webnovel

Prince of Ethiopa: The Rag Prince

MJ_Blysa · Fantasy
Not enough ratings
13 Chs

Chapter 12

Napadapa kaming lahat nang biglang may pumana sa amin. Ngumisi si Professor Larusso at pumalakpak pa siya. Kahit yon lang ang unang nangyari ay tagaktak na ang aming pawis. Naramdaman ko na agad ang tensyon.

"Mabuti naman at mabilis ang paggana nang inyong senses. Magaling!" muling pumalakpak si Professor Larusso. "Sa ngayon, dahil sampu kayo. Dapat magkaroon kayo nang sparring partner," kinuha ni Professor ang isang maliit na box. Ipinakita niya sa amin ito at inalog niya ito nang tatlong beses.

"Bubunot kayo dito. Kung sino ang kapareha niyo, siya ang magiging sparring partner niyo," agad kaming lumapit kung nasaan nakatayo si Professor. Inilahad niya ang box at bumunot kami isa-isa.

Bumalik ako sa pwesto ko at binuklat ang papel. 3, tiningnan ko ang mga kagrupo ko at tila isa nalang ang wala pang kapareha. Sa porma nito, masyadong maangas. Hindi nababagay sa mga paligsahan kagaya nang GOLD.

Pumalakpak nang tatlong beses si Professor. Tumingin kami sa kaniya.

Nagsalita si Professor, "Dahil mayroon na kayo nang kapareha, gusto kong makita kayong lumaban. Mayroon akong nakalukot na mga papel at bubunot ako dito. Kung anong numero ang mabubunot ko dito ay syang maunang magpakitang gilas," ang tanging panuto niya sa amin. Tumango kaming lahat bilang pagsang-ayon.

Inalog ni Professor ang box na hawak niya at bumunot roon. Binuklat niya ito at pinakita sa amin. Ang nabunot ni Professor ay ang numero dos. Ibig sabihin sila ang mauuna.

Hindi na tinawag ni Professor ang nakabunot nang dos dahil pumunta agad sila sa gitna. Kaya umatras kami at naupo sa gilid.

"Makinig ang lahat!," sigaw ni Professor. Tumahimik kami at nagpatuloy naman siya sa pagsasalita. "Isa lang ang rule sa sparring na ito. Kapag itataas na nang isang estudyante o kasparring niyo ay dapat titigil na kayo. At kung sino man ang susuko ay siyang matatalo sa laban na ito. Sampu kayo pero maeeliminate ang isa sa inyo kaya dapat galingan niyo."

Tahimik lang kami. Habang ang nasa gitna ay napatango sa sinabi ni Professor.

"Mabuti naman at nagkaintindihan tayo," sambit nito. "Sige magsimula na kayo!" umatras na si Professor.

Gaya nang sabi ni Professor, nagsimula na nga ang laban. Naghanda na ang dalawang nasa gitna. Babae laban sa isang lalaki. Tila alam ko na ang kahinatnan nito. Wala naman talaganag laban ang babae sa lalaki.

*Booogsh*

Nagulat kaming lahat sa sunod na nangyari. Kinain ko lahat ang sinabi ko kanina. Nakita kong nakahandusay ang lalaki sa gitna at mamulamula na ang kaniyang mukha. Masyadong napuruhan. Napangiti ako, hindi ko akalaing magagawa nang isang babae ang matalo ang isang lalaki.

Napagulong ang lalaki nang sinampahan siya nang babae. Hindi siya nagtagumpay sa pagtakas dahil binitin nang babae ang kamay niya patalikod. Kaya mas umimpit siya sa sakit na kaniyang naramdaman.

Nakakalokong ngiti ang pinakita nang babae. Mas hinigpitan niya ang pagbitin nang kanang kamay nang lalaki kaya napataas ang kaliwang kamay nang lalaki bilang pagsuko. Tumayo na ang babae at iniwan sa gitna ang lalaki. Pumalakpak kaming lahat.

Tumayo si Professor at pumalakpak din. "Ang bawat mananalo sa sparring na ito ay ligtas na sa magaganap na elimination, kaya ligtas ka na binibini!" sambit nito kaya tumango ang babae.

Nanahimik kaming muli. Tumikhim si Professor at bumunot siyang muli sa box na hawak hawak niya ngayon. "Singko," sambit niya at pinakita ang papel.

Agad pumunta sa gitna ang puro babae. Kung titingnan hindi sila ganoon ka lakas. Pero may determinasyon sa kanilang mga mukha. Pareho silang naghahangad na manalo sa laban na ito.

Mabilis natapos ang labanan nang dalawa. Napahanga si Professor sa pinakita nang dalawa ngunit mas nanaig ang babae na akala mo ay isang lalaki dahil sa tindig nito at postura. Napapalakpak nang wala sa oras si Professor sa kaniyang mga nakikita.

Bumunot naman agad si Professor pagakatapos nang laban. Hindi niya binasa ang numero bagkus pinakita niya ito. Agad na pumunta sa gitna ang lalaking hambog at maoagtaas sa sarili. Napailing nalang ako at agad ring pumunta sa gitna.

