Chapter 1
- Hannah's POV -
Ngayon ay nandito na kami sa hotel. Inaayosan na nila mga kasama ko at ako at nakatingin lang sa kanila.
"Ang gaganda talaga ng mga kaibigan mo, anak." Saad ni Mommy at humalik sa pisnge ko.
"Mga artista at model ang mga yan, mom. Kasamahan ko sa mga modeling yang mga yan, eh." Saad ko naman.
"Mas maganda ka parin." Nakangiting saad ni Mommy.
"Sus. Kaya nyo lang yan sinasabi kasi ikakasal na ako."
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo." Saad ni Mommy sabay ngiti. Natapos na silang lahat at ako namanang inayusan nila. Pagkatapos kong ayusan ay nagselfie muna ako at nag-post sa instagram ko. Tapos ay naghanda na ako papunta ng simbahan.
- Jacob's POV -
"Are you ready?" Tanong ni Mommy habang nasa byahe kami papunta sa hotel.
"Mom, im ready. But not excited." Saad ko ng walang kabuhay-buhay.
"Alam mo, maganda ang mapapangasawa mo. Nakita ko sya kahapon sa bahay nila at ang ganda nya, sobra." Saad ni Mommy pero hindi ko na iyon pinansin. Pagdating namin sa hotel ay dinala na agad ako nila Mommy sa hotel room. May isang room doon na hindi nila pinapasokan.
"Mom, para saan ang room nayon?" Turo ko sa kwartong nakalock.
"Kwarto nyo mamaya yan ni Hannah." Tanging sagot ni Mommy. Pagpasok ko ng hotel room ay nandoon na ang mga kaibigan ko.
"Akala ko busy kayo?" Tanong ko at may ngiti sa labi.
"Pwede bang palagpasin namin kasal mo? Ikaw nga tong babaero pero ikaw pa unang ikakasal." Pang-aasar ni Neo at nagtawanan lahat ng mga hunghang.
"Tsk! Ikakasal na nga't lahat-lahat, inaaway nyo pa ako!" Saad ko at nakitawa sa kanila.
"Bro, nakita mo na ba ang mapapangasawa mo?" Tanong ni Neo, umiling lang ako. "Ano bang pangalan?" Tanong ulit nito.
"Hannah Levis." Sagot ko at may tinype sya sa phone nya saka iniharap sa akin ang picture ng isang babae.
"Maganda sya, bro. Saka... Model sya." Saad nito habang pinapakita pa ang iba. Nagulat ako ng i-follow nya iyon.
"Bakit mo fi-nollow?" Tanong ko at tumingin sa kanya.
"Ang ganda, ehh." Saad nito at tiningnan pa ang iba post ni Hannah. "Oww. May bago syang post." Saad nya at lumapit ako para makita iyon. "Future Mrs. Lovera. Wow, bro. Pinagmamalaki ka!" Sigaw nito at binatokan ko naman sya.
"Naririnig kita. Katabi mo lang ako, ohh. Di mo kailangang sumigaw."
"Sorry na." Saad nito at tiningnan ulit ang picture.
Maganda nga sya. At muhkang excited sya pero ako, hindi.
"Taposin mo na yan, anak. Pupunta na tayong simbahan. Alas-dos na." Saad ni Mommy at tinulungan na akong mag ayos. Pagtapos namin ay dumiretso na kami sa simbahan. Pagdating namin doon ay marami ng tao. Nandoon na ang mga kaibigan ko.
"Mare!" Biglang sigaw ni Mommy at may niyakap na isa pang babae. "Mare, ito pala ang anak ko. Si Jacob, sya iyong mapapangasawa ng anak mo." Saad ni Mommy at tiningnan naman ako ng isa pang ginang mula ulo hanggang paa.
"Bagay sila." Tanging saad ng isang ginang. Di ko alam pero may parte sa aking gusto na syang makita.
"Tita!" Sigaw ng maraming babae at tumingin sa akin.
"Sya ba ang groom?"
"Ang gwapo nya."
"Bagay sila ni Hannah."
"Maganda kalalabasan ng magiging anak nila." Sunod-sunod na komento ng mga babaeng nasa harapan ko ngayon at tinitingnan ako.
"Girls, calm down, kayo ba ikakasal?" Masungit na saad ng byanan ko.
What the fuck, Jacob!?
"Sige na mag-i-start na tayo." Saad ng byanan ko at pinakilos na kaming lahat. Maya-maya ay may lalaking lumapit sa byanan ko.
"Tita, dumating na po sya." Saad ng lalaking nagpakaba sa akin. Maya-maya ay pumesto na ang lahat at isa-isa ng naglakad. Nang ako na ang maglalakad ay lahat ng atensyon ay nasa akin. Taas noo akong nalakad at saka tumabi sa bestman ko.
"Proud na proud, man? Excited ka, noh?" Mapanuksong saad nito. Inirapan ko lang sya. Parang ang lahat ay nagslow motion ng bumukas ang pinto ng simbahan.
"Ayan na..." Bulong ng katabi ko, sinamaan ko naman sya ng tingin. "Yiee" pang-aasar pa ulit nito. Nag-angat ng tingin ang asawa ko.
Wow! Grabe ka talaga, Jacob!
Naglakad na sya habang kumakaway sa mga kaibigan nya. Nakangiti ito at parang punong-puno ng saya. Parang iyong tunay na ikakasal. Di ko alam pero nakangiti na rin pala ako. Habang nakatingin sa kanya.
