webnovel

Paalam Muna Sa Ngayon

Kilalanin ang tatlong characters sa kakaibang kwentong di nyo malilimutan... Ito ang aking First Installment sa aking Ibraim Sorrento Novel Universe... Happy Reading at ihanda ang inyong puso sa pagbabasa.

IbraimSorrento · Urbano
Classificações insuficientes
19 Chs

Chapter 1 - ELIJAH

Malamig ang umagang iyon... isa sa mga araw ng huling linggo ng buwan ng November. Marahang naglalakad si ELIJAH papasok sa kanyang eskwelahan na di kalayuan sa kanilang bahay. Masarap sa kanyang pakiramdam ang paglanghap ng hangin sa umaga. Iba na ang simoy nito... malamig sa pakiramdam, hudyat na nalalapit na ang kapaskuhan.

Tumingala si Elijah upang makita ang mga puting ulap. Malamyos pa ang tama ng liwanag sa mga ito. May ngiti sa mga bilugan ngunit maamong mga mata ng binatilyo. Ilang buwan na lang ay magtatapos na siya ng highschool. Sa ngayon doon lamang niya ginugugol ang kanyang isipin. Malimit niyang sinasabi sa sarili na ang buhay ay mahiwaga, na hindi mo alam kung ano ang pangako ng bukas.

Pero malakas ang kutob ni Elijah... na laging may hatid na bagong simula ang bawat umaga.

Sa di-kalayuan mula sa kanyang nilalakaran ay narinig na niya ang mahihinang boses ng mga ibang estudyante na papasok na rin tulad niya. Ilang bloke na lamang ay mararating na niya ang kanyang eskwelahan. Marahang lumiko si Elijah sa isang makipot na iskinita na pag labas mo ay may tatawirin kang daan na kung saan ay napapayungan ng mga punong-kahoy. Tahimik ang daan na ito at paborito niya dinadaanan dahil na rin hindi masyadong dinadaanan ng ibang estudyante. Si Elijah ay isang taong masasabi mong medyo bukod kumpara sa karamihan.

Medyo nakakahingal din para sa kanya ang paglalakad na iyon. Ngunit patuloy lamang siya habang patuloy rin na pinupukaw ang kanyang atensyon ng mga naggagandahang puno sa kanyang nilalakaran nang may narinig siyang mabibigat na mga hakbang... mabibilis... na papalapit mula sa kanyang likuran. Bago pa man niya itong lingunin ay narinig niya na nagboses ang may-ari ng mga yabag na iyon...

"Hoy!" Matigas at ma-awtoridad na bulyaw nito.

Isang binata na siguro'y mas matanda sa kanya ng ilang taon ang ngayo'y nasa kanyang harapan. Itsurang brusko. May mga nangigitim na bigote at balbas na tanda ng hindi pag-ahit ng mga ilang araw. Messy ang buhok at may katangkaran sa kanya. Sa bukas na puting polo na gusot na nagpapakita ng puting sando sa loob, black pants at isang kupas na backpack na nakasampay sa kanang balikat nito ay masasabi niyang estudyante rin ang binata tulad niya.

"B-bakit?" tanong ni Elijah sa mahinang boses. Nakaramdam siya ng kaunting takot. Sa kanyang pagkakatingala dito ay masasabing galit ang mukha nito.

"Pakalog!" sigang sagot nito na ang ibig sabihin ay magbigay siya ng pera.

Alam ni Elijah na iilang pirasong pera lamang ang laman ng kanyang wallet. At lalo na sa kalagayan nila ngayon ay masasabi mong mahalaga ang bawat piso.

"Sakto lang ang meron ako dito." tugon niya.

Ngumisi ang sigang binata at walang anu-ano hinatak ang bag ni Elijah at agad hinalugad ang kinaroroonan ng wallet. Pilit naman nanlaban ang kawawang binatilyo lalo na nang makitang nakita na nito ang kanyang wallet at ngayon ay hawak hawak at winawagayway pa sa kanang kamay.

"Akin na 'yan!" sigaw ni Elijah habang pilit na kinukuha mula dito ang kanyang wallet.

Walang siyang kalaban-laban sa mas malalaking braso nito. Ngunit kailangan niyang makuha ang kanyang wallet. Itutuloy sana ni Elijah ang paglalaban nang lumagapak ang isa... dalawa... tatlo... at ilang mga sumunod pang mga suntok sa kanyang mukha at ang ilan ay sa kanyang tiyan at dibdib.

Bagsak ang walang kalaban-laban na binatilyo sa kalsada... nanlabo ang kanyang mga paningin habang naririnig pa niya ang mga papalayong yabag ng binatang tumangay ng kanyang wallet...

*****