webnovel

3 Chapter 2

Chapter 2

- Jacob's POV -

Nandito kami ngayon sa sasakyan at magkatabi kami ngayon sa likod ng sasakyan.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Tapos na. Ikaw ba, gaano ka ba ka-excited ara di kumain?" Tanong nito, parehas kaming natawa.

"Kumain ako. Nagugutom na kasi ako ulit." Saad ko.

"Sumubo ka ng kaunti pagdating natin. Para makain ka parin kapag kumain na sila." Saad nito at ngumiti. Napatingin naman ako sa kamay kong hawak nya parin.

Ayaw ata nyang bintawan ang kamay ko, ahh.

"Yung sinasabi mong pangarap mo? Totoo ba yon?" Tanong ko sa kanya.

"Shempre, oo. Natupad na ang pagiging model ko, ang maging sikat, ang makagraduate ako, ngayon ang makapangsawa ako. Iyon na ang last." Saad nya at ngumiti sa akin.

"Kelan mo gustong makaanak?" Wala sa sariling tanong ko.

"As soon as possible.... Kung ok lang sayo." Saad nito at humagikgik.

"Ewan. Basta kung kailan biyayaan." Saad ko at pasimple syang inakbayan. Napatingin naman sya sa akin.

"Chansing ka, ahh?" Saad nya.

"Hindi naman, ehh. Ikaw nga tong ayaw bitawan kamay ko, ehh." Saad ko at nginuso ang kamay naming pinipisil-pisil parin nya.

"Nakakaasar ka." Saad nya at binitawan ang kamay ko.

"Luhh, inaasar lang naman kita, ehh. Wala naman akong sinabing bitawan mo..." Saad ko sa lambing na tono.

"Tsk." Singhal nya at hinawakan ulit ang kamay ko at pinisil-pisil ulit iyon. Masaya kaming nag-uusap habang nasa byahe. Marami agad akong naman tungkol sa kanya.

"Nandito na po tayo." Saad ng driver at tiningnan kami sa rare mirror. Bumaba sya sa kotse at tinulungan akong ayosin ang gown ni Hannah. Hawak namin ni Hannah ang gown nya habang paakyat kami ng hagdan. Tumigil kami sa kwartong nakalock kanina.

Binuksan ko iyon at sabay kaming pumasok. Ibinaba ko ang gown nya at wala sa sariling hinawakan ang ripper ng gown nya at ibinaba.

"A-anong ginagawa mo?" Tanong nya sa akin habang nakatingin sa salamin.

"T-tinutulungan lang kitang alisin yung gown. S-Sorry muhkang di mo nagustohan yung ginawa ko." Saad ko at pumasok na ng banyo. Pagkatapos kong magbihis ay kumatok ako galing sa loob.

"Tapos ka na ba?" Tanong ko galing sa loob.

"Oo, pwede ka ng lumabas." Saad nito at lumabas na ako ng kwarto.

"Sorry nga pala sa ginawa ko kanina." Nahihiyang saad ko.

"Ok lang. Wag mo nalang uulitin." Saad nya at pilit na ngumiti. Inilahad ko ang kamay ko at kinuha din naman nya. Nilagay ko iyon sa braso ko at sabay kaming naglakad pababa. Naiilang ako dahil sa ginawa ko kanina. Matapos namin sa reception ay nagkayayaan kaming mag-inuman.

"Oyy, Hannah. Inom ka." Yaya ni Neo. Umiling lang si Hannah at inilayo ang alak sa kanya. Ako nalang ang kumuha noon at nilagok. Unti-unti akong nawawala sa tamang huwesyon. Kung ano-ano ang ginagawa namin ngayon ng mga kaibigan ko. Hindi ko na alam ang nangyari at nagising nalang ako, umaga na.

Hilong-hilo ako ngayon at parang bibiyakin ang ulo ko. Napatingin ako sa tabi ng side table may note doon at may gamot para sa hangover. Binasa ko kung anong nakasulat doon.

Inumin mo ito para mawala ang hangover mo. Kumain ka narin kung gutom ka na. Baka tulog pa ako pagnagising ka. I love you

-Hannah

Napangiti ako dahil sa huling bahagi ng sulat nya napatingin ako sa kanya habang natutulog. Kunuha ko na ang gamot na naroon at ininom. Makalipas ang dalawang araw ay lumipat kami ngayon sa bahay na regalo nila Mommy para sa amin.

Masasabi kong sa mga nagdaang araw ay nahulog na ang loob ko sa kanya. Hindi sya mahirap mahalin. Mabait, masigla, malambing, masarap kasama. Habang tumatagal ay minamahal ko sya ng minamahal. Ganon din ang nakikita ko sa kanya.

"Bro, ohh. May bagong post misis mo. It's my lucky day." Basa nito sa caption ni Hannah sa bagong post nya.

Ano naman kayang meron?

"Sige, uuwi na ako. Tapos na trabaho ko." Saad ko at umalis na. Pagkauwi ko sa bahay ay naroon si Hannah sa sala, nanonood.

"Hi, misis." Bati ko sa kanya galing sa may pinto.

"Hi, mister. Kumusta?" Saad nito.

"Ayos lang, ikaw?" Tanong ko habang nagtatangal ng sapatos.

"Ayos lang. Nagshoot kami kanina." Saad nito at uminom ng ginawa nyang fruit shake.

"Maayos naman?" Tanong ko at sumandal ako sofa katabi nya. Tumango naman sya.

Lumipas ulit ang ilang araw ay laging wala si Hannah sa bahay. Lagi syang may pinuntahan. Nagulat ako ng bigla silang nagsisigawan ni Neo sa labas ng office ko.

"Ang kapal ng muhka mo! Pinagmumuhka mong tanga best friend ko! Pwede mo namang sabihin sa kanya nararamdaman mo! Wag mo lang syang paglaruan!"

"Oo! Hindi ko sya mahal! At wala kang paki don!" Sigaw ni Hannah at tumalikod pero nagulat ng makita ako sa likod nya. "J-jacob..." Bulong nya at dali-dali akong hinawakan.

"Jacob, let me explain!" Mabilis nyang saad at hinahawakan mga kamay ko.

"Narinig ko na. Wala ka nang dapat ipaliwanag." Saad ko at tumalikod na.

"Jacob! Jacob! Please! Let me explain! Please! Wag naman ganito!" Saad nya pero hindi ako nakinig. Pumasok ako ng office ko at hinayaan syang kumatok ng kumatok. Maya-maya ay nawala na ang boses nya at biglang may kumatok ulit.

"Jacob, it's me." Saad ni Neo pagkatapos kumatok.

"Anong problema? Bakit ganon ang narinig ko?" Malungkot kong saad.

"Nalaman ko kasi... May karelasyon sya... Kahapon lang daw naging sila sabi ng mga kakilala ko. Tapos nung sasabihin ko na sayo bigla nalang nya akong pinigilan." Saad ni Neo tapos binigyan ako ng alak. Hindi ko namalayang tumutulo na pala lahat ng luha ko.

"Hindi ako makapaniwalang maririnig ko iyon sa kanya. Bakit sya pa ang nagsabi non?! Bakit sya pa?! Bakit?!" Sigaw ko at uminom ng alak na bigay ni Neo.

"Iiyak mo lang yan. Makakalimutan mo din ang babaeng iyon. Wag mo muna syang isipin ngayon. Pero sigurado akong makakalimutan mo sya, hindi man ngayon,pero balang araw." Saad ni Neo.

--- To Be Continued ---