Unti-unti syang humarap sa akin at nagtama ang paningin namin. Maganda na nga sya, maganda pa mga mata nya. Bigla syang tumigil at nakipag-usap sa mga magulang nyang nasa harapan ko pala. Tapos ay nakipagbeso sya kila Mom and Dad.
Paglingon nya sa akin ay wala sa sariling inilahad ko ang kamay ko, namalayan ko nalang iyon ng kunin na nya. Nagtitigan pa kami saglit bago ko ilagay ang kamay nya sa braso ko. Sabay kaming naglakad papunta sa harap ng altar at nagkatinginan pa muna kami bago humarap sa pare. Wala ako sa focus habang nagmimisa. Nakatuon ang atensyon ko sa babaeng katabi ko.
"Ehem! Baka matunaw na yan, hindi ko pa naaanunsyong kasal na kayo." Saad ni father kaya binalik ko sa kanya ang atensyon ko. Nakita ko sa gilid ng mata kong tumingin sya sa akin pero hindi ko nalang pinansin iyon.
Nagpatuloy pa iyon at parang napakahaba ng isang oras na misang iyon. Ngayon ay pinatayo na kami para magsuot ng singsing. Tapos ay humarap kami kay father at aksidenteng ng lapat ang kamay naminsa lamesa.
Sabay kaming napalingon at pareho kaming napangiti. Tumingin ako ulit ako kay father pero hindi ko na binitawan ang kamay nya. Habang may sinasabi si father ay pinipisil-pisil nya ang kamay ko. Lihim naman akong natatawa.
At ngayon ito na ang inaantay ng lahat. "And now, i pronounce you, husband and wife." Saad ni father at binigyan kami ng tig-isang tingin. "You may now, kiss your wife." Saad nito at ngumiti. Wala sa sariling napatingin ako sa katabi ko ay nakita kong namumula na sya.
"Hindi pa nga kita nahahalikan, namumula ka na? Pano paghinalikan na kita? Baka tumakbo ka sa labas at nagsisisigaw." Biro ko para pagaanin ang hiyang nasa kanya. Bahagya syang natawa. Wala sa sariling itinaas ko ang belo nya at mabilis syang hinalikan.
Biglang naghiyawan ang mga tao kasabay ng palakpakan. Parang ayoko pang bintawan ang matamis nyang labi dahil sobrang lambot nito. Mabilis kong tinanggal ang labi ko at ngumiti sa kanya. Magkahawak parin ang kamay namin at ngayon ay pinipisil-pisil parin nya iyon.
"Congrats!" Sigaw ni Mommy at lalapit na sana ako para yakapin sya pero nauna nyang yakapin ang kasama ko.
"Congrats, hijo." Saad sa akin ni Tita Gisele. Tumango at ngumiti lang ako sa kanya. Tapos ay humarap ako kay Mommy na kausap parin ang asawa ko.
"Nasabi sakin ng mama mo yung pangarap mo. Matutupad mo na iyon, hija." Masayang saad ni Mommy, ako naman ay naguluhan.
"Ano yon?" Wala sa sariling tanong ko. Tumingin naman sila sa akin pareho.
"Sya nalang ang tanungin mo." Saad ni Mommy at lumapit kay Tita Gisele.
" Ano yung sinasabi ni Mommy'ng pangarap mo?" Tanong ko ng makalayo na ang dalawang ginang.
"Magkababy." Tanging sagot nya at tinanaw ang mga ina naming masiglang nag-uusap.
"Parang sila ang ikinasal." Wala sa sariling saad ko.
"Oo nga. Mas masaya pa sila satin." Pagsang-ayon nya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at nagulat ako dahil nakatingin sya sa mga labi ko. "Ang gwapo mo. Lalo na pagnakangiti." Saad nya dahilan para lalo akong ngumiti.
"Thanks." Saad ko at ninakawan sya ng halik sa pisnge at dali-daling naglakad papunta sa mga kaibigan ko.
"Nakita ko yon, ahh." Saad ni Neo hanang nakatingin sa akin ng mapanuksong tingin.
"Tsk. Wala kang paki." Saad ko.
"Wag mong sabihing na love at first sight ka sa kanya?" Saad ni Neo.
"Baliw." Tanging sagot ko.
"Oyy, yung kaibigan ko, na love at first sight." Saad ni Neo. Biglang may yumakap sa kanyang babae.
"Sya ba fiance mo?" Tanong ko kay Neo at tumango naman ito bilang tugon. "Ganda ahh" saad ko.
"Hoy, ikaw. Wag mong sasaktan ang best friend ko ha?" Saad nito na ikinagulat ko.
"B-bestfriend mo si Hannah?"
"Oo." Saad nito at naglampungan na ang dalawa sa harap ko. Napailing naman ako.
Kahit kelan, ang landi nitong Neo nato.
Naglakad na ulit ako at lumapit kay Mommy. "Son, where have you been?" Tanong ni Mommy.
"Doon po, kinausap ko si Neo."
"Sige na, ayon si Hannah, ohh. Puntahan mo na sya, pumunta na kayo sa hotel." Saad ni Mommy.
"Sa inyo ako ni Daddy sasabay." Saad ko.
"Hindi. Sa iisang sasakyan kayo ni Hannah, sasakay."
"What??" Saad ko.
"Kung ayaw mo, ok lang naman." Biglang saad ni Hannah galing sa likod ko.
"N-no. Sige, tara na, sabay na tayo." Saad ko at kinuha ko na ang susi ng kotse na nakay Mommy.
--- To Be Continued ---