webnovel

Chapter Two

YOU'RE HIRED

Conan Doyle Fernandez

Ang pumasok sa sitwasyong hindi alam kung paano sisimulan ang kinakaharap na problema ay talagang nagpapasakit ng ulo ko sa kakaisip. Ayaw ko mang aminin pero hindi ko alam ang gagawing hakbang to obtain more reliable informations and sources para makapagturo sakin sa kung sino man ang nasa likod ng pangunguha ng mga kabataang babae sa nakalipas na buwan.

Nakatingin lamang ako ngayon sa mga larawang nakalap namin. Mga random photos of those missing teenage girls noong nakaraang buwan up until now. There were three of them and base sa impormasyon nakaattached rito ay dalawa sa kanila ang galing sa Brint University.

Si Angela Marie Carlos, Grade 9 student na anak ni Mr. Angelo Carlos na isang businessman at si Beatriz Aurie Ybanez, na nasa Grade 9 rin at isang scholar na anak naman ni Mang Ramon na isang Maintenance sa BU. Ang ikatlo ay isang estudyante na nag-aaral sa paaralang di kalayuan sa BU.

May nabuong tanong dahil sa nalaman kong ito. Nakakahinala. Bakit sa BU? Anong meron at bakit BU ang napagdiskartehan nila? Disregard that one student outside BU, Baka nadamay lang siya nung oras na kinuha ang dalawang babae.

Hawak hawak ko parin ang mga larawan at ang mga impormasyon ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang head namin na si S/Supt. Urdanes.

"Sir!." Pagbigay pugay ko sa pagpasok ni Deputy Urdanes. Sandali akong tumigil habang iniisip ang opinion ko sa kalabasan nag pagpupulong nangyari kanina lang.

"Sir, hindi po sa kumukontra ako sa sabing iyon ni Director pero hindi naman po natin pwedeng pabayaan ang nbi na sumalo rito. Sa una palang sa atin na naka assign ang mga kasong ganito." Nasabi ko na rin  ang gustong sabihin sana sa harap ng director. "Alam ko ang gusto mong mangyari, SPO3 fernandez."

"Kinausap ko ng sarilinan si atty. Vargaz at ipinarating ko sa kanya ang gusto kong mangyari sana maliban doon sa gustong mangyari ni Director Dalisay." Sagot niya sa sinabi kong iyon habang tinitingnan ang mga larawang hawak ko lang kanina.

-FLASHBACK-

C/Supt Daniel Urdanes

Binigyan ako ng kunting oras ni atty. Para makausap man lamang siya. Kaya heto kami naglakad papalayo sa kanyang sasakyan at upang makalayo narin sa Office ng walang makakita sa amin..

"Atty Vargaz, ang gusto kong mangyari ay sana makipagtulungan sa inyo sa paghahanap sa mga nawawalang kabataan. Hindi ako sang-ayun dun sa sinabi kanina ng director namin at hindi ko rin gustong kalabanin ang itinuran niya. Sa nakikita ko kanina parang sang-ayun ang ibang opisyal dun sa pagolpapasa sa inyo ng trabahong ito. Ako at ang aking tauhan si SPO3 Fernandez ay gustong maging hands on sa pagiimbestiga. Kaya lumalapit na ako sa inyo ngayon na kayo ay maging kasama namin sa pagresolba sa kasong ito."

"Katulad ng sinabi ko kanina, parang hindi lang ito simpleng kidnap-for-ransom case."  Hindi ko mawari kung ano ang reaction niya sa opinion kong ito, wala akong mabasang reaksyon kung magbabago ba ang isip niya or what. "Chief Urdanes, siguro naman alam mo ang mangyayari pag nalaman ito ng director niyo? Na kayo sumalungat sa gusto niyang mangyari. Wala naman akong problema sa tanggap sa kasong iyon. Hindi ko lang nagustuhan ang pagkakasabi ng director niyo sa mga salitang binitawan niya."

Nang sinabi iyon ni atty. Vargaz ay biglang bumaba ang kumpiyansa ko sa sarili. "pero hindi ako magsasalita ng patapos. Pag iisipan ko parin kung tatanggapin ko ito,"

Sa tingin ko ay wala na akong magagawa sa ngayon kaya't tumango na lamang ako sa sinabing iyon ng director.