Tinitigan ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Mas malaki ang pangangatawan nito kaysa sa akin. At mas may natutunan ito sa paglalaban kaysa sa akin.

"Sana naman ay sundin niyo ang rules sa laban na ito," paalala ni Professor. Pareho kaming tumango sa kaniya at hinanda ang sarili. Umatras na si Professor at kami nalang dalawa sa gitna. Huminga ako nang malalim at napamura nang bigla akong sipain sa tagiliran nang aking kalaban.

Napaluhod ako sa sakit at namimilipit. Para yatang nabalian ako nang buto sa tagiliran dahil sa pagsipa sa akin. Nakita kong aatake na muli ang aking kalaban kaya umilag ako sa pamamagitan nang paggulong patungo sa gilid.

Napangisi siya nang nakakaloko. Tss. Tumayo ako at ininda ang sakit. Akmang sisipain niya ang aking mukha ngunit mas mabilis ang aking depensa. Hinawakan ko ang paa niya kaya hindi natuloy ang pagsipa niya sa aking mukha. Napatalon-talon pa siya sa kadahilanang hindi niya maibalanse ang kaniyang katawan.

Susuntukin sana niya ang aking mukha pero nakailag ako. Dismayado siya dahil hindi niya ako natamaan at hindi ko parin pinakawalan ang paa niya. Kung kanina siya ang ngumisi, ngayon ako naman ang mayroong halakhak.

Tinagilid ko ang kamay ko na hawak ang paa niya (twist). Tinulak ko soya at binitawan at napadaing siya sa sakit na kaniyang naramdaman. Siguro nadislocate ang joint nito sa paa. Susugurin ko sana siya pero itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay, tanda nang pagsuko sa aming laban.

Hindi ko na itinuloy ang pagsugod sa kaniya at sa halip ay tinalikuran siya. Masyadong mabilis ang pangyayari, mabuti nalang at naramdaman ko na may aatake sa likod ko. Napayuko ako at sinapak sa mukha ang aking kalaban at sinipa sa tiyan. Mas lalo pa siyang napadaing at mukhang gugulong na siya sa sakit na kaniyang naramdaman.

Sisipain ko sana siyang muli pero inawat ako ni Professor. Kahit labag sa sarili ko ay hindi ko magawang suwayin ang utos ni Professor.

"Hindi ka sumunod sa rule. Alam mo bang sa ginawa mo ay magkakaroon ka nang mas maliit na chance na makasali sa GOLD," pangaral ni Professor sa lalaki. Napayuko nalang ang lalaki.

Napailing ako at napatingin sa kalagayan nang kalaban ko. Hindi siya makakatayo nang maayos dahil sa pagtagilid ko kanina sa paa niya na sanhi nang pagkadislocate nito. Isa pa tinitiis niya ang hapdi sa sugat niya sa mukha at sakit sa tiyan niyang na sioa ko kanina.

Imbes na maawa ako sa kaniya ay walang bahid man lang nang awa ang nasa akin para sa kaniya. Hindi makatarungan ang pag-atake nanag isang tao sa likod nang kaniyang kalaban. Isa siyang hindi tunay na mandirigma kung kaya't mas mabuti na nasa kalagayan siyang ganoon ngayon. Para narin malaman niya ang kaibahan nang tama sa mali.

Natapos nang leksyunin ni Professor ang lalaki. Dinala ang lalaki sa clinic nang paaralan at doon igagamot ang sugat na natamo niya. Linapitan ako ni Professor at tinanong kung ayos lang ba ako. Tinanguan ko siya bilang sagot.

"Pinapatawag ka pala nang headmaster. Kanina pa niya hinihintay ang presensya mo, kaya bilisan mo," sambit nito. Tumango akong muli at pinulot ang mga gamit ko. Tumalikod na ako ngunit nakalimutan kong itanong kay Professor kung ano ang pakay nang headmaster sa pagpapatawag sa akin.

Dumiritso nalang ako sa opisina nang headmaster. Kumatok ako nang tatlong beses pagkatapos ay pumasok. Nakita kong maraming ginagawa si Froinnickus. Tutok na tutok siya sa papel na hawak niya ngayon.

Umubo ako nang kunti para mapansin niya ang presensya ko. Hindi naman ako nabigo. Napatingin siya sa akin at inalok akong umupo. Umupo ako sa upuang nasa harap nang mesa niya. May kinalkal siya sa kaniyang hunos.

Binigay niya sa akin ang isang selyadong papel. "Naka-adress sa iyo ang sulat na iyan. Basahin mo at kung maaari ay ipaalam mo sa akin kung ano ang nasa sulat. Baka may masama itong hatid, o babala para sa ating lahat," tugon nito.

Tumango ako sa kaniya, "Sa aking silid ko nalang babasahin ang sulat na ito. At wag kang mag-alala, ihahatid ko sa iyo kung ano ang malalaman ko at kung ano ang nasa loob nang sulat."

"Mabuti naman kung ganoon. Sige, aasahan ko ang iyong presensya bukas nang umaga," sambit nito.

