webnovel

Prince of Ethiopa: The Rag Prince

MJ_Blysa · Fantasia
Classificações insuficientes
13 Chs

Chapter 11

Mabilis akong nakabalik sa paaralan. Hindi ko na nilingon si Jacques at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Tumuwid ang lakad ko nang makita si Serene. Tumakbo siya papalapit sa akin.

"Nakita mo ba si Jacques?" tanong niya sa akin. Hingal na hingal sya, napahawak pa siya sa tuhod niya sa tindi nang pagod.

"Bakit, may nangyari bang masama?" balik tanong ko sa kaniya. Sa mukha kasi ni Serene ngayon parang may nangyari talagang masama.

"Namatay ang isang estudyante malapit sa bukana nang gubat sa likod nang clinic. Nasaan na ba si Jacques?"

Napaurong ako. Ano? Hindi ako nakakareact, hindi magsisink in ang mga sinasabi ni Serene sa akin.

"Ako na nga lang ang maghahanap kay Jacques. Sige na, baka gusto mong pumunta sa clinic para tingnan ang patay na katawan o baka naman gusto mong magpahinga muna," sambit ni Serene.

Akmang aalis na sana siya nang magsalita ako. "Sa may dormitoryo," sambit ko. Lumingon siya sa akin. "Nandoon si Jacques," puna ko pa.

Tinapik niya ako, "Sige salamat." Umalis na siya kaya napatakbo ako papunta sa clinic. Maraming tao ang nandoon. Madaling nakalat ang balita. Nandito rin ang dalawang kasama ni Jacques. Pati si Froinnickus ay nandito rin at sinusuri ang patay na katawan nang isang lalaki.

"Ano bang nangyari dito?" tanong ko kay Amanda. Lumingon siya sa akin, hindi kasi niya masyadong winala ang kaniyang mata sa katawang wala nang buhay.

Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Hindi ko alam. Sadyang marami na ang madugong pangyayari dito sa Ethiopa. Siguro hindi lang ito ang mangyayari," bumalik ang tingin niya sa patayng katawan.

Tama si Amanda. Marami na ngang pangyayaring hindi kaayaaya. Kahit anong gagawin namin wala na itong solusyon. Siguro kahit anong pigil ko dito wala paring mangyayari dahil wala ako sa lugar.

Lumayo muna ako at pumunta sa may burol kung saan makikita ang kabuuan nang Ethiopa.  Umupo ako sa ilalim nang puno doon at pinagmasdan ang kastilyo.

"E-ehem," napalingon ako sa likod ko. "Pwede ba akong umupo?" pahintulot niya sa akin. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Binalik ko ang aking tingin sa kastilyo. Naramdaman kong umupo siya sa gilid ko.

"Pasensya kana kanina, ayaw ko lang na mapahamak ka. Sapagkat nasa kamay mo ang kinabukasan nang Ethiopa. At tanging ikaw lang ang liligtas sa mga tao sa mga masasamang gawain ni Savana," sinseridad ang naramdaman ko sa bawat salita na binitawan niya.

Lumingon ako sa kanya, ngunit hindi sya nakatingin sa akin. Nanatili ang kaniyang tingin sa bayan na nakikita sa ibaba nang burol. Siguro tama siya. Ako lang ang makakaligtas nang Ethiopa dahil ako lang ang natitirang Lutherking. Ako lang ang natitirang may dugong maharlika.

"Pasensya na rin. Palagi nalang akong pabaya sa sarili. Siguro kung nandito si ama matagal nang nailigtas ang Ethiopa," sambit ko. Ngumiti ako nang mapait at binaling ang aking paningin sa nagkagulong bayan. May apat na kawal ang naroon at isang alipin na lumuluhod sa kanilang harapan.

Masakit para sa akin ang makita na ang sinasakupan noon ni ama ay naging kalbaryo na nang hinanakit at mga taong naghihirap. Bakit kailangang saktan pa ang mga inosenteng tao na mangmang sa kung ano ang mga patakarang pinapalaganap ni Savana. Ang reyna nang kasamaan.