"Atty. kung magbabago man ang isip mo."  Still hoping.

"wag kang mag alala chief urdanes, tatawagan kita pag may nabuo na akong desisyon. Hindi na ako magtatagal at baka malate pa ako sa lakad ko ngayon. Aalis na ako and once again thank you for the invitation, til next time." Hindi ko na itinuloy ang gusto ko pa sanang sabihin sa halip ay nagpaalam na alaman ako at nagpasalamat sa kunting oras ng pag uusap namin nang sumakay na siya sa kanilang sasakyan.

-END OF FLASHBACK-

Sa oras na ito wala pa kaming naiisip na unang hakbang para masimulan ang pagimbestiga. Pero may suggestion akong naisip ng mapatingin ako na rin ako sa mga larawan.

"Sa ngayon fernandez ang maaari pa lamang nating gawin ay mangalap ng impormasyom tungkol dito sa mga babae. Habang hinihintay natin ang tawag ni Atty. Kung sakali mang nanainisin niyang makatrabaho tayo sa problemang ito. Habang naghihintay ay magiisip nalang rin tayo ng paunang hakbang para makakuha pa ng additional informations ."  Walang emosyon sa mukha ng matingnan ko si Chief Urdanes. Kaya sasabihin ko nalang ang naisip kong plano pansamantala.

"Sir, paano kung papasok ako bilang isang Part time Professor sa BU?  Base sa impormasyong nandito , ang dalawang babae ay nag-aaral sa BU Maybe if i'll enroll myself as part timer there may be I can find answers and datas na pwedeng makatulong sa atin."  Sa wakas ay nasabi ko narin sa kanya itong naiisip kong suhuwestyon at sana nga ay sasang-ayon siya rito.

Tumango tango si Sir Urdanes sa sinabi kong iyon na para bang sang ayon siya. Pero di parin ako nakakasiguro kung payag siya.

"Kung iyon sa tingin mo ay makakatulong Fernandez. Pwede kang pumasok roon. Pero siguraduhin mong malinis ang mga galaw mo nang walang makakapansin."  Sa sinabing iyon ng deputy namin ay alam kong hindi niya gustong may makakaalam sa aktibidad namin sapagkat labag ito sa gustong mangyari ng aming director.

Inilahad ko ang kanang kamay ko sa kanya upang makipagshake hands. "Makakaasa kang malinis ang magiging pagpasok at pagtatrabaho ko sa paaralang iyon, Chief. Bukas na bukas rin po ako pupunta roon para mag enrol bilang part time professor."

Nagpalitan kami ng tango ni Chief Urdanes habang nakipagkamayan. Nang mabawi ko na ang aking kamay ay nagpaalam na rin siya sa akin dahil may gagawin pa raw siyang trabaho sa kanyang opisina. Kaya iniligpit ko na rin ang mga documento para makalabas narin dito sa conference room.

K I N A B U K A S A N

Nandito ako ngayon sa loob ng BU at hindi parin ito nagbabago, Nasa quadrangle na ako ng university at kitang kita na roon ang faculty kung saan ako magaapply. Kaya naman tinungo ko na rin ang daanan papunta roon.

Nang makarating na ako ay pumasok ako sa Office ng Crim Department at nagtanong kung nandiyan ba si Dean Parque sa kanyang opisina. Tumango naman ang working scholar na naka.assign sa araw na iyon kaya kumatok na rin ako at pumasok.

"Good Morning, Mr Fernandez. What a surprise at napadpad ka rito sa opisina ko ngayon? " halatang nasorpresang bati ni Dean Parque sabay lahad ng kanyang kamay sakin ng pumasok ako sa kanyang opisina.

Tinggap ko ang kanyang kamay and we shook hands, "Good Morning din po, Dean. It's nice to be back, at huwag po kayo masyadong halatang nasurprise sa pagdating ko." Nakangiting tugon ko sa kay Dean. It's been 7 yrs nung huli kong balik dito. Ni hindi ko inaasahan na babalik pa ako dito sa eskwelahan pinanggalingan ko.

"Ikaw lang naman ang may ayaw bumalik rito, Fernandez. Minsan na rin kitang inimbitahan na puntahan o bisitahin ako rito pero di mo magawa at nagpakabusy ka sa trabaho mo."