Nagpaalam na ako sa kaniya at umalis na sa opisina niya. Tumungo ako sa aking silid at umupo sa kama. Tiningnan ko ang nakaselyadong papel at nabasa ko ang pangalan ko doon Antonio Cartridge. Binuksan ko ito at kinuha doon ang isang sulat.

Sinimulan ko itong basahin.

                                Hulyo 25, 2***

Kagalang galang na prinsepe,

Magandang araw sa iyo!

Nais ko sanang iparating na nalalapit na ang araw nang ating pagkikita. At nalalapit narin ang paglusob namin sa palasyo. Ipinapa-alam namin sa'yo ang gagawin naming paglusob, sa kadahilanang magkaibigan ang iyong ama at ang aming hukbo. At nais karin makilala nang aming hukbong sandatahan.

Lahat kami ay tumututol sa mga patakarang pinapatupad nang reyna. Huwag kang mag-alala dahil ang reyna ang tanging pakay namin. Pinapangako namin na hindi magigiba ang iyong palasyo at maibabalik ka sa iyong palasyo para maupo sa tronong nararapat sa iyo.

Huwag mo sanang ipa-alam sa ibang tao ang aming plano. Kahit sa mga taong malalapit sa iyong kalooban ay ipinagbawal namin. Huwag ka rin magtiwala nang agad-agad sa taong malalapit sa'yo. Dahil, kung minsan ay mas masakit kapag malaman mong nagtataksil sila sa iyo.

Dapat ka ring mag-ingat dahil ang iyong kalaban ay nasa paligid lang. Nagmamanman sa iyong mga galaw. Huwag mong pabayaan ang sarili mo at mag-ensayo ka nang mabuti. Dahil ikaw at ikaw lang ang tanging maghahari sa lupaing ito, sa mundo nang Ethiopa.

                            Lubos na gumagalang,

                                       

                                         Fierro

Napatitig ako sa papel. Ito na ang senyales na dapat akong masali sa GOLD. Na dapat kong matuto kong paano lumaban.

Kahit kailan hindi ako maging tutol sa kanilang pag-aalsa laban kay Savana. Mas makakabuti pa iyon, makakatulong sila sa pagsalba sa kahariang Ethiopa mula sa kalaban.

Ilang minuto ang lumipas ay napagdesisyonan kong hindi ipagsabi kay Froinnickus ang sulat. Ayaw ko ring baliin ang sinabi sa sulat na dapat ako lang ang makaka-alam nang paglusob nila at mga plano nila.

May ideya narin ako kung sino ang nagpadala nang sulat na ito. Pero hindi ako sigurado kung siya ba talaga o ibang tao.

Tinago ko ang sulat sa ilalim nang aking cabinet kung saan walang makakakita nito nang madali.Hindi ko namalayan ang oras at oras na pala nang hapunan. Kinuha ko na rin ang aking balabal (cloak) at tinahak ang daan patungo sa dinner area namin.

Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako nang kaluskos sa gubat sa east side. Binalewala ko ito pero mas lumalakas ang kaluskos nito kaya lumiko ako papuntang east. Sinundan ko ang kaluskos at di ko napagtanto na nasa pusod na ako nang gubat.

Nawala ang kaluskos at tanging tunog nalang nang mga insekto ang aking naririnig. Wala naring sinag nang araw dahil takipsilim na. Hindi ako nakaramdam nang takot pero kabado ako ngayon. Nagpatuloy ako sa paglalakad, nang napagtanto kong wala na talaga ang kaluskos na narinig ko kanina ay babalik na sana ako sa paaralan. Ngunit biglang nagsi-ilaw ang mga lampara sa gilid nang bawat puno.

Nagulat ako dahil may mga lalaking naka-itim ang nagsilaban. Pinalibutan nila ako. Hinanda ko ang sarili ko baka sakaling aatake sila sa akin. Nagulat ako nang hindi man lang sila umatake sa akin. Ang mas ikinagulat ko nang yumuko sila sa akin.

May tumalon na isang lalaki mula sa punong nasa harapan ko. Napangisi siya nang makita ako at yumuko nang kunti bilang paggalang. Pagkatapos ay tiningnan niya ako.

"Mabuti naman at naparito ka, mahal na prinsepe," tugon nito na ikinagulat ko.

"Ikaw si Fierro?" nag-aalangang tanong ko sa kaniya na ikinalawak nang ngisi niya.

"Hindi ako, pero kasama ako sa hukbo ni Fierro," tugon niya. "Halika at sumabay sa aming kunting

salu-salo bilang pagtatanggap namin sa iyo dito sa aming kampo. Gusto ko ring makilala mo nang husto ang mga may matataas na posisyon sa aming hukbo."

Kahit nagdadalawang isip ay tumango ako sa kaniya. Masinsinang ngiti ang sinukli niya sa akin. Pumasok kami sa isang kubo at doon nakita ko ang hapag-kainan na puno nang pagkain. Nag-aalangan akong tutuloy doon

Nakita niya siguro ang aking pag-aalinlangan kung kaya't nagpakilala siya sa akin, "Ako nga pala si Walter Apphiar, ang kanang kamay nang aming pinuno na si Fierro."