ANG PANIMULA
Nasa loob ng Conference room nagtipun-tipon ang mga opisyal ng CIDG kasama na rito si SPO3 Fernandez maliban kay C/Supt Urdanes para isagawa ang pagdidiskusyon patungkol sa nangyayaring pagkawala ng iilang estudyanteng babae. Hindi mawari kung ito ba ay simpleng kidnapping for ransom lang dahil sa wala namang tumatawag sa mga pamilya ng mga nawawala para humingi ng pera. Kaya't naisipan nilang magmeeting para dito.
Hindi pa nakakapagsisimula ang meeting dahil sa may hinihintay pa silang bisita nang nagbukas ang pinto at pumasok ang director ng NBI na si Atty. Vargaz at ang isa pa niyang kasama na isang babae.
Lumapit si Atty. Vargaz kay C/Supt Urdanes upang makipagkamay at magbigay bati sa pagdating niya sa lugar nila
"Good Morning, C/Supt Urdanes. Masaya akong makita ka sa araw na ito." Sabay lahad ng kamay niya sa nakatayo naring Deputy ng CIDG. "Nagagalak rin akong makita ka, Atty and thank you dahil tinanggap mo ang paanyaya namin para sayo."
Iginayak sila ng director papunta sa kanilang upuan para makapagsimula na sa meeting na iyon. "May hinihintay pa ba tayo, Chief? If there's no more then let's start this meeting, so what was this meeting all about? , ." Sabi niya nung nakaupo na.
"Wala na, atty. Dahil sa may biglaang lakad si Dir. Dalisay kaya hindi raw siya makakarating ngayon. " Chief Urdanes replied at sinulyapan niya ang lalaking nakaharap sa laptop at agad naman itong gumalaw na parang alam na niya ang gagawin.
"We held this meeting for us to discuss about those incidents regarding dun sa mga nawawalang babaeng estudyante. Nagimbestiga na kami tungkol rito at ang mga nakalap naming impormasyon ay kulang pa para makagawa kami ng konklusyon kung sino ang gumagawa nito at bakit mga babaeng estudyante ang puntirya nila. Naging misteryoso parin ang identity ng gumawa pero nasisiguro naming isang grupo ito at may katulong silang makapangyarihan para di natin sila makilala."
Habang nagsasalita ang deputy ay nasa kanya ang atensyon ng lahat. Pati na rin si Atty. Vargaz ay napapaisip sa problemang ito. Ang NBI ay ang responsable para hawakan at magresolba sa major high-profile cases. Sila rin ang nagbibigay ng tulong kung sakali mang kakailanganin ng CIDG ang tulong nila for the investigation or detection of crimes and other offenses. On the other hand, cidg are the ones who investigates all major cases involving violation of the RPC. Ang CIDG rin ang nagco conduct ng investigation and operation laban sa mga notorious wanted persons at organized crime group who engages in kidnapping for ransom, armed robbery, gun for hire at trafficking.
"At ano naman ang maging parte namin sa kasong ito, chief? Nangangailangan ba kayo ng tulong kaya inaanyayahan mo ako sa meeting na ito?" Derektang tanong ng atorney kay deputy.
Nakatayo parin ngayon si Chief Urdanes sa harap ng lahat habang nakatutok sa nagtatanong ng walang emosyong makikita sa mukha. Magsasalita na sana siya ng biglang pumasok ang di inaasahang bisita. Si P/Dir. Dalisay, sya ang head ngayon ng cidg na pinalitan ang dating director na si Rt. Dir. Querubin.
"Attention.!" Kaya tumayo lahat na nasa loob ng conference room at nagbigay galang sa kararating lang na director ng CIDG. "Good morning, Sir!" sabay sabay salute ang mga opisyal maliban sa director ng nbi at ang kasama nito.
"At ease." tugon ng may pinakamataas na position sa kwartong iyon na sinasabing balik sa dati nung hindi pa siya dumating "Pasensya ka na, atty at medyo nahuli ang dating ko dahil sa biglaang lakad ko kanina." Sabay lapit kay atty. Vargaz at nakipagkamay.
"It's okay, director. Nandito ka rin naman na."
Umupo na rin si Dir. Dalisay sa upuang katabi ng upuan ng atorney at bumaling sa nasa harap. "Continue your discussion, sorry for interrupting." patungkol roon sa naudlot na pagsagot sana sa tanong kanina.
