrand, ang pag-aaral ko? " Alinlangan kong tanong.

"Don't worry, si tito Chan na ang bahala. Sa ngayon, kailangan mo munang lumayo. Nagkagulo sa school kanina dahil sa nangyari sa'yo. And bawal ka munang bumalik d'on. " Sagot ni Legrand. "Mag-impake ka na, I'm on my way. "

"O-ok. S-sige. " Sagot ko.

"Ito na ang maleta mo. " Naiangat ko ang aking ulo kaya nanay.

"N-nanay... "

"Shhhhhh... Tama na... Paos ka na sa kakaiyak oh. " Pagpatahan niya sa'kin. "Magiging maayos din ang lahat. " Ngumiti siya sa'kin. "Tama na... "

Pinahid ko ang aking mga luha. At least sa ganitong sitwasyon may tao paring nasa panig ko. "N-nanay... H'wag po kayong mag-alala, babalik ako. "

"Oo, alam ko 'yon. Mag-impake ka na. Sabi Legrand sa'kin papunta na siya. " Tumango ako sa kaniya. At kinuha ang maletang iniabot niya.

Mga importanting gamit lang ang dinala ko. Hindi ko kailangang magdala ng maraming damit dahil bibilhan naman ako ng parents ko pagdating d'on.

Habang hinihintay ko si Legrand sa sala ay sumagi sa isip ko si Lendsy. Tinuring ko siyang kaibigan pero, siya pa mismo ang nagsabi sa lahat. Inakusahan pa niya akong traydor dahil gusto ko siyang lamangan. Hindi ko siya maintindihan, bakit ganon siya?

"Mag-iingat kayo. " Paalala ni nanay sa'min.

"Opo. " Sagot ni Legrand.

"Ikaw din, nay. Mag-iingat po kayo rito.

Tatawagan ko po kayo araw-araw. " Yinakap ko siya.

"Oh sige na... Baka mahuli pa kayo. "

Sa huling pagkakataon ay kumaway ako kay nanay bago pinaandar ng driver ni Legrand ang sasakyan. Bawal pa kasi siyang magmaneho dahil under-age.

Napatingin ako sa labas ng sasakyan. Nakakalungkot naman. Sa ganitong sitwasyon pa ako aalis.

Napabuga ako ng hangin. Kailangan kong gawin 'to. Para sa sarili ko rin 'to. Good bye...

//End of flashback//

Sa ibang paaralan ko na ipinagpatuloy ang aking pag-aaral. At least exclusive for girls. Wala masyadong nang-aapi sa'kin.

Dalawang buwan pagkatapos kong lisanin ang dati kong school ay si Legrand mismo ang tumawag sa'kin at inilahad ang buong pangyayari. Si Lindsy pala ang may plano ng lahat. Narinig niya kasi itong nakikipagtawanan kasama sina Moneth at dito niya nalaman.

Natakot kasi si Lindsy na ako ang magiging top one, kaya sinabotahe niya ako. Siya talaga ang nagnakaw ng test paper na 'yon at inilagay sa bag ko. 'Yon lang ang tanging paraan upang mapatalsik niya ako sa paaralan namin.

O 'di ba ang galing? Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Legrand n'on kaya nagsu-suffer ako ng frustration. Ilang buwan din akong naging tulala at wala sa sarili. I was so vulnerable that time. Mabuti na lang at tinulungan ako ng psychologist ko.

Hanggang sa dahan dahan akong nakabangon. Hindi ko nakalimutan ang ginawa nila sa'kin pero kailangan ko 'yong tanggapin dahil nangyari na. Ang mahalaga ay bumabangon ako. Narealize ko, maliit na bagay lang 'yon. Kaya ako naapektuhan ng husto ay dahil pinagkakatiwalaan ko si Lindsy. Malay ko bang siya pala talaga ang demonyo sa aming dalawa.

N'ong tinanong ako ng parents ko kung saan ako magsenior high ay sinagot ko silang sa dati kong school. Nag-alinlangan pa silang payagan ako subalit pinahihintulutan din ako kalaunan. Kaya ako bumalik. Wala lang... Mangungumusta lang...Hehehe!