webnovel

Chapter 23

Izumi Pov

-Kinabukasan-

"Magandang umaga po lady izumi. Eto na po ang inyong pag kain" bungad nya pag kapasok sa aking silid.

"Salamat. Pakilagay mo na lang dito" utos ko. Tumango sya at inilagay sa aking lamesa ang pag kaing inihain nya. Pag katapos ay yumuko na sya at saka tumalikod. Bago pa sya maka hakbang ay agad ko syang tinawag.

"Sandali, nakaalis naba si heneral?" tanong ko. Kaagad syang lumingon sa akin.

"Opo lady izumi, ang bilin nya po ay samahan ko daw po kayo sa inyong pag alis" sagot nya. Tumango.

"Ganun ba, sige salamat. Makakalabas ka na"  usal ko. Tumango sya at saka ulit yumuko, pag katapos ay humakbang na sya palabas.

Nag simula na akong kumain ng aking pag kain. Kinuha ko mula sa tabi ng mangkok ang chopstick at saka ito hinawakan. Matapos nito ay hinawakan ko ang mangkok na nag lalaman ng kanin. At saka ako nag tuloy tuloy sa pag kain.

Nang matapos akong kumain ay tumayo ako sa aking upuan at saka nag tungo sa lalagyanan ng aking mga damit. Kinuha ko ang simpleng kasuotan na kulay itim ngunit may disenyong bulaklak na kulay pula sa ibaba nito. Pag katapos ay kinuha ko ito at saka inilagay sa aking higaan, kinuha ko din sa loob ang simple ding sandalyas na kulay puti at saka inilapag sa sahig.

Matapos nun ay iniligpit ko na ang pinag kainan ko at inilagay sa malapad na lalagyanan at saka ito binitbit. Nag lakad ako papunta sa pinto at saka binuksan. Pag kabukas ko ay agad na lumapit sa akin ang aking tagasunod at kinuha ang aking bitbit.

"Ikaw na bahala dito, at tsaka paki handa na rin ang aking liliguan" utos ko sa kanya. Tumango sya at saka yumuko.

"Masusunod po" tugon nya. At saka sya nag lakad. Sinara ko muna ang pinto at saka nag tungo sa bintana upang mag palipas ng oras. Maya-maya lang ay napatingin ako sa pinto ng may kumatok dito.

"Lady izumi, nakahanda na po ang inyong liliguan" saad nya. Agad akong humakbang papunta sa pinto at saka ito binuksan ng makalapit ako.

"Pakihanda na lang yung gagamitin kong pampunas sa katawan ha?" utos ko ulit. Tumango sya.

"Opo, lady izumi..." tugon nya. Tumango din ako sa kanya at nag lakad paalis. Hindi rin gaano kalayo ang aking paliguan kung kaya't agad ko itong narating. Binuksan ko ang pinto.

Binuksan ko ang pinto at saka pumasok sa loob, pagkatapos ay hinubad ko na ang suot ko pati na rin ang suot kong panloob at saka inilagay sa isang tabi. Pag katapos ay lumusong na ako sa liguang may mainit na tubig at umuusok usok pa at mayroong mabango na sabon na hinalo dito.

"Ang sarap sa pakiramdam nito..." usal ko. Naramdaman ko ang init sa aking katawan dahil sa mainit na tubig kung saan ako nakababad. Inaalis nito ang lahat ng pagod sa aking katawan at napaka ginhawa nito sa pakiramdam. Habang nag bababad, nag mumuni muni ako at kasabay na rin nito ang pag iisip.

Sa aking kinalalagyan ngayon, masasabi kong hindi rin ito madali at aaminin kong walang maganda sa mga naging desisyon ko. Alam kong nadala lang ako ng galit ng mag desisyon akong mag higanti, ngunit ngayon hindi ko alam kung hanggang saan patutungo itong ginagawa ko.

Pero nandito na ako at hindi na ako pwedeng umatras pa. Kapag umatras ako malalagay sa alanganin ang buhay ko at madadamay pati na rin ang mga malapit sa akin. At alam ko din na itong ang magiging dahilan para muling sumiklab ang digmaan sa pagitan ng aming bayan at ng bayan na ito.

At para hindi mangyari yun kailangan kong ipag patuloy ang aking nasimulan at tatapusin sa lalong madaling panahon. Ayoko ng patagalin pa ito.

"Parang naging duwag na ako kung susuko na agad ako" mahinang bulong ko habang nakapikit.

"Lady izumi, ayos lang po ba kayo dyan?" Napamulat agad ako ng mata ng may nag salita sa labas.

"Oo!" sagot ko. At muli akong pumikit.

"Kung may kailangan po kayo, tawagin nyo lang ako!" saad nya. Hindi na muli pa ako nag salita.

Hmmm, kamusta na kaya sila shimaru doon? 

Napamulat agad ako ng mga mata ng maalala ko na aalis pala ako ngayong araw.

"Tsk, nakalimutan ko na. Pero di bale bibilisan ko na lang" bulong ko. Kaagad kong tinapos ang pag ligo ko at saka lumabas at nag tungo sa aking silid.