"Thank you, sir." Tugon ni Urdanes at saka bumaling dun sa attorney. " Inimbitahan ka namin sa pagpupulong ito, atty ay dahil sa tulong kaya niyong ibigay. Kung titingnan mo ng una ang sitwasyon ay parang simpleng kidnapping lang ang nangyari at hihingan rin ng ransom ang pamilya nito. Pero base sa testimonya ng pamilya nung mga nawawala ay sa nakalipas na buwang pagkawala ng mga anak nila ay ni isang tawag galing sa mga kumuha ay wala. Kaya't naisip naming hindi lang itong simpleng kidnapping-for-ransom incident. At dahil dun kaya namin kayo nilapitan ngayon para samahan kaming imbestigahan ang kasong ito at... ."
Magpapatuloy pa sana si Urdanes ng biglaang sumabat ang Director nila.
"Sir Urdanes, i am sure you are aware that we can hand it down to them solely, right? NBI gaves assistance to us investigating body. They also undertake investigation of crimes and other offenses against the laws of the Philippines, upon its own initiative and as public interest may require. We are busy people and also the NB but if you think this is a major high-profile case, then hand it to them. There's no need for us to participate more, when we know we have a lot more cases to investigate and lack of people to do those works." Director said straightly.
Bumaling ang director sa director ng NBI, "attorney, alam kong busy kayo at may marami rin kayong trabahong gagawin,. Pero sa ngayon di ko pa mapapayagang humawak ang mga tao ko ng ibang kaso. Hindi sa ayaw kong ipagawa yun sa kanila pero kulang kami sa tao ngayon kaya sana ay kayo na muna ang maghandle ng kasong ito. Hindi namin ito bibitiwan pero sa ngayon kung pwede sa inyo muna ito."
Parang napapaisip ang attorney kung tatanggapin ba niya ng pansamantala ang kasong ito. Hindi naman nila ito pwede ipasawalang bahala dahil sa iilan narin ang nawawala at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita at ni isa ay walang makapagsasabi kung buhay pa ba ang mga ito o wala na. Habang hinihintay nila ang sagot ng director ng nbi ay bumaling si Urdanes kay SPO3 Fernandez na ngayon ay nakatingin rin pala sa kanya. Parang nag uusap sa kanilang tinginan at makikita ang pagkadisgusto sa gustong mangyari ng kanilang director.
Napabalik ang atensyon ng dalawa nung umubo si Atty. Vargaz para magsalita, "Pag-iisipan ko Dir. Dalisay. Pero nasisiguro kong malaki ang chansang baka kukunin ko ang kasong iyan at kami na ang magpatuloy." Hindi malaman kung okay lang ba rito ang desisyon iyon o hindi pero masaya sila Urdanes at Fernandez sa sinabing iyon ng attorney.
"May pag uusapan pa ba tayong iba? Ay kung wala... So, i think this meeting ends here,?" baling ni Atty. Vargaz kay Urdanez.
"Yes, attorney. Salamat po sa pagpunta at pagtanggap sa aming paanyaya. Hihintayin po namin ang inyong desisyon about the case,." lumapit siya sa kabilang dulo ng conference room at nakipagkamay kay attorney bilang pagpasalamat sa pagdating nito roon. At saka ito bumaling kay Dir. Dalisay para magpasalamat narin sa mainit na pagtanggap sa kanya sa teritoryo nito.
"Mauna na ako Dir. Dalisay,. Salamat sa pagtanggap at pag imbita sakin." nakipagkamay narin siya rito at pumaunang lumabas ng kwarto kasunod ang kanyang kasamang babae.
Sumunod na rin ang Director rito pero bago pa ito makalabas ng conference room ay tinanaw muna ulit nito ang maiiwan sa kwartong iyon,. "Attention.!" Sigaw ni Urdanes at sabay sabay nagsalute sa harap ng kanilang Director.
Nang mawala na sa kanilang paningin ang opisyal ay sumunod na rin ang iba pang opisyal sa paglabas sa kwarto. Si Deputy Urdanes ay nagpaalam narin kay SPO3 Fernandez na siyang maiiwan para magligpit ng mga ginamit sa meeting na iyon.
Nangmakalabas na ng Conference room ay sinundan ni Urdanes ang papasakay ng director ng nbi sa kanilang service car.
"Attorney, pwede po bang makahingi ng kaunti pang oras? May sasabihin lang akong importante." Humihinging saad ng deputy. "Kaunting oras lang ang maibibigay ko sayo, Chief Urdanes dahil sa may iba pa akong mahalagang pupuntahan."
"Salamat, attorney..."
Sa kaunting oras na ibinigay ng director sa kay Urdanes ay nasabi niya ang gusto niyang sabihin kanina sa meeting na di niya nasabi dahil sa pag kontra ng kanilang director sa kanyang sinabi. Sa huli, ang director ay sumakay na ng kanyang sasakyan at iniwan ang Deputy nang nakangisi sa kawalan.
--------