Ginulo ni Jacques ang aking buhok. "Hindi ka parin pala nagbabago. Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakabalik. Marami kasing gawain ang pagiging opisyal nang Magea. Hindi man lang kita nadamayan noong nawala si tito," sabi niya. Tumalikod siya sa akin. Tinatago niya ang takas na luha mula sa kaniyang mga mata.

"Wala 'yon. Naiintindihan naman kita. Alam kong naiintindihan karin ni ama. Dahil iyon naman ang pangarap ni ama sa iyo, ang maging opisyal nang Magea," sagot ko sa kaniya.

Ang Magea ay ang naghahawak nang unity nang tatlong mundo. Ang Ethiopa, Borneia, at Atteria Napapanitili nila ang kaisahan nang tatlo pero sa ngayon, malabo na ito. Dahil sa pamumuno ni Savana na hindi naka-ayon sa mga patakaran nang Magea. Mahirap kasi magtiwala sa kagaya ni Savana.

Siguro ito ang dahilan kung bakit nandito sa Ethiopa ang tatlong opisyal. Hindi ang pag-eensayo ang pinunta nila dito kundi ang pagmamanman sa mga hakbang ni Savana. Pati narin sa mga council nang Ethiopa.

Tumayo si Jacques at nagpagpag. Inayos niya ang kaniyang porma at tindig. "Halika na, magsisimula na ang inyong pag-eensayo," sambit niya at tinalikuran ako.

Tumayo narin ako at sumunod sa kaniya. Tumakbo ako para makasabay sa lakad ni Jacques. Nang magkalevel na ang paglalakad namin ni Jacques ay tinanong ko siya.

"Nailibing naba ang patay?"

Liningon niya ako. "Kinuha na ang patay na katawan sa pamilya nito. Sinagot na rin nang bayan ang gastusin nila. At nagbigay narin nang kaunting tulong ang paaralan," sagot niya. Nagpatuloy lang kami sa paglakad. "Nagpadala narin ako nang sulat sa Magea kani-kanina lang. Nilagay ko doon ang mga pangyayari dito sa paaralan. Sa susunod na buwan ay  babalik ako doon at irereport ko ang mga pangyayari, hindi lang dito sa paaralan kundi sa buong Ethiopa," puna niya.

Tumango ako. Nanahimik na ako habang naglalakad. Hindi na rin siya nagsalita.

Mabilis kaming nakarating sa open field. Naroon na ang lahat at tila kami nalang ang hinihintay. Pumunta sa harapan si Jacques, ako naman ay sumama sa mga estudyante. Nasa gitna kami nang open field na nasa gitna nang paaralan.

Tumahimik kaming lahat nang magsalita si Jacques. "Alam naman nating lahat na marami na ang nangyayaring di kaaya-aya," tumango kaming lahat. "Kaya napagka- sunduan namin na magkaroon nang panibagong school policies."

Nanatili kaming tahimik. Kaya ipinagpatuloy ni Jacques ang pag-anunsyo nang bagong school policies.

"Una, bawal pumunta sa may gubat. Kahit saang parte sa paaralan na may gubat ay ipinagbabawal na puntahan nang mga estudyante. Pangalawa, kailangan bago sumapit ang alas nueve nang gabi ay wala nang mga estudyante na magkalat sa campus. Kinakailangang nasa loob na sila nang kanilang dormitoryo. Pangatlo, ang inyong pagsasanay. Kailangan na sumali kayo sa pagsasanay dahil para ito sa inyo at sa kinabukasan nang Ethiopa. At panghuli, ay kinakailangang sumunod kayo sa lahat nang ipinagbabawal at ipapagawa sa inyo. Kung hindi, mapaparusahan kayo," seryosong sabi ni Jacques. Walang nagsalita sa amin. Tila hindi namin maabsorb ang bagong school policies.