Pag katapos ay kinuha ko ang aking damit na nakahanda mula sa aking kama at saka ko isinuot. Pagkatapos nun ay pumunta ako sa aking lamesa at tumapat sa salamin. Kinuha ko ang suklay na nakalagay sa lalagyanan at nag simula na akong mag suklay ng aking buhok.

Matapos nun ay lumabas na ako sa aking silid at saka nag lakad patungo sa pinto. At ng makarating ay lumabas na ako at tumingin kay shin na nag aantay lang sa isang tabi.

Nang makita nya ako ay agad syang lumapit sa akin. Habang ako naman ay nag lakad na paalis at habang nasa aking likod naman si shin na tahimik lang na nag lalakad.

"Um...lady izumi, saan po ang inyong bayan?" tanong nya.

"Malalaman mo din kapag nakarating na tayo doon" sagot ko. Hindi na sya muli pang nag salita.

"Oo nga pala, napag pasyahang kong mag lakad na lang papunta doon. Hindi naman malayo ang aking bayan. Kaya yun na lang gagawin natin" dugtong ko.

"Kayo po ang masusunod..." tugon nya. Tumango na lang ako.

Pag kalabas ng tarangkahan ng emperyo ay nag lakad na din kami. Habang nag lalakad ay nadadaanin namin ang mga taong namimili sa samo't saring paninda ng mga tindero at tindera. Mayroon ding mga maliliit na bata na naglalaro sa gitna ng mga tao at hindi alintana kahit medyo masiksik.

Ngunit natuon ang aking mga mata sa mag inang nasa sulok, marumi ang kanilang kasuotan, payat at inaabot ang kanilang palad upang manghingi sa mga taong dumadaan. Ngunit bilang lang sa daliri kung ilan lang ang nag bibigay sa mag ina.

At dahil doon ay nakaramdam ako ng awa lalo na sa bata, bakas sa kanyang mukha na sya ay labis na nagugutom...napakapayat nya ding tingnan. Napatingin ako kay shin ng may naisip ako.

"Shin, bilhan mo ako ng maraming pag kain..." utos ko. Napatingin sya sa akin.

"Bakit po? Nagugutom po ba kayo?" tanong nya.

"Hindi, pero ibibigay ko sa mag inang yun nasa sulok. Nakakaawa sila" sagot ko. Napatingin sya doon sa sulok kung saan naroon ang mag ina.

"Tama po kayo, nakakaawa nga sila. Sige po! Antayin nyo lang ako dyan bibili lang ako" tugon ko. At saka sya umalis.

Muli akong tumingin sa mag ina at kumirot ang puso ko ng muli kong maalala ang aking ina. Masasabi kong kahit ganito ang kanilang kalagayan ay mag kasama pa rin sila. Habang ang aking ina ay nasa langit na. Napabuntong hininga na lang ako.

Maya-maya lang ay dumating na rin si shin at may bitbit ng mga pag kain. Pag katapos ay lumapit sya sa akin habang ako naman ay tiningnan ang kanyang pinamili ng makalapit.

"Tamang tama na ito para sa kanilang dalawa..." sambit ko. Matapos kong matingnan ay kaagad akong lumapit sa mag ina na hanggang ngayon ay namamalimos pa rin.

"Magandang araw po..." bungad ko. Napatingin sila sa akin ng ako ay nasa harapan nila habang nakangiti. Pag katapos ay inabot ko sa kanila ang mga pag kaing dala-dala ko.

"Ito pong pag kain para sa inyo" sabi ko.

"Talaga po? Para sa amin yan?" tanong sa akin ng bata. Tumango ako at saka ngumiti.

"Yehey! Ina may pag kain na po tayo" masayang sambit ng bata sa kanyang ina.

"Marami salamat po sa inyong binigay. Sana'y pagpalain po kayo" mangiyak ngiyak nyang saad.

"Wala pong anuman. Kumain na po kayo" tugon ko.

"Ate, maraming salamat po sa pag kain" nakangiti nyang sambit.

"Walang anuman. Sige alis na kami" paalam ko. Pag katapos nilang mag pasalamat ay umalis na kami doon at muling naglakad.

"Napakabait nyo po talaga lady izumi. Kahit ang mag inang yun ay natulungan nyo kahit papaano" saad nya.

"Naawa ako sa kanila, kaya ko ito ginawa. Hindi naman masama kung tumulong kahit sa simpleng paraan lang ang mahalaga ay nanggaling mismo sa iyong puso at bukal sa loob mong makatulong" pangaral ko.

"Tama po kayo sa inyong sinabi..."

"Kahit kilala mo man o hindi kapag nakikita mong nangangailangan sila, tumulong ka. Dahil wala naman ibang makakatulong kundi tayo-tayo lang-ano ba tong mga sinasabi ko! Dami kong alam!" dagdag ko. Natawa na lang si shin sa aking tinuran.

"Kayo po talaga lady izumi. Tama naman po kayo sa inyong sinabi..." natatawang saad nya. Hindi ako umimik.

'Tss, dalian mo na nga dyan para makarating na tayo doon" sabi ko na lang sa kaniya.

"Masusunod po lady izumi..." at ayun na nga binilisan nya na ang kanyang pag lalakad.

To be continued.