Si Dean Parque ay masasabi kong pangalawang tatay ko na rin. Siya yung nagbigay lakas sakin na tapusin ang sinimulan ko. Siya yung tumulong sakin nung wala na akong magawa at naging takbuhan ko sa tuwing gusto ko ng makakausap.

Gusto ko kung balikan ko man ang eskwelahang ito yun ay naging matayog na ang takbo ng pinili kong landas. Gusto kong ipagmalaki kay Dean na yung binatang tinulungan nya ay naging succesful na sa tinahak na landas. Pero ngayon may rason akong dala kaya wala sa oras yung pagbabalik ko.

"Pasensya ka na po Dean,. Naging busy lang sa trabaho." Sabay bitaw sa kamay niya. Makikita mong masaya si Dean na nandito ako ngayon.

"You may sit down, Mr. Fernandez. how may I help you? ." Umupo ako sa silyang itinuro niya at sabay abot ng aking Application letter and resume.

Kinuha ni Dean ang inabot ko sabay sabing, "I am applying as a part time Professor in your Department, Dean Parque. gusto kong magturo sa mga estudyante. I would like to share to them the knowledge i have gained when i was in their age, the experiences i have encountered sa trabahong pinasukan ko."

"Bakit mo naman naisip na dito magturo, fernandez? Bakit di ka mag full time instructor? At ano namang subject ang ituturo mo kung sakaling matatanggap ka at bakit?" Tanong niya habang nakatutok sa akin na para bang naghahamon.

Sunod-sunod na tanong ni Dean ang narinig ko pagkatapos ko sabihin yung kanina.

Ganyan na talaga siya nung nag-aaral palang ako at isa iyon sa mga katangian niya nagustuhan ko. "I studied and graduated here in Brint University, Sir. I have learned a lot from my previous professors and i want to impart my learnings and other studies i have learned to my future students. I may be new to this field but Sir, I can assure you that I will do my best to be the Professor that your student will like. Teaching may be out of my league, Dean but i want to explore that field as part time for I still active in my service."

While matching his gaze. Alam kong di niya to ine-expect.

"I am part of Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), I want to teach CDI which best suited for my job as an Officer. Learning from books were good but to know the actual scenario anout that subject they took up is different. I have experienced a lot from my service in CIDG for 7 yrs, and I am sure the background and skills i have would be a great help for their studies."

Sa mahaba-habang englisan na ginawa ko, isang ngiti lang ang nakita ko sa mukha ni Dean at bigla nalang tumawa, "I love your confidence, fernandez. Nag level up ka na, hindi na ikaw yung binatang kilala ko. At gusto ko ang pagbabago mong ito." sabay tayo at lumapit sakin..

"Hindi na ikaw yung binatang mahiyain at parang takot makisalamuha sa kapwa estudyante mo. Mukhang malaki talaga ang naitulong nung pagpasok mo sa trabahong meron ka ngayon at masaya ako para sa'yo,.. Pag igihan mo pa iho and make sure you'll fly high with flying colors."

He then stretch his arm to shake hands with me.

"Well then,.. Welcome to the Criminology Department, Mr. Fernandez, You're Hired. We're honored that you've decided to teach where you graduated and I am glad that you are here in front of me not as my student but as one of my college Professors." tumayo ako para tanggapin ang nakalahad na kamay ni Dean at sinalubong ang yakap niya ng nakangiti.

Kumalas ako sa yakap ni Dean at pinakita sa kanya kung gaano rin ako kasayang bumalik sa paaralang ito kahit na iba ang naging rason ko.

"Thank you for accepting my application letter, Dean. Malaki ang pasasalamat ko po sa inyo na naging bahagi kayo ng pagkatao ko, dean."

"So, di na po maiiwasan na magkikita na tayo ng madalas." Tiningnan ko siya pagkasabi ko nun at nakita kong kumislap ang kanyang mga mata... at tumawa.

Dahil dun mas lumakas pa yata ang tawa ni Dean ng biglang may bumukas at pumasok ang kanyang anak na lalaki which is a Grade 10 Junior High student.

"Hahahah,.. Parang ganun na nga, fernandez and you'll be starting as the classes will start soon." He replied

Tumango lang ako sa sinabing iyon ni dean. Yes, the classes are starting soon, so the students are preparing and also those men, kung sino man sila.

Kaya naman, i bid my goodbye for now to him and took my step outside to his office.

----------