"Naintindihan nyo ba!" buong sigaw ni Jacques.

"Oo!" sagot namin. Ngumiti nang tipid si Jacques sa aming lahat at tumango.

"Sa ngayon, si Caspian ang magpapaliwanag sa mga kailangan niyong gawin," sambit ni Jacques at ibinigay ang mikropono kay Caspian.

Ngumiti si Caspian sa amin. Hindi katulad ni Jacques, mas madaling kaibiganin si Caspian. Mabuti ang kalooban nito at madaling malapitan.

"Ngayon gusto kong magkaroon kayo nang pitong grupo. Tatlong grupo ay mayroong siyam na tao at apat na grupo naman ay mayroong sampung tao. Pagbilang ko nang lima dapat nasa grupo na kayo!" nang marinig iyon ay dali dali kaming nagkaroon nang grupo.

Hindi ko alam kung nagkaroon ba ako nang grupo. Basta nandito ako sa kumpol nang estudyante. Hindi ko kasama sila Amanda. Hindi masyadong pamilyar sa akin ang mga nakasama ko.

"Dahil nagkaroon na kayo nang mga kagrupo. Ito ang maging kalaban niyo sa bawat pagsasanay," sambit nito na nagpapagulat sa amin.

Teka, bakit ganoon? Akala ko ba maging katuwang namin ang mga kagrupo namin.

"Ang bawat membro nang grupo ay ang maglalabanlaban. Siguro hindi pa kayo nalilinawan sa gusto naming mangyayari. Wag kayong mag-alala ipapaliwanang ko sa inyo," naghihintay kami sa sunod niyang sasabihin. "Pitong tao lamang ang makakasali sa GOLD. At dahil mayroong pitong grupo, ibig sabihin isa lang ang madadala sa bawat grupo. Kaya pagbutihin niyo ang pag-eensayo dahil sa susunod na linggo ang unang paligsahan."

Napuno nang usap-usapan ang buong field. Bumaling ako sa ibang grupo at nakita ko silang naguusap. Bumaling ako sa kagrupo ko na maging kakompetisyon ko. Tahimik lang kaming sampu.

"Sa tingin niyo ba makatarungan ang pagiging magkakompetisyon natin?" tanong nang isang babae.

Walang nagsalita sa amin. Siguro ayaw nilang magkaroon nang kompetisyon ang bawat estudyante. Pero wala na kaming magagawa.

"Magkikita tayo mamaya sa bawat practice room. Iba-iba kayo nang practice room. Bawat grupo ay mayroong instructor," sambit ni Caspian. "Naintindihan niyo ba?"

Sumagot kami sa kaniya, "Opo!"

Binigyan kami nang isang palid nang papel at nakasulat doon kung saan ang aming practice room. Pumunta na kami sa aming practice room. Malapit sa opisina ni Froinnickus ang practice room namin.

Nang makarating na kami sa practice room ay agad agad kaming pumasok. Malawak ang espasyo nang practice room. Umupo ako sa gilid. Huminga ako nang malalim at pumikit. Naramdaman kong nagsiupo narin ang bawat kagrupo ko.

Ilang minuto ang nakalipas at nakarating narin ang instructor namin. Si Professor Larusso Britelle.

Ngumiti siya sa amin. "Kumusta kayong lahat?" napatayo kaming lahat at inayos ang tayo.

"Mabuti naman," sagot naming lahat.

Tumango siya at pumunta sa harapan. "Ngayon ay opisyal nang nagsisimula ang inyong pag-eensayo. Maghanda na kayong lahat. Pagbilang ko nang tatlo dapat naka-alerto kayo."

Naghanda na kaming lahat. "Isa!" sigaw ni sir. "Dalawa!" mas naging alerto na kaming lahat. "Tatlo!" sa panahong iyon, alam na namin na nagsimula na nga. Ang pagsasanay na inaasam namin pero kasama na doon ang pagkokompetisyon nang bawat estudyante.